Found
"Pustahan, pustahan,"
Hindi ko mapigilan ang matawa habang nakikinig sa mga kasama ko na hindi pa rin tinitigilan ang usapang iyon.
"Hindi pumoporma 'yong si Yap, imposible."
Narito kami sa Twin Line Hotel, isa sa mga hotel nina Zera sa syudad, gaya ng napag-usapan. Ipinasara ang pool area ng hotel para lang sa amin dahil hiniling niya iyon sa Daddy niya.
Kasama namin ang ilang mga kaibigan at kakilala na naaya din kanina sa church, they planned to stay here until night for some night swimming and pool party pero uuwi din dahil may mga klase sila bukas, hanggang lunch lang sana but per Zeraphine's request, pumayag na din ako.
Welcome party daw nila sa akin. Hindi sana ko papayag dahil hindi naman necessary pero hindi ko na nagawang makatanggi pa sa mga babaeng magpipinsan na Montefalcon na siyang nagplano ng lahat.
"Ang kontrabida mo, Kuya Lee mambabae ka na nga lang."
Napangiwi na lang ako nang itulak ni Zebby sa pool ang pinsan na si Lee na siyang katalo nito. Umani iyon ng tawanan sa lahat ng nakikinig at kasama na ako doon.
"Mambabae ka na lang kasi, Lee!"
Nailing na lang ako nang sumali na sa kantyawan si Harper na suportado pa ang nakababatang kapatid na si Zebby.
"Darating ba si Primo?"
Tanong ko sa katabi ko sa kabilang recliner na si Zera. Nanonood lang din ito sa iba at nakikitawa gaya ko.
After church kasi ay ihinatid ni Charley ang kakambal na si Primo sa schedule nito, biglaan daw iyon at hindi niya inaasahan dahil Sunday.
"Baka dinner na daw, Ate. Hindi makapull out dahil hectic ang biglaang schedule ngayong araw."
Tumango lang ako saka umayos ng higa sa recliner, I put my sunglasses on and stared at the clear blue sky above. Mataas na ang araw at nearing lunch na din.
Some are laughing while talking about some random things, ang iba ay naliligo na sa pool dahil masarap sa balat ang tubig lalo na't kataasan ng araw at ang ilan naman gaya namin ni Zera ay narito lamang sa gilid.
"By the way, inihahanda na daw ang lunch sa patio, they will call us na lang kung okay na."
Umayos ako ng upo saka itinaas ang suot na sunglasses at humarap kay Zeraphine.
I sighed.
"Aren't this too much? Hindi ba nakakaistorbo?"
This is a five star hotel alright, halos araw araw ay busy ang staffs nila at ngayong araw ay dumagdag pa kami.
"Don't worry, Ate." she smiled reassuringly at me, "Ngayong araw ang may pinakakonting guests since it's Sunday."
Tumango na lang ako at nailing bago nilingon ang mga nasa pool. Narito ang mga kaibigan ko noong junior high sa Town States, konti lang sila at madami lang ang nadagdag dahil sa mga kaibigan nina Zera at ang ibang malapit sa mga magpipinsang Montefalcon.
We got along just fine at wala namang kahit na anong naging problema. They like gossiping about other people but I think it's normal, human nature naman na iyon.
"Ngayon lang dumating, saan ka galing?"
Lumingon ako sa gawing iyon kung saan ay may nangibabaw na ingay. Naroon ngayon si Charley at kausap ang mga pinsan, hindi iyon kalayuan kaya't rinig ko ang mga ito.
"Binalikan ko pa si Yrah sa simbahan at inihatid sa kanila nang maihatid si Primo."
"Yrah? Elise 'yong kadate mo kahapon, dude!" natatawang kantyaw ni Harper.
"Gago, sinet-up mo 'yon, unggoy!"
Humagalpak lang ng tawa si Harper saka muling inilubog ang sarili sa pool upang lumangoy at maya't mayang umaahon upang makipagdaldalan sa iba.
"Sila pa rin pala ni Yrah."
Rinig kong bulong ni Zera na hindi ko na lang pinansin. I don't have time to deal with Charley's life especially with that part.
Tinawag na din kami ng isang staff para sa lunch. Ang mga nasa pool ay umahon upang makapagbihis at ang ibang tulad namin na hindi naman basa ay dumiretso na sa patio. Hinintay lang namin ang iba bago nag-umpisa sa pananghalian.
"The foods are great."
Puna ni Erica sa mga pagkain na sinundan din ng ilang puri mula sa iba.
Nasa malapit lang sa amin ang chef kaya't lumapit pa ito para sa mga katanungan ng iba especially the new faces to me na nakaline sa cookery ang strand. They asked questions and the chef was actively answering.
I think sila 'yong mag-e-HRM or something like that. Kailangan nga naman iyon para na rin sa paghahanda sa training or OJT for last year ng senior.
I took up humanity strand when I was in Canada at ipagpapatuloy iyon dito. I planned on taking up education at college, bachelor of art or something like that. Arts Teacher ganon, pero gusto ko talagang maging kindergarten teacher.
"This is a five star hotel for reason I guess,"
Nagkibit balikat lang na sabi ko nang tanungin ang opinyon ko saka uminom ng tubig nang matapos kumain at hinarap ang dessert. I don't eat too much since I want to maintain my figure. Ngunit dahil hobby ko ang pagkain ay minsan ko lamang ito nagagawa.
"Oh, I remember. Your Mom's a chef right, Aina?"
Tumango ako sa tanong ni Trisha saka tipid na ngumiti.
"So you're good at kitchen, too?"
Nakiusyo na din ang iba at nailipat sa akin ang ibang mga mata. I even heard the jerk beside me chuckled because he knew how I sucks at it.
I just glared at him before smiling at Klare. Umiling ako sa tanong nito, she's Zebby's friend if I'm not mistaken. Ngumuso ako saka mahinang natawa.
"I don't really have a future in the kitchen, laging disaster ang inaabot sa tuwing sinusubukan ko."
Nagtawanan ang iba at nailing sa sinabi ko. They even joked and I just laughed with them. I don't really like the topic kaya't pinagaan ko na lang iyon.
We opened another topic while the others are still eating, some are gossips at iyong iba naman ay mga katanungan lamang, kadalasan ay sa akin.
And as usual, talk about particular person especially girls never left the conversations, lalo na sa tuwing ang mga lalaki ang mag-uumpisa ng usapang iyon.
"Nakailang boyfriend ka na, Aina?"
Nasa mukha ng kaibigan kong si Karylle ang kuryuso nang magtanong ito. Napaisip naman ako sa tanong nito.
I started counting on my fingers, remembering some of my exes and past relationships with them.
"Eight? I think it's just eight." nag-isip pa ako bago siguradong tumango, "Yeah, it's eight."
Hindi ko natatandaan halos lahat ngunit sigurado akong walo lang ang pinasok kong relasyon. Pihikan kasi ako at hindi nagseseryoso, most of them ay hindi nagtatagal, mayroong isang inabot ng kalahating taon sa Canada ngunit wala din.
He was my last ex-boyfriend. Half Filipino. Our relationship was just fine and normal like the others. I think it's our differences and incompatibility was the one ruined it.
"Kasama na sa walo iyong binugbog nitong si Charley noong second year?"
Itinuro pa ni Lee si Charley na nasa katabing upuan ko, bumaling ako dito saka nag-isip bago ibinalik ang iba ang tingin.
"Oh, kung kasama siya ay nine." kasama ang lalaking iyon ay siyam nga, "Siyam lang."
"Parang nagbilang lang ng sukli si Ma'am."
I glared at the guy beside me.
"Shut up, Sir. Siyam nga lang, e."
He just wiggled his brows at me, napaikot na lang ako ng mga mata dito saka pasimpleng tinadyakan ang paa niya na nasa ilalim ng mesa.
Bahagya itong napadaing sa sakit na ikinangiti ko ng malaki.
"Pangsampo si Alistair."
Nailing na lang ako habang natatawa sa sinabi ni Paula, they had been insisting na mag-eend up kami together ni Ali samantalang kakakilala ko lang doon sa tao.
Maybe Ali's just being friendly or something like that, since my father's friends with his family. They are giving too much meaning to it.
"Walang babae, Lee?"
Umiling ang katabi kong si Lee dito sa gilid ng pool, nearing dawn na din at wala nang kahit na sinong nasa tubig, ang iba ay naghahanda para sa party mamaya at ang iba ay narito lang din sa gilid, nagkwekwentuhan at nagtatawanan.
Zera and his girl cousins are nowhere to be found, siguro ay naghahanda din since sila ang organizer.
"Marami sana kaso walang gana." humalakhak ito matapos iyong sabihin.
Nailing na lang ako dito at ilang sandali pang nanatili doon bago nagtungo sa mga kaibigan ko nang tawagin ako ng mga ito.
"Hindi ba't close kayo ni Charley, Aina?"
Nagkibit balikat ako sa tanong ni Paula saka umupo at nakihalo sa kanila. Most of their group was my classmates way back in junior.
"Bakit?"
Itinuro naman nito ang katabi niyang babae. I don't remember her name pero nakakasalamuha ko siya kanina pa. She's new I think. Isinama lamang nang makita kanina sa church dahil kakilala din ng iba.
"Ireto mo naman 'tong si Vana kay Charley, ang tagal nang may gusto pero hindi pinapansin."
Namula ang magkabilang pisngi ng babaeng nagngangalang Vana na itinuro ni Paula saka yumuko na para bang nahihiya.
"Ano ba, Paula nakakahiya."
"Sus, huwag ka nang mahiya, Vana si Aina naman 'yan at kung talagang gusto mo iyong si Charley ay kailangang may gawin ka."
Si Erica iyon na bahagya pang siniko si Vana at sinang-ayunan naman ito nina Trisha at Karylle.
My gaze just went at the girl named Vana, hindi siya makatingin lalo na sa akin at nang mag-angat ng tingin at masalubong ang akin ay nag-iwas lang din ng tingin.
Charley may be wearing glasses ngunit matinik din sa mga babae ang isang 'yon gaya lang din noon at mas lumala pa ngayon.
And this girl, she's too shy, hindi ganito ang mga tipo ni Charley kaya siguro ay hindi napapansin. I know his types, hindi man gaya ng kina Harper at Lee but he's not into shy type of girls, mas gusto niya iyong marunong makipagsocialize at friendly.
At isa pa, may girlfriend yata ang gagong 'yon ngayon.
"So, ano, Aina?"
Bumaling ako kay Paula saka nagbunga ng hangin at tipid na ngumiti habang umiiling.
"May girlfriend siya ngayon, e."
Binalingan ko si Vana na bumaba din ang balikat na ngayon ay nakatingin na din sa akin. I just smiled at her apologetically.
"Pero nakadate niya iyong classmate niya kahapon kahit na sila pa rin ni Yrah." Karylle reasoned out.
Hindi na nakakagulat ang sinabi niya dahil magkakapareho lang naman ang magpipinsan na 'yon pero base sa narinig ko ay isinet-up lang yata iyon ng lokolokong si Harper.
"Maybe you can score them a date too. Isa lang, Aina birthday gift mo na kay Vana since birthday niya the weekend after this coming week."
I sighed at them, si Trisha na huling nagsalita ay puno ng pag-asa ang mga mata. Ginamit pa talaga iyong birthday.
"I don't know,"
Umiling ako saka tinignan si Vana, I smiled at her.
"I'll see what I can do."
Lumiwanag ang mukha nito at lumaki ang ngiti. Gayon din ang iba na yumakap pa akin mula sa tagiliran. Nailing na lang ako habang natatawa sa mga ito.
"Pero wag umasa, hah. I'm not promising anything."
Mabilis namang tumango si Vana na nagpasalamat. She's nice alright, too sweet, too kind and too shy. Sayang kung sa gagong si Charley lang siya mapupunta, pero 'yon naman ang gusto niya kaya bahala na.
"Let's make a toast for Shekhaina Eve's return!"
Walang ingay akong natawa at nag-angat na din ng baso gaya ng iba dahil sa sinabi ni Zebby. We made a toast for me at nagtawanan matapos iyon.
Nag-umpisa ang party at exactly 7:00PM after dinner, dim and lights at may iilang iba't ibang kulay na ilaw sa paligid, nakakabit sa mga puno at mga pillar sa area.
May mini stage din kung nasaan ang disco and we have KL Montefalcon as a DJ, not an official one though.
"You can really rock any outfit just fine at iyong curves."
I laughed at Lors' compliment and jokily thank her. Actually ako ang may pinakasimpleng outfit sa party na 'to with my ruched front scallop trim crop cami top and denim short shorts, simpleng lita boots lang din ang ipinares ko dito ngunit kapansin pansin pa rin.
Ang iba kasi ay bikini, maong shorts at see through dresses, ang mga lalaki naman ay naka-Hawaiian, shirts at cargo shorts ngunit karamihan ay topless at umiinom habang nagtatawanan sa pool kasama ang ibang girls.
"Bakit pala masyadong simple? Not so you."
Uminom ako sa cocktail na hawak bago sinagot ang tanong ni Kath. She's an old friend too, same with Lors. Mga classmates ko noong first year sa junior high.
"Simple intimate party lang naman at tayo tayo lang."
I looked around and found everyone enjoying the party, they are having fun. Ang mga kaibigan ng mga Montefalcon na magpipinsang Cordova ay narito din, may ilang kakilala din sila na naaya mula sa kabilang school.
The great Charley even brought his girlfriend here, not sure if dinala niya o kusang nagpunta dahil sa common friends na narito. Narinig ko lang kay Harper kanina.
"Hey, sorry nalate."
Ngumiti ako saka umiling kay Primo na lumapit sa akin, mukhang kararating lang nito. Late sigurong natapos at traffic pa.
"It's alright, ang importante ay dumating ka."
Nagpunta lang siya dahil intimate party lang naman at kakilala niya halos lahat ng invited.
"Staying for tonight? Ipapaayos ko ang mga kwarto kung oo."
Umiling ako.
"Uuwi din mamaya siguro before midnight. Monday bukas at may mga pasok sila."
Balak ko din sanang mag-enroll bukas para makapagsimula na sa klase the next day kung sisipagin ako at itong si Primo naman ay home schooled.
Nang lumalim ang gabi ay mas umingay pa dahil may tama na ang iba dahil sa alak. Lumakas din ang music at ang halakhakan ng mga sumasayaw doon sa gitna. The party was a blast.
I was just sitting at the corner and watching them, nakisayaw din kanina ngunit umalis din doon. I only drank a few glass of cocktail kaya't hindi pa ako lasing.
"Ate Aina, can you go find Kuya Charley? Nearing midnight na, e."
Ipinalibot ko ang tingin saka bumaling kay Zera.
"Nasubukan mo na bang tawagan ang cellphone niya? Baka nakikihalo lang sa iba."
Umiling ito saka bumuntong hininga.
"He left a while ago with Yrah at hindi ko pa nakikitang bumalik mula kanina."
Tumaas ang kilay ko at lihim na nailing. This is after all a hotel at pagmamay-ari nila. Walang makakapigil kay Sir na gawin ang gustong gawin kasama ang girlfriend nito rito.
"We should just let them be, baka ay nasa isang room o sulok lang at nag-uusap or something like that."
Zeraphine didn't agree and still insisted on finding his brother, kanina pa kasi nakaalis si Primo at si Charley ang maghahatid sa amin pauwi.
"Okay, let's go find him. Dito ka sa area at sa iba ako."
Umalis ako doon saka nagtungo sa ibang parte ng hotel, naghanap ako sa ground floor at sinundan ang hallway na mayroon nangtataasang pillar, papunta ito sa malaking fountain sa gilid na parte ng hotel na may simpleng garden din para sa guests.
I was searching the place when I found two individuals eating each other.
"Oops."
Napaatras ako at hindi na tumuloy. Nanatili lamang ako sa palikong hallway at hinintay silang matapos.
That wasn't shocking, marami na akong nakitang ganon, I do that too. Kissing and making out, sa tatlong taon ko sa Canada ay madami akong na-experience sa teenage years ko.
"I love you, still."
Pinagdikit ko ang mga labi upang hindi matawa, that was cringe alright. At sa boses ng babae ay para iyong maiiyak.
Wait, is that Yrah? No way!
"So this is goodbye then,"
Napanguso ako, I can't hear the jerk's voice. Are they breaking up? For real? But, kaka-meet lang namin ni Yrah finally tapos ay ganito?
Napaatras ako nang may dumaang babae, nakayuko ito at humihikbi habang naglalakad palayo sa lugar. That was Yrah, girlfriend ni Charley, did they broke up for real?
Nagtungo ako sa patio at nadatnan doon si Charley na mukhang paalis na din. He stopped when he saw me.
"What was that? Girlfriend mo 'yon, hindi ba?"
Ilang sandali ako nitong pinakatitigan bago nagtaas ng kilay at nagbuga ng hininga.
"I just end it with her."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya saka ipinatong ang mga braso sa dibdib.
"So ganon ka makipaghiwalay, you'll give the girl a goodbye kiss in a french."
Puno ng sarkasmo akong ngumiti dito,
"Ang sweet naman ni Sir."
"She asked for it, halik lang naman at hindi ako madamot sa bagay na 'yon."
Nagkibit balikat pa ito na ikinaikot ng mga mata ko. He's really a jerk.
"Asshole."
Muli itong nagkibit balikat saka mahinang natawa.
Umikot ang mga mata ko saka inilang hakbang ang pagitan naming dalawa hanggang sa ilang pulagada na lang distansya namin mula sa isa't isa.
"Anyway, kanina pa kita hinahanap. Ihatid mo na kami ni Zera dahil late na."
Tumango ito saka binasa ang mga labi.
"Let's go then, gusto ko na ring umuwi."
Sumunod ako sa kaniya sa paglalakad at humabol hanggang sa magpantay na kami.
"Come to think about it naghiwalay na kayo ni Yrah, means single ka na ulit."
Tumatangong sabi ko nang maalala si Vana at ang hiniling sa akin nina Paula kanina. Maybe I can score them a date that weekend, sabi nga nila ay birthday daw ni Vana.
"Bakit? May balak kang mag-apply?"
Binangga ko ang siko niya saka tinaasan siya ng kilay. Ang kapal talaga ng isang 'to.
"Excuse me, hindi kita type 'no at hinding hindi kita papatulan."
I even hugged myself and acted like I'm having goosebumps.
Mahina siyang natawa saka lumingon sa akin habang naglalakad pa rin kami.
"Ano ba ang tipo mo? Iyong intsik na hindi naman singkit?"
He smirked at me. Inikutan ko lang ito ng mga mata.
"Kaysa naman sa'yo, singkit ngunit walang lahing intsik."
Tinawanan lang ako nito na pabiro kong inikutan ng mata at siniko.
"May irereto ako, gusto ka daw pero hindi mo pinapansin."
Ngumiti ako saka pumuwesto sa harapan niya dahilan upang mapahinto ito. Inabot ko ang salamin niya saka iyon isinuot, pinagpatong ko ang mga kamay sa dibdib.
I stared him, wearing his glasses, mas maliwanag ang mukha niya kung wala ito gaya ng kakambal. Hindi talaga malalamang magkambal sila ni Primo kung hindi pagtatabihin.
"Wala akong tiwala dyan lalo na't ikaw ang nagrereto."
Namilog ang mga mata ko saka hinampas siya sa braso.
"Just see it for yourself, birthday niya din the weekend after this coming one, kaya i-date mo na."
Pinaningkitan ako nito ng mga mata saka umiling.
"It's a no, Shekhaina Eve."
But I was persistent, I kinda like Vana at siguro kapag shy type ang dinate ng lalaking 'to at magustuhan niya ay may magtatagal na sa kaniya.
"It's just a date, you don't need to put too much effort into it kasi try lang naman saka you're single at walang mali kung ide-date mo siya since nang de-date ka din naman ng iba noong kayo pa ng girlfriend mo."
Bahagyang umawang ang labi nito habang nakatitig sa akin ngunit pinagdikit din nito iyon kapagkuwan ay napabuntong hininga.
"Fine. If, just if, I'm going to date someone who only likes me, sa tingin mo ba ay mag-eenjoy siya kung siya lang ang interesado sa aming dalawa."
That went into my mind, pero pwede naman sigurong itry. Nasubukan ko na ang blind dates with my friends in Canada.
"But she's nice, she's kinda shy type but I like her." kinda, or may slight.
I blink my eyes enumerable times to show him my puppy eyes ngunig hindi manlang nagbago ang mukha nito.
He just sighed then fixed his eye glasses on my face. Inayos niya iyon at kapag kuwan ay ngumisi.
"Gumaganda ka pala kapag ikaw ang may suot ng salamin ko."
Tinabig ko lang ang kamay niya nang mapansing iniiwas na naman niya ang usaping ayaw niyang pag-usapan.
"Matagal na akong maganda, Charley at lalo pang gumaganda."
"That's not what I'm saying, Ma'am."he smirked, "Gumaganda ka dahil malabo ang mga mata ko kung wala iyan."
Hinampas ko lang siya sa braso saka inikutan ng mata, hindi naman talaga malabo ang mga mata ng gagong 'yan. Tinawanan lang ako nito.
"Nasaan si Zeraphine?" tanong ko sa nakasalubong na si Zebby.
Itinuro lang nito ang isang sulok kung nasaan ang mga kaibigan nito saka nagpatuloy sa paglalakad, my eyes followed her and I just shook my head when she went on his brother.
"Ohmygod!"
Mabilis akong napalingon sa gawi kung nasaan si Zera dahil sa tili at mabilis ang lakad nagpunta doon nang makita siyang nalaglag sa pool.
"Charley, the towel!"
Pinuntahan ko kaagad si Zera ng matulungan ng ilang kaibigan na makaahon. Dumalo ako doon at lumayo naman ang mga kabigan nito nang tulungan namin ito ni Charley sa pagpupunas.
"What happened?" tanong ni Charley sa kapatid.
Nag-iwas ng tingin dito ang nakababatang kapatid at nagbaba lamang ng tingin. Something really happened, hindi ko kasi nakita ang nangyari, iyong nasa tubig na siya lang ang nakita ko.
And I think she don't want to talk about it especially in front of her brother.
"Mamaya na 'yan, she should change her clothes first. Basang basa siya."
"Alright,"
"I wanna go home, now." mahina ang boses na sabi ni Zera.
Nagkatinginan kami ni Charley, halatang hindi nito maintindihan ang sinasabi ng kapatid, bumuntong hininga na lang ako.
"Alright, uuwi na tayo."
Binuhat ni Charley ang kapatid na ayaw tumayo sa kinasasalampakan at nagtungo sa sasakyan, nakasunod lamang ako sa kanila at sabay sabay na kaming umuwi nang hindi manlang nakakapagpaalam sa iba.
"How was the party?"
Natigil ako sa pagpanhik sa hagdan nang marinig ang boses ni Daddy, lumingon ako sa sofa at nadatnan siya doon.
"Dad,"
Lumapit ako dito saka humalik sa pisngi niya bago umupo sa pahabang sofa.
"I thought you're already asleep, late na po."
Nag-angat ito ng tingin mula sa binabasang papeles saka ngumiti sakin at inilapag iyon sa center table.
"I was waiting for you."
"Hindi ka na dapat pang naghintay, Dad. Late na. Anyway, the party was a blast, ginabi lang ako dahil nanggaling pa ako kina Charley."
Tumango ito saka inalis ang suot na salamin at hinilot ang pagitan ng mga mata. He must been working even if it's sunday.
"Let's talk about it tomorrow, Eve bigla akong inantok ngayong narito ka na."
Mahina akong natawa saka tumango lang dito. Muli akong nagpaalam dito na saka pumanhik na patungo sa silid ko.
Paglabas ko ng banyo matapos magshower ay narinig ko ang sunod sunod na pag-iingay ng cellphone ko.
Inabot ko iyon mula sa bedside table saka umupo sa gilid ng kama. It was posts from different person, mga pictures na kasama ako sa party kanina.
I liked every posts and replied to every comments that I am tagged in. Karamihan doon ay ang iba kong classmates na lalaki noong junior high at ang ilang kaibigan sa Canada.
I viewed stories and clicked every notifications but the one that really caught my attention was the only friend request I had today.
It was from fifteen hours ago. Without visiting his wall, I accepted his request.
Bumalik ako sa pagscroll sa timeline ko, halos mga pictures lamang iyon kanina sa party, may mga messages din kung bakit daw bigla kaming nawala nina Charley at Zera.
I just explained some details ngunit hindi lahat. Then another message popped up, nakagat ko ang pang-ibabang labi.
He found me, then now this. I don't know how, siguro ay sa mga common friends namin.
Alistair Yap: I found you haha
I don't know why but I found the 'haha' at the end of the message awkward for him. Siguro ay ginamit nito iyon to make it lighter.
Ako: You did haha
I replied, hindi ko din alam ang sasabihin actually. Mas alam ko ang mga sasabihin in person.
Alistair Yap: I saw the pictures from our common friends, nagparty pala kayo
We have common friends, bakit kaya hindi siya naimbitahan?
Ako: Yup, it was a welcome party for me actually. Inihanda ng mga Montefalcon
I saw the three dots moving, pinanood ko iyon habang hinihintay ang reply niya, then it disappeared, at ilang sandali lamang ay lumabas ang profile at pangalan nito sa screen ng phone ko.
"Sorry, I'm not really into chats. Nawawalan ako ng sasabihin."
He slightly chuckled from the other line. His voice was horse, it was baritone in person at ang husky sa call.
"Ahm, ako din actually." mahina akong natawa, "I'm usually hesitating about my words."
Nakatitig lang ang sa kisame at bahagyang napapakagat sa pang-ibabang labi habang nasa kanang kamay ang cellphone na nakatapat sa tainga.
"So, uhm, good evening,"
Binuntutan nito iyon ng mahinang pagtawa. Napanguso ako at napapangiti.
"Umaga na, Ali." pagbibiro ko.
He chuckled again and the sound of it makes me smile.
"Yeah, just want to greet you good evening. Hindi ko kasi nagawa kanina."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napaikot sa kama padapa.
"Ahm, nabusy kasi sa party the whole day and, uhm, ngayon lang nakapag-open at naaccept iyong request."
"It's alright, Shekhaina Eve. Mabuti na lang ay hindi ako nakatulog."
Wait, was he waiting for me? Napaawang ang labi ko, gusto ko sanang itanong ngunit napagpasyahang huwag na lang. It doesn't matter anyway.
"Ahm, just call me Aina or Eve. Masyadong mahaba ang buong pangalan." I chuckled.
"Eve then, since everyone calls you Aina."
Nailing ako doon at walang ingay na natawa. It was a call already, pero hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko.
"It was a long day for you, hindi ka pa magpapahinga?"
Sa sinabi niya iyon ay naramdaman ko bigla ang antok at ang pagod, napahikab ako at nabasa ang gilid ng mga mata.
"Now that you mentioned it, naramdaman ko tuloy."
Mahina pa akong natawa na ikinatawa din nito.
"So, uhm, you should rest."
Tumango ako.
"You too, late na."
"I will." bumigat ang paghinga nito mula sa kabilang linya, "Goodnight, Shekhaina Eve."
I smiled
"Goodnight, Alistair."