Tatlong araw na ang nakalipas noong nagkita kami ni Adam. Hanggang ngayon ay tandang tanda ko ang tattoo na nasa kaliwang dibdib niya, iyong pangalan ko. Napabuntong hininga ako at tuluyan nang pinunasan ang mukha para alisin ang make up ko. Kakatapos ko lang magperform. Napatingin naman ako sa poster ng anak ko hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin siya. Isinilid ko sa bulsa ng bag ang poster at inayos na ang mga gamit ko. Dumaan muna ako sa office ng manager ko para kunin ang sweldo ko. Pagkatapos ay umalis na ako. Tulad ng nakasanayan ay bumili na naman ako ng pagkain sa Jollibee sa halagang isang libo. Pumwesto ako sa gilid ng kalsada at nang may makita akong mga bata na namamalimos ay tinawag ko sila at pinakain. Ilang minuto pa ay nagsimula na akong maglakad pauwi. "Aray!" samb

