Traydor
"Hindi nakakatuwa, Aina."
Lalong lumakas ang tawa ko dahil sa sinabi ni Harper na dinagdagan pa ng hindi maipintang mukha ni Seven. Their team lost the last seconds, hindi ko alam ngunit ayon sa kanila ay ang pagsigaw ko ng pangalan ni Ali ang nagpatalo sa kanila.
I just cheered for Alistair, hindi ko napansin na sa pagsigaw kong iyon ay ako lamang pa la ang sumigaw at walang kahit na sinong kasabay. That's why eyes were all on me when the whistle echoed at the whole place declaring the game has ended.
"Traydor."
Pabiro kong inikutan ng mata si Lee saka iniabot ang towel kay Charley mula sa dala kong bag niya. Nakikitawa lang ito kahit na pinapagalitan ng mga kasama lalo na ng mga pinsan nito.
"It's Kuya Charley's fault, ang tanga kasi."
"Hey!" kaagad na umangal si Charley dahil sa sinabi ng kapatid na si Zera.
"I agree." Tumango ako saka tumaas ang kilay habang nakatingin kay Charley, "It's called team play for a reason tapos ay nakikipag-one on one ka."
Inayos nito ang suot na salamin saka kumunot ang noo. Malalim ang gatla sa noo niya habang nagpupunas ng pawis.
"Kahit na ganon ay hindi naman ako nag-cheer para sa kabilang team."
Umikot ang aking mga mata saka ito hinarap at inabutan ng inumin matapos abutin ang towel.
"I only cheered for Alistair at kung talagang naka focus ka ay hindi maaagaw sayo iyong bola."
Binuksan nito ang bottled water na iniabot ko saka iyon ininom sa harapan ko habang nakapamaywang. Iniabot niya rin iyon pabalik sa akin at ako naman ang uminom. Hindi naman ako maarte and I'm thirsty.
"Pinopormahan ka ba ni Yap?"
Umiling ako saka napabuntong hininga. Matapos ay ngumisi ako at tumingala sa kaniya.
"Sana–Ohmygod! Iww! Kadiri ka talaga!"
Pinukol ko siya ng masamang tingin nang ihagis nito sa akin ang kahuhubad lamang na jersey shirt, basa iyon ng pawis at talagang nakakadiri.
Ngisian lamang ako nito kaya't kinuha ko ang hindi pa nagagamit na shirt sa bag niya ay ihinampas iyon sa kaniya ng malakas na ikinadaing niya. Sinipa ko ang tuhod niya saka itinapon sa mukha nito ang shirt.
"That's mean, Shekhaina Eve!" reklamo niya na ginantihan ko lamang ng ngisi gaya ang ginawa niya.
Dumarami ang mga babaeng lumalapit sa banda namin, lumipat ang tingin ko sa kabila at ganon din doon. Girls are congratulating them and taking pictures with them.
"Ahm, napanood ko 'yong laro niyo and, uhm, ano, ang galing mo."
Tumaas ang kilay ko at napalingon nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Then I saw Vana talking to Charley, nasa likod nito ang mga kaibigan at sina Erica na nagtutulakan pa at bahagyang nanunudyo.
"Oh, thanks. Though natalo." Binuntutan iyon ni Charley ng mahinang pagtawa.
Nailing na lang ako saka nilingon ang kabilang gilid nang may kumalabit sa akin sa siko. It was Zera, she's smiling mischievously at me.
"Ano?"
Lumapit ito sa akin at ipinalibot ang mga braso sa kanang braso ko.
"Let's congratulate the other team."
Napalingon ako sa kabilang banda saka ibinalik ang mga mata kay Zera.
"The morons will sulk even more kapag ginawa natin 'yon."
"Hayaan mo sila."
Napabuntong hininga ako saka hinarap siya at tumango.
"Wait for me here."
Nagtungo ako sa kung nasaan si Charley saka ito kinalabit. Humarap naman siya sa akin, nagtatanong ang mga mata.
"Sasabay ako pauwi, my things are still inside your car."
"Saan ka pupunta?"
Itinuro ko ang kabilang banda kung nasaan ang team nina Ali saka saglit na nilingon si Zera.
"Your sister asked me to go congratulate them together, saglit lang kami. Wait for me."
Binalikan ko si Zera na may malaking ngiti sa labi saka ako nito hinila patungo sa kabilang team. Maraming babae doon ngunit lumihis ang mga ito upang padaanin kami at dahil din sa kakilala ni Zeraphine ang ilan sa mga ito.
"Doon daw tayo kila Montefalcon after dito, dyan lang sa kabilang subdivision."
"Pass ako, nandyan na si Ate."
Kaagad na nahanap ng mga mata ko si Alistair dahil sa boses nito na kausap ang isang teammate. There's no girls around him, dahil na din siguro sa malamig na awrang nakapalibot sa kaniya.
He's not the friendly type when comes to girls, I think. Parang ganon lang kay Seven, halos wala ding nakakalapit doon.
Iniwan ko si Zera na nakikipag-usap sa ilang mga kakilalang nakita doon saka naglakad patungo sa bleachers kung saan ay nakaupo si Alistair at nakatingala habang umiinom ng tubig mula sa tumbler na dala nito. He's sweating all over, from his hair down his uniform. Mukhang umpisa pa lang ng laro ay naglalaro na ito.
Huminto ako sa harapan niya at mukhang hindi pa nito napapansin ang presensya ko. I just stared at him while he's drinking. He's dripping wet, nagtataas baba pa ang balikat nito dahil sa pagod.
"Ali!"
Binato siya ng towel ng kasama na nasa tatlong baitang ang pagitan mula sa kinauupuan niya. Hindi ko mapigilan ang mahinang matawa dahil doon.
"Ano– Shekhaina Eve."
Pabiro akong kumaway dito habang may ngiti sa labi. Nanatili naman itong nakatingala habang nakatitig sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko dahil doon saka bahagyang napasimangot. Alistair looked shock, para itong nakakita ng multo.
"May dumi ba ako sa mukha?"
Ilang beses itong napakurap bago tumayo. Umiling ito saka napakamot sa batok.
"Nagulat lang ako, akala ko ay hindi ka lalapit dito dahil doon sa mga panunudyo kanina."
Bahagya akong napanguso at nailing habang walang ingay na natatawa.
"That was nothing, nagdadrama lang kasi sina Harper kaya't nagdalawang isip akong lumapit." Hinawi ko ang buhok saka matamis na ngumiti dito, "Congrats nga pa la."
Nailing ito habang walang ingay na natatawa. The same chuckle every time we're talking on the phone at almost every night.
"Thanks, though tsamba lang iyon."
Umiling ako sa umupo sa bleachers at ganon din siya. Napansin ang paglagay nito ng pagitan sa aming nadalawa na ikinalalim ng gatla sa noo ko.
"Wala akong sakit, Ali."
Umiling ito saka isinabit ang towel na pinang pupunas nito ng pawis sa balikat.
"Hindi pa ako nagbibihis at puno ako ng pawis, nakakahiya." he chuckled.
Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mga mata at ang bahagyang paggalaw ng mga labi na ikinawala ng mababang halakhak mula dito. Muli akong napaikot ng mga mata sa kaniya habang nagpipigil ng ngiti.
"Hindi ka naman mabaho, you smell just fine. And katatapos lang ng game so given naman na pawisan ka."
He smells nice actually, kahit na puno ng pawis ay mabango pa rin. Kahit na yata itapon siya sa kanal ay mananatili ang natural nitong amoy na gustong gusto kong amuyin.
I'm just restraining myself from sniffing his neck because that's just too bold and embarrassing. Hindi lang kantyaw ang aabutin ko lalo na sa mga kababata ko na baka mamamatay na ako ay namimikon pa rin.
"So, uhm, kasama mo si Montefalcon bago dito?"
Tumango sa tanong nito.
"He picked me up at Min's, doon kasi napag-usapan ng mga kagrupo ko sa report na lugar para sa group meeting namin."
Napabuntong hininga ako habang nilalaro ang bola sa gilid gamit ang mga paa at naroon ang paningin ko.
"Mabuti nga ay nakahabol pa si Charley kahit na late na dahil late na din noong dumating iyong iba naming kasama."
Napalakas ang sipa ko sa bola at napunta iyon sa banda ni Alistair kaya't napasimangot ako. Ginalaw niya iyon pabalik na nagpabalik sa ngiti ko saka nagpatuloy sa paglalaro doon.
"Ang akala ko din ay hindi na darating si Montefalcon, he often gets late in plays. Official man o hindi ay hindi iyon nawawala."
Napaangat ako ng tingin sa kaniya at bumaling naman ito sa akin.
"Madalas daw kayong nauuwi sa one on one."
Tumango ito saka tumaas ang sulok ng labi at kapagkuwan ay nailing ito habang mahinang natatawa.
"It's just became a hobby since pareho kami ng position at basta na lamang nagkakainitan."
Tumango ako saka umawang ang labi upang magsalita ngunit mayroong tumawag sa akin kaya't napunta doon ang paningin ko.
Tumango lang ako kay Charley na sinenyasan akong aalis na kami bago nilingon si Alistair na tumingin din doon bago inilipat ang mga mata sa akin.
"Uhm, una ako."
Tumango ito saka tumayo din nang tumayo ako. Kumaway ako sa kaniya habang nangingiti na mahina lamang nitong ikinatawa.
"Bye."
Tumango lang ito at ako naman ay tumalikod na doon saka naglakad patungo sa banda kung nasaan sina Charley na naghihintay sa akin.
"Eve."
Huminto ako sa paglalakad at nagtatanong ang mga matang lumingon kay Alistair.
"I'll call you, later."
I twisted my lips then smiled at him.
"I'll wait then."
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nailing na lamang nang marinig ang ilang kantyawan sa banda nila. Mukhang gigisahin ng mga ito si Alistair dahil doon.
"Akala ko ba ay may pupuntahan ka."
Lumingon ako sa front door at nadatnan doon si Charley na kapapasok lamang sa bahay namin.
"Oh, you're here."
Tumabi ito sa akin sa sofa saka dumukot ng cookies sa hawak kong bowl.
"Susunduin ko si Clev, doon daw matutulog sa bahay."
Tumango ako at ilang sandali pa lamang ay bumaling sa kaniya nang magkasalubong ang kilay.
"Hindi ba't naroon ang mga pinsan mo? Hindi pwedeng mag-inuman sa harapan ni Clev."
"Nakauwi na sila."
Ang akala ko ay may balak ang mga itong mag-sleepover sa bahay nina Charley gaya ng madalas nilang gawain ngunit mukhang nagkamali ako.
"So, bakit nandito ka pa?"
Nilunok ko muna ang nginunguyang pagkain saka napabuntong hininga.
"I felt tired and drained all of sudden. Bukas na lang ako mag-aaral ulit."
Maybe its fatigue, I only have few hours of sleep because I've been focusing on studying these last few days. Nang makarating sa bahay ay para bang hinihila ako ng kama ko upang magpahinga.
Halos kagigising ko lang at ramdam pa rin ang sakit ng katawan, ramdam ko din ang bahagyang pagbigat ng ulo dahil sa sinat.
"Nabigla lang iyang utak mo sa biglaan mong paggamit kaya't nagkaganyan ka."
Pabahikab ako saka pinukol siya ng masamang tingin dahil sa narinig kong sinabi nito.
"Gago."
Tinatawanan lang ako nito at sakto namang pababa ng hagdan si Clev habang nakasunod si Daddy sa likuran nito. Cleviene's wearing his pajamas and have this big smile flustered at his face.
Ilang bagay din ang ibinilin dito ni Daddy at kay Charley bago nagpaalam na umalis ang mga ito. Charley live a few blocks away from our house kaya't pumayag si Dad sa gusto ni Clev.
"Take your medicine before going back to your room, Shekhaina Eve."
Napatigil ako sa pagpanhik sa hagdan saka nababagot na naglakad patungo sa kusina at nadatnan sa counter ang wooden tray kung nasaan ang tatlong capsule ng gamot at isang baso ng tubig.
"Magpapahinga na po ako."
Ibinagsak ko ang sarilin pahiga sa kama nang makapasok sa kwarto ko. My fever might gone up if I won't rest. Masyado kong pinagod ang sarili sa pag-aaral, I should have took a rest from time to time at sana pa la ay sinunod ko ang mga sinabi ni Alistair na kailangan kong matulog ng maaga.
I'm too focused on adjusting in this new system and became too eager to try taking studying more seriously than I usually do that I wound up being in this state.
"I'm alright, Mom. Sinat lang naman po, pahinga lang ang kailangan nito at maayos na tulog."
Napapangiti ako habang pinapakinggan ang mga bilin ni Mommy mula sa kabilang linya. Dad told her about my fever and it got her worried.
I miss Mom, so much. Isang taon na ang lumipas mula nang huli ko siyang makita nang dalawin ako nito sa Canada kasama ng kapatid ko. She didn't remarried and just continue pursuing her dreams.
"Take a rest, alright? You got me worried, ang akala ko ay kung napano ka na."
Mahina akong napatawa saka inilipat ang cellphone sa kabilang kamay.
"I'm fine, Mom. Masyado lang pong nag-exaggerate si Daddy."
"He will never get used to situations like this." Bumuntong hininga ito na ikinangiti ko, "Anyway, take care alright? Take your meds and just rest, wala munang gadgets, please?"
Napanguso ako sa huli niyang sinabi, I planned to reply at every messages I got since I'm bored.
"I know this silence, Shekhaina Eve."
Istrikto ang boses ni Mommy na lalong nagpahaba sa nguso ko. She know me too much.
"How about we compromise, Mom." I tried smarting her.
"No, sasabihin ko sa Daddy mo na bantayan ka. He won't mind sleeping at the sofa."
Bumaba ang balikat ko saka napabuntong hininga dahil doon. Looks like I don't have any choice.
Nagpaalam na din si Mommy matapos ang ilang bilin at ilang minute lamang ay pumasok na si Daddy sa kwarto ko dala ang laptop at ilang papeles. He settled at the long sofa at put his laptop at the coffee table inside my room.
"How about an hour with my phone before I sleep, Dad?"
Nilakihan ko pa ang ngiti nang bumaling ang tingin sa akin ni Daddy. I tried making it more convincible with my puppy eyes. Mahina si Daddy sa ganito.
"It's a no, Shekhaina Eve."
Mas pinapungay ko pa ang mga mata at inginuso ang labi. I made it more convincing at ilang sandali pa ay bumuntong hininga ito, a sign of him being defeated by my cuteness.
"Alright, just an hour."
Lalong lumaki ang ngiti ko saka inabot ang cellphone sa loob ng drawer sa bedside cabinet ko saka kaagad iyong binuksan matapos makita ang maraming notifications at messages.
The notifications are more about the photos where I was tagged in. Iyong mga pictures kanina after ng game, likes, reactions and comments. Marami din ang comments at reactions sa ipinost kong picture kasama ang buong team at syempre hindi mawawala doo ang nangungunang comment nina Harper at Lee.
Ang walang kamatayang, 'traydor', I just haha'd every comments like that. Hindi naman nakatakas sa akin ang isang comment na may naka-attached pang picture.
Charley Montefalcon: Trinaydor tayo para sa intsik
At the end of his comment was a crying and pleading emoji, sa ibaba naman nito ay isang picture kung saan ay naroon kami ni Alistair, nakangiti at tumatawa habang nakaupo sa bleachers.
Nailing na lang ako saka iyon nireplayan iyon. He's not that social media type of a person kaya't siguradong nang-aasar na naman ang gago.
Shekhaina Eve Rodriguez: Love you, too
Lumipat naman ako sa messages at tinignan ang lahat ng mensaheng natanggap. Most of it was asking about my relationship with Alistair, I just ignored it. Iyong tungkol sa aming dalawa ang naging highlight nang game at siyang usap usapan ngayon.
Mayroon din namang galing mula sa ilang kakilala na nagtatanong kung ayos lang ako at nagreply sa story ko kung saan ay naka-post ang picture ko.
It was a mirror shot with me wrapped with a comforter and captioned with a sick emoji with thermometer on its mouth.
Then all of sudden, Alistair's name occupied the whole screen of my phone with only two choices, accept or reject. And of course, I accepted his call but put my earphones first.
Narito si Daddy si loob at nakakahiya, he knew all about my boyfriends back then and even caught me kissing one once ngunit nakakahiya pa rin lalo na't si Alistair ito.
"Did I woke you up?"
Mabilis kong hinanap ang pangalan niya saka nagtipa ng tugon na mensahe dito. I was texting with him a while ago before I fell asleep and woke up with a fever.
Ako: No, hindi naman ako tulog. Kagiging ko lang an hour ago actually
"Why are you texting? Nawalan ka ng boses dahil sa pagsigaw kanina?"
Sinundan niya iyon ng marahang halakhak habang ako naman ay napasimangot. I only cheered twice and it's all for him kaya't imposible akong mawalan ng boses dahil doon.