Phone number
Hindi ako mapakali habang pabalik balik na naglalakad sa loob ng silid ko. Maya't maya kong nililingon ang cellphone sa ibabaw ng kama at hinihintay iyong tumunog o umilaw manlang.
I sighed before dropped myself at the chair in front of my table then hugged the throw pillow I'm holding.
Bakit nga ba hindi ako mapakali? I have my reasons at lahat ng iyon ay acceptable. I just really can't go.
I already said yes when he asked and I just took it back. It's the third time that I turned him down, nakakahiya ngunit may mga bagay na mas kailangang unahin kaysa doon. I hope he'll understand.
May time naman ako bukas pero ayaw ko naman nong magmamadali kami dahil kailangan ko pang mag-aral. I want to enjoy that day with him ngunit hindi iyon mangyayari kung okupado ang isip ko ng mga kailangan kong gawin matapos lumabas kasama siya.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang nag-iisip hanggang sa mapagdesisyunang kunin ang cellphone at siguro ay tawagan siya.
Binuksan ko iyon saka nagtungo sa messages namin ni Ali. Napanguso ko nang makitang active siya ngunit hindi niya pa iyon nababasa.
Ako: I can't make it tomorrow, sorry
Ilang beses kong binasa ang mensaheng ipinadala ko sa kaniya. Does it too short? O kailangan ko pa bang i-explain kung bakit?
"God, I'm losing my mind here."
Hindi ko din magawang makapag-focus sa pag-aaral dahil maya't mayang dumadapo ang mga mata ko sa cellphone.
This is crazy. Bakit hindi ako mapakali? It's not like I did something wrong to Alistair.
"Eve, may bisita ka."
Napalingon ako sa pinto at nadatnan doon si Daddy na nakatayo. Ngumiti ako sa kanya habang nagtatanong ang mga mata.
"Sino po?"
Hindi pa nakakasagot si Daddy nang may sumilip mula sa tagiliran niya. Nanlaki ang mga mata ko samantalang ito naman ay malaki ang ngiting tumakbo papunta sa akin.
"Ate!"
Hindi pa rin ako nakabawi sa pagkabigla lalo na nang bigla itong yumakap sa beywang ko. Napabalik lang ako sa sarili nang magsalita ito.
"How are you? Pumangit ka lalo sa Canada, Ate."
Nagbaba ako ng tingin dito sala sumimangot habang salubong ang kilay. Pinisil ko ang pisngi niya na ikinadaing niya.
"Don't you even miss me, Cleviene Midnight?"
Umiling ito na ikinasimangot ko ngunit kaagad din naman niya iyong binawi nang makita ang pinipeke kong lungkot na nakaguhit sa mukha.
"Fine. I missed you. Okay na?"
Lumaki ang ngiti ko saka ginulo ang buhok nito. Cleviene Midnight is my little brother. Seven year's old na siya at kasalukuyang nakatira kasama si Mommy sa Tarlac kung nasaan ang Lolo at Lola namin.
When our parents decided to part ways, Clev chose to stay with Mom while I chose Dad. We have two homes and separately growing but it's better this way. Mas mahirap noong magkakasama kaming lahat sa iisang bubong.
I'm against my parent's annulment at first, nasa isip ko nang mga panahong iyon ang pagrerebelde dahil nasaktan ako at hindi ko magawang tanggapin. Masakit na maghiwalay ang mga magulang mo lalo na kung wala ka namang makitang mali sa pagsasama nila sa nagdaang mga taon na kasama mo silang namuhay sa iisang bubong.
Biglaan iyon at hindi ko alam kung paano tatanggapin. Problems after another were approaching me. But still, I chose to understand them and respect their decision.
Mahirap, sobra. I blamed myself for not being an enough reason for the both of them to stay, to keep fighting kahit para sa amin man lang ng kapatid ko. Hindi ko magawang mapatawad ang sarili ko dahil wala manlang akong nagawa upang tulungan silang ayusin pa iyon. Hindi ko manlang nagawang makapagsalita upang kumbinsihin sila na magbigay ng kahit na isa pang pagkakataon alang alang na sa amin ng kapatid ko, especially Clev.
But I'm too weak that time, pinanood ko lamang na masira ang pamilya namin. I'm close to giving up that time but for Clev, I chose to be brave. Siya ang pinakanaaapektuhan at ayaw ko nang dumagdag pa.
Clev was just a four year old kid that time, kung mahirap para sa akin ay alam kong mas lalo na sa kaniya. He's confused of what's happening ngunit nagawa pa rin iyong intindihin at tanggapin. He stayed with Mom with a promise to take care of her.
"Your Mom is still like the sunset for me, akala ko ay nagbago na iyon nang makasal kami ngunit kahit sa paglipas ng maraming taon ay hindi ko pa rin pala siya matatawag na akin."
Tandang tanda ko pa ang mga katagang iyon mula kay Daddy habang pinagmamasdan namin ang sasakyan kung saan ay nakasakay sina Mommy at Clev na unti unti nang nawawala sa aming paningin.
"Sunset?"
I was filled with confusion, masyado iyong malalim at hindi ko magawang hukayin ang ibig sabihin.
"Hmm-mm, the sunset."
Nag-angat ako ng tingin kay Daddy, there's a shed of tears in his bloodshot eyes yet in his lips, there's a smile stretching. He's hurting but not regretting anything. Siguro ay iyon nga talaga ang tama.
"Cannot be touch, cannot be hold and cannot be owned. You can only appreciate how beautiful it is."
Sa paglipas ng panahon ay naintindihan ko din ang ibig niyang sabihin sa mga katagang iyon. She really is the sunset, maaaring titigan at mahalin ngunit hinding hindi mo maaangkin.
And as I grow up I realized that, sometimes two homes are better than one. It was one rough and bouncy ride but it brought the four of us here, all good and happy.
"Do you still paint, Ate?"
Tumango ako sa tanong ni Clev na ngayon ay hawak ang ilang paint brush na kabibili ko lamang last week nang mapadpad sa bookstore.
"Though, hindi na gaano dahil busy sa school."
"Can we go to Kuya Charley then? He promised na maglalaro kami ng basketball."
Mula sa kinauupuan sa harapan ng mesa kung saan ako nag-aaral ay napalingon ako sa kapatid ko na ngayon ay nakadapa sa kama habang hawak ang tablet nito at mukhang naglalaro.
"Nag-uusap kayo?"
Tumango ito ngunit hindi ako nilingon.
"Of course, we talk through face time. Hinihiram ko iyong phone ni Mommy para tawagan siya. We even meet here at Laguna sa tuwing napapadpad kami ni Mommy dito."
Napatango na lang ako dito saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Tapos ko nang i-finalize ang presentation ng grupo namin para sa report at ngayon ay gumagawa na lamang ng ilang narrative report para sa ilang subjects. Bukas ay may group meeting pa kami after lunch.
Pupunta din ako at manonood ng practice game nina Charley bukas after, pagkatapos ay deretso din ako sa isang coffee shop upang mag-aral dahil sa mga namiss kong lessons dahil late enrollee ako.
"Aren't you sleeping early? Friday naman ngayon."
Iniunat ko ang mga braso saka bumaling sa kapatid ko na naghihikab na sa kama ko. Napangiti ako saka tumayo upang magtungo doon. Tapos na din naman ang ginagawa ko.
"Matulog ka na kaya, late na din."
Tumabi ako sa kaniya sa kama at sumandal lamang sa headboard. Inabot ko din ang laptop sa katabing mesa ng kama at saka iyon binuksan at nagtungo sa mga social media accounts ko.
Nadatnan ko doon ang napakaraming mensaheng natanggap na nagpaliwanag sa mukha ko. Maybe one if these was from him.
I excitedly scanned all the messages and just ended up disappointed when I found out that none of them was from Alistair. Hindi niya pa rin nababasa ang messages ko ngunit active naman ito.
Is he ignoring me?
"Ate?"
"Hmm?"
I was busy with my own business, nag-i-scan ng posts at ilang stories. Alistair has one at sigurado akong hindi ito busy.
"Can we go to Kuya Charley?"
Umiling ako, nanatili ang mga mata sa laptop.
"Late na."
"Then ask him to come here, sleepover."
Nilingon ko ang kapatid ko saka ito pinakatitigan. Then slowly, I shook my head then sighed.
"May date siya tomorrow."
Hindi na ito nagsalita pa at napasimangot na lang saka nagpatuloy sa paglalaro sa hawak na tablet. Inabot ko naman ang isang unan at ipinatong iyon sa mga hita ko.
I bit my lower lip, hesitating if I should message him again or click the call button. Mayroon kasi akong pakiramdam na may mali, I felt this not so long ago too after I went to the mall and ran into Charley. May kung ano sa messages ni Ali at ngayon ay ganito na naman.
I don't really know what it is at hindi ako mapakali. Tila ba may mawawala sa oras na magpatuloy ito.
Ako: Give me Alistair's phone number
Ipinadala ko ang mensaheng iyon kay Lee mula sa chat nang makitang active ito. He has the widest connection at marami ding kakilala. Kung wala man siyang numero ni Ali ay siguradong marami siyang paraan upang makuha iyon para sa akin.
Lee Montefalcon: Kakukuha lang niya ng iyo
Nagsalubong ang kilay ko nang mabasa ang reply nito. What does he mean by that?
Kinuha ni Alistair ang number ko?
Ako: Ano?
He just sent a laughing emoji that made me frown. Kasunod ng emoticon na iyon ay isang mensahe na nagsasabi isesend na lamang nito ang number through text.
Hindi ko na siya nireplayan at nagtungo na lamang sa newsfeed upang mag-scroll at magtingin ng mga posts habang nag-iisip kung ano ang gagawin ko sa oras na makuha ang numero ni Alistair.
"Your phone's vibration is annoying, Ate."
Inaantok ang boses ni Clev habang naghihikab nang sabihin iyon. Nalipat naman ang mga mata ko sa ibabaw ng kama kung nasaan ang cellphone ko. Gumagalaw iyon dahil sa vibration na gawa ng tawag mula rito.
Kumunot ang noo ko nang makitang isang unregistered number ang tumatawag dito. I picked it up and went to the balcony of my room. Maingat kong isinara ang pintong salamin doon upang hindi maistorbo ang tulog ng kapatid ko.
"Good evening, Ma'am."
Natigilan ako nang magsalita ang nasa kabilang linya. Am I just hearing things o ano?
"Are you asleep, Shekhaina Eve?"
It's him, it's really him. That calm and husky voice, I know it's his. Halos gabi gabi kaming magkausap kaya't kabisado ko kahit na pa ang boses niya.
"Alistair,"
The calm breathing from the other side became uneven after I utter his name. Ito iyong uri ng paghinga na lagi kong naririnig sa tuwing kausap siya. He seems calm at first ngunit bigla na lamang nauuwi sa ganito.
"That took me a back. Huwag mo akong ginugulat, Eve."
Napangiti ako saka napasandal sa bakal na rail ng balcony. Namamahinga ang isang braso sa ibaba ng dibdib habang ang isa ay hawak ang cellphone. Napanguso ako at bahagyang napapakagat sa pang-ibabang labi.
"I didn't do anything."
"Iyon na nga, wala kang ginawa. Wala kang kailangang gawin."
Tila lumabas na parang isang bulong ang mga huli niyang kataga ngunit malinaw iyon sa pandinig ko. I don't get it, anong ibig niyang sabihin?
"What do you mean, Alistair?"
Humihip ang malamig na hangin, it sent shiver down my spine. Bahagya pa akong napahikab doon at napayakap sa sarili.
It's cold here outside. Sana pala ay sa banyo na lamang ako nagtungo dahil hindi din naman ako makakagawa ng ingay doon na maaaring makaistorbo sa tulog ng kapatid ko.
"You should go in, malamig sa labas."
Natigilan ako sa sinabi niya saka bahagyang naipalibot ang tingin sa paligid. How does he know I'm outside?
"Narinig ko lang iyong paghihip ng hangin, Eve. I'm not around."
I twisted my lips at what he said, dumagdag pa doon ang marahan niyang paghalakhak na nagpapangiti sa akin.
"I just thought,"
He chuckled again that made me roll my eyes. Mukhang nagiging hobby ni Alistair ang marahang paghalakhak sa tuwing ako ang kausap.
Huminga ako ng malalim habang nailing. Kapagkuwan ay umikot upang bahagyang humilig sa rail at ipatong doon ang kamay. Medyo late na din pala.
"Bakit ka pala napatawag?" tanong ko.
Narinig ko ang pagbuga nito ng hangin mula sa kabilang linya. Gusto kong buksan ang topic tungkol sa usapan namin para bukas na hindi matutuloy dahil sa akin, but I wanna hear what he needed to say first. Baka ay may kinalaman din iyon doon.
"So, uhm..." he let out a soft yet shaky chuckle, tila ba nagdadalawang isip ito sa nais na sabihin.
"What is it, Alistair?" natatawang tanong ko.
I can't help the feeling of amusement because of what he did from the other line. I find it cute, nakikita ko sa isip ang mukha ni Alistair na puno ng awkwardness kaya't tumawa na lang ngunit naroon pa rin naman.
"I will wait, ahm, kung kailan pwede na."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nag-umpisa nang bumigat ang paghinga. I don't know what to say, I don't know how to respond ngunit gusto ko iyong marinig ng paulit ulit.
"Hihintayin ko iyong araw na maaari na akong pagbigyan ng oras mo, Shekhaina Eve."
Muli akong napaikot at napasandal sa rail. Nasapo ko ang mukha dahil sa init na sumakop doon sa kabila ng lamig. I don't want to overthink, ayaw kong i-exaggerate ang ibig niyang sabihin.
I know it's just about hanging out with me dahil nga ay sinabi ko na hindi ako pwede bukas. I don't want to put a meaning into it ngunit hindi naman siguro masama kung makakaramdam ako ng kiliti sa loob ng sikmura dahil doon, hindi ba?
"Pumasok ka na sa loob, Eve malamig."
Nagdikit ang mga labi ko, binasa ko iyon gamit ang dila saka humugot ng malalim na hininga. I blew out a loud breath, bahagya pang umangat ang manipis na bangs na tumatabing sa noo ko.
"Ahm, is that alright?"nakagat ko ang pang-ibabang labi, "I mean iyong hindi ako pwede bukas."
I twisted my lips and took a deep breath once again.
"I already said yes tapos ay binawi ko. Hindi ka din nagri-reply, so I thought na,"
I paused, thinking of the right word to say.
"You thought?"
I pursed my lips then slightly bit its upper part.
"Akala ko ay, uhm... magagalit ka or something like that."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at dumidiin iyon sa bawat segudong lumilipas na nananatili lamang siyang tahimik doon sa kabilang linya. I don't know why but I feel really nervous right now.
"I'm not that shallow, Eve. Alam ko na maraming mas importanteng bagay kaysa doon at naiintindihan ko."
"I'm sorry."
Mababa at maliit ang boses ko nang banggitin iyon. Bahagya pa akong napanguso nang marinig ang pagbuntong hininga nito na sinundan ng mahinang paghalakhak.
"Pumasok ka na."
Nagbuga ako ng hininga at bahagyang napahikab ng humihip muli ang malamig na simoy ng hangin.
"Mas gusto ko dito, at saka baka magising si Clev kapag pumasok ako."
"Clev?"
Tumango ako saka bumaling sa salaming pinto kung saan ay natatanaw ang kapatid kong mayapang natutulog sa kama ko dahil sa bahagyang nakalilis na kurtina.
"He's my little brother."
He didn't pry too much into it at iniiwas doon ang usapan. I don't know what's with him but I'm more comfortable this way. Siguro ay may alam din siya tungkol sa pamilya ko, his father is my Dad's friend anyway.
"Ibaba mo na, you should go to sleep. Late na."
Napanguso ako sa sinabi niya. Hindi pa ako inaantok, I wanna talk to him more.
"Saturday naman bukas at mag-aaral lang ako."
I sounded like a brat but I didn't mind it. Alam na ni Ali iyong side ko na ganito, tinatawanan nga lang ako nito sa tuwing ganito ako.
"Saturday nga bukas, means we can still talk tomorrow."
"Wala ka bang pupuntahan bukas?"
I asked curiously. Baka may date siya or lakad kasama ang mga kaibigan or something like that.
"I don't usually go out."
Yeah, he already said it before.
"No dates?"
Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang naghihintay sa sagot niya.
"Meron,"