Walk
Napahawak ako sa batok at isinandal ang likod sa kinauupuan matapos isara ang librong binabasa. Narito ako ngayon sa library dahil sa isang group study para sa reporting sa isang subject.
"Aina, heto na iyong part ko."
Inabot ko ang mga papel na iniabot ni Cherry at sinuri iyon. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"Ako na ang bahala sa rewriting at paggawa ng outline."
Binalingan ko ang iba na nasa mga libro pa rin ang atensyon. Iniangat ko ang cellphone na nakataob upang tignan ang oras. Napabuntong hininga ako nang makita iyon. Kaya pa la ramdam ko na din ang pagod.
Ipinilig ko na lang ang ulo at hindi ko na lang pinansin ang oras saka nagpatuloy na lang sa pagno-note ng informations sa mga librong binabasa. I used my iPad for my lectures, mas accurate kasi doon at ipini-print na lang after.
"Aina, ituloy na lang natin bukas. Late na, e."
Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Lors at napansin na nagsisinop na ang mga kasama ko. Hindi ko manlang namalayan nang mag-aya silang tapusin na ang group study dahil sa sobrang focus ko sa ginagawa.
"Mauna na kayo, tatapusin ko lang 'to."
"Masyadong nagsisipag si Aina, nakakahiya tuloy."
Mahina lang akong natawa sa pagbibiro ng kaklase at kagrupo naming si Andrei na bumalik pa sa pagkakaupo sa upuan at gumaya din ang ilang lalaki naming kagrupo.
Nailing ako sa mga ito habang natatawa, ngumiti ako sa mga kagrupo ko na nasa akin ang atensyon. Ako na lang kasi ang hindi pa nagsisinop at marami pang libro sa harapan.
"Tatapusin ko lang talaga, mauna na kayo."
Nakumbinsi ko din ang mga ito na mauna na kaya't ako na lang ang naiwan sa mesa namin. May ilang estudyante pa rin naman dito sa library.
Bumalik ako sa ginagawa. Ilang libro pa ang binuklat bago natapos ang parte ng report na sa akin ibinigay ng group leader na si Lors.
Pagbalik ko sa mesa matapos isinop at ibalik ang mga librong nagamit ay dinampot ko ang cellphone na gumagalaw dahil sa vibration.
Dinampot ko iyon habang inaayos ang mga gamit at sinagot ang tawag ni Zera.
"Night out this Friday, sa Clubhouse."
Mahina akong natawa sa salubong nito. Kinuha ko ang bag saka lumabas na ng library.
"Busy ako this friday at sa buong weekend, e. School works."
I heard her 'aww' from the other line, mahina na lang akong natawa habang naiiling.
"Bawi na lang ako next time."
Bumuntong hininga ito mula sa kabilang linya. May ilang ingay sa background at mukhang kasama nito ang mga pinsan o ang mga kaibigan.
"Alright, next time then."
Nag-aya din ang ilang friends ko this friday actually, siguro ay mga common friends lang din namin nina Zera ang mga kasama ng mga ito.
Mahilig din kasi talagang lumabas ang mga Montefalcon, madalas ay bigla lang nagkakaayaan o kaya naman ay nagkikita kita kahit an hindi planuhin. But the party was always a blast whenever they're around. Iba iyong hangin na dala nila, the vibes and such light atmosphere.
Kaya din siguro ay malawak ang circle of friend nila.
Hindi na rin natagal ang pag-uusap namin ni Zera. Tinanong lang nito kung nakauwi na ba ako at kung nasaan ako matapos ay nagpaalam na din.
"Ahm, Aina?"
Nag-angat ako ng tingin saka lumingon sa tumawag sa akin. My brows shut up. Nakasandal ito sa pader sa corridor at mukhang hinihintay ako.
What does she want again?
"Vana,"
Naglakad ito palapit sa akin at huminto sa harapan ko. Nagbaba siya ng tingin at pansin ko ang mahigpit na pagkakahawak nito sa bag na dala.
"Ahm, I'm actually here to say sorry about the other day."
Nag-angat siya ng tingin sa akin habang makamasid lamang ako sa kaniya.
"I think, uhm, I pissed you off dahil doon sa mga sinabi ko and... ahm, I'm really sorry."
Saglit ko siyang pinakatitigan, sorry was written on her tamed face. Napabuntong hininga na lang ako saka tumango.
"It's alright. Wala na 'yon."
Namungay ang mga mata nitong nakatitig sa akin at sandali pa ay muli siyang nagbaba ng tingin. She's really a shy type of a girl but my impression about her have changed.
"Anyway,"
Kinuha ko ang cellphone at hinanap doon ang number ni Charley saka ipinakita sa kaniya.
"Ito iyong number niya in case you can't reach him through social media. Pumayag siya sa date this Saturday with you."
Nanlaki ang mga mata nito nang muling mag-angat ng tingin. Kaagad niyang kinuha ang cellphone at kinuha ang numero na ipinakita ko.
"Thank you, Aina. I owe you."
I just smiled at her, mukhang may sasabihin pa ito ngunit nilampasan ko na dahil gusto ko na ding umuwi.
She shouldn't be happy for that, pumapatol sa mga retong ipinilit niya lang din naman. She shouldn't act desperate lalo na't napakaamo ng mukha niya. It doesn't suit her personality.
6:00 PM
Pumara ako ng taxi at nagpahatid hanggang sa subdivision namin. While inside I was still reviewing my schedule for tomorrow and this coming weekend at wala nga akong oras para lumabas kasama ang mga kaibigan dahil kahit sa Sunday ay kailangan kong magreview.
Kung lalabas man ako ay mag-isa lang din at sa isang coffee shop lang ang punta ko dahil mag-aaral lang din ako.
Charley M.
Nakauwi ka na?
Binasa ko ang recent na text message sa cellphone ko matapos kong makapag-half bath. Iyong tawag lang ni Zera ang in-entertain ko at ngayon lang ako nagbasa ng messages kahit na kanina pa may mga pumapasok na mensahe dito.
Ako: Yup
Inilapag ko ang cellphone sa kama habang nagsusuklay ng buhok at muli nanaman iyong inabot nang gumalaw.
Charley M.
I'm coming over
Kumunot ang noo ko, ano nanaman kayang kailangan nito?
Ako: Busy ako, mag-aaral
Sinuri ko din ang ilang messages na natanggap, mayroong galing sa mga kagrupo ko at nagtatanong samantalang mayroon din sa ibang mga kaibigan ko na namimilit sa darating na biyernes.
Nag-reply lang ako sa mga kaibigan ko na kailangan kong mag-aral at sinagot naman ang bawat tanong ng mga kagrupo na mayroong concerned sa report.
Charley M.
Literature lang
Ako: Bahala ka dyan
Nagpatuloy ako sa pagtitingin ng messages at nabuksan ang isa. Nanlaki ang mga mata ko nang may mga unread messages doon mula pa kaninang umaga.
Alistair Yap: Kumain ka na ba?
Ito ang pinaka recent na message niya. Parang ganon din naman ang iba niyang mensahe, asking about my whereabouts. Like sa lunch, kung kumain na ba ako at tuwing break kung anong ginagawa ko at iyong kung nakauwi na ba ako.
Charley M.
Madamot
Napaikot na lang ako ng mata nang mabasa ang nag popped up na text mula kay Charley sa screen, inalis ko lamang iyon doon at hindi na pinansin.
Instead I started typing a message for Alistair.
Ako: Yup. Sorry ngayon lang nakapagbukas kaya't ngayon ko lang nabasa
Ako: Good evening, anyway
I waited for minutes but he didn't replied. Hindi rin nito iyon na seen ngunit active ito dahil sa kulay green na bilog sa tabi ng litrato nito sa contact list.
I tapped Alistair's name at the active list and visited his profile. Tumambad sa akin ang mas malaki nang litrato sa profile niya, hindi gaya ng iba, hindi iyon selfie. It was a portrait.
He's wearing an oversized white shirt and a bucket hat that made his not so quite long and slightly messy hair down. Looking from it, mukhang nakatalikod ito at bahagya lamang na humarap nang kunin ang litrato, a great view of nature was at the background.
I saw the name of his school, his birthday and home town. Nagscroll pa ako pababa at napag-alamang marami din kaming common friends at nasa list din nito ang mga Montefalcon.
I kept scrolling down and see his posts, hindi siya madalas magpost at karamihan doon ay tags lamang. So I visited his i********: account, hindi iyon mahirap hanapin dahil nakalink na iyon sa account niya at nasa ibaba lamang ng bio.
Una kong tinignan ang stories niya. He have two.
Iyong isa ay litrato kung saan ay may kasama siyang babae, he looked annoyed with his hair all messy while the girl was grinning from ear to ear. It was from two hours ago.
Ang recent na posted forty five minutes ago naman ay picture ng laptop na nakapatong sa isang mesa na may background na sa tingin ko ay isang pool. Napansin ko din ang Hydro Flask niya sa gilid ng laptop, we have the same Hydro Flask.
I tapped the blue square bar and followed him, he's following me anyway kaya't in-follow back ko na rin. Nagpatuloy ako sa pag-i-scroll at pagtingin sa mga litrato doon.
Walang gaanong post doon kaya't ibinalik ko na din sa messages. Active pa rin ito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nasi-seen ang message ko kaya't hinayaan ko na lang saka nagtungo sa study table ko kung saan ay naroon ang mga gamit ko.
I started answering first the given homework for tomorrow, dalawa lang ang klase ko bukas at puro umaga iyon kaya't uunahin ko na ang homework sa isang subject dahil maglalaro lang naman ng volleyball sa PE bukas.
"...strike up the band, make the fireflies dance, silver moon's sparkling,"
Sinabayan ko ang kanta mula sa earphones na nakakabit sa magkabila kong tainga habang nagsusulat ng essay. It's the third and the last one for this homework.
"Kiss me, beneath the milky twilight. Lead me, out in a moonlit floor,"
Nasa dulong parte na ang kanta nang bigla iyong huminto. Napabaling ako sa cellphone ko nang maramdaman ang vibration doon.
Napaikot ako ng mata at saka in-swipe ang screen upang i-reject ang tawag saka nagpatuloy sa ginagawa. It was Charley, he'll just probably bug me for his literature class, essay siguro iyon o pagsulat nanaman ng tula o pag-o-observe sa isang topic gaya noong nakaraang linggo.
Nagpatuloy ako sa ginagawa at natapos ko din iyon. Binuksan ko naman ang laptop at sinuri ang bawat topic at informations na ipinasa sa akin ng mga kagrupo ko saka iyon ni-review at ni-rewrite.
May kaniya kaniya kaming gagawin, making an outline should be the leader's job but Lors is too busy, siya ang pumupuno sa butas ng grupo at kailangan niya ring aralin ang lahat. Maliit lang naman iyong part ko sa report kaya ay ako na ang nagpresinta.
"Midnight snacks?"
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Daddy, inalis ko ang isang earphone sa tainga. Ngumiti ako.
"Iced coffee would be great, Dad."
Tumango siya saka humalik sa gilid ng noo ko. Mukhang halos kadarating lang nito mula sa trabaho.
"I brought some waffles on my way home."
Lumaki ang ngiti ko at nasabik sa pagkain.
"Gimme some."
Mahina itong natawa saka bahagyang ginulo ang buhok ko bago nagpaalam na bababa lang upang magtimpla ng iced coffee at kunin ang waffles na gusto ko.
Dad didn't took that long, pagbalik nito ay nasa tray na hawak ang iced coffee at waffles ko. Hindi na siya nagtagal doon at nagpaalam na magpapahinga na.
Lors: Thanks and sorry din, medyo busy talaga this week, e
Ako: Welcome, it's alright kaya pa naman
Ipinasa ko ang ilang nareview na naparte kay Lors dahil trabaho niya ang aralin iyon at ibalik iyon sa iba upang maaral din ng mga ito.
Muling nagvibrate ang cellphone ko para sa isang tawag. Napabuntong hininga na lang ako at sinagot iyon nang hindi tinitignan ang caller's ID.
It's just probably Charley, baka tapos na sa club at nakauwi na kaya't manggugulo nanaman.
"I told you I'm busy, stop pestering me."
May kalakasan ang iritable kong boses nang sagutin ito.
But instead of Charley's annoying voice, a familiar chuckle filled the other side of the line. Natigilan ako.
"Just wanna say good evening, Ma'am."
Tinignan ko ang screen ng cellphone upang siguraduhin. It's really him.
"Alistair."
I heard him chuckled again from the other line, I can hear his usual uneven breathing.
"Good evening, Shekhaina Eve."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang mangiti sa pagbati nito. He always greet me like that every night. Nakasanayan ko na iyon kaya't tila ba may kulang sa gabi kung wala iyon.
"Good evening, din."
Napatingin ako sa digital clock sa pader at napag-alamang mag-e-eleven na pa la ng gabi. Late na.
"Ibababa ko na."
Ilang beses akong napakurap sa sinabi niya saka napakunot ng noo.
"Bakit?"
I've been waiting for his replies alright, ngayong kausap ko na ay ibababa?
"Busy ka, hindi ba? Let's just talk tomorrow. I won't pester you tonight, magpahinga ka pagkatapos ng ginagawa mo."
Bahagya akong napanguso sa sinabi niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang maalala ko ang sinabi ko nang sagutin ang tawag nito.
"Ahm, if it's about what I said earlier, don't mind it,"
Pinagdikit ko ang mga labi saka iyon binasa gamit ang dila.
"Akala ko lang ay ikaw si Charley, he keeps on pestering me kasi kanina pa so, uhm, akala ko ay siya."
Saglit na natahimik ang kabilang linya.
"Alright."
Muli siyang tumikhim.
"Though, busy ka pa rin. Nakita ko sa story mo. You're studying, aren't you?"
Tumango ako saka napahawak sa batok at napaunat ng mga braso.
"Huwag mo munang ibaba, let's talk for a little while."
I heard him cleared his throat. Napangiti ako doon saka isinandal ang likod sa kinauupuan.
"So, uhm, late na. Magpahinga ka na."
Tumingala ako saka huminga ng malalim. Ramdam ko na din ang pangangalay ng likod dahil sa ilang oras na pag-upo dito.
"I said I wanna talk, Alistair."
My tone sounds demanding ngunit huli na ang lahat upang bawiin iyon. Napanguso na lang ako nang marinig ang mahina niyang pagtawa mula sa kabilang linya.
"Let's talk then."
Umayos na ako ng upo at ihininto ang ginagawa saka isininop ang mga gamit.
"Hmm, I wanna talk but I don't know what to talk about. I just wanna talk."
Napanguso pa ako nang sabihin iyon samantalang siya ay tinawanan lang ako. Then I heard the silent picking from the other line.
"There, there, that sound!"
Tumayo ako sa kinauupuan saka nagtungo sa banyo upang magtooth brush.
"Sound?"
Tumango ako habang nilalagyan ng toothpaste ang toothbrush na hawak.
"I always hear you picking the strings and making that sound but you never played it for me."
Muli niyang ginalaw ang mga kuwerdas at ngayon ay mas malakas na iyon at buo.
"That?"
Tumango ako na para bang nakikita ako ng kausap ko.
"Hmm-mm."
He went silent after that habang ako naman ay nagpaalam na imu-mute lang saglit ang tawag saka nagtoothbrush na at naghilamos.
Nang matapos ay tinignan ko ang cellphone sa bulsa upang alamin kung naroon pa siya. The call was still on but no one's talking. Ang naroon lamang ay ang paghinga nito.
"You done?"
"Oo."
Lumabas ako sa banyo saka nagtungo sa kama at umupo sa gilid nito. Huminga ako ng malalim saka ibinagsak ang sarili pahiga doon.
Inalis ko ang earphones saka itinapat sa tainga ang cellphone na hawak. It's better listening to his voice this way.
Napapikit ako ng mga mata at napangiti habang pinapakinggan ang tunog na gawa ng bawat pagkalabit niya sa kuwerdas ng gitara mula sa kabilang linya.
There's no error in every pick, tila ba inaral iyon ng sobra dahil pulidong pulido ang tunog. I can only hear it from the other side but I can see him in my mind playing with his guitar.
He's probably in bed right now, like me. Late na din, nearing midnight na. Ilang oras ang lumipas bago tumawag si Ali mula nang mag-message ako kaya't hindi ko inaasahan ang tawag niya at heto nga.
Narito na naman kami.
"Hindi mo kakantahin?"
Nagmulat ako ng mga mata nang saglit itong huminto ngunit nagpatuloy din.
"Hindi ko kabisado 'yong lyrics."
Napanguso ako habang nangingiti nang dugtungan iyong muli ng marahan niyang paghalakhak.
Huminga ako ng malalim saka umayos ng pagkakahiga sa kama. Naiunat ko ang isang kamay saka bahagyang humikab.
"Now I feel sleepy."
I accompanied it with a slight chuckle ngunit ang totoo ay dinadalaw na talaga ako ng antok dahil na din siguro sa pagod.
Huminto ang tinutugtog nito. He slightly chuckled.
"Sleep then."
Napangiti ako at napanguso din dahil tila nawala ang antok ko nang huminto siya.
"Hindi na ulit ako inaantok."
"Para kang baby."
Pumungay ang mga mata ko at may malungkot na ngiting sumilay sa mga labi.
Baby, huh
"Stay still, Shekhaina Eve. Para kang baby, ubod ng kulit at napakalikot."
"Hindi na ako baby."
"Mas malala pa sa baby iyang kakulitan mo."
"Baby mo naman ako."
"Baby kita, iyong literal na baby na inilalagay sa kuna. Wala na yatang mas lilikot pa sayo at baka maaga akong tumanda dahil diyan sa kakulitan mo."
"At least baby mo ako, ako lang dapat ang baby mo, hah."
"Ikaw lang naman ang baby ko."
I don't know why but it feels off calling me baby coming from other person than that person who I used to hear it from.
"Gising ka pa?"
Ilang beses akong napakurap nang marinig ang boses ni Ali at napukaw mula sa malalim na pag-iisip.
"Uhm, yeah."
Narinig ko ang bahagyang pagbuntong hininga nito. Napakagat ako sa pang-ibabang labi saka huminga ng malalim.
"I think we should go to sleep now." humikab ako, "Inaantok na ako."
"Akala ko ba ay hindi ulit."
"Antok na ako ulit bigla."
Sabay kaming natawa ng mahina doon.
"I'm hanging up. Good night, Alistair."
"No, don't hang up,"
Naibalik ko ang cellphone sa tapat ng tainga dahil sa sinabi niya.
"Aren't you sleepy?"
I yawned. I'm really sleepy right now.
"Matulog ka na ngunit huwag mo ibababa."
Napakunot ang noo ko at lumalim ang gatla doon ngunit napatango na lang ako. Hindi ako umimik at hinintay lamang kung mayroon siyang sasabihin o kung ano.
"Close your eyes, Eve."
May ngiting gumuhit sa mga labi ko nang marinig ang pagkalabit nito sa kuwerdas ng gitara. Lalo pang tumamis ang ngiti ko nang mapagtanto kung ano ang kantang iyon.
Then he started humming. Tila nahigit ko ang hininga dahil doon.
Damn that voice you have there, Alistair!
"You don't know, babe. When you hold me and kiss me slowly. It's the sweetest thing."
My eyes dropped closed slowly, savoring the calmness of his voice. It's soothing and calming my mind, making my lids heavy, falling down to sleep.
His voice was husky but it fits perfectly to the song. Bigla na lang akong nag-crave na marinig iyon sa personal ulit.
"You're the coffee that I need in the morning. You're my sunshine in the rain when it's pouring..."
I was lost and drowning in oblivion. Nakakahele ang uri ng pagkanta nito na dinagdagan pa ng marahan at pulidong pagkalabit sa bawat kuwerdas ng tinutugtog na gitara.
"...you're the best part."
Tumagilid ako habang nakahawak sa gilid ng unan. I smiled before letting myself get completely drown in oblivion.
"Goodnight, Shekhaina Eve."
Matapos maipasa ang homework na ibinigay sa amin sa unang klase ngayong araw ay umalis na din ang prof at hindi na nagturo.
"Library na naman? Baka doon din tayo mamaya, Aina."
Nginitian ko lang si Kath saka bumuntong hininga habang kinukuha ang mga gamit.
"Si Charley, e."
Nailing lang ito na mukhang alam na. Tinawanan ko lang siya saka nagpaalam na na magtutungo sa library.
Charley picked me up this morning at sabay kaming pumasok. Nangungulit at upang tumigil na ay pinagbigyan ko na lang.
"Hoy, bobo."
Nagsalubong ang kilay nito nang lingunin ako ngunit umayos din iyon saka ngumisi.
"Gwapong bobo."
Inikutan ko lang siya ng mata saka inilapag ang bag sa mesa at umupo sa tabi niya.
"Nasaan ba? Patingin nga."
Nagsalubong ang kilay ko nang ilapit nito ang mukha sa akin. Ngumisi siya.
"Heto na."
Tinampal ko ang noo niya saka itinulak ang mukha niya palayo sa akin.
"Layo, bobo. Ayaw ko ng close up lalo na kung pangit."
Tinawanan lang niya ako saka iniabot ang gawain na hindi niya magawa. Binasa ko iyon at napakunot nang noo nang makuha ang content. Hinarap ko siya saka malakas na pinitik ang noo.
"Ang bobo mo talaga, ang lakas ng loob sa kinuhang strand, ah."
Habang hawak ang noong pinitik ko ay nagkibit balikat ito at ilang sandali pa ay ngumisi.
"I'm good at math, though."
Doon ako napanguso, alam niyang iyong math ang pinakaayaw kong subject at doon ako mahina.
"Stop smirking, hindi bagay sa image mo."
"Stop pouting then, mukha kang baboy."
Inihampas ko sa kaniya ang hawak na libro saka ito pinatigil na sumunod naman ngunit bakas pa rin sa mukha ang pang-aasar.
Itinuro ko sa kaniya ang dapat niyang gawin at dahil bobo nga itong kasama ko ay inabot kami ng halos hanggang sa mag-umpisa na ang klase ko. Mabuti na lang ay may fifteen minutes para sa pagbibihis ng uniform kaya't hindi ako nahuli.
"Saan ka after dito?"
Tinapos ko ang pag-inom sa bottled water na inagaw ko kay Charley bago bumaling sa kaniya.
"May group study kami, baka sa library or café."
Tumango ito saka uminom din doon sa ininuman ko. Narito kami sa gym para sa PE, ang lahat ng klase ng prof namin sa PE ay narito at kasama na doon ang klase nina Charley.
"Pupunta ka sa Clubhouse mamaya?"
Umiling ako habang nagpupunas ng pawis.
"Mag-aaral ako."
Lumingon ako sa kaniya at nadatnan itong magkasalubong ang kilay habang nakamasid sa akin.
"What?"
"Mag-aaral ka talaga? Do you have a fever, Shekhaina Eve?"
Hinawi ko lang ang kamay niyang sumapo sa noo ko saka siya kinurot sa tagiliran at pinukol ito ng masamang tingin.
"Tigilan mo ako, bobo."
Tinawanan lang ako nito at hindi ko na din mapigilan ang matawa habang tinitignan ang tumatawa niyang mukha. Nakakapikon.
Muli kaming tinawag para sa laro. Kalaban namin ang strand nila, boys versus boys at girls versus girls.
I'm not good at sports ngunit hindi naman ako mahuhuli. I'm physically fit dahil sa madalas na pagpunta sa gym kaya maayos na nakakagalaw at may alam din naman ako sa laro.
Natapos ang game at kami ang nanalo laban sa kanila. Though, ang boys ay talo at ang grupo nina Charley ang nanalo.
"Gym tayo this Saturday, susunduin kita."
Umiling ako. Naglalakad na kami ngayon palabas ng gym, katatapos lamang makapagbihis. Hinintay ako nito para sabay na kaming umuwi.
"May group study din kami bukas, tuloy ay meeting para sa report namin sa Monday."
Huminto ito sa paglalakad at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Mahina akong natawa saka siya siniko.
"Don't look at me like that, kailangan ko lang talagang mag-aral."
Nailing na lang ito sa akin ngunit bakas sa mukha ang pang-aasar.
"May game kami bukas, punta ka. Hapon naman."
Napaisip ako. I think I can spare some time naman kung hapon iyon. Gusto ko din namang makasama ang iba at siguradong naroon ang mga iyon upang manood.
Gabi na lang siguro ako sasaglit sa isang coffee shop para mag-aral dahil hindi ako makapag-focus sa bahay.
"Sunduin mo ako."
Tumango ito bilang pagpayag. Kinuha ko naman ang cellphone na nasa loob ng bag.
Ako: Anong oras mamaya at saan?
Isinend ko ang message na iyon kay Lors saka tinignan ang ilang mga mensaheng natanggap.
Alistair Yap: Kumain ka na?
Nagtipa ako ng mensahe.
Ako: Katatapos lang ng PE ko, maybe later
Ako: Ikaw?
Nilingon ko si Charley na kasama kong naglalakad ngayon palabas sa gate. Abala din ito sa cellphone na hawak.
"Hindi ka nagdala ng sasakyan?"
Umiling lang siya at hindi ako nilingon.
"Nag-jeep lang ako nang pumasok."
Pauwi na kami ngayon, malapit lang naman ang subdivision namin dito at pwedeng lakarin kung hindi nagmamadali, pwede din naming magjeep ngunit mas maganda ang maglakad dahil hindi naman mainit.
"Maglakad na lang tayo." mungkahi ko.
Lumingon siya saka akin saka kumunot ang noo. Tumaas naman ang kilay ko. Bumuntong hininga ito saka tumingala.
"Alright."
Ngumiti ako saka ibinalik ang atensyon sa cellphone na hawak. Hindi naman mainit dahil medyo maulap kaya't ayos lang kung maglalakad kami.
Lors: Min's na lang mamayang 2:00PM
"Uuwi na kayo?"
Napalingon ako sa nagsalita at nadatnan doon sina Erica, they're with Vana.
Ngumiti ako sa mga ito saka tumango. Napansin ko ang mga mata ni Vana sa kasama ko na abala lamang sa cellphone ngunit huminto din nang huminto ako.
Siniko ko siya at nagbaba naman ito ng tingin sa akin. He mouthed 'what' then checked his phone again when it lighted up.
Napaikot na lang ako ng mga mata saka ngumiti kina Erica. Inginunguso nito sa akin si Charley na wala manlang pakialam sa paligid.
"Magji-jeep kayo? Sabay na tayo."
Si Karylle iyon. Ngumiti ako dito at iiling na sana nang magsalita ang katabi ko.
"Tara na, baka biglang uminit."
Nauna na itong naglakad at mabilis naman akong nagpaalam sa mga kaibigan ko at sumunod na din.
"You know Vana right?"
Nilingon ko ito, lumingon din siya sa akin saka umiling. Napaawang ang labi ko doon.
"Seriously? I gave her your number."
Nagsalubong ang kilay niya, ibinulsa ang magkabilang kamay.
"You're doing it again."
Inikutan ko siya ng mata saka ibinalik ang tingin sa cellphone. I searched for Vana's profile.
"I'm not. Napag-usapan na natin 'to, hindi ba? The Saturday date."
Ipinakita ko sa kaniya ang picture ni Vana. Sinuri niya iyon saka tumango.
"Hindi ko siya kilala."
Pinindot ko ang recents button at saka bumalik sa mga messages upang basahin ang chat ni Ali.
Alistair Yap: Pauwi pa lang, sa bahay na siguro magla-lunch
"Hindi ba siya nagtext sayo?"
Tanong ko kay Charley habang nagtitipa ng mensaheng tugon sa message ni Ali.
"I don't check messages, iyong kay Yrah lang noong kami pa."
Tumango lang ako. And here they thought he never got serious about her.
"She's a great lost, isn't she?"
Hindi ito nagsalita kaya't nilingon ko siya. Deretso lamang ang tingin nito sa daan.
Hindi na din ako nagsalita at hinayaan lang siya. He seems lost in his own thoughts.
Ako: Naglalakad lang pauwi, kasama ko si Charley
Kaagad iyong nabasa ni Ali na mukhang hinihintay talaga ang reply ko. Gumalaw ang tatlong tuldok, mukhang nagtitipa ito ng mensahe.
Alistair Yap: Ingat
"I courted her."
Napunta kay Charley ang atensyon ko nang magsalita ito. Nilingon ko siya, deretso pa rin ang tingin. Huminga ito ng malalim saka lumingon sa akin.
"Girls lined up just to go out with me but I lined up with other guys to get her."
Nangingiti ito habang bahagyang naiiling. Nanatili naman akong tahimik at nakamasid lamang sa kaniya.
"I wanna keep her but I'm a jerk, masyadong matindi ang dugo ng Montefalcon na dumadaloy sa mga ugat ko."
Mahina siyang natawa habang naiiling. Huminga naman ako ng malalim saka hinipan ang manipis na bangs na tumatabing sa noo ko.
"Why not chase her then?"
Umiling siya.
"I don't deserve her. She's better off without me."
Lumamlam ang mga mata ko at napahinto sa paglalakad. It was sad. Nalulungkot ako sa sinabi niya.
He's a jerk, alright. An asshole. Hindi ko inaasahang marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniya.
Yrah really left a special space in his life. At mananatili iyon, I'm sure of that.
"Don't give me that look, Shekhaina Eve. Pupunta ako sa date na sinasabi mo bukas, don't worry."
Napabuntong hininga ako at nagpatuloy na sa paglalakad.
"You don't need to force it, huwag ka nang pumunta."
Tinawanan niya lang ako kaya't siniko ko ito. I'm serious alright. Hindi ko alam ang iisipin matapos marinig ang mga katagang iyon mula sa kaniya.
They judge Yrah so much, saying she's pathetic without knowing the real story behind it. They were in a private relationship after all, kaya't hindi ko maintindihan ang mga usaping iyon.
"I dated another girl while we're still on, wala namang pinagkaiba ang ngayon."
Muli akong natigilan nang marinig ang pait sa biro niyang iyon. He said it playfully but regret was in his words, in his tone, in his eyes.
Huminga ako ng malalim.
"Yrah, Yrah, Yrah. The only girl Charley Montefalcon courted."
Nakangisi ko siyang nilingon at nailing lang ito sa akin habang natatawa.