Kabanata 17

2769 Words
Danced "How can you be so pretty, Ate Aina? Gusto ko din." Pabiro ko itong pinaningkitan saka inabot ang pisngi at marahan iyong pinisil. "You're the pretty one here, Nieves." She pretty alright, magaganda silang apat, tall, curvy and really blessed with a exceptional beauty. They have different kinds of beauty and I can say that Nieves was the most different among them. Maybe it's her natural blue-green eyes and just snow like skin complexion, her natural plump red lips and her proud nose. And her real hair color in a shade of blonde completed it all, hindi mo makikita iyan lagi sa natural na kulay ng buhok. Siya lamang kasi ang blonde sa pamilya nila and that became her biggest insecurity kaya ay madalas itong nagda-dye ng kulay na brown gaya ng mga pinsan. "I like it blonde," puna ko habang nakatingin sa buhok niya na nasa natural na kulay ngayong gabi. She's wearing a spaghetti strap satin champagne colored dress, it looks simple yet very elegant. The color complements her skin tone perfectly. "Blonde isn't very normal here in the country, Ate para akong isda na naligaw sa kagubatan." Mahina akong natawa sa sinabi nito. "Well, there's a pond in a middle of forests." I teasingly raised my brows at her that made the little Snow pout. We just continued having a conversation, maya't mayang sumasali ang iba but more on kaming lang talagang dalawa. Talk about fashion and such topics but never a particular person. "Why am I even here?" si Reid iyon na kauupo lamang. Mukha kadarating lamang nito, dahil hindi ko siya nakita kanina. "I'm even asking the same question to myself, bakit narito ako?" Nasa mukha ni Seven ang antok lalo na't bahagya pa itong humikab. They're all wearing a formal attire tapos ay tatanungin kung bakit narito sila? "We're family alright, iisa ang sikot ng mga bituka natin kaya kung nasaan ang isa ay dapat lamang na naroon ang lahat." Binuntutan pa iyon ni Harper ng marahang paghalakhak na sinang-ayunan naman ni Lee ngunit halos ang lahat sa pamilya nilang naroon ay umangal, lalo na iyong apat na mga babae. "Everyone was requested to stay seated, we will now start the event." The program started through the cotillion dance of the graduating juniors in high school. The sound of violin started the dance, followed by the piano then the cello. I was swayed by the music. Nakakahele ang melody nito at nakalilibang ang mga sumasayaw. Different colors of elegant looking gowns were swaying, guided with stunning tuxedos. "That witch, gustong gusto niya talaga ang ganito." Nakuha ng pagsasalita ni Croissant ang atensyon ko na sinundan pa ni Zebby. Kapwa nakangiti ang mga ito habang naiiling. "It's not that she wants to get all the attention, it just, sa lahat ng dyamanteng nasa loob kahera ay sa kaniya tumatapat ang ilaw, siya ang pinakakumikinang." Sinundan ko ang mga mata nila at napunta iyon sa entrance ng hall. Hindi ko mapigilan ang mangiti nang makita doon ang magkapatid na naglalakad papasok. "And the craziest thing is, it's Zeraphine. Hindi niya kailangang mag-effort, she always shines among everyone." "Indeed, she does." Sabay kaming natawa ni Nyebe sa mga sinabi saka ibinalik ang mga mata kay Zeraphine na nakakapit sa braso ng nakatatandang kapatid. Primo who wore almost the same outfit as Charley's was now wearing an elegant looking tailored suit in a shade of grey, paired with an sperry's shoes. His slicked back hair was now fixed in more astonishing style. "No wonder they took too long to dress up," Nailing na lamang ako sa komentong iyon ni Zebby habang nangingiti. There was Zeraphine, I don't know what to say because even the word gorgeous won't describe how perfect she looks tonight. Her stunning ball gown that turned out like a flower in bloom. The elegant looking diamonds stone on it, the tube style that hugged her tops and the b****y red color that complements her skin complexion perfectly. Even her hair was fixed in an elegant messy bun with a loose strands complementing her long neck. Nangingibabaw din doon ang mga suot na ahalas na siyang kumikinang dahil sa mga ilaw na tumatama doon. "That's our baby girl there, alright." I moved closer to Charley and whispered over his ear. "Dalaga na iyong baby mo, Sir." Ipinahinga nito ang siko sa kinauupuan ko saka tumitig sa akin habang naniningkit ang singkit nang mga mata. I raised a brow at him, trying to hold my smile. "Hindi lang naman si Zeraphine ang baby ko, Ma'am." Pabiro ko itong inikutan ng mga mata na ikinahalakhak lamang niya ng marahan bago kami bumaling sa mga kapatid nito. Kung kanina ay iyong mga sumasayaw ang pinapanood ay iyong dalawang naglalakad na ngayon sa gitna ang nakaagaw ang atensyon. It was amusing how the people around the ball made a way for them na para bang importanteng tao ang mga ito. "You two really are the same," Lumingon ako kay Charley na ang tinutukoy ay kaming dalawa ni Zeraphine. "What gives?" Nagkibit balikat siya saka uminom ng wine. Pinakatitigan niya iyon ng ilang sandali bago muling bumaling sa akin. "You're Zeraphine all over as she is you, she's just a little more feisty and cunning but above all,"his gazed locked on mine, "Pareho kayong bulag." What he said took me a back for a long while. Hindi ko iyon maintindihan, anong ibig nitong sabihin? "Bulag?" Pinagmasdan ko ang pagsasalubong ng mga kilay nito at ang pagkunot ng noo. "Hindi ka ba nag-aaral at pati ang bulag ay hind mo alam?" Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi nito habang hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. I was about to argue with him when I saw Zeraphine and Primo walking towards our table. Siniko ko na lamang sa tagiliran si Charley na ikinangiwi nito saka tumayo upang salubungin ang dalawa. "Ate Aina!" Mabilis na humiwalay si Zera sa kapatid saka patakbong lumapit sa aking upang yumakap lamang. Hindi ko mapigilan ang mailing habang nangingiti sa inasal nito ngunit niyakap ko din ito pabalik. "You're so gorgeous, Ate gusto tuloy kitang iuwi." Pabiro ko itong sinimangutan bago walang ingay na tumawa. I looked at her from head down to her toes and back. "Look at you, ang pretty pretty mo. Wala nang baby iyong kambal na Prime." Sabay lamang kaming natawa sa sinabi ko. Nagpatuloy ang programa at bumalik na din kami sa mesa. Zeraphine and Primo sat across me and Charley, that's why our conversation continued at mas umingay pa iyon nang sumali ang iba. "Lilibot lang kami sa ibang mesa, don't drink too much." Tumango lamang ako kay Charley. I can't hear him clearly actually, malakas kasi ang music at maingay din sa ball dahil sa mga nagsasayawan ngunit naintindihan ko naman ito. Nakatayo lamang ako sa gilid at nakikipagtawanan habang mayroong hawak na cocktail kasama sina Zera at ang ilan sa mga kaibigan ng mga itong narito. The event started formally ngunit dahil party ito ay nauwi din sa ganito ng lumaon. It was a free night for all the students here kaya naman ay hindi kami pinagbabawalan. "Let's dance, baby girl." Mahina lamang ako natawa nang kalabitin ni Primo at ayaing sumasayaw pagkapalit ng tugtog sa slow dance. I took his hand and he guided me towards the dancefloor. "You always call me baby girl, Primo ayaw kong maissue sayo." Tinawanan lamang nito ang sinabi ko habang sumasayaw kami sa gitna ng bulwagan. "Just say na mayroon kang naaalala sa endearment na baby, Aina." I playfully rolled my eyes at him before chuckling. "So, how are things between her?" I teased him. Mayroon kasi itong nagugustuhang babae, ilang taon na din yata siyang may gusto ngunit hanggang ngayon ay dinadaga. "She don't even know me, Shekhaina Eve." Tinawanan ko lamang ito saka nagpatuloy sa panunudyo sa kaniya tungkol sa babaeng iyon at nang matapos ang kanta ay ibinalik na din ako nito sa mesa kung saan ay naroon na ang iba. Hindi ko pa lamang naiinitan ang upuan ay mayroon na namang muling nag-aya sa aking sumayaw. Hindi ko alam kung pang-ilan na ba 'to, basta ay madami na iyon. "I just guessed that you'll be here, hindi ko alam na tatama ako." Ngumiti lamang ako sa kaklaseng si Andrei habang sumasayaw kami sa tugtugin. "Nagkayayaan lang with my friends, ikaw ba?" "Nagbabakasakaling narito ka. I like you, Shekhaina." Ipinagtikom ko ang mga labi saka ngumiti lamang dito at hindi na nagsalita. I don't actually know what to say, it feels like I'm cheating on someone once I entertained another person's feelings. Usap usapan lang sa classroom namin ang pagkagusto nito sa akin ngunit hindi ko inakalang totoo iyon dahil ngayon lang naman ito gumalaw. When the song ended, he guided me back to my seat. At nang malapit na kami doon ay hinawakan nito ang braso ko. "May kailangan ka?" mahinahong tanong ko, pilit na pinipigilan ang sarili na singhalan ito. I don't want to be rude, he's still a classmate after all. "Ahm, can you go on a date with me this friday?" Napaawang ang mga labi ko sa gulat ngunit kaagad din namang nakabawi. Huminga ako ng malalim saka ngumiti dito. "I'm sorry, Andrei but I can't."I twisted my lips into a smile, "I already have plans." It was actually a lie, wala akong plano this friday at siguradong tatambay lamang kasama ang mga kaibigan ngunit ayaw ko namang pumayag na makipagdate dito. "Also, I wanted to apologize because I can reciprocate your feelings." I smiled politely at him before going back to my seat. Inulan ako ng ilang katanungan pagkalapit doon na sinagot ko naman ng totoo. They asked who Andrei is at kung may gusto daw ba ito sa akin. "Nasaan si Zera?"tanong ko. Napansin ko kasing wala ito sa mesa namin at iilan lamang kaming narito. Even Charley who went with Harper and Lee haven't back yet, siguradong nagkakasiyahan ang mga ito somewhere. "Hiniram, though lasing na iyon dahil sa dami ng tinatanggap na inumin." Naiiling na sabi ni Nyebe. Ipinalibot ko ang paningin sa lugar upang hanapin ito ngunit hindi ko siya makita. I was worried but just decided to let her be, siguradong alam ni Zera ang ginagawa. "Let's dance, last na iyan bago ang sunod sunod na slow dance." Nagpahila lamang ako kay Zebby kasama sina Croissant, Nyebe at Amber patungo sa dancefloor nang sunod na nag-play ang isang party song na ayon dito ay last na daw iyon. May tradisyon ang BHU sa bawat Promenade yearly. Haven't experienced it, ngunit nakwento nina Zebby kaya't alam ko. "This is the last party song, means kung sino ang katapat mo pagkasindi ng ilaw ay siya ang makakasayaw mo sa susunod na kanta!" We danced, swayed our body and jump to the beat of music. Kapwa kaming nagtatawanang lahat dahil sa ginagawa. My alcohol tolerance wasn't that high ngunit hindi din naman iyon mababa, ngunit dahil sa ginagawa namin ngayon ay baka bumilis ang epekto nito sa akin. "10," Nag-umpisa ang countdown para sa lights off na tradisyon sa tuwing Promenade dito sa school. "..., 7," Napansin ko ang bahagyang pagkakalayo layo at paglilipat ng pwesto namin dahil sa tulakan. Hindi ko na din magawang mahanap ang mga kasama ngunit sumunod na lamang ako sa daloy. It's not like they went somewhere. "..., 3," "2," "1!" The lights turned off, walang kahit na anong makikita sa dilim. Then in a count of three, the lights turned on one after another at dahil malapit ako sa dulo ay huling sumindi ang sa tapat ko. Nasilaw ako sa biglang bumukas na ilaw kaya't nadala ko ang braso sa noo upang takpan ang mga mata ko mula doon. "Good evening, Ma'am." My heart skipped a beat and my breathing stopped, that low and husky baritone voice. Am I hearing things again? Dahan dahan kong ibinaba ang braso at napaawang ang mga labi nang makita ang taong nakatayo ngayon sa harapan ko. My face softened and my lips formed into a sweet smile. "Alistair," I bit my lower lip to hold back my smile ngunit hindi ko din naman nagawa dahil patuloy iyong kumakawala. "Your here," I obviously stated. Tumango naman ito saka marahang humalakhak na ikinailing ko habang nangingiti. Then, he offered his hand on me. "Can I have you for a dance, Miss Rodriguez?" I accepted his hand and smiled. "It's my honor, Alistair." Without breaking an eye contact, he guided my arms on his shoulders. And slowly, he slid his hands on my waist, holding me close. We swayed in the same beat together with the very familiar song playing in acoustic. "Eve?" I looked up at him. "Yes, Alistair?" "You look perfect tonight," He leaned down more closer to me and smiled. I can smell the alcohol on his minty breath as he whispered. "I can't help it, Shekhaina Eve I'm amazed by you." Namungay ang mga mata ko habang nakaguhit sa mga labi ang masuyong ngiti habang nakatitig lamang dito at mabagal ang pagsabay ng mga katawan sa musika. Ang mga braso ko sa balikat niya ay unti unting yumakap sa leeg niya. "So darling, darling stand by me," Marahan itong humalakhak nang sabayan ko ang kanta ngunit ang mga matang puno ng pagsuyo at paghanga ay naroon pa rin. "Just as long as you stand, stand by me." I crinkled my nose at him as I chuckled when he sang like what I did. Hindi ko mapigilan ang pagngiti lalo na sa namamaos at mababa nitong boses na napakasarap pakinggan. "I prefer this than the call, Alistair." Tumango ito saka gumalaw ang kilay, "I prefer you than anything, Shekhaina Eve." I pursed my lips and just smiled at him, ramdam ko ang pag-iinit ng batok pataas sa mga tainga at pisngi kaya naman ay ibinaon ko na lamang ang mukha sa dibdib nito upang itago ang nakakahiya kong pamumula dahil lamang sa sinabi niya. "I'm in danger, Eve you're blushing now. Lalo kang gumaganda." bulong pa niya. "Tigilan mo, Alistair."mahinang sabi ko habang nagtatago pa rin. He just chuckled and hold me even closer and tighter. Nang matapos ang kanta ay naghiwalay na din kami, he guided me towards my seat. "Aalis na ako," Tumango ako. "Ingat." "I'll be the one calling later." "I'll be the one waiting for your call then." Sabay lamang kaming natawa ngunit natigilan ako nang inisang hakbang nito ang pagitan namin saka dinampian ng masuyong halik ang noo ko. "Later, Shekhaina Eve." Nanatili akong nakatayo sa kung saan ako nito iniwan. I was just watching him walk until his back faded away into the crowd. Nasapo ko ang magkabilang pisngi nang maramdaman pa rin ang pag-iinit ng mga ito. Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagsilay ng mga ngiti mula dito. "You should stop that, Ma'am hindi ba't ang sabi ko ay ang pangit mong kiligin." Napatigilan ako nang marinig ang boses ni Charley, I gritted my teeth. Of course, there's always a storm after the calm, at iyon ang gagong ito. Panira talaga! "Bakit nandito ka?" Nagkibit balikat ito saka itinuro ang podium kung saan ay naroon ang banda ni Parker. Napag-alaman lamang namin mula kay Amber kanina na ang Lisztomania pa la ang tutugtog ngayong gabi. "What about it? Gusto mong kumanta ako?" Nagsalubong ang kilay nito saka pinitik ang noo ko nang hindi kalakasan. "Don't even try to," Inikutan ko lamang ito ng mga mata saka humalukipkip sa harapan niya. "Bakit ka nga nandito?" He winked at me, sinundan iyon ng ngisi na ikinakunot ng noo ko. "Magsasayaw tayo syempre, baka hindi ka makatulog kapag hindi kita isinayaw ngayong gabi." Lalong lumalim ang gatla sa noo ko saka pinukol ito ng masamang tingin. "Hindi na kailangan, kompleto na ang gabi ko kaya't huwag mo nang sirain." Hindi ito nagsalita at pinaningkitan lamang ako bago marahang humalakhak saka inabot ang kamay ko at hinila ako patungo sa gitna ng bulwagan. "Come on, this song's on your playlist." Inikutan ko lamang ito ng mga mata saka sinimangutan bago isinabit ang mga braso sa leeg niya. "Nakailan ka?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang mga naisayaw niya. "What do you mean?" "Girls?" Nagkibit balikat lamang ito, "Ikaw ba? Did you even counted?" Umiling ako saka pabirong nagtaas ng kilay. "Basta ay madami din." Sinalubong ko ang mga mata nito habang ito ay nanatili lamang na nakatitig sa akin, wala akong mabasang kahit na ano sa mukha nito. "Twenty three," Tumaas ang mga kilay ko, nagtatanong ang mga mata. "You've danced with twenty three boys tonight, Ma'am I'm in twenty fourth."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD