Valentine’s Day
"What do you think of Alistair?"
Napahikab ako at maluha luha pa ang gilid ng mga mata dahil doon habang pinupunasan ang keys ng piano na ginamit nang nagdaang gabi.
Late na nang makauwi kami kagabi, tanghali na namin balak pumasok ngunit napakaagang tumawag ang school para sa detention kaya't napilitan akong bumangon ng maaga.
"How would I know? I don't do boys, Eve."
Inihagis ko sa kaniya ang isang plate na nasalo naman nito. I rolled my eyes at him and he just laughed at me.
"That's not what I mean, jerk."
Kasalukuyan kaming naka-detention and cleaning the instruments used last night was our punishment.
Last nights Promenade was a blast, as in, literally in blast. We made it blast after all. It was fun causing trouble, ngunit hindi na ganon kasaya kapag nasa harapan na ang parusa.
"Charley, look."
Ito na ang pangatlong kanta ngunit narito pa rin kami. We were just talking about nonsense and doing crazy things, hanggang sa mapunta sa isang bagay ang mga mata ko.
"Still remember?" tanong ko nang lingunin nito iyon.
"Perfectly,"
We both smiled evilly and smirked at each other.
"Wanna do it, Ma'am?"
I puffed my cheeks and looked around, may iilan pang sumasayaw kagaya namin at may ilan namang nasa mga mesa na. Hindi na ganon kadami ang mga narito dahil masyado na din sigurong late.
My eyes went at the big clock, nakatapat na sa alasdose ang kamay ng orasan, then I glanced back at my best friend.
"Let's do it again, Sir."
Kapwa kami lumapit sa gilid kung nasaan ang bagay na tinutukoy. He opened it while we're both chuckling to ourselves.
"Your shoes?"
Ipinakita ko sa kaniya ang mga hinubad na sapatos na ikinatango nito. Ang ngisi ay nakaguhit pa rin sa mukha.
"In a count of," we positioned our hands together,"three, two, one!"
We put a pressure and pressed the fire alarm together that sent havoc to the whole place.
Tilian at ilang pagpapanik ang maririnig sa buong lugar habang kaming may sala ay kapwa lamang nagtatawanan.
"Hey!"
Sabay kaming lumingon sa sumigaw at nanlaki ang mga mata nang makita ang guard. Charley held my hand that's holding my shoes and ran.
"Run!"
Sabay kaming tumakbo paalis doon habang malakas na natatawa dahil sa ginawa. Hawak ko ang laylayan ng mahabang gown habang tumatakbo patungo sa parking lot.
"It won't be a perfect night event without any havoc."
"And it wouldn't be us without causing trouble."
Indeed, it was an amazing night but when the morning comes, the telephone rang and an order from the Dean to get detain and receive our punishment wasn't that fun at all when you only had a few hours of sleep.
Hindi kami nahabol ng guard ngunit nakuha ng CCTV ang mga mukha namin.
"When you asked that question, I knew it was trouble."
Napatigil ako sa pagbalik sa nangyari nang nagdaang gabi saka hindi makapaniwalang tumingin kay Charley.
"At kailan ako nag-cause ng trouble when dating?" I raised a brow at him.
I watched him put his hand on his chin, para bang nag-iisip ito at ilang sandali lamang muli niyang ibinalik ang naninimbang na mga mata sa akin.
"Always,"ngumiti siya saka bigla din iyong nawala at napalitan ng kasarkasmohan, "You dating, means trouble. Your relationships never lasts, at laging pangit ang kinalalabasan hanggang sa hiwalayan."
I rolled my eyes at him as I gritted my teeth. I won't deny it, ngunit hindi ko rin naman maaaring aminin.
"E, ikaw? You just love jerking around girls."I tilted my head, "So gago, Sir."
"But I don't cause trouble, especially to the people around me." he even winked at me.
Sinimangutan ko lamang ito, alam kong matatalo na naman ako dito ngunit kailan ko nga ba tinanggap ang pagkatalo? Never.
"Causing trouble is my job at ang iyo ay linisin iyon, Charley."humalukipkip ako dito, "And I was just asking about what you think of Alistair."
Bumuntong hininga ito habang ako ay muling bumalik sa ginagawa.
"Why do you always ask me that, anyway? Hindi naman ako ang makikipagrelasyon."
Nagkibit balikat ako. "Because you're my best friend?"
"We're not even friends, Shekhaina Eve."
Inikutan ko lamang ito ng mga mata saka ihinagis sa kaniya ang plate ng drum set na nakakalat lamang doon.
"Just tell me your thoughts na kasi,"namaywang ako sa harapan niya habang ito ay nagtaas lamang ng kilay.
"Hindi pa nga nanliligaw iyong tao, umamin na ba?"I was taken a back at what he said, "See? Saka mo na isipin kapag nandyan na, Eve."
Napanguso ako saka tumalikod na lamang dito upang linisin ang iba pang naroon. I can't help but to sigh, he's right. Parang masyado nga akong mabilis this time.
Ang mayroon lamang ako ay ang mga ipinapakita at ipinaparamdam ni Alistair, ngunit wala akong kahit na anong pinanghahawakan.
Maybe that's why I wanted him more than anything. Gusto ko siyang maging akin at huwag nang pakawalan pa. And it's all because, I thought that I would never feel this way again—
But he just made me.
"Charley,"
"Hmm?"
Humarap ako sa kaniya, seryoso ang mukha. "I like him, do you think he likes me too?"
Madiin ang pagkakadikit ng mga labi ko habang nakamasid laman dito. He was staring at me like I am a poetry he's trying to understand.
The atmosphere was too serious, bihira itong mangyari lalo na sa aming dalawa.
"You want a beer to go with it?"
Mariin akong napapikit saka nagbuga ng isang marahas na hininga. I glared at him and punch straight on his shoulder.
"I'm serious here, Montefalcon. Tigilan mo nga!"
He just laughed at my annoyed face. Lalong nalukot ang mukha ko at humaba ang simangot.
"Alcohol goes well with serious conversations, Ma'am hindi mo ba iyon alam?"
Nanatiling lukot ang mukha ko at lalo pang tumalim ang mga titig sa kaniya ngunit tinatawanan lamang niya ako. Sinapo pa nito ang magkabilang pisngi ko saka pinagbibinat iyon habang pinipisil.
"Come on, Eve magiging permanente iyang mukha mo."pinisil nito ang ilong ko na ikinadaig ko, "Lalo kang pumapangit kapag galit, Ma'am."
Pinagpapalo ko ang mga kamay niyang bumalik sa pisngi ko. He was just laughing at me, hanggang sa pakawalan niya din iyon.
"And about Yap, don't stress yourself out of it."he smiled reassuring at me as he messed with my hair, "Just trust him. He won against me after all."
Pabiro ko lamang itong inikutan ng mga mata. Hindi pa pala niya nakakalimutan ang pagkatalong iyon sa one-on-one nila ni Ali last game.
I think it's his first lost, dahil ayon kina Harper ay madalas lamang daw na tabla ang mga ito.
Our detention was two hours, ibig sabihin kahit matapos kami dito ay hindi kami pwedeng umalis kaagad. And that was the most hellish part.
Kapwa lamang kami nakatulala habang nakaupo sa bench sa harapan ng nakasarang piano. Katatapos lamang naming maglinis, at ngayon ay wala nang magawa.
Though, that boring silence was broken when I heard a tune.
"You play?"
Nanlalaki ang mga mata kong bumaling sa katabi nang mayroon itong pinduting key sa piano na hindi ko manlang namalayang binuksan niya pa la.
"Primo practices at home sometimes."
Napalabi lamang ako saka umayos ng upo paharap sa piano gaya niya. Pinanood ko ang mga kamay niya sa ibabaw ng mga keys.
Hindi niya iyon ginagalaw na siyang ikinakunot ng noo ko. "Hindi ka ba tutugtog?"
Nagkibit balikat siya saka inayos ang suot na salamin bago bumaling sa akin.
"I don't know what to play."
Sinimangutan ko lamang ito saka pabirong inikutan ng mga mata. Then I put my finger at a key, I don't really play ngunit parang natatandaan ko pa iyong kantang tinuto ko para sa requirement sa school.
"Hey,"kuha ko sa atensyon niya, "Remember the one I played when we're having a face time at third grade?"
"Junior high?"
Tumango ako sa tanong niya habang ito ay mayroong pinindot na isang key mula doon. Nanlaki ang mga mata ko nang sunod sunod ang pinindot niya at nabubuo na ang kantang pilit kong inaalala.
"This?"
Mabilis akong tumango. "How can you play it well?"
"Ito ang unang natutunan ko, my twin always practices at home kaya't napapanood ko ang galaw ng mga daliri niya. He thought me one, at ito iyon."
Nanlaki ang mga mata ko saka ngumiti. "Ito din iyong una kong natutunan, though ito din ang huli."
Tinawanan ako nito habang naiiling saka ipinagpatuloy ang tinutugtog.
"That's because you're always lazy to learn things, kung hindi kinakailangan ay wala ka nang pakialam."
Nagkibit balikat lamang ako, "That's life alright."
Nailing lamang ito sa akin, maya't maya akong nakikisali sa ginagawa niya at malakas na natatawa sa tuwing masisira iyong melody na nabubuo niya.
"Hey, I like that part." siniko ko siya.
"Then stay still, nanggugulo ka lang naman."
Hindi ko na siya pinansin saka hinintay lamang iyong parteng gusto ko saka iyong sinabayan.
"And that's because I wanna be your favorite girl. I wanna be the one that makes your day. The one you think about as you lie awake."
Naramdaman ko ang mga mata nito sa akin kaya't tiningala ko siya, ngumiti lamang ako kahit pa lukot ang mukha nitong nakamasid sa akin.
"And I still wanna be your number one. I'll be your biggest fan and you'll be mine. But I still wanna break your heart and make you cry."
Napapalakpak pa ako nang pindutin nito ang huling key saka iyon tinapos. I remembered that song, it became one of my favorite since we moved overseas.
"You sang that right? Doon sa music class niyo,"
Tumango ako saka napanguso nang maalala ang history ng kantang iyon sa akin. Ayaw ko nang balikan sana ngunit binuksan niya.
"It was for someone," napasimangot ako saka napabuntong hininga nang maalala iyon.
"Iyong una mong naging crush pagkalipat doon, hindi ba?"tumango ako habang ito ay humalakhak lamang, "Want me to tell you why you didn't had a chance dating that guy?"
Umayos ako ng upo saka humarap sa kaniya. "Ano?"
"Dahil kumanta ka,"tinapik pa nito ang balikat ko na para bang pinagagaan ang loob ko, "Turned off kaagad dahil sa boses mo."
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya saka mabilis na tumama ang isang malakas na hampas sa balikat niya.
"Kung makapagsalita ay parang napakaganda ng boses mo, e, sintunado ka naman lagi."
He winked and smiled smugly at me, "That's why I don't sing, Ma'am."
"Still," sumimangot na lamang ako.
"Ano na nga bang pangalan 'non?" tanong nito.
"Nakalimutan ko na,"bumuntong hininga ako, "Anyway, sasama ka sa Lazare later this afternoon?"
Tumango ito saka ibinaba na ang takip ng piano. "Nagkayayaan din kasama sina Harper, marami din kasing kaibigan doon si Lee. Balak yatang mag-aya ng game mamayang hapon after doon."
Nagsalubong ang mga kilay ko habang napapaisip.
"Hindi ba't maglalaro na sina Alistair doon sa fest? Tapos ay may game din kayo?"
Nagkibit balikat lamang ito saka tumingin sa pambising na relo. Saka iyon ipinakita sa akin.
"Our two hours are done, tara na. Gutom na din ako."
"Now that you mention it,"nasapo ko din ang tiyan gaya nito, "Let's grab something to eat."
Nagtungo kami sa disciplinary office upang magreport at upang ibalik din ang susi ng music room. Matapos doon ay kaagad din naming tinungo ang cafeteria dahil sa gutom.
"Yo, how's your detention?"salubong na tanong ni Harper nang makalapit kami sa mesa kung nasaan ito kasama ang ilang mga pinsan at kaibigan.
Pagpasok namin ng cafeteria kanina ay sakto namang naroon ang mga ito at mukhang nagmemeryenda din.
"Masaya ba?" Schuyler added.
"Detention is fine, gusto niyo ding bisitahin?" tanong ko dito habang may matamis na ngiti.
"No, suki na ako doon." Si Harper na sinundan pa ng halakhak.
"Me either,"
Nailing na lamang ako nang magtaas pa ng kamay si Schuy saka umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Zera na nasa cellphone lamang ang atensyon.
"Ano ba kasing pumasok sa mga isip niyo at iyong fire alam pa ang napagdeskitahan niyong dalawa?"
Hindi ako nagsalita at ngumiti lamang kay Reid na sinundan naman ng halakhak ng isa pang salarin na si Charley.
"They did it as well noong junior," pakikisabad ni Red na sinang-ayunan ng kapatid nitong si White.
"Mga istorbo ng tulog,"
Nilunok ko ang nginunguyang sandwich saka uminom ng milkshake bago nagsalita upang makisali sa mga ito.
"It's not like may paki ka kung may sunog man sa tuwing tulog ka, White." inikutan ko ito ng mga mata.
Pareho lang sila ni Seven.
"Kayo lang ang may lakas ng loob na pindutin iyon," naiiling na sabi ni Seven.
Himala na narito ito ngayon, kung hindi ako nagkakamali ay may shift ito sa café nila ng ganitong oras.
Same as the Cordova's, ngayon lang yata sila nakompletong kasama namin. Usually ay si Red lang ang narito.
"Buti detention lang ang inabot niyong dalawa." komento naman ni Roscoe.
"We're lucky, I guess." I just shrugged.
Nagpatuloy lamang ako sa pagkain habang pinapanood ang katabi kong si Zeraphine na naglalaro sa cellphone nito. Minsan ay nagbibigay ng opinyon doon hanggang sa bisitahin na namin ang bagong labas na clothing magazine, gayon din ang ibang fashion blogs.
"I like this one," sabi niya habang nag-i-scroll, "How about this, Ate?"
Sinuri ko ang damit na tinitignan niya saka napatango. "I like it."
We continued looking for the new clothes sa isang fashion blog na madalas naming bisitahin. And I know that we're thinking the same right now.
"We should set a date for shopping with everyone,"
Sumang-ayon ako sa sinabi ni Zera dahil iyon din ang nasa isip ko. Bigla na lamang nangangati ang mga kamay kong gumastos para sa mga bagong damit.
"How about this Saturday?"tanong ko, "I don't have plans this weekend."
"Me either, let's ask the others. Kung busy sila ay pwede sigurong next week na lang."
Tumango lamang ako sa sinabi ni Zera na tinignan ang calendar ko bago bumaling kay Charley na nakikipagkwentuhan sa mga kasama.
"Charley, you free this weekend?"
He looked flatly at me. "I told you you're not my type, Ma'am hindi kita idi-date."
Binato ko ito ng tissue paper. "Gago, hindi iyon."
"E, ano?"
"We're planning to go shopping this Saturday, if hindi busy iyong iba."paliwanag ko habang kumunot naman ang noo nito.
"Oh, tapos?"
I just rolled my eyes and looked flatly at him. "I need you for my paper bags, of course!"
"Of course she needs you," pagsabad ni Seven na lukot pa ng mukha ko.
"Her clothes, nail polishes and even in her dating life," si Lee na sinundan pa iyon ng halakhak.
"Shut up, jerks."
"They're just stating the fact, Aina you know."si Harper, "Though, speaking of nail polish, sa salon nga pa la ako mamaya before sa Lazare."
"Talaga?"tanong ko saka tinignan ang pambisig na relo, "Pasabay ako, my nails got ruined noong naglinis kami sa music room earlier."
Itinuro naman niya si Charley na kumakain ngunit mukhang nakikinig din.
"You have this idiot."
"I didn't brought a car,"umiiling na sabi ni Charley saka itinuro ako, "Isabay mo na."
Tumango si Harper bilang pagpayag. Sinabi lang nito na eleven daw ang alis namin na tinanguan ko lamang.
They started another conversation at tinantanan din kaming dalawa ni Charley. Nakikinig lamang ako sa usapan ng mga ito, more on talk about girls lang naman iyon.
May mga pagkakataong iyong mga babaeng nakikita sa loob ng cafeteria. Kung hindi nila exes ay babae lang siguro, o may balak pa lamang na pormahan.
"Who has date tomorrow pa la? Imposibleng wala ang kahit na sino sa inyo."
Nakuha ng biglaang pakikisabad ni Zera sa gitna ng usapan ng iba. And that reminds me na Valentines Day nga pa la bukas.
"Ano bang mayroon bukas?" tanong ni Harper.
He don't know? Himala ba iyon? Hindi niya talaga alam na bukas ang araw kung saan ay maaari kang pumunta sa isang date ng may katanggap tanggap na dahilan?
"It's Valentines Day, Harp." Zeraphine answered his cousin in a duh.
"Valentines Day?" si Charley saka nilingon ang mga kaibigan at pinsan nang may ngisi sa labi.
"I'm hanging out with someone else. I think they like me too."
Naningkit ang mga mata ko nang mag-umpisang kumanta si Schuy. Though, the lyrics sound familiar.
"When in l**t, it's hard to tell
When everything feels so new."
Lalong naningkit ang mga mata ko nang sabay sabay silang lahat maliban kay Harper na wala na ang ngisi sa mukha ngayon at nagsasalubong na ang mga kilay.
Nagtatanong akong bumaling kay Charley at iniabot lamang nito ang cellphone sa akin bilang sagot.
"She's not as good, she's not as good. She's not as good as you, no."
Bigla na lamang lumitaw doon si Primo na nasa mukha ang kapilyohan.
He's in his disguise again, of course. Mukhang wala itong trabaho ngayon kaya't narito.
"Laging maganda ang timing niyang si Kuya Primo." naiiling na sabi ni Zera.
"What's with Lany's song?" tanong ko. Itinuro naman ni Charley ang cellphone nito na hawak ko.
"Play it."
Pinindot ko ang play button gaya ng sinabi nito, si Zera naman ay mas inilapit pa ang upuan sa akin saka nakinood din ito.
Nanlaki ang mga mata ko habang pinipigilan ang pagtawa habang pinapanood ang video na iyon. Ganon din ang kasama kong si Zera na mayroon pang inuulit na part saka ay isinu-zoom in.
"Really, Harper? You're crying while singing Lany's Valentine's Day?"