Kabanata 9

2683 Words
Clubhouse "Si Aina iyon, hindi ako pwedeng magkamali. The highlighters!" Ilang araw na ang lumipas ay iyon pa rin ang usapan nina Zebby na siyang kasama ko sa cafeteria nang sumapit ang lunch break. I didn't know that Alistair was this popular. Inulan ng komento at kung ano anong usapin ang litratong ipinost ni Ali nang gabing iyon. Dumagdag pa sa hinala ng iba ang story ko that night na iyong highlighters naming. It was me in that picture pero hindi talaga exactly na nakikita ang mukha ko. At hindi ko alam kung bakit interesado sila doon. Parang kapareho lang iyon ng unang aesthetic na kuha ngunit doon ay ang background ang focus at may pagka-blurred ang parte kung nasaan ako. Kuha iyon noong nakangiti kong kinukuhanan ng picture ang highlighters namin na magkatabi, bahagya akong nakayuko doon kaya't hindi matukoy kung sino iyon. Only Charley knew I was with Alistair that night, naroon pa kasi si Alistair at sinasamahan ako habang hinihintay din nito ang sundo. I don't want to make it a big deal kaya ay hindi na lang ako nagsalita. It's better this way though, ayaw ko sa issues. "Kahit sa Lazare ay usapan iyon sabi ni Nyebe." We talked about it the other night, too. Kapwa lang namin iyong tinawanan ni Alistair. He don't mind it, ang inaalala daw nito ay ako na baka hindi komportable ngunit siniguro ko naman sa kaniya na wala lang iyon sa akin. "Ang tahimik ni Ate Aina, hindi itinatanggi at hindi din naman nagsasalita." Mahina lang akong natawa nang mapunta sa akin ang atensyon ng lahat ng nasa mesa dahil sa sinabi ni Zera. Nagpatuloy lamang ako sa paghigop ng strawberry milk shake habang nangingiti sa kanila. "What's the big deal about it anyway? It's not like ngayon lang nagpost si Alistair ng picture." Nagpatuloy ang pagngungulit ng mga babaeng magpipinsan na Montefalcon na tinatawanan ko lang ngunit nang magsawa sa usapang iyon ay pinutol ko na din ang kuryosidad na iyon. It's not like I'm hiding anything, ayaw ko lang ng issue pero mukhang hindi iyon maiiwasan. Hindi sa lugar ito. Issues and gossips had been part of people here, para bang naging parte ng pang-araw araw iyon. "You two dating?" Umiling ako sa tanong ni Croissant, kasalukuyan kaming naglalakad mula sa Lazare dahil pinuntahan namin si Nyebe na doon nag-aaral. "We just ran into each other there at iyon nga." Iniwasan ko na ang usapan iyon matapos ang ilang araw. Napunta din naman ang focus at mga usapan tungkol sa mga activities this coming week, second week ng February at Foundation ang buong linggong iyon kasama na ang Valentine's at ang Promenade ng junior. Sadly I didn't get to attend my JS Prom when I was in junior. Kung hindi ako nagkakamali ay kagagaling ko that day sa hospital dahil sa catfight na kinabilangan ko dahil sa ex-boyfriend ko na marami ang humahabol. Nilagnat ako the same night after sa hospital kaya't kahit si Dad ay hindi na ako pinayagan. "Sad, sina Nyebe at Zera lang ang may Promenade." Nasa junior pa kasi ang dalawa at nasa senior na kami at college naman na ang iba. "Sina Seven at Harper ba iyong pumuslit papasok sa JS ng junior last year?"si Lee iyon. Nasa Min's kaming lahat, Friday at walang pasok ang lahat ng hapon, sina Nyebe at Zera lamang ang mayroon dahil kapwa nasa junior pa. Same school lang ng samin ang kay Zera at sa Lazare naman si Nyebe kaya't iba talaga ang schedule nito. Doon niya piniling mag-aral dahil bantay sarado na naman daw ito sa kapatid na si KL kung nasa iisang school lang sila kahit pa magkaiba ang building at field. "May boyfriend si Croissant noon, hindi ba? Senior na at babaero pa la."si Zebby. I remember Zera telling me about it. Si Zera ang madalas na tumawag at mangamusta noong naroon ako sa Canada kaya't halos alam ko din ang mga nangyayari dito. "And I remember you throwing a fit dahil iyong crush mo na dahilan ng pagpunta mo doon ay sinuntok nitong si Harper." Pakikisabad ko na ang tinutukoy ay si Zebby. Humalakhak naman si Harper na mukhang naalala iyon na siyang umani ng masamang tingin mula sa kapatid. "Ano na nga bang dahilan kung bakit mo binugbog, dre?" natatawang tanong ni Charley na pinukol din ng masamang tingin ni Zebby na mukhang ayaw nang maalala iyon. "Napagkamalan kong iyong boyfriend ni Croissant dahil ang utos ni Seven ay hanapin iyong gago." Binuntutan iyon ng halakhak ni Harper, "Hindi ko naman alam na nahila na pa la ni Seven iyong hinahanap namin at nadala na sa likod ng school kung nasaan ang iba." Inulan ng tawanan ang paliwanag ni Harper na ikinailing ko dahil sa pagkakaalam ko ay hindi iyon ang dahilan. Well, Harper is a liar after all. "Sinandya mo iyon, Kuya. Wag kang sinungaling." Nagkibit balikat si Harper saka ngumisi sa kapatid. "Crush ka din daw sabi ng mga kaibigan mo kaya 'yon." Nailing ako sa dahilan nito samantalang ang iba ay nagtawanan at lalo namang sumama ang mukha ni Zebby. Dumating si Parker kasama ang girlfriend nito na kasusundo lamang mula sa part time nito. "Ate Amber, dito ka sa tabi ko." Walang nagawa si Parker nang hilain nang nakababata nitong kapatid na si Zebby ang girlfriend nito at pinaupo sa tabi nito. Nakaupo ako sa single sofa sa tabi din ng mga ito kaya't maayos kaming nakapagkwentuhan ni Amber. Ngayon lang kasi parehong free, we're friends. Ilang taon din ang tanda nito sa amin ngunit hindi iyon hadlang. We hangout just fine and we all clicked, kahit pa noong hindi pa sila ni Parker. "So, Alistair, huh." Nagsalubong ang kilay ko habang nangingiti lalo na nang tusukin nito ang beywang ko na ikinatawa ko na. Amber is really beautiful with her amber eyes and just tamed pretty face. Maalon ang mahaba at natural nitong brown na buhok na nagpatingkad ng taglay nitong ganda at ng porselanang kulay ng balat. "Bakit si Alistair na naman?" natatawang tanong ko. Hinawi nito ang buhok at tinanggap ang iniabot na pagkain ni Parker bago lumapit sa akin at bumulong. "Nabanggit ni Harper sa amin, you two are going out daw." Naningkit ang mga mata ko saka nangingiting umiling. "We're not, and Harper is a liar anyway." "Narinig ko na naman ang pangalan ko." Inikutan ko lang ng mga mata si Harper at inilabas ang dila dito. Si Amber naman ay ngingiti ngiti lang at halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. Well, they all believe that we're going out after seeing just one photo, dumagdag pa iyong nangyari sa game nila last Saturday. "Pareho ba ng date ang Foundation natin at ng Lazare?" si Croissant iyon na abala sa cellphone habang may hawak na milk tea at iniinom. "Yep, pati ang Promenade ay same day din." Sagot ni Zebby. "Visit pa la kayo sa booth namin, we'll going to open a restaurant." Si Amber. "Allowed ba ang high school sa college building?" Hindi kasi kami allowed noong junior doon. "Senior lang ang allowed." Napatango na lang ako saka kinuha ang inilapag na ice cream ni Charley sa mesa dahil ubos na ang akin. Nakaupo ito sa armrest ng kinauupuan ko at nakikipagkwentuhan at tawanan sa mga pinsan. "Galing pa la kami sa Valkyrie last week, it was a blast. Sinong gustong sumama this weekend?" Napunta ang mga atensyon naming mga babae sa kanila nang magsalita si Harper. Sumandal naman ako sa upuan saka tumingin sa kaniya. "Hindi allowed ang minors doon, nakakapasok nga lang kami sa BHC dahil kayo ang may-ari." "Pero naipuslit namin sina Charley at Primo." Rason nito habang nakangisi. Of course, ngunit nagkagulo daw dahil may nakainitan si Lee. He often get serious and gets into trouble alone. Madalas itong umaaktong takot at duwag, madalas ding nakikipagtawanan at sumasabay lamang sa iba kaya't nakakapagtaka nang marinig ko ang nangyari. "It was a blast? E, may nakaaway nga si Lee." Si Zebby. "Nalasing lang kaya ganon, hindi naman kami na-blacklist doon." Nakinig lamang ang pagtatalo ng mga ito at ilang sandali pa ay nakikipag-agawan na ng ice cream kay Charley, he noticed that his was gone at mauubos ko na iyon ngunit inaagaw pa rin. "Just get another serving, dalawahin mo na." Inilayo ko sa kaniya ang lalagyan ng ice cream at inubos iyon hanggang sa huling simot. Sumama ang mukha nito sa akin na nginitian ko lang ng matamis. "Saan ka after dito?" Nagtawag muna ito ng waiter upang magpakuha ng dalawang serving ng ice cream bago sinagot ang tanong ko. "Uuwi na." Inagaw ko na ang hawak niyang soft pillow saka ngumiti. "Maglakad tayo." suhesyon ko. Tumango ito bilang pagsang-ayon saka inagaw ang unan na kaaagaw ko lamang dito. Nakisali ako sa usapan ng iba at nakitawa habang pinag-uusapan ng mga lalaki ang ilang mga babae sa campus at sa ibang school. Talk about a particular person never left the group conversation, especially girls, mas nakakapagtaka kung walang ganon. "Si Reid ang seryoso sa buhay." Bahagya pa akong humikab nang mapansin si Reid na seryoso lamang sa harap ng laptop nito. "Tigilan mo, Gabi. Ikaw nga ay nagkasakit dahil nag-aral." Siniko ko si Charley nang malakas itong tumawa, muntik pa siyang nalaglag mula sa kinauupuan dahil sa pambabara sa akin ni Reid. "Hayaan mo iyang si Reid, Aina. Gabi gabi kasing puyat dahil gabi gabi ding may namumuyat." Sinundan iyon ni Harper ng halakhak na ginatungan pa ng mga pinsan nito. Reid is not an asshole like them but he has fair shares of woman in his life, hindi naman maiiwasan iyon at normal lamang dahil lalaki siya. Idagdag pa ang dugong dumadaloy sa mga ugat niya gaya ng sinabi ni Charley. "I saw a girl at the Clubhouse the other night, anyway." Pag-iiba ni Harper sa usapan. "Babae lang naman ang nakikita mo kaya't wala kaming pakialam." Pambabara ng kalalapit lamang na si Seven. Mukhang katatapos lamang nitong magserve at kasalukuyang nasa break. Nagtatrabaho kasi ito bilang waiter dito sa café nila dahil nabasag niya iyong phone niya at kailangan niya ng pera upang bumili ng bago. Tito Theo, his Dad is strict and always teaches them to value everything they have kaya naman pinili nitong magtrabaho dahil iyon din naman ang sasabihin ng ama niya na gawin niya. "It's not like you didn't went there to get a girl, babae lang naman ang pinupunta mo doon." Nagkibit balikat pa si Zebby. Tinawanan lamang ni Harper ang mga pambabara ng pinsan at kapatid gaya ng madalas nitong gawain at nagpatuloy sa inumpisahang usapin. "She's hot, man." Binangga pa nito ang balikat ni Reid, "Iyong ganon sa mga tipo mo." Nailing na lang ako nang mag-umpisang makiusyo ang iba lalo na ang mga lalaki nang marinig na tipo iyon ni Reid. Kuryuso din kami nina Amber ngunit hinayaan lamang ang mga ito. Hanggang sa may ipakitang profile sa i********: si Harper at nakuha nito ang atensyon naming lahat. She's a new face for all of them ngunit parang nakita ko na ito somewhere. "Hindi ako interesado." Si Reid iyon na hindi tinignan ang profile at tumayo lang saka nagpaalam na pupunta sa banyo. "Gabriella Cortez," basa ni Charley sa pangalan, "Nakikita ko 'yan sa Clubhouse minsan." Gabriella? Oh, right, I remember. Kaibigan iyan ni Amethyst at schoolmate din. I haven't met her yet pero nakikita ko ito sa ilang posts ni Amethyst. Acquainted yata sa Mommy niya iyong nanay nong Gabriella kaya't nagkakilala sila. "Paano mo naman nasabing tipo ni Kuya Reid, Kuya?" tanong ni Zebby sa kapatid. "Kaya nga, that's your kind of girl as well." Si Croissant. Harper looked flatly at the two. "You think she's older?" sinuri iyon ni Lee. "I think she's at Reid's age." Si Harper na nilingon ang pinsan. "Pero ganyan din ang mga type mo, Kuya." Pagpupunto ni Zebby. "Matured looking and sexy." Tumatangong sabi ni Charley saka binalingan ang pinsan, "That's definitely your type, dude." Sinuri naman ni Harper ang picture saka nag-isip. Nagkibit balikat ito saka nailing habang natatawa. "Oops, my bad." He grinned, "Hindi ko napansin iyong mga hita." Nabato siya ng mga pinsan ng unan na ikinatawa lang nito. Nailing naman ako sa mga ito at hinayaan na lang. I ate my ice cream that was served, ang banda lang naming ang maingay at siguradong nakakaistorbo sa iba ngunit walang pakialam. "Oh, you cut your hair?" Napatingin ako sa bagong dating, it was one of their cousin. Eliaxavier Quen, KL's half-brother. Si Harper ang unang nakapansin dito na pinuna ang buhok. They all love growing hair, lalo na ang lokolokong si Harper at si KL na basta ay gusto lang tuwing napupusod nito iyon. "Damn, Quen sinayang mo. Girls will turn off when they see." Nagtatanong akong tumingin kay Charley habang malalim ang gatla ng noo. Nagkibit balikat lang ito kaya't napunta kay Harper ang mga mata ko. "Bakit naman sila matuturn off?" tanong ni Croissant na mukhang kuryuso din gaya ko. All of us girls in the table are curious. Hindi namin makuha ang ibig sabihin doon ni Harper na nailing sa pinsang si Quen na kausap. "You know, when you do the deed. They'll get frustrated, gusto nila ay may mahahawakan sila habang–" "Nakaharap iyang kapatid mo, Nimbus Harper." Pinutol ni Parker ang sinasabi ni Harper na ikinasimangot nina Croissant at Zebby. Nailing na lang ako nang makuha ang ibig sabihin ni Harper habang ang mga lalaki ay pigil ang tawa. Boys will always be boys and talks like that will always be part of their nature. I lived in States for three years, it was a liberated country that affected me that's why I understand. Nadala lang siguro sa kabulastugan iyong si Harper at nalimutan na nakaharap ang nakababatang kapatid kaya't nasabi iyon, they don't usually start a talk like that when we are around. "Ano? Papahatid ka na naman?" Hindi ko maiwasan ang pag-ikot ng mga mata dahil sa salubong nito nang sagutin ang tawag ko. He's grumpy again, parang kanina lang ay nang-aasar. "So grumpy." I uttered. It's Friday night at wala akong kahit na anong plano kahit na sa darating na weekend ay bakante ako siguro ay mananatili lang sa bahay kung walang mag-aayang lumabas. Foundation na this coming week, hindi ako officer kaya't wala akong gagawin para sa booth namin. Ang mga officers lang ng mga sections ang gagawa. "Ano nga? Naglalaro ako." Napasimangot ako saka ibinagsak ang katawan pahiga sa kama. Huminga ako ng malalim habang nilalaro at pinagmamasdan ang mga kuko. "Clubhouse tayo," nakagat ko ang pang-ibabang labi nang hindi ito magsalita. "I'm bored, wala akong magawa at nababagot ako dito sa bahay." Naririnig ko ang tunog ng nilalaro niya mula sa kabilang linya ngunit alam kong nakikinig ito. He just refuse to talk because his answer is obviously no. "Charley!" Napangiti ako nang marinig ang pagtigil ng tunog ng paglalaro niya at ang bahagyang pagbuntong hininga nito. Lagi na lang effective ang pananakot kong iyon. "Matulog ka na lang." Napaikot ako sa kama habang mahaba ang nguso dahil sa sinabi niya. Gusto kong lumabas ngunit hindi ako papayagan ni Daddy nang mag-isa ko lang at lalo na kung malalaman niyang sa club ang punta ko. "Sige na, ngayon lang naman." "Tawagan mo na lang iyong intsik na hindi singkit at makipagkuhanan ka ng litrato doon sa tagpuan niyo." Napaikot ako ng mata dahil sa sinabi nito. "You said it like na parang lagi kaming nagkikita doon, we just accidentally met there. Nagkataon lang iyon, hindi plinano." "Oh, e, bakit ka galit?" Mariin akong napapikit nang mag-umpisa nang mapikon dito. He's teasing me at ang pinaka nakakapikon doon ay walang buhay ang boses nito habang ginagawa iyon. He's effortlessly pissing me off. "Fine, bahala ka nga. Mabangungot ka sana." Pinatay ko na ang tawag saka tumayo sa kama at nagtungo sa closet ko. I changed my clothes into a plaid pair cami top and skirt, dala ang itim na pin high heeled shoes ay lumabas ako sa closet at umupo sa harapan ng vanity mirror upang ayusin ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD