"Wala eh iniwan ako ng lahat." Matapos kong sabihin iyon ay nagpaalam muna ako kay Adam na pupunta kang ng CR. Pagpasok pasok ko palang sa loob ng CR ay doon ko inilabas ang lahat ng iyak ko. Ayokong magmukhang mahina sa harap niya dahil baka sabihin pa niya ay nagpapaawa ako. Napahawak ako sa harapan ko at tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Minsan natatanong ko ang sarili ko kung bakit buhay pa ako. Bumuntong hininga ako at ngumiti. Pinunasan ko ang luha ko at naghilamos. Inayos ko ang sarili ko at inihanda ang sarili para kay Adam. Pagbalik ko ay naabutan kong may katawagan si Adam sa cellphone pero agad din itong nagpaalam sa kausap niya nang makita ako. "Tara na." aniya at nauna siyang lumabas habang ako naman ay sumunod lang. Huminto kami sa isang sasakyan at pumasok

