Kabanata 3

4403 Words
Next time Iniunat ko ang mga kamay saka ilang beses na humikab bago maluha luha ang mga matang inabot ang cellphone ko sa katabing mesa ng kama. Kinusot ko ang mga mata habang binabasa ang mga mensaheng natanggap. I replied at some at hinayaan lamang ang ilang greetings. Ako: Good morning, din I leaned my back at the headboard of my bed then comb my hair using my fingers while watching the three dots moving up and down one after another. Napakabilis niyang mabasa ngunit napakabagal magtipa ng tugon na mensahe. Napabuga na lang ako ng hangin saka bumangon sa kama upang magtungo sa banyo at maligo. "All girls ka pa la, balak ko nga sanang doon na lang din sa school mo but I don't like all girls schools." I took a bite from my sandwich after talking, maagang umalis si Daddy at kailangan maaga din ako ngayon dahil mag-eenroll ako. "Sinasabi mo lang 'yan dahil lalaki lang ang habol mo sa school." Napanguso ako at kaagad na umangal sa kausap na si Amethyst mula sa kabilang linya, mukhang naghahanda ito sa pagpasok ngayong araw. "Knowledge ang habol ko, Thyst since school ang papasukan ko at hindi club." I laughed at the last part that made her snorted out from the other line. We finished talking after agreeing to meet later after school. Lumabas na din ako ng bahay at naglakad hanggang sa labas ng subdivision upang humanap ng taxi na sasakyan papunta sa school na napili. Alistair Yap: Hindi naman, just got arrived. Papasok na sa gate. Ikaw ba? We've been exchanging messages for quite some time now, hindi pa rin nasusundan ang huling pagkikita noong nakaraang Sunday pero medyo hindi na casual sa isa't isa. Ako: I arrived early kaya nakapag-enroll na din at naghahanap na ng classroom ngayon Hindi na nagtagal at nahanap ko rin ang classroom. I felt my phone vibrated ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil mayroon nang nagtuturo sa loob. The introduction was short, nagpatuloy ang klase at gaya ng nangyayari sa mga klase ko ay hindi buo ang focus ko sa lessons. Lumilipad kung saan saan ang isip ngunit nakakasagot naman. I really envy those students na nakakapag-focus talaga ng buo sa klase at nagagawa pang mag-advance reading before the lesson. Ako kasi hindi ko iyon kayang gawin, parang may mga bagay na mas importante para sa aking gawin kaysa doon. Siguro ay dahil din sa madami akong kaibigan at may mga hilig na walang koneksyon sa pag-aaral. "Cafeteria tayo, Aina." Tumango ako kay Lors saka kinuha ang bag at sumunod na din palabas sa kanila ni Kath. We have 30 minutes break before the next class. Another two hours na naman iyon gaya ng nauna at isang one and a half hour pa mamayang 2:00 PM. "Fresh orange juice lang, Kath." Nag-abot ako ng cash kay Kath na siyang nagpresintang bumili ng mga pagkain namin. Halos magkakaklase kaming tatlo sa lahat ng subjects. "So, why humanities?" Nag-angat ako kay Lors na nakaupo sa kaharap na upuan sa mesa kung nasaan kami. "I wanna teach, mag-eeduc ako sa college." Tumango ito saka binuksan ang laptop, ibinalik ko naman ang tingin sa cellphone na hawak. Ako: Just taking a break, katatapos lang ng unang klase Nang matapos ang unang klase ko lang nareplayan ang message ni Ali, isa lang naman iyon at mukhang alam niya na nasa klase na ako kaya't hindi na nakareply. "Akala ko ay science and tech din ang kukunin mo. I can't imagine you teaching, anyway." Bahagya akong napanguso sa sinabi ng kaibigan. "Bakit naman?" Nagkibit balikat lang ito at ngumiti sa akin. Nailing na lang ako saka binasa ng natanggap na mensahe. Alistair Yap: How was it? Ako: Just the usual Ngumiti ako at nagpasalamat kay Kath nang ilapag nito ang orange juice sa harapan ko. "I heard Yrah Uceda dropped out, kaya pa la ilang araw na siyang hindi pumapasok." "Akala ko ay may sakit lang dahil iyon ang sabi sa excuse letter." Nakuha ng pinag-uusapan nila ang atensyon ko. I know that girl, siya iyong ex-girlfriend ni Charley, last Sunday lang sila nagbreak doon sa patio sa Twin Line. "Girlfriend ni Charley 'yon, hindi ba?" "Ang sabi ay nakipaghiwalay daw si Montefalcon, ilang araw na hindi lumalabas sa kwarto si Yrah, iyak lang ng iyak at ayaw makipag-usap kaya't nagpunta ang parents niya dito sa school." Kwento ni Kath habang kami ni Lors ay nakikinig dito. "Pinatawag si Charley sa office." Bahagyang napaawang ang labi ko ngunit itinikom ko din iyon saka tumango. Sa pagkakaalam ko ay madalas naman talaga silang magpipinsan sa disciplinary office at karamihan ay ganitong case din. "Hindi ba't ang oa naman ng ganon?"si Lors, "It's just a mere break up." "Tatlong buwan din sila, pinakamatagal ni Charley." She's overreacting but I get where it's all coming from. Mukhang minahal niya talaga si Charley and since umabot na sila ng ganon katagal ay akala niya siguro ay finally nagbago na ito. That's just my calculation anyway, dahil pwede din naman na mayroong isang bagay siyang ibinigay na hinding hindi niya na mababawi dahil akala niya ay nasa tamang tao na siya ngunit sa huli ay hindi pa pala. "Just let it, sigurado namang may malalim siyang dahilan for acting like that." Pakikisabad ko saka nagkibit balikat. Sumang-ayon namang iyong dalawa. "Though sayang lang, Yrah is a nice person, marunong makipagsocialize at sobrang friendly." Napatango na lang ako sa sinabi ni Kath. Yrah Uceda do have a good image, marunong makipagsocialize at talagang malawak ang circle of friends. I heard about her from Zebby and her girl cousins and friends dahil kahit ang mga ito ay malapit kay Yrah. I already met her actually and I can say na totoo ang lahat ng rumors tungkol sa kaniya. She's really nice. "They just broke up, Erica kagagaling lang noong tao sa relasyon tapos ay magrereto kaagad?" Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaibigan ko. We went to eat lunch together with the others at ngayon ay narito sa cafeteria upang magpalipas ng oras. At heto nga, they're at it again. Hindi naman iyon actually masama, it's just that I want to respect Yrah. Mas masasaktan iyon kung malalaman na kabi-break lang nila ay may iba na kaagad na idini-date iyong si Charley. She believed that he changed and serious about her tapos ay ganon. "Date lang naman, Aina hindi naman magiging sila kaagad at ano bang problema doon? E, ikaw na nga ang may sabi na break na, ibig sabihin ay wala na sa isang relasyon at malaya na." I sighed at Erica's reason. Hindi ko alam kung anong iniisip nila, madali lang naman na kumbinsihin si Charley pero iyon nga, si Yrah. "Hayaan mo na, Erica she's considering Yrah's feelings, too." si Lors. Muli akong nagpakawala ng hininga at sumandal sa kinauupuan. My eyes went on the girl in front of me, nasa ibaba na naman ang tingin nito at mukhang nahihiya. "Why are you concerned about that girl?" Naibaling ko ang mga mata sa nagsalitang si Paula at nagpatuloy pa ito. "E, kasalanan naman niya iyon. She hoped too much and believed na seryoso at nagbago na para sa kaniya iyong tao. He didn't even courted her." It's true that he didn't even courted her, hindi naman kasi iyon nanliligaw. Pero hindi naman basehan iyon kung seryoso ba siya o hindi and umasa lang naman si Yrah dahil akala nito ay totoo ang pinapakita ni Charley, he made her feel like it's real and showed her what he feels about her is genuine. Kahit sinong babae naman siguro ay maniniwala sa ganoong set up. And in Charley's case, maybe he's serious but misunderstood again, siguro ay normal na sa kaniya na ganon siya sa loob ng isang relasyon. Maybe he compromised enough and gave chances enough kaya't umayaw na din. I don't want to judge, ayaw kong pumanig sa kahit na sino lalo na't base lang naman sa mga naririnig at sabi sabi ang nalalaman ko. But these people, they're all taking Charley's side and put all the blame on Yrah na parang bang siya lamang iyong may kasalanan sa lahat ng nangyari. And I hate that, "Bahala kayo, ayaw kong makialam doon. Kung gusto niyo ay kayo na lang ang kumausap kay Charley or it's even better if Vana will make her move without anyone's help." Inabot ko ang bag saka tumayo na mula sa kinauupuan at tumalikod doon. Talking with them is frustrating me. They are my friends but I don't like how they see and judge a situation, ayaw ko noong nanghuhusga sila nang wala namang alam at tanging ang narinig lamang ang basehan. "Why?" That low sweet voice stopped me from taking another step. Lumingon ako dito. "Bakit ayaw mo? Dahil ba talaga doon sa ex-girlfriend niya o dahil gusto mo ay walang kahit na sino?" "What?" Nag-iwas ito ng tingin at inilipat iyon sa ibaba. "Uhm, I heard rumors about you two way back in junior, and... ahm, ikaw lagi ang dahilan ng breakups niya... ayaw mo daw sa mga babae niya," Lumalim ang gatla sa noo ko, saka mahina at mapaklang natawa. I just can't believe of what I heard. Seryoso ba siya? "You can't say anything, dahil ba totoo? You don't like anyone? Bakit? Dahil gusto mo ay ikaw lang?" "Vana!" Saway ni Kath dito ngunit tinanguan ko lamang si Kath at hinarap si Vana. "Fine," Nag-angat ito ng tingin, naghihintay at naroon ang kasiguraduhan sa kaniyang mukha. Lihim na lang akong napaikot ng mata sa inasal niya. "I'll do it, I'll talk to him." May sumilay na ngiti sa labi nito at namula ang pisngi na lalong nagpalala na inis na nararamdaman ko. "Ahm, thank you," "Though, huwag ka munang ngumiti," What I said vanished her smile. Nakagat nito ang pang-ibabang labi at ako naman ang walang emosyong ngumiti saka hinawi ang buhok. "Because looking at you from where I stand, you look like a desperate and pathetic innocent bitch." Hindi ko na pinansin ang ilang pagtawag sa pangalan ko at nagpatuloy na lamang sa paglalakad hanggang sa makalayo doon. Set of hours passed and another class started ngunit ang mood ko ay ganon pa rin. I feel so frustrated lalo na't hindi ko iyon mailabas. Erica and Paula frustrates me and Vana pissed me off. Hindi ko makuha ang pinanggagalingan niya pero nakukuha ko ang punto niya. She may be shy and innocent but she's sly. "Class dismissed." Mabilis akong tumayo at kinuha ang bag ko saka lumabas ng classroom. Ako: Sa field lang ako ng school, message me when you get here Hindi na nagreply si Amethyst sa text ko ngunit nabasa niya iyon kaya't hinayaan ko lang. She'll be here after class gaya ng napag-usapan namin this morning. Inilapag ko lang bag sa bakanteng bench saka umupo doon, may kababaan na ang araw at hindi na mainit. Alistair Yap: Tapos na lahat ng klase mo? Ako: Oo, halos katatapos lang. Ikaw? I flipped back my phone and took a deep breath, tumingala ako sa itaas saka sandaling pumikit upang kumalma. Alistair Yap: Can I call? Now or later, May muling nagpopped up na mensahe sa screen ng cellphone ko habang nagtitipa ako ng mensahe doon. Alistair Yap: Kung pwede lang naman, if hindi ka busy Nailing ako at lihim na napangiti. He really acts this way sometimes. He may be fast at first meeting ngunit hindi ko akalaing ganito. Oh Alistair Instead of continue typing a message, I deleted it then pressed the call button beside his name. Gusto ko siyang makausap at hindi ko alam kung bakit. I sighed then smiled when he picked it up after a ring. "That was fast," I chuckled and he did, too. Napanguso ako ng bahagya habang nangingiti. "Ginulat mo ako, Shekhaina Eve." "I told you not to call me by my full name, Eve or Aina will do." Mahina siyang natawa at narinig ko naman mula sa background ang ilang ingay doon. Maybe he's with his friends. "Nagbibinata na si Yap!" Natawa ako sa pananaway niya sa mga kaibigan hanggang sa tumahimik ang kabilang linya, mukhang lumayo siya doon. "Sorry about that, magugulo at maiingay lang talaga sila." "It's alright." Ipinalibot ko ang paningin sa lugar, bihira ang makikitang estudyante dito at medyo mahangin. Nakakarelax. "So, uhm, nasa school ka pa?" Huminga ako ng malalim saka tumango na para bang nakikita ako ng kausap. "Hmm-mm," Rinig ko ang bahagyang pagbigat ng hininga nito. Then he blew a breath. "Uhm, okay ka lang?" Sa tanong niyang iyon ay bigla na lang may nalaglag na butil ng luha mula sa mata ko at kaagad ko naman iyong tinuyo. His question made my frustration back ngunit ngayon ay mas magaan na iyon, mas kontrolado at hindi gaya ng kanina. "You can hang up if you don't want to talk," Umiling ako saka nagbaba ng tingin habang ang cellphone ay nasa tapat pa rin ng tainga. "I called you because I want to talk, Alistair." I chuckled to make it lighter ngunit hindi gaya ng kanina ay nanatili itong tahimik mula sa kabilang linya. "I won't hang up," He sighed and didn't say anything. Nanatili kaming tahimik ngunit komportable. Walang nagsalita at tangin ang mga paghinga lamang sa magkabilang linya ang maririnig. And that silence calmed me down, gumaan ang loob ko. It helped me put back my thoughts at their right places. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari, it just did. "Feeling better?" Mababa ang boses na tanong niya matapos ang mahabang minuto ng katahimikan. Tumango ako at ngumiti. "Salamat," Mahina siyang natawa. "Wala akong ginawa, Eve." I pursed my lips and smiled. Hindi ako nagsalita at hinintay lamang na may sabihin ito. "You free after class? I mean ngayon?" "Hindi, e." Nakagat ko ang pang-ibabang labi, this will be the second time that I turned him down. "Ahm, me and my friend from other school planned to meet after class. Actually hinihintay ko na lang siya." Tumahimik ang kabilang linya. "Next time then," Mahina akong natawa doon at napangiti pagkatapos. "That'll be your second next time, Ali." Natawa din siya sa sinabi ko. "I'll make sure you'll say yes the next time." Tumango ako at bahagyang napanguso doon upang pigilan ang ngiti. "I'll say yes the next time, don't worry." pagbibiro ko. "I'll hold on to that." We hanged up the call after I received a message from Amethyst. Akala ko ay nasa labas na siya ngunit humihingi pa la ng despensa ang mensahe nito dahil hindi siya makakapunta. Something came up with her family at kailangan siya kaagad sa bahay nila. I sighed and just decided to go to the mall at itinext na lang si Dad na sunduin ako after niya sa office. Maybe I'll go shopping para naman malibang. Kung uuwi kasi ako ay wala din namang tao doon sa bahay dahil nasa office pa si Dad. I should have said yes to Alistair, hindi ko naman kasi inaasahan. "Nasaan ka?" Tumingin ako sa bagong kulay kong mga kuko at ngumiti. Instead of going out shopping, I ended up in a salon to get my nails done. "Nasa mall, bakit?" Inabot ko ang cash sa cashier bago lumabas ng salon. Nasa pangalawang palapag ito ng mall kaya't naglakad ako patungo sa escalator. Starbucks muna habang wala pa si Daddy. "Wala ka sa school after class," "May plans kami ni Thyst kaso may nangyari kaya't hindi siya nakarating." "Umuwi ka na." Bahagya akong napanguso sa sinabi niya. Uuwi naman na talaga ako, maghihintay lang ng sundo. "I will. Later." "Uwi na." Napaikot na lang ako ng mata nang ibaba nito ang tawag. Ang gagong Charley na 'yon, siya itong tumawag tapos ay siya pa ang magbababa. I composed a message after he ended the call. Ako: Gago! Nagtungo ako sa Starbucks at umorder lamang ng latte, hindi nagrereply si Daddy. Baka na stuck ito sa meeting o baka ay mag-oovertime. Kapag hindi pa siya dumating hanggang sa 7:00PM ay magtataxi na ako. Alistair Yap: Nakauwi ka na? Basa ko sa mensaheng lumabas sa screen ng cellphone ko habang nag-i-scroll sa isang social media. Ako: Nasa mall pa, hinihintay na lang si Dad. Ikaw ba? We exchanged messages from time to time through chat and come to think of it, he never asked for my number like how other guy did. Hindi ako bulag, I have experience with boys at nababasa ko kung ano ang mayroon sa mga kilos at ipinapakita ni Ali. Ang hindi ko lamang sigurado ay kung gaano iyon kalalim. Ano nga bang mayroon kay Alistair? "Shekhaina?" Nag-angat ako ng tingin at natigilan nang makita kung sino ang taong huminto sa gilid ko, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko ngunit hindi ko na iyon nagawa pang tignan. "It's really you, totoo nga na nakabalik ka na." He was sitting at the chair in front of me, sharing with my table while smiling, showing his dimples from both cheeks. His eyes are smiling and his stares are gentle. "Kaizen," I was taken a back for a second ngunit nakabawi din naman kaagad. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dito at pinatigas ang ekspresyon sa mukha bago siya muling hinarap. "Bakit ka narito?" Nawala ang ngiti nito at lumamlam ang mga mata. He gave me an apologetic look. "I'm sorry, hindi ko iyon sinasadya. I was just drunk that time," He tried holding my hand ngunit iniiwas ko iyon. He still has that gentle expression, those things about him that I would never forget. "Please, Shekhaina just hear me out." Ngayon ay nagawa niya nang huliin ang kamay ko at hindi ko na iyon magawa pang bawiin sa kaniya. He's holding it so tight that it hurts. "Let go, Kaizen." Matigas at buo ang boses na sabi ko ngunit umiling lamang ito. Tumayo ako upang mabawi ang kamay ko na hawak niya. Tumayo din ito at hindi nawala ang pagsisisi sa mukha at mga mata. He was gentle but I'm not soft. "I've been waiting for you to come back, nagsisisi ako sa ginawa ko, Shekhaina. Forgive me." Hindi ko na ito pinansin pa at inabot na ang bag ko saka ang cellphone at ang latte. Tumalikod ako rito at naglakad na paalis doon ngunit nang makalabas ako ay muli niyang nahuli ang pulsuan ko. Nilingon ko siya at pilit na binabawi ang pulsuan kong hawak niya. "I don't want to make a scene, Kaizen bitawan mo ako. I don't have anything to do with you." "Just let me talk, hear me out. I regret everything I did that night, Shekhaina. Just give me a chance." My fist clenched and my face became even more stoic. Everything went back in my mind and looking at his gentle face right now, it hurts. That night, "I won't show mercy the next time, didn't I told you that?" May humawak sa braso niyang hawak ang pulsuan ko. Sabay kaming napatingin doon. Lihim akong napangiti, I felt relieved somehow. "Nag-uusap pa kami, Montefalcon. Huwag kang makialam dito," "Bitaw." Walang kahit na anong emosyon sa boses nito, it was plain and dangerous. Nanatili ang mga mata niya sa akin, I shook my head at him when he gave me that usual look, nagtatanong iyon at umiling lang ako bilang sagot. Tumango ito bago inilipat ang mga mata kay Kaizen. "Bitaw." Kaizen let go of my hand and took a step back, kaagad namang inabot niya Charley ang kamay ko saka maingat na hinila paalis sa lugar na iyon. I can feel my insides trembling and I can feel his anger as he drag me. I kept looking down, seeing his face takes me back to that night and it brings back the fear I felt at the dark corner of that room. "Kailan ka pa niya ginugulo?" Huminga ako ng malalim saka tumingin kay Charley. "Ito ang una." Tumango siya saka nakapamulsang ibinaling lamang ang tingin sa harapan. Madilim na at ilang minuto na din ang lumipas mula nang mangyari iyon ngunit ramdam ko pa rin ang bahagyang panginginig ng mga kamay ko. We stopped at the bay walk where he took me. I can feel the freezing blow of the wind, it was gentle but cold. Its bleakness somehow sent calmness inside me. Freezing yet comforting. Ngunit tila hindi sapat ang lamig at ang magaang simoy ng hangin na tumatama sa akin upang alisin sa isip ko ang pagbalik ng alaalang iyon. That memory I have in the dark corner of that room. My limbs are trembling in just a thought of it. I already overcome that fear ngunit iba pa rin pala kapag nasa harap mo na iyong tao. The pain and fear mixed up together as they came back as one. "Ang tagal na, Eve. Nariyan pa rin?" Hindi ko alam kung tatango ako o iiling. I already overcome that fear three years ago, ngunit bakit bumabalik pa rin? Why can't I move on? I sighed at that thought. Muling namuo ang katahimikan sa amin, walang nagsalita o gumawa ng ingay. Tanging ang ilang mga sasakyan at ang ingay ng pagpalo lamang ng hangin ang maririnig sa aming pagitan. It was a deafining silence but a comforting one. "Bakit ka pala narito sa mall?" Tanong ko bilang pambabasag sa katahimikan. Hindi na siya nakasuot ng uniform kaya't siguradong nakauwi na ito bago mapadpad dito. "A girl asked me out, we're supposed to meet at the cinema kaso ay nakita ko kayo ng gagong iyon." Napanguso ako, he ditched a girl because of me, again. Ilang beses niya na ba itong ginawa. "Gago ka din naman." "Mas gago siya." Huminga lang ako ng malalim saka lumingon sa kaniya, nagsalubong ang kilay ko nang madatnan itong nakatitig sa akin. His stares are somehow intimidating, tila may hinahanap ito sa akin ngunit hindi iyon matagpuan kaya't iniinspeksyon na maigi ang aking mukha. Tinaasan ko siya ng kilay saka nginisian. "Huwang kang masyadong tumitig sa akin, baka bigla kang ma in love. I can't return back the feelings, Sir." I moved my brows ups and downs with a smirked formed in my lips. The side of his lips tugged up and he slightly chuckled. Ngumisi din ito. "Hindi kita type." Inikutan ko siya ng mga mata. "Then stop staring at me, baka magbago iyang sinasabi mo." Lalong lumaki ang ngisi ko at ganon din siya. Lalo itong lumapit sa akin at bahagyang yumuko upang magpantay ang aming mukha. "Hindi kita type, Ma'am you're not even a girl in my eyes." Umawang ang labi ko at itinulak ang mukha niya palayo sa akin. Mahina itong tumawa habang nasa akin ang tingin habang ako ay hindi na maipinta ang mukha at masama ang tingin na ipinukol sa kaniya. "Babae ako, gago." "Wala naman akong sinabing lalaki ka, ah." "Kasasabi mo lang!" Malakas ko siyang siniko ko na ikinadaing niya ngunit hindi nawala ang ngisi sa mga labi. Naroon pa rin ang pamimikon kaya naman ay pino ko siyang kinurot sa tagiliran na lalo niyang ikinadaing. Our loud and unending laughs filled the corner while teasing and arguing over nonsense things. And that's how I and Charley is. Alistair Yap: Enjoy then Alistair's message somehow felt cold, it feels odd. Something feels off when I texted him telling that I'm with a friend right now so he don't need to worry about me being out alone at night. "Charley?" "Yes, Ma'am?" Inikutan ko siya ng mga mata at mahina lamang itong natawa sa akin. "What about a date? This weekend." Lumingon siya sa akin nang magkasalubong ang kilay. Then he sighed. "I told you it's a no." Napanguso ako. "But you're just about to go out with some other girl earlier." Pagdadahilan ko. Vana pissed me off ngunit tutuparin ko ang sinabi ko. It was my way of pay back because of what she said. "That was different." "How come? Babae din naman iyong nirereto ko." He shook his head. "Iyon na nga, ikaw ang nagrereto kaya't ayaw ko." Muling sumama ang mukha ko at siniko siya sa tagiliran. "Sige na. Just this one. Promise, last na 'to." "There's always that next time to your every last time." Tinawanan ko lang ang sinabi niya. I figured out, too. Ang sabi ko noong huli akong nagreto ay huli na iyon. "So, it's a yes? This weekend at Saturday." Bumuntong hininga lang ito saka tumango. Lumaki naman ang ngiti ko. There it is, I already did my part. Si Vana na ang bahala. I just don't really like how she thinks of me, ayaw na ayaw ko ang isiping iyon tungkol sa akin, sa amin. Charley is just a friend, my closest friend at ayaw ko ng mga ganong isipin mula sa ibang tao. Those rumors and gossips will only ruin our relationship at hindi ko iyon gusto. Alistair Yap: I will call, Eve My heart pounded at that message, hindi ko maintindihan ngunit may kung ano doon. Lumabas ang mukha at ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. I took a deep breath before accepting his call. "Uhm, hello." Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang sagutin ang tawag. Ilang araw na rin mula nang nakausap ko siya sa phone sa field. We often exchanged messages this past few days without any particular reason kaya't nakakapagtaka ito ngayon. "Shekhaina Eve," There it goes again, that calm and husky voice of this man. The way he utter my name was melting, it was comforting and sending me this odd feeling. "Do you have something to say?" Saglit na natahimik ang kabilang linya. Rinig ko ang mabibigat na paghinga niya mula doon. "Good evening." Napangiti ako mahinang at natawa sa sinabi niya. It feels like our usual late night talks. Mmm, kinda missed it "Good evening, din." He chuckled from the other line making me smile even more. Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang nakatitig sa kisame. "Uhm, about my next time," Bahayang tumaas ang kilay ko sa narinig. "What about that?" Muling bumigat ang paghinga nito. Narinig ko rin ang bahagyang paglunok nito mula sa kabilang linya at ang tunog ng pagkalabit sa isang kwerdas ng gitara. What are you planning, Alistair? "Will you go out with me this Saturday?" His voice was low and husky, it was calm but his breath was uneven. Tila ba kinakabahan si Alistair sa isasagot ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi saka dahan dahang tumango. Napangiti ako. "I will."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD