Surprise
“Really, Harper? You're crying while singing Lany's Valentine's Day?"
Napuno ng tawanan ang buong mesa namin lalo na nang sumama ang mukha nito at kaagad na umalma.
"Last year lang yata 'yan, Valentines din, nagkayayaan sa karaoke." si Charley na ginatungan pa ng kakambal nito.
"He said he won't sing, ngunit nang nag-play iyon ay kaagad na inagaw ang mic. Umiyak pa si gago."
"Hey, don't judge!" saway ni Harper sa mga ito, "It's a sad song alright."
"Breakup song iyon." si Zera na gaya ng mga kapatid ay may ngisi sa mga labi.
They just continued teasing Harper, nakikitawa lamang ako at maya't mayang sumasali hanggang sa bigla na lang itong tumayo saka inaya na akong magpunta sa salon.
"Sa malapit sa mall lang ako, Harper."imporma ko dito.
"Doon din ako,"
Nagtataka akong bumaling dito. "Ano pa lang ipupunta mo doon? I know you, you don't do salons."
Saglit niya akong nilingon saka iginalaw ang mga kilay, "May susunduin lang."
"Girls again? Hindi ba kayo nagsasawa?" I grimaced.
Marahan naman itong humalakhak. "It's just a friend, Aina."
I just scoffed that made him chuckled. Saglit lamang ang byinahe namin patungo sa destinasyon dahil uptown lang naman iyon.
"Hey, tapos ka na?"
Nawala ang atensyon ko sa cellphone na hawak nang magsalita si Harper pagkababa namin ng sasakyan. Nag-angat ako ng tingin sa kausap nito.
"Amethyst?"I tilted my head and eyed the two of them one after another, "Magkakilala kayo?"
"Business partner ni Mommy ang Mommy niya." Si Amethyst ang sumagot sa tanong ko. "How are you, anyway? Na-busy ako sa school kaya't hindi kita napupuntahan. I just heard from Dad."
Lumapit ito sa akin saka hinawakan ang kamay ko. "You really alright?"
Pabiro ko itong inikutan ng mga mata bago walang ingay na tumawa.
"I'm fine, Thyst. Bakit ka pa la nandito? And,"I moved closer to her, "What's with Harper Montefalcon?"
"I can hear you, Aina."
Inikutan ko lamang ng mga mata si Harper saka sinimangutan bago muling bumaling kay Amethyst.
"So, what's with you two?"nakataas ang kilay na tanong ko.
"We just knew each other, Shekhaina."natatawang sabi ni Amethyst, "Ano ba sa tingin mo?"
"Harper said he's meeting a friend here, Thyst."binalingan ko si Harper sa tabi ko, "You don't befriend girls, Harper."
I sent a glare at my childhood friend standing beside me and he just chuckled.
"E, anong tawag mo sa sarili? Aren't we friends?"
I looked flatly at him. "I'm an exception of course."
He tilted his head towards Amethyst who's just watching us, walang ingay itong natatawa habang nakatingin sa aming dalawa ni Harper.
"Then she's an exception as well."
Hindi na ako nakipagtalo dito at nailing na lamang. I don't really believe that they were just friends, ngunit alam kong kilala ni Amethyst ang mga kababata ko kaya't siguradong hindi nito papatulan si Harper.
And I know who she likes alright. Though, it still awakens my curiosity, bakit siya sinusundo ni Harper?
"Wala na akong change pangtaxi, e. That's why I told you to pick me up."
Pinapanood ko lamang ang mga ito habang nag-uusap. Hindi pa ako pumasok sa loob dahil hinihintay ko munang makaalis ang mga ito.
"Wala din namang ginagawa sa school,"nilingon ako ni Harper, "You sure magtataxi ka na lang mamaya? Pwede naman akong bumalik."
Umiling dito. "Just take Amethyst home safe and sound. Matagal pa din naman ako dito."
Nasa mukha pa rin nito ang pagtutol ngunit wala na ding nagawa nang ipagtabuyan ko. Amethyst just hugged me one last time before waving her hand goodbye at me.
"Take care,"
Hindi ko inalis ang mga mata sa sasakyan ni Harper na papalayo hanggang sa tuluyan na iyong mawala sa paningin ko.
I don't know what's going on between that two. But remembering Lany's Valentine's Day, I knew they'll be in trouble.
"Shekhaina Eve, nakabalik ka na pa la!"
Tumayo ako mula sa kinauupuan saka lumapit sa bagong dating at yumakap dito.
"How are you, Mommy Jonah? Namiss kita."
Mommy Jonah is a gay owner of this place, dito kami madalas magpunta ni Mommy noon dahil kaibigan din ito ni Mommy.
"Heto, maganda pa rin."pabirong sabi nito saka tumingin sa bandang likuran ko, "You're alone?"
"Kagagaling lang ni Amethyst dito, e. Si Mommy naman ay busy, and kagagaling ko lang sa school."
Ilang sandali pa kaming nagkamustahan bago ako bumalik sa kinauupuan kanina. I'm actually waiting for him, siya kasi ang laging nagpa-polish ng nails ko. The last time I went here ay wala siya kaya naman ngayon ay gusto kong siya ang gumawa.
"So, what do you want me to do today?"tanong nito habang nakatingin sa akin mula sa salamin, "Want your hair done? Or your nails?"
Ngumiti ito dito saka itinaas ang mga kamay upang ipakita ang mga daliri ko dito.
"Just my nails, Mommy J."
"Your nails then."
Kumuha lamang ito ng mga gamit saka bumalik upang ayusin ang mga kuko ko. He started with my toes bago isinunod ang mga daliri ko sa kamay.
"Just plain white and black combined, Mommy J bahala ka na sa design."
Higit isang oras din ang itinagal bago iyon natapos. I was careful with my nails, especially in fingers kaya naman ay hirap ko ding inabot ang bag upang kumuha ng cash.
And to my disbelief, I only have a hundred pesos at dalawang card na ang naroon.
"Ano na naman?"
Napanguso ako saka mahinang natawa sa bungad sa akin ni Charley nang sagutin nito ang tawag ko
"I ran out of cash, pay for me. Sunduin mo na din ako dahil wala akong pangtaxi."
Hindi ito sumagot at pinatayan lamang ako. Napanguso ako dahil doon ngunit napangiti din nang mabasa ang text nito.
Charley M.
I'm on my way. Buy me lunch, bayad para dito
Pinakatitigan ko ang mga daliri sa kamay habang iginagalaw ang mga iyon saka bumaba ang tingin sa mga daliri sa paa.
Napangiti ako dahil kulay ng itim at puti na naroon. It wasn't too much, gaya ng sabi ko ay plain lamang. Nilagyan lang siya ni Mommy Jonah ng simpleng patterns at designs.
Mayroon iyong kuko na color while lamang ang nakakulay, at mayroon naman iyong black at mayroong konting design na pattern ng white. It was simple yet so pretty.
"Charley!"
Napabaling ako sa nanggalingan ng boses ni Mommy Jonah saka nadatnan doon si Charley na kausap nito. Kakilala din kasi siya ni Mommy J dahil madalas ko siyang kasama dito, minsan ay kasama namin siya ni Mommy.
Even Zera and the other girls visits here dahil ini-recommend ko sa mga ito ang salon.
"Naligaw ka yata,"
Umiling si Charley saka ngumiti dito. "It's Shekhaina Eve, narito daw."
Napa 'oh' ang kausap nito saka itinuro ang gawi ko. Nang mapunta sa akin ang mga mata ni Charley ay nakangiti akong kumaway sa kaniya ngunit nanatili ang supladong mukha nito.
"Hindi ka ba nagche-check ng wallet bago umalis, Eve? Nang-iistorbo ka na naman."
Hindi ko na pinansin ang sinabi nito saka ipinakita lamang ang mga kuko ko sa kamay at paa.
"Aren't my nails cute?"
Tumango ito. "Mukha kang pupunta sa lamay."
Napanguso lang ako sa sinabi nito bago walang ingay na natawa. Inilabas nito ang wallet saka siya na ang nagbayad para sa akin, at dahil tuyo na din naman ang mga kuko ko ay nagpaalam na din kami kay Mommy J saka umalis na doon.
We ate lunch at my favorite fast food place next, matapos doon ay ihinatid na din ako nito sa bahay namin upang makapagbihis dahil pupunta kami ng Lazare ngayong hapon.
"You're staying? Hindi ka na magpapalit ng damit?"tanong ko nang sumunod siya sa akin sa pagpasok sa loob ng bahay namin.
"Hindi naman ako tulad mong maarte. I don't care on how I look, Ma'am."
Sinalubong kami ng nakangiting si Clev papasok sa pinto ng bahay. Kaagad itong lumapit kay Charley saka nag-ayang maglaro ng basketball sa maliit na court sa likod ng bahay namin.
Pumayag si Charley sa gusto ng kapatid ko habang ako ay nagtungo lamang sa silid ko upang maligo dahil pakiramdam ko ay nanlalagkit ako dahil sa pawis at init ng panahon.
"You're going somewhere, Ate?"
Nakita ko ang pagpasok ni Clev sa kwarto ko mula sa salamin, nakasunod dito si Charley na basa ng pawis ang manipis na shirt na suot nito.
Kasalukuyan kong inaayos ang sarili, tinapos ko muna ang paglalagay ng lip tint sa labi ko bago humarap sa mga ito na kapwa nakaupo na ngayon sa kama ko.
"Yes, pupunta kami ni Charley sa ibang school kasama sina Zera."sagot ko sa kapatid ko saka binalingan si Charley na nakamasid lamang din sa akin, "You reek of sweat, may pupuntahan tayo, Charley."
"Daraanan din natin sa bahay si Zera, magbibihis na lang ako doon."
Nailing lamang ako dito saka isinuot ang nakahandang sapatos na siyang gagamitin ko. Then I walked towards the life size mirror.
Sinuri ko doon ang sarili bago muling humarap sa kanila. "How do I look?"
"You look normal," sagot ni Clev na nakatingin sa akin habang ngumunguya ng chips.
"Aren't it too much? Or too simple?"tanong ko pa saka bumaba ang mga mata sa suot.
Simpleng puting tank top lamang iyon na pinaresan ko ng itim na ruched short shorts at ng classic sneakers.
"You look fine, sports fest lang naman ang pupuntahan mo."
Napabuntong hininga lang ako sa sinabi ni Charley saka muling sinuri ang sarili sa harapan ng salamin.
"Alistair's there, alright. I'm dressing up for him, hindi para sa event."
"Alam ba niyang pupunta ka?"
Umiling ako saka nilingon siya ng may ngiti sa labi. "I wanna surprise him."
"But you hate surprises,"pagpupunto nito saka dumukot ng chips mula sa kinakain ni Clev na nakamasid lamang sa amin.
"Well, I do. But,"ngumiti ako saka nagtaas ng kilay, "I want to do things I don't usually do for him."
Naningkit ang dati nang singkit na mga mata nito saka nailing. "You're still not even dating,"
"We'll get there alright."
He just snorted out and just converse with my brother. Mahina lamang ako natawa sa reaksyon nito saka muling sinuri ang sarili.
Nang matapos ako sa pag-aayos ay nagpaalam na din kami kay Daddy na siyang naroon na aalis na kami. We stopped by at their house to pickup Zeraphine, nagbihis lang ng damit si Charley saka nagtungo na din kami sa destinasyon.
"What's with black and white?"
Puna ni Zebby sa aming dalawa ni Zera nang makalapit kami sa mga ito. Nasa labas sila ng Lazare at mukhang naghihintay doon.
"We're sisters alright,"sagot ni Zera na kumapit pa sa braso ko.
I just chuckled and agreed with Zeraphine. Madami din kasing nagsasabing para kaming magkapatid, lalo na't lagi din kaming magkasama and mostly ay halos same kami ng outfit, kung hindi sa kulay ay sa style. Mayroon din iyong talagang parehas kami.
"Yep, iyong isa pang magkambal ni Tita Claire."
Nailing na lamang ako sa sinabi ni Croissant saka ilang sandali lamang ay nagkayayaan na din na pumasok sa campus.
Maluwang iyon at gaya ng BHU ay nakahiwalay din ang high school sa colleges. Maganda ang campus ngunit hindi ko ito magawang ikumpara sa school namin.
That's one hell of an elite school anyway, mahal ang tuition ngunit worth it naman ang benefits at privileges.
"Hey,"
Nilingon ko si Charley habang naglalakad kami ng bahagya nitong ibangga ang siko sa akin.
"What?"
"Samahan mo ako sa cafeteria, I'm thirsty."
Tumingin ako sa pambisig na relo bago muling tumingin sa kaniya.
"Can't it wait? Mags-start na ang game nila and I wanna be there."
Umiling ito saka inabot ang braso ko. "Come on, Ma'am."binalingan nito ang mga kasama naming huminto din, "Mauna na kayo, susunod na lang kami."
Wala na din akong nagawa kung hindi ang magpatianod dito. Nagtungo kami sa cafeteria saka bumili ng tubig, he bought two bottles saka ibinigay sa akin ang isa bago kami nagtungo sa gymnasium.
"Parang walang tao,"
Napansin ko kasi na halos walang pakalatkalat na estudyante sa paligid ng gymnasium habang patungo kami doon. Usually kapag may event na ganito ay madaming estudyante sa labas.
"Baka ay nag-uumpisa na."
Napalabi lamang ako habang tumatango. Nang makarating kami sa lugar ay muling nagsalubong ang mga kilay ko nang madatnang mayroon lamang iilang estudyante sa mga bleachers doon.
Late kaya ang start?
Lihim na lamang akong nagkibit balikat saka nagpatuloy sa paghakbang ngunit napatigil nang mapansin ang pagkakalas ng sintas ng suot kong sapatos.
Napanguso ako saka lumingon sa likuran ko. "Char—"
Natigilan ako at hindi kaagad nakagalaw nang bigla na lamang namatay ang ilaw sa buong lugar.
"Oh my gosh! Anong meron, Charley?"
Nanatili akong nakatayo sa gitna hanggang sa mapunta sa isang direksyon ang mga mata ko.
It was a series of lights used to spell my name in a large scale and in a color of blue in pastel.
Shekhaina Eve
"What the hell is this?" mahinang bulong ko sa sarili habang nakatitig doon.
Ilang sandali pa ay muling namatay ang mga ilaw doon at bumalik sa dating dilim ang buong paligid saka mayroon muling suminding ilaw gaya ng kanina sa kabilang gilid.
Bahagyang napaawang ang mga labi ko nang mabasa ang tatlong salitang lumabas doon, at napagtanto kung ano ito.
A surprise, for me. And I was actually surprised, as in really.
"I like you, Shekhaina Eve."
Alistair's low and husky voice can be heard at the four corners of the room, kung hindi ako nagkakamali ay nanggagaling iyon sa mga speakers na naroon.
I was still in a state of shock when a spotlight went on me. Kasabay nito ang paghinto ng mga yabag at ang pagluhod ng lalaking dahilan ng pagpunta ko dito, sa harapan ko saka inayos ang nakalag na sintas ng sapatos ko.
"You should tie it right, Shekhaina Eve."hindi ko magawang magsalita at nanatili lamang ang mga mata dito, then he looked up at me and smiled. "You might stumble and fall."
There it goes that smile again, pinalalabas nito ang hindi kalalimang dimples ni Alistair na laging nakukuha ang atensyon ko, at kahit na hindi man nito intensyon ay nakakaakit iyon.
I opened my mouth to speak only to close it again, hindi ko alam ang sasabihin at wala akong mahanap na salita. I was shocked alright.
This is the reason why I hate surprises, hindi ko kasi alam kaya't hindi ko mapaghahandaan.
"You looked adorable, Ma'am."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang marahan itong humalakhak habang nakatayo na ngayon sa harapan ko.
"Ali," I uttered, finally.
"Yes, Eve."
Nanatili sa kaniya ang mga mata ko saka nag-aalangang nagsalita. "Ano 'to?"
May inilabas itong bouquet ng bulaklak mula sa likuran saka iyon inabot sa akin.
"Surprise."
Walang ingay ako natawa saka iyon tinanggap habang nangingiti. Inamoy ko ang mga bulaklak saka lalong nangiti. It was a mixture of roses and gardenia, my favorite.
"Alam ko na masyado pang maaga, we just met not so long ago and you might think I'm too fast."
Nag-angat ako ng tingin kay Ali nang magsalita ito. His face was sincere with a smile on it.
"But I like you, Shekhaina Eve sobra."huminga ito ng malalim bago nagpatuloy.
"I'm not good at this. I admit it, I'm not good with girls,"he stopped and slightly chuckled that made me too, "But I really like you and I wanna treat you right."
"Alistair," pumungay ang mga mata ko habang may ngiti na nakaguhit sa labi.
"Ayaw ko na ng puro paramdam lang, Eve I want us official and I will court you officially to make that happen."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang hawakan niya ang kamay kong malaya mula sa bulaklak na hawak.
He smiled at me while holding a chuckle like he always does. Tumingin ito sa ibaba saka muling sinalubong ang mga mata ko.
"Would you go out with me tomorrow?"
"A date?" mahinang tanong ko.
"Yes, it's a date."
Muli kong nakagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang mga ngiting pilit na kumakawala.
I took a deep breath and smiled assuringly at him.
"I will."
Sumindi ang lahat ng ilaw na ikinagulat ko kaya't bigla akong napalapit kay Alistair, bumalik ang liwanag sa buong gymnasium kasabay ng sigawan at mga kantyawan ng mga naroroon.
"She will!"
Naningkit ang mga mata ko sa sumigaw na si Harper saka nailing na lamang habang nangingiti. Ganon din si Ali na umani ng kantyaw mula sa mga kaibigan, napatingin kami sa isa't isa saka sabay na natawa.