Crash
"We should go to Lazare some time nitong Foundation, nasilip ko ang campus nila kanina at nagkalat din ang booths doon."
Pagkalapit ko sa mga benches sa harapan ng library kung nasaan ang mga babaeng Montefalcon ay umupo ako sa tabi ni Zeraphine na siyang nagsuhesyon ng pagpunta sa ibang school.
Sa bench na kinauupuan niya lamang ang mayroong bakanteng pwesto kaya't doon ko napiling umupo.
"That's a great idea, pero hindi ba bawal ang outsiders doon?"si Croissant.
"Activities at night lang nila ang bawal magpapasok ng outsiders." nakangiting sabi ni Zebby na nagtaas pa ng kamay.
I was just listening to them talking, sharing ideas and opinions while sipping from my strawberry milkshake.
It's the second day of Foundation Week, tumakas lamang ako sa booth ng section namin na pinababantayan ni Lors upang pumunta dito dahil mas masaya silang kasama at boring doon.
"What do you think, Ate Aina?"
Tumaas ang magkabilang kilay ko saka nag-isip bago tumigil sa pag-higop mula sa straw at inilayo iyon sa mga labi ko.
"I'm cool with it, maybe this Thursday? Tingin niyo?"
I puffed my cheeks before placing back the straw on my lips and sipped on my milkshake, kapwa nag-iisip ang mga ito sa suggestion ko. Siguro ay iniisip kung mayroon silang plans that day.
Ako: Katatakas ko lang sa booth namin, nabo-bored ako doon. I'm with the other girls now
I was actually texting Alistair the whole time kaya't alam ko ang schedules ng school nila sa whole week of Foundation na kasabay lang ng amin.
They will be holding a sports fest this Thursday, may game daw sila Alistair at gusto kong manood kaya't iyon ang araw na sinabi ko.
"I'm cool with Thursday," si Zera na
"Yep, I'll free up that day,"
"I'm in,"
Malaki ang ngiti ko nang pumayag silang lahat. Mukhang hindi nila alam ang event this Thursday sa Lazare.
"Will the boys be going with us?" tanong ni Croissant na ikinaangat ko ng tingin dito mula sa cellphone na hawak.
Speaking of those morons, hindi ko pa sila nakikita since morning. Si Charley lang dahil may iniutos ako dito. Maglalunch na din kaya ay nagtungo ako kung nasaan sina Zera upang sabay sabay na kaming maglunch ngunit wala pa iyong mga gago dito.
Are they fooling around and jerking again? Foundation, e.
"Nasaan pa la sila? I haven't seen them since morning, hindi kasi ako sumabay kay Charley at nagpahatid lamang kay Dad."
The three of them just shrugged and sighed. Mukhang tama ang hinala kong ginagawa ng mga ito.
"They're probably jerking around, ang sabi nila ay hintayin dito para sabay sabay na daw maglunch."
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Zera habang naiiling saka ibinalik ang atensyon sa cellphone upang mag-reply sa message ni Alistair.
Ako: Hinihintay lang iyong iba para sa lunch, ikaw ba? Kumain ka na din
"Busy sina Ate Amber at Kuya Parker sa booth nila sa college building kaya hindi sila makakasabay, hintayin na lang daw natin sila Kuya Harper."
We just all nodded our heads at Zebby, pinakita din niya ang message ng dalawang nakatatanda nitong kapatid.
They went back on talking and gossiping about things habang ako ay minsan lamang nakikisali at nagsasalita kapag hinihingi ang opinyon ko.
"Is Charley dating Vana? Magkasama daw ang mga ito nito lang."
I yawned at the topic, Charley's still into Yrah at magkasama lamang sila ni Vana dahil pinilit ito ng mga kaibigan ni Vana. I was there earlier noong nagtungo si Charley sa booth namin upang ihatid iyong iniutos kong tee na naiwan ko.
"They're not, I think,"sabi ni Zera bago ito bumaling sa akin, "Tingin mo, Ate Aina?"
I just shrugged, tinatamad ako pagdating sa usaping iyon. Charley's dating life have never got my interest, wala naman kasing nakakainteresante doon dahil gago naman siya.
"Wala bang sinasabi sayo?" nang-iintrigang tanong ni Zebby.
Umiling ako saka nagkibit balikat. "Ako ang nagreto doon at pinilit ko din siyang i-date si Vana out of annoyance pero hindi ko alam if may relasyon na sila."
Because I don't really care, as long as the girl won't bother me like his other girls from the past. It's annoying how his past girls suddenly turned into monsters because of jealousy and insecurities.
Maganda kasi ako masyado kaya't natatakot sila. They all accused me of being a b***h without any accurate basis kaya ay iniiwan sila.
"She annoyed you already? E, hindi pa nga sila."
Mahina lamang akong natawa sa tanong ni Croissant saka nailing. Nagtanong pa ang mga ito tungkol doon and that turned out to be the high light of our conversations.
Since they're curious, ikwenento ko ang lahat ng nangyari. Wala din naman akong magawa dahil huminto na sa pagte-text si Ali after magpaalam na kakain lang at baka maging busy na dahil may practice yata sila para sa Thursday.
"She really went there? Ohmygod, Ate Aina alam ko kung gaano mo kaayaw ang usaping iyon."
Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang maalala ang araw na iyon, I was really annoyed that day ngunit napangiti nang maalala din ang dahilan kung bakit nawala ang prustrasyon na nararamdaman ko.
"Nakikita ko siya minsan, I thought she's really nice kasi Charley even went out with her, hindi ba?"
Tumango ako sa tanong ni Croissant. "She's nice naman. I don't hate her you know, I just don't like her."
"That fake innocent b***h,"
Mabilis akong napabaling kay Zebby dahil sa sinabi nito. I pressed my lips together, pinipigilan ang pagtawa dahil iyon din ang tawag ko sa babaeng iyon.
"That suits her very well, kung magiging sila man ni Kuya ay tutol ako." humalukipkip pa si Zera na sinang-ayunan ng dalawa.
Kahit na gusto kong sumang-ayon din doon ay hindi ko ginawa, dahil useless din naman iyon. Wala naman kasing gusto si Zeraphine sa lahat ng mga babae ng kapatid niya.
Well, there's Yrah.
"Anyway, about Yrah. Kamusta na siya? Haven't seen her since the breakup."
Napabaling ako kay Zebby nang banggitin iyon. Thinking about it, I sometimes worry about Yrah lalo na noong kalat ang usapan tungkol sa breakup nila.
"She transferred, kahit ako ay walang balita sa kaniya." malungkot na ngumiti si Zera nang sabihin iyon.
I put my hands on her and smiled reassuringly at her. Close siya kay Yrah ng sobra. Mabait naman kasi si Yrah at napaka-friendly, kaya naman ay hindi ko matagalan iyong mga usapang naririnig ko tungkol sa kaniya nang magbreak sila ng gagong si Charley.
Even her friends started gossiping about her and she don't deserve any of it.
"Bakit ba sila nagbreak?Kailan at paano?"
I was just listening to them talking while playing with my phone, natigilan ako nang mapansin ang ilang pares ng mga mata na kakatingin sa akin.
Nag-angat ako ng tingin saka nagtatanong ang mga matang ngumiti ako sa mga ito.
"Enlighten us, Aina ikaw ang best friend."
Mahina akong natawa sa sinabi ni Zebby saka nailing bago itinuro si Zera sa gilid na nasa akin din ang mga mata.
"Kapatid 'yan, oh."
Humaba ang nguso ni Zera. "Don't be like that, Ate Aina I don't even know who's he's seeing now."
That's because he's not seeing anyone, went on a date twice since his breakup with Yrah. Iyong isa ay hindi niya sinipot at iyong isa ay ipinilit ko. Boring ang dating life ng gagong iyon.
"So, what happened?"si Croissant na tumataas taas pa ang kilay habang nakatingin sa akin.
I bit my lower lip before twisting it and just smiled at them. "It's not my story to tell you know."
"Ichinismis ni Zebby si Harper the last time."nagtaas pa ng kamay si Croissant na tinawanan ko lamang.
Napasimangot ang mga ito nang hindi ako mapiga upang sabihin ang mga gustong malaman. It's not that I'm respecting Charley alright, si Yrah ang nirerespeto ko dahil hindi naman karespe-respeto si Charley.
"I heard my name,"
Lumingon kami sa nanggalingan ng boses at nadatnan doon si Harper na nakangisi habang naglalakad patungo sa amin. Nasa likod nito sina Lee at Charley na nagtatawanan, nasa tabi naman ng mga ito si Reid na tahimik at mukhang nakikinig lamang.
"Pinagchichismisan niyo ako, 'no?"dagdag pa nito.
Zebby just rolled her eyes at her brother, ilang sandali lamang ay nakikipagtalo na ito doon at syempre natatalo siya dahil tinatawanan lang naman ni Harper iyong mga sinasabi ng kapatid.
"We're actually gossiping about Charley, mas may kwenta naman kasi ang dating life niya kaysa iyong sayo." lukot ang mukha na sabi ni Zebby na tinawanan lamang ng mas nakatatandang kapatid.
Nailing na lamang ang iba nang magpatuloy ang mga ito habang ang paningin ko ay napunta kay Charley na inagaw ang hawak kong walang lamang container na pinaglagyan ng iniinom kong strawberry milkshake kanina saka iyon ihinagis sa basurahan at para iyong bola na pinasok sa ring.
"Parang gago, Charley."
He just winked at me and fixed his eye glasses. "Alam kong gwapo ako, Ma'am no need to tell me."
Tumayo ako mula sa kinauupuang bench, tumayo ako sa harapan niya saka kinuha ang salaming suot nito. Isinuot ko iyon sa humalukipkip.
"Ang sabi ko ay ang gago mo, bingi."
"Alam ko ngang gwapo ako, Shekhaina Eve."
Nalukot ang mukha ko at hindi na lamang pinansin ang sinabi nito dahil siguradong mang-aasar lang iyan.
Nagkaayaan na din kaming maglunch nang dumating si KL kasama ang nakababata nitong kapatid na si Nyebe. Sinundo pa pala niya ito sa Lazare kaya't medyo natagalan.
"So, how's your date?"nakangising tanong ko habang naglalakad kami.
Walking distance lang naman kasi ang layo ng Min's sa school at dahil Foundation naman ay hindi problema kung hindi kami makakabalik kaagad dahil nakapag-attendance naman na kaming lahat. Kaya ay ayos lang na huwag nang gumamit ng sasakyan.
"You mean, iyong ipinilit mong babae?" he scoffed na tinawanan ko lamang.
"How was it? Kayo na?"nakangising tanong ko saka kunwaring nalungkot, "Once you get a girl, wala na naman akong utusan."
"Wala namang pinagkaiba kung mayroon man dahil wala ka namang pakialam, mang-iistorbo ka pa rin upang mang-alila."
Tinawanan ko lamang ang supladong mukha nito saka napunta ang mga mata sa cellphone na hawak ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate nito.
Alistair: Just finished eating lunch, kumain ka na ba?
Napanguso ako saka bahagyang nakagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagngiti. I don't even know why I'm smiling.
Ako: Naglalakad pa, maybe later
Ilang segundo lamang ang lumipas bago ito nag-reply sa message ko.
Alistair: Tanghali na, kumain ka na
"Don't fall for it, Ma'am linyahan iyan ng mga paasa."
Nagulat ako nang magsalita si Charley saka mabilis na ini-off ang screen ng phone ko.
"Napakachismoso, Charley." I hissed at him.
"Uto uto ka naman,"
Inikutan ko lamang ito ng mga mata saka siniko bago muling binuksan ang dumating na mensahe mula kay Alistair.
Alistair: Tanghali na, kumain ka na
"See? Inulit pa. Linyahan talaga ng mga paasa 'yan, believe me."
Pinukol ko ng masamang tingin si Charley nang muli itong magsalita.
"Shut up, Charley alam nating lahat na ikaw ang gago dito."
"That's why I know those lines, Ma'am kasi gago ako."
Mariin akong napapikit habang magkadikit ang mga labi, pilit na pinipigilan ang pagtakas ng tawa. But I wasn't that strong, dahil nakawala din iyon.
I bursted out laughing over my heart's content, sapo ko ang tiyan dahil sa sinabi nito. Did he just really admitted that he's a jerk?
"Tune it down, Ma'am para kang hindi babae."
Still, that didn't stopped me. Napansin ko pa ang paglingon sa amin ng mga kasama sa harapan at pati ng mga nakakasalubong namin ngunit hindi ko iyon pinansin.
I will laugh if I want to, walang makakapigil.
"That was hilarious—hmmf,"
Naputol ang pagtawa ko nang bigla na lamang takpan ni Charley ang bibig ko gamit ang isang kamay habang bahagyang nakaakbay sa akin at upang pigilan ako nito sa pagtawa.
"I told you to stop. Pinagtitinginan na tayo, Eve."
Pinaghahampas ko ang braso niya na kumulong sa akin upang tanggalin nito ang kamay na nakatakip sa bibig ko.
He's doing it again, naudlot tuloy ang kasayahan ko. So annoying.
I keep on saying 'let go' while his hand was still on my mouth, patuloy ko iyong pinapapalo hanggang sa tanggalin niya din iyon ngunit ang braso ay nanatili balikat ko at palibot sa leeg.
He seems like chocking me with his arm around my neck. Kapagkuwan ay bigla na lamang nitong pinitik ng malakas ang noo ko na pakiramdam ko ay namumula na ang parteng iyon.
"Ouch! It hurts, jerk!"reklamo ko.
"Nakakahiya ka talagang babae ka."
Inikutan ko lamang siya ng mga mata habang sapo ang noo ko, napasimangot ako nang mapansing nahuhuli na kami mula sa iba dahil sa paghinto namin sa ginawa nito.
"Iniwan na nila tayo, ikaw kasi!"
Nagpapadyak na sabi ko habang masama ang mukha at mahaba ang simangot habang inis na nakatingin dito.
"Para kang bata, Eve tigilan mo nga."
I just sent a glare at him before rolling my eyes heavenwards. Nagpapadyak akong naglakad upang humabol sa iba at hindi na ito pinansin.
"Seven!"
Malaki ang ngiti ni Lee na tinawag ang katatapos lamang magserve na si Seven mula sa isang table nang makapasok kaming lahat sa loob ng café.
Nababagot daw ito dahil Foundation Week lamang sa school kaya't ni-request niya sa ina magkaroon siya ng shift ng umaga at gabi upang siya na ang magsara ng café sa buong linggo.
"Tinanghali yata kayo,"salubong ni Seven sa amin.
"Sila Lee kasi ang tatagal."si Croissant na siyang sumagot sa kapatid, "Anyway, Kuya may empty table pa ba para sa amin?"
Itinuro nito ang malaking table sa gilid, "I just emptied it after nila Mommy, doon na kayo."
"May meeting si Mommy?"rinig kong tanong ni Zera sa kapatid.
"Sina Tita Anestia lang at iyong iba na hindi busy."
Pagkarating sa mesang itinuro ni Seven ay nagkanya kanya na kaming upo sa mga napiling pwesto. It was a set of two round sofas, parang iyong pwesto din namin lagi ngunit mas maluwang iyon.
Another group of people are occupying it kaya ay no choice kami. Mukhang mga estudyante din ang mga ito.
"Just my usual pasta and okinawa milktea, please."
Ngumiti ako kay Seven nang sabihin ang order. Siya ang nagserve sa amin dahil isasabay na din daw nito ang lunch sa pagdala ng sa amin. Lunch yata ang end ng morning shift na kinuha niya at mamayang hapon ulit ang balik.
"You always eat pasta, Aina."puna ni Zebby nang makaalis si Seven.
"You don't eat much rice as well, Ate Aina. Napansin din iyon ni Mommy."si Zera.
I raised my brows and finished drinking water before looking at them.
"I don't like heavy meals since madalas akong magmeryenda." pagdadahilan ko.
It's true, but half of it is that I want to maintain my figure. Hindi naman ako seryoso sa pagme-maintain dati since maibabalik naman iyon sa paggi-gym.
But that jerk with glasses always say that I'm getting fat, may baby fats na daw ako at mas lumolobo na ang pisngi. I don't take him seriously ngunit nang maging si Clev ay banggitin iyon, nag-umpisa na akong ma-conscious.
"Stop lying, Ma'am sabihin mo na lang na nagpapapayat ka dahil nararamdaman mo na din ang paglobo mo."
I glared at Charley who's sitting across me over the table while gritting my teeth. He annoys me each time he got, at nakakaasar dahil ang mga oras na iyon ay lagi.
"No way, Ate Aina. You're too curvy to loose weight anymore, ang sexy mo na kaya."
My lips twitched at Charley because of what Nyebe said. Nginisian ko ito bago binalingang si Nyebe.
"Don't listen to Charley, bulag lang iyan."
"You're the one who's blind here." hindi ko na lamang pinansin ang pagbulong na iyon ni Charley.
The girls started another conversation, sumali doon ang lahat kaya ay doon na din napunta ang atensyon ko at nakisali sa kanila.
A few minutes later, dumating na din ang foods namin. Dala iyon ni Seven at ng dalawa pang waiter. We just thank the other two staffs before started eating our lunch.
"Anyway, bakit narito si Tita Anestia? Hindi ba't nasa ibang bansa ito kasama si Claude?"
Patuloy ako sa pagkain ng dessert na siyang huling ihinatid sa amin habang nakikinig sa kanila. Si Lee ang kasalukuyang nagsasalita at na kay Reid ang mga mata nito.
"Tita Anestia might not look like it but she's still a lawyer and an owner of a Lawfirm Company alright, baka mayroong hinahawakang kaso."
I agreed at Croissant, posible iyon dahil kahit na bihira ang hinahawakan nitong kaso ay isa pa rin sa magagaling Lawyer ang ina ni Reid.
Atty. Montreal was an ideal woman, beautiful, elegant, strong and independent. She's the perfect definition of beauty, elegance and class combined.
"She heard about Aina's case here from Attorney Eleazar,"
Nagsalubong ang mga kilay ko saka bumaling kay Reid.
"Iyon lang ang dahilan?"
He just shrugged at me and I was left wondering. Hindi lang iyon ang dahilan, sigurado ako doon. Maybe she's just visiting, especially Reid.
"Anyway, sama kayo sa Lazare? We planned on going this Thursday."nakangiting imporma ni Zera sa mga ito.
Muntik ko na ding malalimutang banggitin iyon dahil nadala na ng ibang usapan ang isip ko. Buti ay naalala niya.
"Anong gagawin niyo 'don?"si Reid.
"Visit lang, nasilip daw ni Zera iyong campus earlier. Right, Z?"
Mabilis na tumango si Zeraphine sa pinsang si Zebby. "Sumabay kasi ako kina KL at Nyebe kanina."
"Sports fest nila this Thursday, a. Siguradong may mga taga ibang school din ang naroon."
Napabaling ako kay KL at ganon din ang ilan.
"You knew?" I asked.
Tumango ito saka ibinalik ang mga mata sa kaharap na laptop. "Nasilip ko lamang iyong schedule ng school para sa buong linggo. May kopya si Nyebe dahil SSG officer siya."
Napatango ako doon, officer nga pa la sa Lazare ang kapatid nito.
"E, bakit mo alam?"napabaling ako kay Zebby nang kalabitin ako nito.
"What?"
"Right, Ate Aina."si Zeraphine at nasa boses nito ang panunudyo. "Paano mo nalaman na sports fest nila this Thursday."
Napakamot ako sa batok saka mahinang natawa bago ngumisi. "Let's just say, the perks of being me."
"The perks of being Alistair's girl, you say?"
Napalingon ako kay Zebby habang bahagyang nakataas ang mga kilay at magpadikit ang mga labi.
I can feel the heat creeping on my face, bakit iba ang epekto sa akin ng sinabi niya? Bakit ganito.
"Parang tanga kung kiligin si Ma'am."
Nasapo ko ang noo saka sinamaan ng tingin si Charley nang batuhin ako nito ng binilot na piraso ng tissue.
"Tigilan mo nga, Charley kanina ka pa."
Tinawanan lamang ako nito saka bahagyang ininuturo ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa habang inilalabi ang mga salitang, 'kumain ka na'.
"Hindi pa ba nanliligaw iyon? He's too slow,"
Bumaling ako kay Zera saka umiling. "Told you, hindi iyon nanliligaw sa akin."
"Iilan pa lang ang naging girlfriend noong si Alistair na naibalita since junior. Hindi naman daw talaga iyon nanliligaw." Si Croissant.
Napaisip ako doon dahil may isang tao ding pumasok sa isip ko nang sabihin iyon ni Croissant.
"Sabi na sayo, Eve gago iyong intsik na hindi naman singkit."
Muli nalukot ang mukha ko saka pinaningkitan si Charley. "Shut it, Charley ikaw ang gago dito."
"I told you, alam ko kasi gago ako."
Nagtawanan ang mga lalaki sa table at maging ang ilang mga babae habang kami ni Zera ay nailing na lamang sa sinabi nito.
"Pustahan, pustahan. Si Aina ang manliligaw doon."
Nanlaki ang mga mata sa sinabi ni Seven saka nagsalubong ang mga kilay lalo na nang sundan pa iyon ni KL.
"Aayain niya iyong makipag-date sa Valentines. Hindi daw nanliligaw kaya siya na ang magfi-first move."
"Shut up, assholes." Inikutan ko ng mga mata ang mga ito.
I believed in gender equality equality alright, naniniwala ako na kaya ding gawin ng mga babae ang kayang gawin ng mga lalaki but when it comes to panliligaw? I don't think so.
Para sa kasi sa akin ay ibinababa mo ang sarili mo kapag ganon, isn't it bruising your pride? It's been a courtesy for a man to do the first move like panliligaw. At kapag babae ang gumawa nito ay parang nawawalan iyon ng sense.
Kasi imbes na panliligaw ay nagiging paghahabol at pagiging desperado na lamang.
"But seriously, napakabagal ng Alistair na 'yon."
Everyone agreed at Zera, well except me. Hindi naman kasi ako nagmamadali, yes I like him but for the very first time, I wanted to take it slow.
Kung talagang gusto nga ako nito gaya ng ipinapakita at ipinaparamdam nito ay ayos na ako doon. I'm not rushing a relationship anyway.
"Walang experience sa mga kalahi ni Eve kaya't nahihirapan,"binuntunan pa iyon ng halakhak ni Charley bago bumaling sa akin, "You should just give it up."
"Shut up, Charley ikaw itong namimilit na mag-boyfriend na ako."I hissed at him.
"That's because you've been a nuisance in my life, laging nang-aalila."
Humalukipkip ako saka inikutan ito ng mga mata bago ngumisi nang may maalala.
"Told you, I should just be your wife." I teased him.
"Tigilan mo, Eve hindi kita type."
Inilabas ko lamang ang dila dito saka nag-ikot ng mga mata. We started another conversation ngunit syempre hindi mawawala doon ang pagsingit ng gagong si Charley upang barahin lamang ako at pikunin.
"You really serious about it? Magge-gate crash na nga kayo ay bakit sa ibang school pa?"
Bahagya kaming napangiwi sa malakas na boses ni Zebby. Nabanggit kasi ni Harper ang planong pag-gate crash sa Lazare sa gabi ng Promenade nang mabanggit ng mga babae ang balak naming pagpunta doon this Thursday.
I was actually surprised when Charley told me na doon sa Lazare nila balak mang-gate crash, kapag nahuli kami ay malaki ang posibilidad na masuspend kami but just thinking about the thrill alone is enough to get me in with them.
It was for Nyebe. Kagustuhan daw ni KL at ideya naman ni Harper, samantalang kaming dalawa ni Charley ay sasama lamang doon, and a part of it actually was because I didn't get to be at my JS Prom last year.
"Paano kung mahuli kayo? Bawal ang outsiders doon sa mga night events nila."si Zera.
Kalmado ito at panatag dahil alam niyang hindi pupuslit ang mga kapatid sa Prom niya sa BHU. Sa Lazare kasi ang napili ng mga ito upang mabago naman daw at para din may thrill.
"Hindi kami mahuhuli, chill girls."binuntutan pa iyon ni Harper ng halakhak, "And it's too crowded there, masyadong maraming estudyante para makita pa ang pakikihalo namin."
"Sasama ka talaga sa kanila, Aina?"
Tumango ako sa tanong ni Croissant saka ngumiti. "I didn't get to attend my Prom last year sa former school ko kaya ay babawi ako ngayon."
Hind ko pa rin mapigilan ang makaramdam ng inis sa tuwing naaalala ang araw na iyon. Everything was already set, from my gown, hair and make up, maging ang accessories ay ready na din ngunit hindi pa la ako makakapunta.
Nakaka-frustrate iyon dahil excited pa naman ako.
"Kapag ikaw ay nahuli talagang itatakwil ka na ni Dad, Kuya Harper grabeng kahihiyan naman na iyon kung pati sa ibang school ay maghahasik ka ng lagim."
Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa sinabi ni Zebby sa kapatid at ganon din ang iba lalo na si Lee.
"Kapag si Nyebe naman ang nakakita sa inyo ay siguradong siya mismo ang manlalaglag kay KL."
"Yeah right, Zera."pagsang-ayon ko sa sinabi nito habang natatawa at bahagya pang nailing, "Huli kaagad kapag iyong babaeng iyon."
"Hindi ako pwedeng itakwil ni Dad dahil walang kinabukasan ang kapatid ko, malulugmok kami sa hirap." sabad ni KL na napabuntong hininga pa.
He seldom talks at kung magsasalita man ito, kung hindi walang kwenta ay puno iyon ng kagaspangan. Magkasinggaspang sila ng ugali ni Seven.
"Nyebe's the most responsible and normal as possible in our family, KL. Kayong siyam kasama ang iba ay ang siguradong magbabaon sa pamilya natin sa kahihiyan."si Zebby iyon na sinang-ayunan naman namin nina Zera at Croissant.
Tama naman kasi ito, si Nyebe talaga ng pinakamatino sa kanila.
Our conversations went to another that leads to another one again. Nagpatuloy kami sa pag-uusap lamang habang kumakain ng kung ano ano lamang sa café at hapon na nang mamalayan ang oras.
Napansin lang namin ang ilang dumaraang estudyante dahilan upang hindi na kami bumalik pa sa school.
"Ready for the crashing later?"
Siniko ko sa tagiliran si Charley nang bigla na lamang itong lumitaw habang naglalakad ako saka ipinatong ang may kabigatang braso sa ulo ko.
"Distansya, Sir ang baho mo."
He just ran, magkatabi lamang ang booth ng section namin at ng kanila. Narinig kong nautusan itong takbuhin iyong dumating na gamit nila sa gate.
He's carrying it now at mukhang pabalik na din, basa siya ng pawis kaya't itinataboy ko.
"Ang arte, Ma'am I don't smell like that."
"That's because you can't smell yourself, mabaho ka talaga."
Nilingon ko siya at nakita ang ilang dalang paper bag na naglalakihan. I went to get something as well, ngunit doon lamang sa classroom at hindi sa gate.
"You know you should carry this as well,"itinulak ko sa kaniya ang dalang box, "Nabibigatan na ang mga kamay ko."
Nagsalubong ang kilay nito at hindi pa rin iyong tinanggap.
"At bakit ko naman gagawin 'yon? May dala din ako, Shekhaina Eve."
Tumaas ang dalawang kilay ko dito. "That's because you're a guy, be gentleman to your girl best friend alright."
"And who's that?"
Malaki ang ngiti sa mga labi ko na bahagya pang iniangat ang isang kamay. "Me, of course."
Muling nagsalubong ang kilay nito saka lumalim ang gatla sa noo.
"At kailan naman nangyari 'yon?"takang tanong nito, "We're not even friends, Miss Rodriguez."
Napaawang ang mga labi ko dahil sa sinabi nito saka nalukot ang mukha.
"Hoy! We've been through a lot of things together kaya, we even spent a nigh at jail."
"Don't remind me, iyon ang pinakanakakahiyang bagay na nangyari sa buhay ko and it's your fault."
Nanunudyo ang ngiting sumilay sa mga labi ko. "Really? What did I do? Wala akong maalala."
He hissed. "I'm not doing that again with you."nalukot ang mukha nito na parang hindi talaga iyon matanggap. "It was absurb, imagine, stalking? Me? Grabeng kahihiyan iyon."
I burst out into laugh at what he said. Remembering that day, totoo ngang kasalanan ko iyon. Hinila ko siya upang akyatin ang gate ng bahay ng crush ko upang mang-stalk.
We got caught and spent a night at the precinct. I can clearly remember the look on my best friend's face, it was priceless.
"I didn't know you're a stalker, Charley that's bad you know."
"Hugas kamay masyado, Eve."
Nasa mukha nito ang pagkayamot nang abutin ang box na dala ko saka nauna nang naglakad sa akin.
"Hey, wait for me!"
Humabol ako dito habang mahina pa ring natatawa. Lagi siyang kalmado at kung hindi naman ay suplado kaya't gustong gusto ko ang mga pagkakataong ganito dahil mahirap makahanap ng tyempo.
"Don't tell me you stalked all the girls you liked,"
Nilakasan ko ang boses upang lalo itong asarin. He really hated that memory.
"Shut up, piggy piglet. Para kang hindi pinakaing baboy, masyadong maingay."
Now it's my turn to get annoyed.
"What?!"
"Wala, ang sabi ko ay baboy ka."
Malakas ang hampas na pinakawalan ko ngunit nalihisan nito iyon saka tumakbo palayo sa akin.
Huminga ako ng malalim saka nasa mukha ang pagkapikon kong itong hinabol.
"I told you I'm not fat!"
"Baboy lang!"sigaw niya pabalik.
We just play tag on the way to our booths. Masyado itong mabilis tumakbo ngunit nasabunutan ko din nang maabutan sa destinasyon.
"Suits you right, gago."
Kinurot ko pa ang tagiliran niya na ikinadaig niya ngunit sinundan din naman iyon ng paghalakhak na ikinailing ko na lamang.
What an annoying best friend I got here, minalas yata ako.