Cheerleader
“Meron,”
My lips formed into 'o' hearing what he said. He has a date, tumanggi ako kaya't mayroon kaagad siyang ipinalit para sa bakanteng oras niya bukas?
I didn't expect that Alistair also have that kind of list like the others.
"Enjoy then."
That sounds off ngunit huli na upang bawiin iyon. I heard him chuckled from the other line.
"Meron sana, kaso hindi siya pwede bukas kaya't kailangan ko pang maghintay hanggang sa pwede na."
A small smile crept into my lips, muli nanamang umakyat ang init sa aking mukha at pakiramdam ko ay nagliliyab ang magkabila kong pisngi. The flutters inside my stomach are back again.
What are you doing to me, Alistair?
"Eve?"
"Hmm?"
"Ibaba mo na."
Tumango ako habang kagat ang pang-ibabang labi.
"Alright."
"Pumasok ka na sa loob."
Muli akong tumango na para bang nakikita ako ngayon ng kausap. This is crazy, bakit hindi ako makapagsalita like I usually do?
"Matulog ka na."
"I-ikaw din."
Mahina itong natawa na ikinasimangot ko, he's probably laughing because of my sudden stuttering. I'm not actually easily get intimidated but with Alistair right now, I am.
"Goodnight, Shekhaina Eve."
Ang araw ng sabado ay naka-set na bilang araw ko sa para sa sarili ko sa lahat ng kalendaryong mayroon ako. I never felt this conscious about studying until I went here in this country.
America's grading system never pressured me like how Philippines' does, dito ay tila ba kahit na anong gawin mong sipag kapag hindi mo naabot iyong expectations ay baliwala ang lahat ng iyon.
"I let her decide where to go dahil paulit ulit mong pinapaalala na birthday niya ngayong araw."
Napaikot ako ng mata dahil sa sinabi ng kausap mula sa kabilang linya. I called him to remind him about his date with Vana today. At tama nga ako, nakalimutan nito na ngayon iyon kahit na naka-chat niya lamang iyong tao kagabi.
"I think you should bring flowers." I suggested.
Umingos naman ito na para bang hindi sang-ayon sa ideya ko.
"Hindi ako manliligaw, Ma'am. My presence is enough."
Hindi ko na napigilan ang pag-ikot ng mga mata nang marinig iyon, ano pa nga bang aasahan ko sa isang 'to. He don't put efforts on date. Lagi niyang dahilan na sapat na daw ang presensya niya.
"Susunduin kita mamayang four, send me the address of that cafe kung saan ang group meeting niyo."
Iyong game nga pala nila. I almost forgot about it.
"Alright."
We ended the call right away. Nagpatuloy ako sa ginagawa, I was answering my math take home activity. Five sheets iyon at iisa pa lamang ang nasasagutan ko, the fact na hindi ko pa makuha itong last problem.
Charley has a date kaya't hindi ko siya pwedeng papuntahin dito upang pasagutan ang lahat ng ito. Wala din si Dad dahil nag-grocery ito kasama si Clev. I don't have anyone to help me this time kaya't kailangan ko itong sagutan ng mag-isa.
"Damn you, math."
Iniunat ko ang magkabilang braso saka isinandal ang sarili sa kinauupuan. Nananakit ang batok at likod ko dahil sa ilang oras na pag-upo sa harapan ng mesa. Natapos ko din ang tatlong sheet ay maroon na lamang dalawang hindi natatapos.
"Dad, pahatid po ako. May group meeting kami para sa isang group report."
Nagmamadali ako sa pagbaba ng hagdan habang sinusuklay ang buhok na katutuyo lamang. Hindi ko namalayan ang paglipas oras dahil sa sobrang abala sa ginagawa at nang mapansin ang oras ay ala-una na ng hapon.
I need to take a bath for almost an hour at magreready pa ako, like blow drying my hair and put some lotion and moisturizers. Group study lang naman iyon ngunit hindi ako komportableng lumabas ng bahay nang hindi nakaayos mula sa buhok, mukha at damit.
It's a girl thing.
"Maglunch ka muna."
Kinuha ko lang ang isang sandwich sa ibabaw ng mesa na mukhang pinagawa ng kapatid ko dahil umangal pa siya nang kagatin ko iyon. Patakbo akong bumalik sa kwarto ko upang kunin ang mga gamit ko at pagkababa ko ay ready na sina Clev at Daddy para ihatid ko.
"Sorry, na-late."
Umupo ako sa bakanteng upuan sa pinagdikit dikit na mesa sa Min's Café kung nasaan ang mga kagrupo ko. Mabilis ko inilabas ang laptop.
"Ayos lang, Aina. Halos kadarating lang din ng iba."
Ngumiti ako kay Lors saka ipinalibot ang tingin sa mesa namin. Mayroong ilang bakanteng upuan doon.
"Hindi pa kompleto?"
Itinuro ni Karla ang counter, lumingon ako doon at nadatnan ang mga kagrupo naming lalaki. Mukhang ang mga ito ang napag-utusang umorder ng drinks at snacks.
"Wala pa sina Bea, Trixie at Dan." bumuntong hiniga si Lors.
"Iyong sa kanila pa naman ang pinakaimportanteng part."
Bumaba ang balikat ni Cherry na sinundan din ng iba ang sinabi. I agreed on them. Hindi talaga kami makakapag-umpisa kung wala ang tatlong iyon.
"Sinubukan niyo na bang tawagan?"
"On the way na daw pero kanina pa iyong on the way nilang iyon."nasa boses na ni Lors ang pagkairita.
She's one calm and rational person ngunit pagdating sa studies ay ayaw niya ng ganito. She's a top student and a grade conscious.
Kapag hindi pa dumating ang tatlong iyong ay maaapektuhan din ang lakad ko after dito. I planned on watch Charley's game ngunit baka hindi ko na maabutan kung mahahapunan kami dito.
"Guys, sorry!"
Nakahinga kaming lahat ng maluwag nang dumating si Bea at kasunod din nitong pumasok iyong dalawa. Hinihingal pa ang mga ito na akala mo ay tinakbo ang distansya ng bahay nila at nitong lugar.
Pagkarating ng mga lalaki dala ang mga drinks at snacks namin ay nag-umpisa na din kami.
"I ditched a girl for this, damn hindi ako makapaniwala."
Iginalaw ko ang magkabilang balikat at nailing na lang sa sinabi ng katabi kong si Andrei. He's helping me on fixing the reports at tinutulungan ko din ito sa pag-aaral ng kaniya. Gayon din ang nasa kabilang gilid ko na si Clarrise.
"Tapos na itong presentation at ang outlines ng report niyo ay ipi-print ko na lang." imporma ko sa mga ito nang matapos.
Kanina pa sana ito tapos ngunit inuna kong tulungan ang iba sa mga parts nila dahil madali lang naman iyong akin. Mostly sa technical lang naman ako.
"Kailangan na iyong outline ngayon, sana pa la sa library na lang tayo."
Hinilot ko ang batok saka ipinalibot ang tingin. That's not actually a problem because it's Saturday, siguradong narito si Seven.
Tumingin ako sa pambising na relo at napag-alamang four na pa la ng hapon. Maya maya lang ay narito na si Charley ngunit hindi pa kami tapos.
"Sinong may dalang flashdrive?" tanong ko sa mga kagrupo.
Naglabas naman si Lors ng flashdrive at iniabot iyon sa akin. I copied the file from my laptop.
"Magpapa-print ka sa labas? Samahan na kita."
Tumayo din si Andrei nang tumayo ako matapos alisin ang flashdrive sa laptop. Umiling ako dito saka ngumiti.
"Dito lang ako sa loob. May printer sa second floor, sa leisure room nina Seven."
Nagtungo ako sa second floor at lumiko sa hallway doon at nakasalubong ko naman si Seven, suot nito ang jersey short ng basketball team ng school.
"Pagamit ng printer."
Humikab ito saka tumango. May kinuha sa bulsa saka iniabot ang isang susi sa akin.
"Hindi ka manunood ng game namin?"
Napabaling ako sa pambisig na relo saka napabuntong hininga. Baka second half na lang ang maaabutan ko dahil lampas four na at hindi pa kami tapos.
Pumasok ako sa room at iniinsert ang flashdrive sa computer doon at isinet-up ang printer. Hindi ko maiwasan ang sunod sunod na pagbuntong hininga habag hinihintay na matapos ang printing.
I thought I have a time this afternoon ngunit wala pa rin pa la. Ngayon lang ako naging ganito ka-busy sa studies ko.
"Sigurado ka bang group meeting ang pinunta mo dito?"
Napalingon ako sa banda ng pinto at nadatnan doon si Charley na nakasandal sa hamba ng pintuan. Nakasuot na ito ng jersey shorts at putting shirt, mukhang nakauwi na mula sa date bago pumunta dito.
"Mauna ka na, hindi pa kami tapos. Hahabol na lang siguro ako sa second half."
Kinuha ko ang ilang papel na naprint na at nagsimulang mag-stapler upang ayusin ang mga iyon.
"Hindi naman official game, nagkayayaan lang kaya't hindi ako kailangan doon on time."
Lumapit ito sa akin at tinulungan ako sa ginagawa kaya't mas napabilis iyon. Mabuti na lang ay dumating siya.
"Saan ka nanggaling bago ka pumunta dito?"
Inalis ko ang flashdrive sa computer saka iyon pinatay bago bumaling kay Charley na siyang may hawak ng mga papel na naprint at iniayos namin.
"Sa bahay lang, bakit?"
Naningkit ang dati nang singkit na mga mata nito saka bahagyang inayos ang salamin habang nanunuri ang uri ng pagkakatingin sa akin.
"Bakit ganyan ang suot mo?"tanong nito na parang may mali sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa suot ko saka napakunot ng noo, my outfit is fine. Midnight blue bardot romper and beige gladiator sandals. Wala akong makitang mali doon.
"Ano?"
Ngumisi ito habang nakatitig sa akin.
"Ang ganda mo."
Pabiro ko itong inikutan ng mga mata saka ngumisi at bahagya siyang tinapik sa braso.
"I told you to stop staring at me, hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo kung sakali."
Ginantihan nito ang aking ngisi saka pinitik ang noo ko.
"Hindi kita type, Ma'am."
"Iwasan mo ang pagtitig kung ganon, Sir."
He move his brows while smugly smirking at me.
"Hindi nga kita tipo ngunit marunong naman akong mag-appreciate ng magaganda."
Inikutan ko lang saka ng mata habang pinigilan ang pagtawa. Nauna akong lumabas ng silid at kaagad naman itong sumunod sa akin.
"How was your date?"
Nagkibit balikat ito.
"It's alright."
Saglit ko siyang pinakatitigan habang nakataas ang magkabilang kilay saka ngumisi.
"You looked like you enjoyed it." I teased him.
Muli siyang nagkibit balikat at napabuga ng hininga bago lumingon sa akin.
"Well, I didn't know shy girl's clumsiness can be that enjoying to watch."
Pabiro ako napaikot ng mata habang nangingiti, mukhang masusundan pa ang date nila ngayong araw. Charley always have the shortest period of moving on.
"Ingat."
Kumaway ako sa mga kasama nang malampasan ang mga ito ng sasakyan ni Charley sa harapan ng café. We finished more late than I expected ngunit sabi naman ni Charley na siguradong hindi pa tapos ang game at kung tapos ay naroon pa ang iba.
"Sinong kalaban niyo?" tanong ko nang makalabas kami ng sasakyan at kasalukuyan nang naglalakad patungo sa court.
Nasa pagitan lamang ng subdivision namin at ng katabi nito ang court na napili ng mga itong paglaruan. Siguro ay napagpasyahan ng mga itong dumeretso kina Primo after at mag-sleepover doon.
"Lazare."
Tumango lang ako dito habang nag-iisip, that school name is familiar. Parang narinig or nabasa ko na siya sa kung saan at hindi ko lang matandaan.
"Late ka, dude!"
Si Harper ang sumalubong sa amin pagkarating doon, mukhang kasalukuyang time out dahil nasa kaniya kaniyang bleachers ang mga players.
"Sinundo ko pa 'yong cheerleader." Natatawang sabi ni Charley.
NIlingon ko ang bleachers sa banda ng team nina Harper at napangiti nang makita doon si Zera kasama ang mga babaeng pinsan at kaibigan nito. Maraming nanonood kahit na hindi official game at karamihan doon ay mga babae.
"Hindi dumating sina KL tapos ay late ka pa."
Hinarap ko si Charley na pinapagalitan ng mga pinsan ngunit tinatawanan lang ang mga ito.
"Sa bleachers lang ako."
Iniabot nito sa akin ang gym bag na dala at nababagot ko iyong kinuha. Ginawa nanaman akong taga dala samantalang narito naman si Zera.
"Saan ka after dito?" tanong nito habang hinuhubad ang suot na shirt,
Iniabot ko sa kaniya ang jersey uniform niya na nasa loob ng bag saka tumingin sa cellphone ko upang alamin ang oras.
"Uuwi lang saglit then mag-aaral, diyan siguro sa malapit na café."
Tumango lang ito samantalang ako ay nagtungo sa pwesto nina Zera. Nang makita ang ng mga ito ay dumusog sila upang bigyan ako ng upuan.
The game started, huling quarter na pa la ito at ilang minuto na lamang ang natitira sa laro. Hindi man official at napagkayayaan lamang ay nasa dalawang team ang tensyon.
I think its players nature. Kung ang mga tito ko nga ay nagkakainitan sa tuwing naglalaro dahil sa katuwaan.
"One on one na naman sina Kuya at Yap."
Napalingon ako kay Zera nang bumuntong hininga ito matapos sabihin iyon, bumalik ang tingin ko sa court upang tignan ang sinasabi niya. Bahayang nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi nang makita kung sino ang tinutukoy niya.
Both sides of the court are shouting their names, bakit ba ngayon ko lang napansin na si Alistair ang tinutukoy ng mga itong Ali at Yap.
"Madalas magkainitan ang dalawang 'yan sa laro, basta magkahiwalay ang team nila ay laging nauuwi sa one on one. Ubos oras."
Nakikinig ako sa kwento si Zera habang pinapanood ang dalawa na pinapatunayan iyon. Nasa mukha ng dalawa ang kagustuhang manalo at walang gustong magpatalo.
Sa tuwing nakukuha ni Charley ang bola mula kay Ali upang itakbo sa kabilang banda para i-shoot ay mamimintis ang tira nito o kaya maba-block at ganon din naman pagdating kay Alistair.
No one in the team came in between them, hinahayaan lang ng mga ito at mukhang naghihintay ng pagkakataon upang makialam. Segundo na lamang ang natitira sa oras at dikit ang laban, Charley's team needs to score two points to win the game.
"Ang tanga tanga ni Kuya!" reklamo ni Zera na nakikisigaw na din.
Kung nagkakainitan ang dalawang player ay gayon din ang mga nanonood na sinigaw ang pangalan ng mga ito.
"Go, Charley!"
"Yap!'
Nakakabingi ang sigawan at dumagdag pa ang mga kahanay ko na nakisali na doon. Zeraphine's even trash talking the other team and her own brother.
"Montefalcon!"
"Ali!"
Inipon ko ang buhok at inilagay sa kanang balikat ko saka tumayo. Inilagay ko ang magkabilang kamay sa gilid ng bibig saka nakisali sa sigawan.
"Go, Alistair!"
Nagpatuloy ang sigawan, hawak ni Charley ang bola kaya't malakas ang sigawan sa banda namin at ako lamang ang nag-iisang ichini-cheer ang kabilang team sa bandang ito.
"Alistair!"
Napansin ko ang pagtahimik ng buong lugar, puno ng pagtataka ang mga matang ipinalibot ko ang tingin at nadatnan ang halos lahat ng naroon ay nakatingin sa akin.
Tumaas ang kilay ko saka lumingon kay Zera siyang katabi ko. Nasa mga labi nito ang ngisi at nasa mga mata ang panunudyo. Nagsalubong ang mga kilay ko habang inginuso naman nito ang court.
"Iyong Alistair mo nanalo."
Nalipat doon ang aking paningin at nakagat ko ang pang-ibabang labi nang masalubong ang mga mata ni Alistair na deretsong nakatitig sa mga mata ko.
He wetted his lips then slowly, the corner of his lips tugged up. Sumilay ang ngiti doon na nagpakawala ng mumunting ngiti sa mga labi ko.
There goes those dimples that got me, again. Iyong malalalim na butas sa kaniyang pisngi na hindi nawawala kahit na ano pang ekspresyon ang mayroon siya.
Ngunit hindi yata matatalo ang mga ngiti niyang sinasabayan ng mga iyon.
"Traydor!"
Tinawanan ko lamang ang sigaw nina Harper saka bumalik na sa pagkakaupo nang ulanin nang kantyawan ang buong court.