Highlight
"Why are you texting? Nawalan ka ng boses dahil sa pagsigaw kanina?"
Sinundan niya iyon ng marahang halakhak habang ako naman ay napasimangot. I only cheered twice and it's all for him kaya't imposible akong mawalan ng boses dahil doon.
Ako: Nandito si Daddy sa room ko kaya't ayaw kong magsalita, Alistair
I even put a face with rolling eyes emoji at the end of the message, expressing annoyance and disbelief but in a cute way. I often use the emoji with a pleading eyes though, that's my favorite.
"Oh, sorry."
He chuckled from the other line making my eyes roll while a small smile is stretching on my lips. Bakit ba hindi na ako nasanay sa marahan niyang paghalakhak na iyon.
"How are you feeling? Dapat ay nagpapahinga ka para hindi tumaas ang lagnat mo."
Mabilis akong napatipa ng mensahe.
Ako: Paano mo nalaman?
"Nakita ko sa story mo. I was actually hesitating kung tatawag ba ako o mag memessage dahil akala ko ay nagpapahinga ka o baka ay tulog."
Huminga ito ng malalim at ilang sandal pa lamang ay narinig ko ang tunog ng pagbagsak sa kama. Seems like Alistair was now lying in his bed.
"You should be resting, matulog ka na kaya."
Napasandal ako sa headboard ng kama at napahikab, I can feel my body temperature rasing. Hindi naman siguro lumalala ang lagnat ko.
Ako: I just woke up more than an hour ago
"Then sleep for a couple of more hours, buong araw ka namang gising bukas."
Ako: Now you just sounded like Charley
Natahimik ang kabilang linya matapos iyong isend. And without any word, I heard a strumming of guitar strings, softly and calming.
Huminga ako ng malalim habang pinakikinggan iyon, hindi gabi gabing nanghaharana si Alistair. Kailangan ko na ba itong irecord?
Ilang sandal pa ay napansin ko ang hindi nito pagkanta o pagsasalita manlang, he's just strumming the guitar, making this calm atmosphere.
Ako: Hindi ka na naman kumakanta,
He chuckled while still playing, madalas namang ganito ngunit mas gusto ko sa tuwing kumakanta siya, he has that low baritone and husky voice. Low yet calm.
"Japanese ang kantang ito, Eve. Hindi ko kabisado ang lyrics."
Nagsalubong ang kilay ko, he even know Japanese songs. Kung hindi ako nagkakamali ay minsan nitong nabanggit ang panonood ng anime bilang libangan every weekend.
I sighed
Ako: Then play something you can sing, Alistair
Even my message seems demanding and bossy, ayaw ko iyong lumabas ng ganon ngunit hindi ko naman mapigilan. It seems natural for me.
"Hindi ako kumakanta ng madalas at inaaral lang kung paano tugtugin ang mga kanta kaya't hindi ko alam kung bakit gusto mo akong pakantahin, I don't even have a great voice."
Huminga ako ng malalim saka inipon ang buhok sa kabilang balikat at humiga, nagtipa ako ng mensahe saka inilapag ang cellphone sa ibabaw ng unan.
Ako: Just sing already, Alistair
He chuckled, mukhang nabasa na nito ang mensahe ko.
"So bossy. Alright, Ma'am."
I smiled, then after a long second, he started picking the strings of his guitar. Sending this calm and chill vibes in me. Masama bang mahulog sa beat?
"When the night has come, and the land is dark. And the moon is the only light we'll see."
Nakikita ko na naman ang imahe nito isip habang hawak ang gitara at tumutugtog gamit iyon. It's my usual imagination whenever I hear him playing. Marami akong kakilalang tumutugtog at magaling kumanta gaya niya ngunit tila ba malayo ang agwat ng isang 'to sa kanila.
"~oh, I won't be afraid. Just as long as you stand, stand by me."
Stand by me, huh
"So darling, darling stand, bye me. Oh, stand by me,"
I closed my eyes to savor the feeling, his voice was soothing.
"It's your voice alone, low yet calm." bulong ko.
Bahagya itong tumigil sa pagkanta at nariyan nanaman ang hindi pantay nitong paghinga. Patuloy ang pagtugtog nito ngunit ang pagkanta ay bahagya nang huminto na pinalitan ng ganong paghinga.
Oh, Alistair
He's adorable alright. He's being shy or just got took a back whenever his breathing became uneven. Nakakatuwa iyon lalo na't ako ang dahilan.
"Hindi ba't sinabi kong huwag kang nanggugulat ng ganon, Shekhaina Eve."
Mahinang akong natawa saka muling ipinikit ang mga mata.
"Just continue singing, Mr. Yap. I'm getting sleepy here."
Bumuntong hininga ito na dinugtungan ng mahinang paghalakhak bago itinuloy ang ginagawa.
"~I won't cry, no I won't shed a tear. Just as long as you stand –"Stand by me."
Kinanta ko ang dulo ng line na iyon na ikinahalakhak nito ng mababa at ganon din ito. Ipinikit ko na ang mga mata at hinayaan siyang tapusin iyon.
And before I even notice, sleep was slowly consuming me. At nang magising ako kinabukasan ay magaan na ang aking pakiramda at wala na din ang lagnat ko.
"Uptown lang naman, iyong bagong bukas na café. Walang gaanong tao doon tuwing nadaraanan ko."
Charley's suspicious eyes went on me. Nakasandal ito sa sasakyan at kahahatid lamang kay Clev na kasama niya buong magdamag kagabi at buong maghapon ngayong araw.
"Makikipag-date ka lang sa intsik na 'yon, e. Umamin, Eve."
Inikutan ko siya ng mata sa ipinakita ang mga librong dala ko saka iminuwestra ang suot kong hem tee dress na hanggang sa tuhod ko at simpleng loafer.
"Sa tingin mo ba ay may lakas ako ng loob na makipag-date sa suot kong ito at habang dala ang mga librong ito?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Napahawak naman ito sa baba habang tumatango. Ilang sandali pa ay tumango ito saka ngumiti ng nakakaloko.
"Alright, you convinced me."
Inikutan ko siya ng mga mata.
"Saan ba dapat ang punta mo?"
Tanong ko habang ikinakabit ang seatbelt habang ito ay iminamaubra na ang sasakyan. Nakabihis ito kaya't siguradong may lakad.
"Valkyrie, sa Chaos sana pero mas gusto daw nila doon."
Nagsalubong ang kilay ko, so clubbing ang lakad ni Sir ngayong gabi at siguradong ang mga pinsan nito ang kasama.
"Downtown na 'yon, ah. You can't drive all the way there. At isa pa, may club naman ang pamilya niyo uptown kaya bakit doon pa?"
Nagkibit balikat ito.
"Bored na daw sila sa Clubhouse at sina Reid naman ang magmamaneho. Doon kami sa Min's magkikita kita."
Nailing na lang ako saka napabuntong hininga. Ilang sandal pa ay huminto ang sasakyan sa harapan ng tinutukoy kong café.
Inalis ko ang seatbelt saka inabot ang mga libro sa backseat bago humarap sa kaniya.
"Hindi kita masusundo, tawagan mo na lang ang Dad mo."
Tumango ako.
"Alright, enjoy your date with your cousins then. I'll wait for the photos."
Mahina itong tumawa habang nailing.
"Don't forget to highlight every important words then, mangongopya ako ng notes."
Inikutan ko lang siya ng mga mata saka binuksan na ang pinto ng sasakyan sa banda ko saka lumabas. Nakababa ang bintana nito kaya't sinilip ko siya doon.
"Ingat, Sir. Love yah." Kumindat pa ako na ikinailing lang nito.
"Yeah, yeah love you too, Ma'am."
Kumaway lang ako sa kaniya ng pabiro bago tumalikod at pumasok na sa café, at tama nga ako. Konti lang ang tao doon, sa unang palapag ay may iilang costumer lamang at mukhang puro estudyante. Mostly ay college.
Umorder ako ng isang slice ng chiffon cake at esspreso upang hindi ako antukin.
Nagtungo ako sa second floor saka umupo sa bakanteng mesa sa tabi ng salaming pader habang hinihintay ang order. The second floor was more silent than the ground floor, mayroon lamang dalawang taong narito at ako ang pangatlo.
It was warm and comfortable with a nice looking local and nice view of the lights outside. The embience and just great place to study, bagong bukas lamang ito at ngayon lamang ako napadpad dito kaya't siguradong babalik balikan ko ang lugar na ito.
"Bago ka lang ba dito, Ma'am?"
Tiningala ko ang waitress saka nakangiting tumango.
"Nadaraanan ko lang ito at konti ang tao sa ganitong oras kaya't sinubukan ko."
"Bagong bukas lang po kasi ito at karamihan ay college students ang napapadpad dito upang mag-aral."
Tumango ako matapos humigop sa kape.
"Pansin ko nga."
Ilang sandali pa itong nanatili bago nagpaalam na aalis na upang mag-attend sa ibang costumer. Binuklat ko naman ang libro saka nag-umpisang magbasa doon habang nagha-high light ng ilang importanteng words at details.
Iginugol ko ang oras sa pagbabasa at pag-aaral dahil tapos ko na ang lahat ng sasagutan kanina sa bahay. I can't focus studying like this inside the house kaya't napagdesisyunan kong magtungo dito.
"Ma'am, kukunin ko na po. May iba pa po ba kayong oorderin? Mukhang magtatagal pa kayo."
Nakangiti akong tumango sa waitress.
"Salamat, Leila. Matatapos na din ako kaya't wala na."
Tumango lamang ito bago nagpaalam na aalis na. Bumalik ako sa binabasa at nang matapos ang chapter na iyon ay ibinaba ko ang libro saka ipinatong ang mukha sa ibabaw nito habang nakatitig sa labas ng salaming pader.
"Miss, nalaglag iyong highlighter mo."
Umayos ako ng upo at sinuri ang mga gamit ko, nothing seems missing. Another guy trying to hit again?
Bumuntong hininga ako saka bumalik sa dating posisyon.
"Hindi akin 'yan, baka sa'yo."
"Hindi akin 'to. I don't collect mini stabilo highlighters, they're too girly."
Umayos ako ng upo saka nag-angat ng tingin sa lalaki, ang walang buhay kong mukha ay napuno ng gulat lalo na nang ngumiti ito at sinundan pa iyon ng halakhak.
"You keep ignoring me, may iniiwasan ka?"
Umiling ako habang nangingiti saka inabot ang hawak niyang mini stabilo highlighter, hindi ko napansin na wala pa la dito ang Wish ko.
"May mga lumalapit kasi kanina, trying to hit on me."
Hinila nito ang katapat na upuan ng akin sa mesa at umupo doon. Then he shook his head while staring at me.
"You highlight the whole room, Eve imposibleng walang makapansin sayo."
Napahawak ako sa batok saka inilagay ang palad sa bibig nang humikab. Pumangalumbaba ako habang nasa kaniya ang mga mata.
"Mayroon kang mabulaklak na dila, Ginoo."
Ipinatong nito ang siko sa mesa saka isinandal sa kamao ang pisngi habang naninimbang ang mga matang nakamasid sa akin.
"Pawang katotohanan lamang ang aking mga salita, Binibini."
Inikutan ko siya ng mata saka nag-iwas ng tingin, hindi naman nakatakas sa akin ang mahina nitong pagtawa.
"Mag-aaral ka?" tanong ko nang makita ang inilapag nitong mga libro at notes sa mesa.
It was a textbook of General Chemistry 1 and a book titled Chemistry 1. Chemistry ang prerequisite subject niya this sem, nakakadugo ng utak iyon. Si Charley ay General Biology ang kinuha at inuna ang chem noong first sem. Sa strand naman namin ay may ganon din at Phylosopy naman ang kinuha ko. Politics kasi ang kinuha ko last sem.
Tumango ito sa tanong ko saka binuklat ang mga libro at tumambad doon ang bookmark at nakakadugo ng utak na formulas at chemical equations doon idagdag pa ang kung ano anong chain na may C at H.
"Masyadong maingay sa bahay kaya nagpunta ako dito para makapagfocus."
Tumango lang ako saka pinanood siya, parang napakadali lang para dito ang ginagawang pagsulat at pagsagot gamit ang mga formula doon. I don't understand a thing, basta at pinapanood ko lang siya.
Then he took out his notes, pinanood ko itong magsulat doon habang nagha-highlight sa libro na binabasa gamit ang mga mata. He's too focused that he didn't even notice his phone lightened with notifications.
"Sa tingin ko mas complicated ang chemistry kaysa sa biology." Opinion ko habang pinapanood siya na nagpaangat ng tingin nito sa akin.
"Bakit naman? Biology major?
Umiling ako.
"Humanities ako, Alistair."
Mahina itong natawa at ilang sandali pa akong pinakatitigan bago nailing na bumalik sa ginagawa.
"So bakit sa tingin mo ay mas komplikado ang chemistry?"
"More on memorization lang ang bio with those complicated names pero hindi sing g**o ng formulas at equations sa chem."
"You're right, bio ang kinuha ko last sem pero mas gusto ko ang chemistry."
Siguro ay naka line sa chemistry ang balak nitong kunin sa college. Hinayaan ko na lang siya at hindi na kinausap. Binuksan ko ang iPad na dala saka ikinabit sa kaliwang tainga ang isang earpod at nagplay ng mahinang kanta doon habang ang mga mata ay nasa screen ng cellphone.
8:45 PM
I told Dad to pick me up at ten, akala ko ay matatagalan ako sa pag-aaral ngunit wala pang nine ay tapos na ako. Knowing my Dad, siguradong ten ang dating nito.
"Gusto mo ng makakain o maiinom?"
Nag-angat ako ng tingin kay Ali saka umiling. Sumandal ako sa kinauupuan habang nag-i-scroll sa i********: ng ilang pictures ng mga kakilala at ilang artista.
Charley Montefalcon: Nasa café ka pa? Pauwi na ako
Nagtipa ako ng mensahe nang mabasa ang chat na iyon ni Charley. Mukhang napaaga ang uwi nito o baka ay nagkagulo sa pinuntahan.
Ako: Nandito pa ako, hintayin na lang kita
"Late na, may sundo ka ba?" tanong ni Ali na tinanguan ko.
"Galing ng Valkyrie si Charley kasama ang mga pinsan, pauwi na daw kaya't hihintay ko na lang."
Nag-angat ako ng tingin kay Alistair at nadatnan itong nakamasid sa akin. Ngumiti ako dito na nauwi sa mahinang pagtawa habang nagtatanong ang mga mata.
"Ano?"
Umiling ito habang tulad ko na ding natatawa.
"Don't move, Eve."
Nagtatanong ang mga mata ko habang may ngiti sa labi nang iangat nito ang cellphone at itinapat na akin, mukhang kinukuhanan ako ng litrato.
"Baka pangit ako dyan, ah."
Tinawanan lang ako nito saka may ilang pinindot sa cellphone at pinakita sa akin ang litratong kinuha.
It looked aesthetic, vacant ang lahat ng table sa hanay naming at nasa tabi pa iyon ng bintana, dumagdag pa doon ang champagne na theme ng café at ang ilang pekeng chandeliers na nakasabit.
Nasa akin ang focus nito at may pagkablur ang background ngunit hindi iyon ganon kalabo. It just, it seems like I was the highlight of that photo.
"I told you." Ngumiti si Alistair habang nakatitig sa akin, "You highlighted the whole room, Shekhaina Eve."
Nag-iwas ako ng tingin dito habang pinipigilan ang mangiti. Napanguso ako saka napakagat ng labi.
"Maganda lang iyong pagkakakuha mo."
"Maganda ka naman."
Pabiro ko itong inikutan ng mata saka inabot ang cellphone at itinapat sa kaniya.
"In a count of three smile for me, Alistair."
Kumunot ang noo nito at ako naman ay natawa nang makuhanan iyon ng litrato. He changed his expression twice at nakuhanan ko iyon. Gayon din ang paggulo at paghawi nito ng buhok.
"1! 2! 3!"
He gave me a smile, more on a chuckling wide one that reaches his eyes and showing his dimples that highlighted his smile.
"Patingin,"
Ipinakita koi yon sa kaniya, nangiti lang ito at nailing sa picture. He looked really good on it ngunit wala itong sinabi.
Then I saw our highlighters beside our notes, kinuhanan ko iyon ng picture saka ipinost sa story ko.
"Can I post it?"
Bumaling ako sa kaniya, nagtatanong.
"Ang alin?"
Ipinakita nito sa akin ang isang litrato na hindi ko namalayan noong kinuhanan niya. I twisted my lips before nodding.
"Anong ilalagay mong caption?"
Pinakatitigan ako nito habang nag-iisip.
"How about, the highlight of each evenings."
Napagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa narinig, pinipigilan ang pagkawala ng ngiti at itinatago ang pag-iinit ng pisngi. Pabiro kong pinaikot ang mga mata. That was cringe ngunit narito pa rin ang mga paruparo.
"Ang mais, Alistair."
Tinawanan lamang ako nito at kasunod nito ang paglabas ng isang notification sa cellphone ko dahil sa post nito.