Promenade
"Don't take your time too long, Ma'am we're getting late!"
I sprayed my favorite perfume around me while sitting in front of my vanity mirror. Napangiti lamang ako sa bagong humahalimuyak na siyang pumupuno sa pang-amoy ko.
"I'll be down in five, Charley!"
I just finished my make up after putting on my gown. Simpleng shade lamang ng maroon ang napili kong palette para sa eyeshadows ko, curled my long eyelashes and fixed my brows. At upang bumagay doon ay nude na shade ng red ang napili kong ilagay sa mga labi saka pinatungan iyon ng lipgloss.
I curled my hair from the middle down to it's end. Ang mahaba kong buhok na hanggang sa beywang ko ay hanggang sa kalahati ng likod ko na lamang ang naaabot matapos iyong kulutin upang magmukhang maalon.
I don't have enough time putting my hair into a bun like I planned, naubos kasi ng pagpili ng damit ang oras ko kaya't ganito na lamang ang ginawa ko.
At upang makompleto ang lahat ay ikinabit ko ang mahahabang silver na hikaw na mayroong nakakabit na malilit na batong dyamante bilang disenyo nito, it complements my long neck perfectly and I like it.
Nagtungo ako sa harapan ng life size mirror sa gilid upang tignan ang sarili ko. The satin red maxi dress blended perfectly with my skin tone, nagustuhan ko din ang knotted na style nito, spaghetti strap at mababa ang dibdib.
Mayroon din itong may kataasang slit kung saan ay sumisilip ang aking hita, the silver glittered platform pumps made it all looked stunning all over.
"Come on, Eve tayo na lang ang hinihintay doon."
Inilagay ko na sa clutch kung nasaan ang ilang personal na gamit ko ang cellphone. I put a finishing touch of lip gloss in my lips and smacked it together as I chuckled at myself in the mirror before finally exiting my room.
I descend upon the staircase, holding my clutch at my hand and the other one was on the rail for support. Nasa bawat baitang lamang ang aking mga mata, pinapanood ang bawat paghakbang upang hindi matapakan ang sumasayad na dulo ng suot.
"Si Charley po?" tanong ko kina Mommy nang makarating sa ibaba.
I roamed my eyes around our living room ngunit hindi ko mahanap doon si Charley.
"Naroon sa labas, doon sa sasakyan ka na lang daw hihintayin,"si Mommy na nakangiti habang palapit sa akin, "You're so beautiful, sweetie."
Masuyo akong tumingin dito habang nangingiti. "Thank you, Mommy."
My Mom stayed at our house for the mean time habang inaayos ng mga ito ang kaso. Pagkatapos ay uuwi na din daw sila ni Clev sa Tarlac.
"Si Clev po?"
Uming si Mommy. "Maagang nakatulog, he's actually waiting for you to come out ngunit nakatulog habang nanonood kasama si Charley kanina."
Tumango lamang ako kay Mommy saka bumaling kay Daddy. Nakatitig lamang ito sa akin na ikinasingkit ng mga mata ko dito.
"Earth to Dad." kumaway pa ako sa harapan nito saka kami sabay na natawa ni Mommy habang naiiling.
Ilang sandali pa ay napakurap ito na mukhang nakabawi na. "I'm speechless alright,"
Nailing na lamang ako dito. Hindi na din ako nagtagal doon at nagpaalam na sa mga ito saka nagtungo sa labas kung saan naghihintay si Charley.
Walking past our gate, I saw an unfamiliar car parked outside. Ilang hakbang pa ang itinungo ko saka napataas ng kilay nang madatnan doon si Charley na nakasandal sa hood nito habang nakapamulsa ang isang kamay at nasa ibaba ang mga mata.
Our eyes met and locked in each other as I walk towards him. Huminto ako sa harapan nito nang may ngiti sa mga labi.
"Do I look like a woman now?"
Ilang sandali pa ang lumipas na nakapako lamang sa akin ang mga mata nito. Then, he slightly tilted his head and shook it.
"Still a girl, Shekhaina Eve."
Pabiro ko lamang itong inikutan ng mga mata bago pinakatitigan. Hindi ko mapigilan ang paghanga dahil sa suot nito ngayong gabi.
He's gorgeous.
It was just a plain white tee under his gray suit, pinaresan nito iyon ng dark jeans at black derby shoes.
They said that guys with glasses looks like geek and this jerk just blew up that comments, dahil imbes na magmukha siyang nerd sa suot na salamin ay lalo lamang iyong dumagdag sa dating niya.
Since when did he grew up anyway?
Even his hair looks different, naka-slicked back iyon ay mayroon lamang ilang strand na bumagsak.
"Don't confess your feelings, Ma'am I can't reciprocate it. Hindi kita type."
I just rolled my eyes at him. "I don't plan to, and for your information. You're not my type as well, Mr. Montefalcon."
Nagpakawala lamang ito ng mababa at walang ingay na halakhak bago nag-ayang umalis na dahil kami na lang daw ang hinihintay ng iba.
It was a silent drive all the way to our destination. Silent but not awkward, ang maririnig lamang ay ang kanta sa stereo habang ako ay pinanonood lamang ang mga nadaraanang lamppost.
"...,don't care how many times you breaking my heart. I'm just too weak to stay cool,"
Napatigil ako sa mahinang pagsabay sa kanta mula sa stereo nang marinig ko ang tunog ng pagkuha ng litrato gamit ang camera.
I turned my head and saw Charley chuckling while looking at the phone he's holding, hawak ng isang kamay nito ang manibela habang ang isa ay ang cellphone.
"Eyes on the road, Sir."
Nilingon ako nito saka iniabot ang cellphone sa akin.
"Your cheeks are puffing here, sabi na sayong tumataba ka, e."sinundan niya pa iyon ng marahang paghalakhak.
Nagtataka kong inagaw ang cellphone sa kamay nito at napasimangot nang makita ang picture ko doon. It was on a side view, my cheeks are puffing nga.
"I'm still pretty, Charley thank you very much."puno iyon ng sarkasmo.
He just chuckled at me with his low and baritone voice, napakalayo ng boses kay Primo.
Ibinalik ko iyon sa home upang hanapin ang camera saka siya kinuhanan ng litrato. I took too many shots of him driving to make it even ngunit nauwi din naman ako sa pagsimangot dahil walang pangit sa lahat ng anggulong iyon.
"We should take a photo to commemorate the moment,"
"Do whatever you want, Eve para namang mapipigilan ka."
Tinawanan ko lamang ito saka inayos ang camera at inilagay iyon sa dashboard habang nakatimer.
"3, 2, 1!" tumingin ako sa camera habang nakangiti.
I even moved closer to him dahil sa medyo gilid ko iyon itinayo upang makuha kaming pareho. We took so many photos while on the ride, nagtatawanan sa bawat kuha at bawat pose na ginagawa.
Charley here don't know how to wacky alright, at iyon ang tinatawanan ko. Tumigil lamang ako sa pagkuha ng litrato nang huminto na ang sasakyan.
"Change location?"nagtatakang tanong ko nang makita kung saan kami huminto.
We're outside BHU, ang akala ko sa Lazare ngunit dito siya huminto kaya baka ay nagbago ang isip ng mga ito.
Either of the school is actually cool with me, gusto ko lang namang ma-experience ang promenade dahil hindi ako nakarating last year.
"Nadulas ang dila ni Lee kay Lola kaya ay dito na lang tayo,"
Nailing na lang ako habang nangingiti. Ang madaldal na 'yon talaga.
"And you wouldn't enjoy the event kung nagtatago tayo sa maraming tao upang hindi mahuli."
Well, he's right. Mas maganda na nga iyong nandito kami sa campus para kung magkaproblema man ay hindi madadamay ang pangalan nang school mula sa ibang school.
"How did Zera reacted to this matter? Siguradong tutol iyon na narito kayo."
Nagkibit balikat ito. "Wala siyang magagawa, Primo's her escort anyway. Kahit na sa Lazare tayo ay may bantay pa rin siya."
Nailing na lang ako dito saka walang ingay na natawa sa sinabi niya.
"I'll just fix myself, wait for me."
Inilabas ko ang mga gamit sa clutch na dala saka ibinaba ang salamin sa loob ng sasakyan. I just put some pressed powder and lipstick, tinignan ko din kung nagulo ang buhok ko dahil napakalikot namin kanina nang kumukuha ng pictures.
"Hindi pa ba sapat iyong pag-aayos mo ng ilang oras sa bahay niyo at hanggang dito ay ginagawa mo 'yan?"
I just rolled my eyes at the grumpy Charley, nakamasid lamang ito sa akin at hindi ko na pinansin.
I put a lip gloss over my lips and smacked it together, it made a sound that made me chuckled before checking every details of my face again. Nang makontento sa ayos ay ibinalik ko na ang mga gamig na inilabas at iniwan lamang ang cellphone ko.
"Iiwan ko na ang clutch dito, and just put this on your pocket."
Kinuha naman niya ang iniabot kong cellphone at inilagay iyon sa bulsa ng suit na suot niya.
I told Alistair that I'll be busy tonight kaya ay siguradong hindi din ito tatawag o magtetext kaya't ipinahawak ko na lamang iyon kay Charley dahil tinatamad akong magdala.
"Let's go," nakangiting sabi ko.
"Wait for me here,"
Nailing na lang ako nang lumabas ito saka umikot patungo sa tapat ko upang pagbuksan ako ng pinto.
"What a gentleman you are, Sir ganito sana lagi."
Inabot ko ang nakalahad nitong kamay, he even put his other hand on the top upang hindi tumama sa pinto ang ulo ko.
"It's just for tonight, this is your late Promenade after all."
Walang ingay lamang akong natawa habang naiiling. I remember how I cried to him that night dahil hindi ako nakaattend, I'm so excited that time tapos ay ganon ang nangyari.
"Nasaan iyong kapatid mo? Hindi ba dapat ay binabantayan mo iyon?"
Tumaas ang kilay ko sa kausap ni Charley saka iyon pinakatitigan.
"Late na nang matapos ako sa recording kaya't dito na ako tumuloy ngunit wala pa iyong batang iyon dito. Tumawag ako sa bahay at nag-aayos pa lang daw, give me the key at susunduin ko na lang."
Inalis nito ang suot na cap upang ayusin. "Primo?"
"Hi, baby girl."kumaway pa ito sa akin matapos kunin ang susi na iniabot ni Charley, "What's with red? You look like a cherry."
Charley chuckled at his twin's teasing and I just rolled my eyes at them. Then my eyes went on Primo's outfit, mahina akong natawa nang ilang beses na magpalit ang tingin sa mga ito.
"Magkapatid nga kayo,"
Nagkatinginan ang mga ito saka nagtawanan habang itinuturo ang isa't isa nang mapansing halos magkapareho sila ng suot.
Primo's also wearing the same suit as Charley, gray din iyon. Pati ang jeans at mga sapatos ay pareho. Ang pinagkaiba lamang ay ang nakapaloob na damit, Charley's wearing a white tee while Primo was wearing a black button ups shirt at nakabukas ang dalawang botones nito.
Even their slicked back hair looks the same, may kahabaan lamang ng kaunti ang kay Primo.
"See you around later, mamadaliin ko lang iyong bata."
"How about the cotillion dance? Hindi ba mali-late si Zera para doon?"nagtatakang tanong ko kay Primo, "And you're her escort, sasayaw ka din?"
"That brat asked Lola not to let her dance, hindi iyon sumasayaw at syempre, nakumbinsi niya si Lola na siyang paborito iyong apat."
Nailing na lang ako. Of course, she's a Montefalcon. Means she's always an exception.
Umalis na din si Primo gamit ang sasakyang dala ni Charley habang ako naman ay iginiya ni Charley papasok sa gate saka nagtungo sa isang sulok doon.
We met with the others at nagulat ako nang makitang naroon din sina Zebby at Croissant kasama ang ilan sa mga kaibigan ng mga ito.
"You two are here,"
Lumapit si Zebby sa akin nang may malaking ngiti sa labi saka yumakap na para bang hindi kami nagkita kanina lamang.
I complemented her mesh-overlay maxi-dress, the shade of blue in midnight was on the top and gradient with purple fading down in white. It was a spaghetti strap with a hem tying on both shoulders.
And her neat bun went perfectly with her dress, kitang kita din ang mahaba nitong leeg at na-highlight ng gown ang mapuputing mga braso at ang likod dahil mababa iyon.
"I think your dress is more elegant, dapat pa la ay isinama kita sa pagpili ng susuotin ko. I like your fashion senses kaya."
Kumapit pa ito sa braso ko na tinawanan ko lamang. Maya't maya pa ay sumali na din sa amin si Croissant.
Unlike her brother, natural lamang ang blend ng skin complexion nito. It wasn't pale but not tanned as well, just a natural porcelain. At dahil sa kutis nito, ang kahit na anong kulay ay bumabagay sa kaniya, especially the dress she's wearing tonight.
It was a long off-shoulder dress in a color of dandelion, gaya ng kay Zebby ay mesh-overlay din iyon ngunit iisang kulay lamang. Her hair was on a chignon style with some loose strand.
Nasa ayos ang buhok ng mga ito hindi gaya ng akin na basta lamang ay inayos dahil kulang na sa oras.
"Nyebe will be here din daw sabi ni KL, hindi pinayagan ni Tito Elai na mag-isang magpunta doon sa prom sa school nila lalo na't night event iyon." kwento ni Zebby.
"Even how good of a girl Nyebe is, siguradong nakipagtalo din iyon kay Tito Elai dahil doon."pagsabad ko.
"Though ang ipupunta lang naman yata niya doon talaga ay ang pagiging officer niya, I heard na hindi daw ito naghanda ng kahit na anong dress at talagang nag-o-over react lamang si KL."
Kapwa kami sumang-ayon ni Zebby sa sinabi ni Croissant saka nakipag-usap sa ibang lumapit pa sa aming kakilala.
Marami din ang gaya naming seniors na narito at may mga college pa. Lahat ay naka-formal attire na para bang hindi event sa school ang punta.
"Matagal pa ang dalawang 'yon, pumasok na tayo."
Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Nyebe na halos kadarating lamang kasama ang kapatid na si KL. Tinawagan ko naman si Zera gamit ang cellphone ni Charley at sabi din nito na baka mahuli pa sila ni Primo.
"Shall we?"
Hindi ko mapigilan ang mahinang matawa habang naiiling, Charley's formality really doesn't suit his personality when he's around me.
"Too formal, Sir nakakapanibago."
He just chuckled, pinakatitigan ko ito saka nagsalubong ang mga kilay nang mapunta ang mga mata sa salaming suot niya. It's not that it doesn't suit him, ayaw ko lamang na naroon iyon.
"Shall we, Ma'am?"ulit na tanong niya.
I twisted my lips and fluttered my eyes, inisang hakbang ko ang pagitan namin saka inabot ang salaming suot niya. Tinanggal ko iyon saka itinupi at ipinasok sa bulsa ng suit siya.
I fixed his suit when I saw the crumpled at his neck line. Inayos ko ang collar nito saka tinapik ang magkabilang balikat bago ngumiti ng matamis.
"There,"ngumiti ako, "Let's go, Mr. Montefalcon?"
Marahan itong humalakhak saka inilahad ang braso sa akin, I put my arm on his and walked in the hall behind the others.
Cameras flashes while we walk inside, siguro ay nag-hire ang school dahil ganito din noon every formal events. Hindi ko din mapigilang hindi mapansin ang mata ng mga tao na nasa akin.
The biggest hall in the campus between the college and senior high school buildings was used as a reception for the event. A big chandelier was hanging in the middle, shining like a diamond.
Pagmamay-ari ito ng mga Montefalcon kaya't siguradong may halo iyong tunay na diamond. It was lovely, iyon pa lamang na makikita kaagad sa bungad ay gugustuhin mo nang narito ka.
BHU always exceeds people's expectations, they always go all out at hinding hindi ka manghihinayang sa pera kahit na gaano pa kamahal ang tuition.
"Don't eat too much, sasabog iyang suot mo."
Palihim kong siniko si Charley nang bumulong ito matapos naming madaanan ang mga pagkain.
"Iinom lang ako ng madaming alak, I'll get wasted and give you a headache."
"Iiwan kita dito, mag-isa ka."
Pabiro ko lamang itong inikutan ng mga mata saka walang ingay na natawa.
Huminto kami sa isang pabilog na mesa kung nasaan ang mga pinsan niya, wala pa rin sina Primo at Zera na ipinagtabi na lamang ng upuan.
Even Amber was here, katabi ito ni Zebby. I don't see Parker in the table, siguro ay nahuli o may ginagawa. It was their restaurant who sponsored the foods for tonight anyway.
"You two really look good together, bakit hindi na lang maging kayo?"
Napaismid lang ako sa salubong na tanong sa amin ni Croissant nang makalapit kami sa mesa. Nauna kasing pumasok ang mga ito.
"No thanks, ayaw ko sa gago." sagot ko saka umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Nyebe.
Umupo naman si Charley sa tabi ko na umangal din sa sinabi ng pinsan.
"Ma'am here isn't my type, masakit sa ulo ang isang 'to."
Nailing na lamang si Croissant nang hindi na naman ito magtagumpay sa panunudyo.Si Nyebe na katabi ko ay mukhang maayos na dahil hindi na ito matamlay, nakikipagtawanan at kwentuhan na din sa amin.