Closure
"Shekhaina Eve!"
May ilang kakilala ako na sumalubong sa akin pagpasok sa Clubhouse, ang iba ay classmates ko at ang iba naman ay mga old friends ko. Sinuklian ko ng ngiti ang pagbati ng mga ito. They even gave me a shot of tequila, hindi ko iyon matanggihan kaya't ininom ko na lang.
"Bakit mag-isa ka lang?"
Kanina pa kami nagpapalipat lipat ng mesa, marami din kasi akong kakilalang nandito at kasama ko sina Karylle na lumalapit sa bawat mesa ng mga kakilala namin.
"Walang available kaya't pumunta ako nang mag-isa." Nagkibit balikat ako.
"Have you thought about it? Binigay ko iyong number mo, hindi pa pumuporma?"
Umikot ang mga mata ko saka kunwaring napasimangot habang natatawa dahil sa sinabi ni Jett na sumalubong sa amin nang makitang palapit kami sa gawi nila ng ilan naming kakilala at kaibigan din, classmate ko si Jett noong junior at hanggang ngayon ay kaibigan pa rin.
Ang iba naman ay batch mates na nakakasama din noon, I have one big circle of friends kaya ay marami din akong kakilala. Nakakahalubilo din ang mga kaibigan at kakilala nila na nadadagdag doon.
"I told you I'm not interested. Hindi ako nagpapaligaw sa hindi ko gusto, Jett."
Tinawanan lang ako nito saka iginiya sa mesang iniwan nito kung saan din naman kami pupunta nina Karylle. I wanna call it a reunion ngunit nagkita kita din naman kami noong naghanda ng welcome party sina Zera para sa akin.
"That's him."
Nailing na lang ako nang ituro ni Jett ang inirereto nitong lalaki sa akin. I think he's one of his friends at nagpapatulong daw para sa akin but I'm not really interested on him.
"Aina, kamusta?"
Sinalubong ako ng ilang katanungan at mga ngiti ng mga kakilala doon sa table. I greet them with smile at syempre ay hindi mawawala ang kamustahan at usapan tungkol sa mga nangyari sa nagdaang taon.
"She's with Ali, iyong taga Lazare."
"Really? Ohmygod!" nasa mukha ni Danica ang gulat nang marinig iyon mula kay Erica.
"Napakailap noong si Yap, Aina paano mo nakuha?"
Tinawanan ko ang mga ito lalo na nang magreklamo dahil ang ilan sa mesang iyon ay mukhang may gusto kay Alistair. I just explained them that we're not seeing each other ngunit mukhang hindi naniniwala ang mga ito sa akin.
Hindi na din ako nagtagal doon at nagpaalam na pupunta lang sa restroom makaramdam ng pagod. They keep on handing me hard liquors at every table, maaamoy iyon ni Dad kapag sinundo niya ako later.
"Mag-juice ka na lang, bakit wala kang kasama?"
Napaangat ako ng tinginsa bartender na naglapag ng isang baso ng pineapple juice sa harapan ko, nagsalubong ang kilay ko nang makita ang isa sa mga kababata ko.
"Bakit ka nandito, KL?"
"I work here sometimes, kailangan ko ng pera."
Kinuha ko ang juice na inilapag nito sa harapan ko saka pumangalumbaba habang iniinom iyon. Matapos sa banyo ay dito na ako nagtungo upang maiwasan ang matatapang na alak na ibinibigay nila sa akin.
"Bakit mag-isa kang pumunta dito? Wala namang plano iyong mga babae, sana ay nag-aya ka."
Nagkibit balikat lang ako saka bumuga ng hangin, nilalaro ang yelo sa basong hawak. I had fun, ngunit ngayon ay bored na naman.
"Anong oras ang off mo?" tanong ko kay KL na naghahalo ng alak para sa kauupo lamang na costumer sa tabi ko.
Inilapag nito ang alak sa harapan ng costumer saka tumingin sa pambisig na relo bago ako hinarap.
"11:00 PM."
Tumango ako.
"Sabay na ako sayo, idaan mo na lang ako sa gate ng subdivision namin."
Bahagyang tumaas ang kilay nito at may pagtataka sa mukha.
"May higit isang oras pa ako, Aina. Magtaxi ka na lang o kaya ay magpasundo."
Umiling ako dito saka sumimangot lang na ikinailing nito. Binigyan niya ako ng panibagong glass ng fresh pineapple juice na tinanggap ko ulit upang kahit papaano ay mawala ang kalasingan ko.
"Shekhaina?"
Natigilan ako sa boses na tumawag sa pangalan ko. Ramdam ko ang presensya nito mula sa likuran ko at naaamoy ko rin ang pamilyar na pabangong suot nito na gaya pa rin ng gamit niya higit tatlong taon na ang nakaraan.
I bit my lower lip and turn around to make sure it isn't just my mind playing tricks with me. At nang makumpirmang siya nga iyon ay tila nakaramdam ako ng tensyon sa loob ko.
"Kaizen," I utter his name out of breath.
He smiled gently, showing his dimples. Masuyo ang ngiti at namumungay ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
"Hey," lumapit ito sa akin at huminto isang hakbang mula sa kinauupuan ko.
"I'm sorry about the last time, masyado lang akong desperado na makausap ka at maipaliwanag ang sarili ko. I'm sorry, Shekhaina Eve."
Pinagdikit ko ang mga labi saka iyon binasa gamit ang dila. Then I took a deep breath, sinusubukang maging komportable ang sarili sa kaharap kahit pa rinig at ramdam ko ang lakas at bilis ng pagtibok ng puso ko.
"It's alright, wala sa akin 'yon." I tried to smile and a small one formed.
Mas naging masuyo pa ang uri ng pagkakatingin nito sa akin, ang maamo niyang mukha ay malinaw sa akin. I can see that his face was a bit red, mukhang nakainom ito at lasing.
"Pwede ka bang makausap?" tanong nito at mabilis iyong dinagdagan, "I know I'm asking too much at alam ko rin na kahit na anong gawin ko ay hindi ko makukuha ang pangalawang pagkakataon sayo."
Huminga ito nang malalim at nanatili lamang ako nakatingin dito, pinakikinggan ang bawat salitang pinapakawala.
"Can I ask you to give me, us, at least a closure?"
Umiling ako matapos ang ilang sandal. I want a closure, too. Gusto ko na ding isara ang parting iyong ng buhay ko, ng nakaraan ko na pilit kong tinakbuhan at pinagtaguan ngunit sa tingin ko ay hindi magiging maayos ang pag-uusap naming gayong alam kong lasing ito at ramdam ko din ang epekto ng ilang alak na ininom ko kanina.
I want a closure but not tonight.
"Lasing ka, Kaizen. Kung mag-uusap man tayo ay hindi ko gusto na parehong may epekto ng alak sa ating dalawa." It was the first time that I talked calmly to him since that night.
Umiling ito habang masuyo at mapungay ang mga matang nakatingin sa akin. His eyes are desperately begging, nagmamakaawa na pagbigyan ang nais nito.
"I'm not drunk, Shekhaina." He smiled reassuringly at me, "Kahit saglit lang, please."
Nag-iwas ako ng tingin dito at napunta iyon sa mga paa ko habang nag-iisip. Should I go talk to him? I've never imagine talking to him like this, kahit ang closure na iyon ay nito ko lamang napag-isipan.
He looked harmless, ngunit ganon din naman siya bago pa man nangyari ang pinakamadilim na gabing iyon sa buhay ko. I don't trust him, ngunit mayroon nagtutulak sa akin na pumayag sa nais nito.
Huminga ako ng malalim matapos makapag-isip at makapagdesisyon. Nag-angat ko ng tingin at sinalubong ang mga mata nito saka tumango.
"Alright, let's talk."
Lumiwanag ang maamo nitong mukha at kumislap ang kasiyahan sa malamlam na mga mata. Tipid akong ngumiti saka tumayo at habang naglalakad palabas ng lugar ay nasa loob ko ang pag-asa na sana ay maayos ang kalabasan ng desisyon kong ito.
"...mababa ang alcohol tolerance ko at sa tuwing nasosobrahan sa alak ay nawawala sa sarili. I've been holding myself from drinking beverages ngunit hindi ko magawang tanggihan ang mga kaibigan ko nang gabing iyon."
Nakikinig lamang ako kay Kaizen habang nagkwekwento at ipinapaliwanag nito ang nangyari nang gabing iyon. Kapwa kami nakatayo sa sulok ng rooftop na bahagya lamang na nasisinagan ng ilang lamp na nakapalibot sa lugar.
"You know how much I love you. You are years younger than me but I fell really hard, Shekhaina Eve. Binigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko at binigyan mo din ako ng pagkakataong makapasok sa buhay mo." lumamlam ang mga mata nito at napuno iyon ng lungkot at pagsisisi, "Ngunit gago ako at sinayang iyon, I lost you because of one mistake."
Nanatili lamang akong walang imik habang nakatingin sa kaniya, pinapanood ang iba't ibang emosyon sa kaniyang mga mata at ang paghahalo ng mga iyon. I can feel sincerity in his voice.
Nagsisisi siya.
"I was a fool, naghirap akong makuha ka ngunit ako din ang dahilan kung bakit ka nawala,"
Habang nakikinig sa mga sinasabi nito ay bumabalik ako sa gabing iyon, hindi koi yon inaasahan. Especially from Kaizen, he was a great boyfriend, a perfect one.
"...hinayaan kong kontrolin ako ng alak at ng labis na kalasingan. My insecurities was triggered by it, alam kong ayaw mo nang inaangkin ka. Ayaw mo ng nasasakal ka kaya't pinipigilan ko ang sarili ko ngunit may hangganan din pa la ang pagpipigil ko."
Mapait siyang natawa at nanubig ang mga mata. Ramdam ko din ang panunubig ng aking mga mata kaya't nag-iwas ako ng tingin dito.
"I was trying my best to be perfect, acting like a gentleman even though I'm far from being one. I was holding and controlling myself, I already perfected it, for you. But I slipped that night and I'm sorry. I'm really sorry, Shekhaina Eve..."
"Mahal kita, sobra. Ngunit naging mahina ako, natalo ako ng sarili ko."
Tumulo ang mga luhang pinipigilan ko nang bumalik sa akin ang sakit kasabay ng pagbalik ng mga alaala kasama siya sa nakaraan. I understand, naiintindihan ko ang bawat salitang lumalabas sa kaniya. Gusto ko siyang patawarin ngunit hindi maalis ang takot na naramdaman ko dahil sa kaniya, ang sakit na una kong naramdaman nang dahil sa kaniya.
I was young back then, still learning and seeking for experiences but what I felt for Kaizen was genuine. Naniniwala ako na kahit mura pa iyon ay tatatag dahil may tiwala ako sa kaniya. He was a perfect guy, I was so into him. He was understanding, faithful and a supportive boyfriend, until that night.
"I love you– "Mine wasn't that deep, ngunit siniguro ko naman na wala akong pagkukulang, hindi ba?"
Pinutol ko ang sinasabi nito habang malungkot ang mga mata ay may tipid na ngiti sa mga labi. I twisted my head while staring at him, a smile formed in my lips.
"Natakot ako nang gabing iyon, Kai." May mumunting ngiti na sumilay sa aking labi kasama ng lungkot sa mga mata, "Ngunit hindi ko makalimutan iyong sakit dahil iyong inakala kong sapat ay kulang pa pala sa taong mahal ko."
Natakot ako sa ginawa niya ngunit masakit dahil pinaramdam niya sa akin nang gabing iyon na may pagkukulang ako, na hindi sapat lahat ng ginagawa ko. Mahal niya ako ngunit hindi iyon naging sapat upang pagkatiwalaan niya ako gaya ng pagtitiwala ko sa kaniya.
"I don't think I can forgive you of what you did, Kaizen but I'm sorry, too. I should have known better, I should have made you understand than just let it. Nakikita ko, nararamdaman ko ngunit wala akong ginawa dahil akala ko ay sapat na lahat ng ginagawa at ipinapakita ko. I'm sorry, kasi hindi ako naging sapat."
Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay gumaan ang loob ko, tila ba may naalis na tinik sa lalamunan ko at may nawala sa bigat na dinadala ko. I never imagine talking to Kaizen like this, I've been saving this words ngunit hindi ko akalaing masasabi koi to.
"No, ako ang nagkamali. Sinaktan kita, I've done the worst thing a guy can do to a girl. Hindi ko matanggap na sa lahat ng tao ay ako pa ang gumawa ng bagay na iyon sa'yo."
Tears started pooling his eyes, hanggang sa tumulo iyon. Nakaguhit sa kaniyang mukha at mga mata ang labis na sakit at pagsisisi.
"Alam kong hindi mo ako kayang patawarin, ngunit humihingi pa rin ako ng tawad. Habang buhay kong pagsisisihan ang ginawa ko."
Naiintindihan ko siya ngunit hindi ko siya kayang patawarin gaya ng ginawa niya. I just want to say what I wanted to say at ngayong nasabi ko na iyon ay parang gusto ko nang umalis dito.
We both kept this words for years, I kept it inside and buried it together with the fear. Ngunit ngayong nailabas ko na ito ay nawawala na din sa akin ang takot na gawa ng gabing iyon.
"I've been waiting for this," pinahid nito ang mga luha saka ngumiti, "Thank you, Shekhaina Eve and I'm sorry."
Ngumiti ako sa kaniya. Bumuka ang mga labi ko upang magsalita ngunit nakuha ng pagtunog ng cellphone ko ang atensyon ko. Kinuha ko iyon mula sa purse saka binasa ang text na natanggap doon.
Hinayaan ko lamang iyong at hindi nireplayan nang mabasa. Bumalik ang mga mata ko kay Kaizen na nakatingin sa akin.
"Alam mo kung ano ang kasalanan mo, alam mo ang pagkakamali mo. Kahit na hindi kita patawarin basta't alam ng konsensya mo ang ginawa mo ay makakaya mong magpatuloy, Kaizen." Lumapit ako sa kaniya at tinapik ang balikat niya, "Salamat din, thank you for loving me and thank you for tonight."
Muling tumunog ang cellphone ko kaya't iniangat ko iyon. Napunta din doon ang mga mata ni Kaizen at napansin ko ang pagbabago sa emosyon nito nang makita ang pangalan ng tumatawag.
I canceled the call and smiled at him. "Aalis na ako."
Nilampasan ko siya at nang makahakbang ay sinagot ang tawag ni Charley dahil muli iyong lumabas sa screen ng cellphone ko.
"Nasaan ka? Nandito ako sa labas, umuwi na tayo." Salubong nito.
"Pababa na ako, hintayin mo ako– "Shekhaina Eve!"
Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang malakas na pagtawag sa akin ni Kaizen, ilang hakbang din ang layo ko dito. Nilingon ko siya at nadatnan itong deretsong nakatitig sa akin, may kung ano emosyong nakaguhit sa mga mata.
"Bakit kasama mo iyang gagong 'yan, Shekhaina Eve?" tumaas ang boses ni Charley, puno iyon ng iritasyon.
Nag-iwas ako ng tingin kay Kaizen.
"Wait for me, pababa na ako. I'll explain it later– "Nasaan ka?"
Pinutol nito ang sinasabi ko na ikinabuntong hininga ko.
"Basta ay hintayin mo na lang ako, Charley."
Pinatay ko ng tawag saka muling bumaling kay Kaizen bago tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.
"Stay, Shekhaina Eve. Please, stay with me."
Natulos ako sa kinatatayuan nang muling magsalita si Kaizen gamit ang mga salitang iyon at gamit ang tonong iyon. Huminga ako nang malalim saka nagpatuloy.
"Pupunta ka na naman sa kaniya, siya na naman ang pipiliin mo. I thought I was your home, ngunit kay Charley ka umuuwi, Shekhaina."
Mariing ako pumikit nang marinig ang mga katagang iyon, those were the same words he said that night. Ilan sa mga salitang dumurog sa akin.
"Stay, Shekhaina Eve. I'm begging you. Kahit na saglit lang."
Umikot ako paharap sa kaniya, nagbuga ako ng hangin saka bumalik doon ngunit huminto ilang hakbang mula sa kaniya. I looked at him directly in the eyes.
"My business here is done, Kaizen. Tapos na ang lahat sa atin, I don't have any reason to stay anymore."
Ngumiti lang ako dito bago muling tumalikod at naglakad palayo doon.
"Ngunit bakit sa kaniya ay paulit ulit kang bumabalik, bakit sa kaniya ay hindi ka natatapos?!" napaigtad ako sa malakas nitong pagsigaw at kasabay nito ang paghawak niya sa braso ko.
Marahas ako nitong hinila pabalik sa kaniya at ilang sandal lamang ay nadatnan ko ang sariling nakadiin sa pader. He's holding up both of my wrist, his eyes darted at me, dangerously glaring at me.
"Kaizen,"
Hindi ko na makita ang Kaizen na nakausap ko kanina at ang Kaizen na humingi ng tawad sa akin, hindi ko na makita sa kaniya ang Kaizen na minahal ko. All I can see right now in front of me was the person, the demon at the dark corner of that room from that night three years ago.
"Bitawan mo ako, Kaizen. Let me go!"
Hindi ito nakinig at nanatiling nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Nanlalamig ako at nanghihina dahil sa takot na bumabalik mula nang gabing iyon.
"Akin ka, Shekhaina Eve. Akin ka lang at hindi ako papaya na agawin ka ng kahit na sino."
Matapos sabihin iyon ay bigla na lamang nitong sinakop ang aking mga labi at ipinilit ang kaniya sa akin. Kagat ko ang pang-ibabang labi upang hindi niya ako mahalikan gaya ng gusto nitong gawin.
Nagpumiglas ako ngunit mas malakas ito kaysa sa akin, I can't scream with his lips on mine and I can't move with his hands pinning mine at the wall. Nanghihina din ang mga paa ko na hindi ko maigalaw kahit na anong gawin ko.
"No, please stop."
I begged him to stop but he continued forcing his self on me. Bumaba ang mga labi nito sa aking panga at pababa sa leeg hanggang sa dibdib. Wala akong magawa nang selyohan nito ang labi ko gamit ang kamay at ang isa ay hawak pa rin ang mga mga kamay at pinipigilan ako sa pagpupumiglas.
"You're mine. Akin ka lang!"
He keeps on chanting those words while tears are streaming down my cheeks because of what he's doing in me. Hindi ko alam ang gagawin, I'm so helpless. I can't scream to call for help, nalaglag din ang cellphone ko na ngayon ay tumutunog.
"Stop!"
Nagawa kong makasigaw nang alisin nito ang kamay sa bibig ko at dinala iyon sa paghaplos sa walang saplot kong tiyan. I cried and scream so hard but I still feel hopeless.
Puno ng luha ang aking mga mata, walang tigil na sumisigaw at wala din itong tigil sa ginagawa sa akin. His lips are on my neck, shuffling from it down to my collarbone, nipping and biting the skin on it while his hand was caressing my bare stomach.
Wala akong magawa kung hindi ang umiyak at sumigaw. Awang awa ako sa sarili ngunit wala akong magawa. I feel helpless. Unti unting nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha, nanunuyo na din ang aking lalamunan at unti unti nang nandidiri sa sarili.
"Stop, please..."