Akala lang
Walang ibang maririnig sa pagitan namin kung hindi ang pagkalantog ng mga kubyertos na tumatama sa pinggan. It was too quiet and the atmosphere was too heavy, hindi ko nga alam kung imahinasyon ko lamang ba o sadyang maging ang bawat paghinga ay maririnig dahil sa katahimikan.
Maya't mayang nagpapalit palit ang paningin ko sa mga magulang sa kabilang banda ng mesang aming kinauupuan. I can't concentrate eating at all, hindi ko nga maintindihan kung pa bakit kami kumakain ngayon.
It was too calm, it was like a calm before the storm. Tahimik ngunit alam mong mayroong paparating.
I took a deep breath, maya't maya pa ay naramdaman ako ang bahagyang palihim na pagsiko sa akin ng katabi kong si Charley.
Muli akong huminga ng malalim saka maingat na ibinaba ang hawak na mga kubyertos. I drank the juice beside the glass of water before clearing my throat to get their attention.
"Dad, Mom,"
Muli akong napahinga ng malalim, pinangungunahan na naman ng kaba at takot lalo na nang tapusin ni Daddy ang pagkain saka uminom ng tubig bago bumaling sa akin, ganon din si Mommy.
"Ahm," lumunok ako na para bang may nakabara sa lalamunan ko.
"Eve,"
Napaayos ako ng upo at ang mga kamay na nakapatong sa mga hita sa ilalim ng mesa ay nagsimula na namang pagpawisan ng malamig.
"D-Dad,"nakagat ko ang pang-ibabang labi nang mautal.
Nanunuri ang mga mata ni Daddy na nakatingin sa akin habang ang utak ko ay naglalaro sa magiging reaksyon nito at ni Mommy.
Napansin ko din ang pagpapalit palit ng tingin ni Daddy sa akin at sa katabi kong si Charley na ngayon ay hinawakan ang kamay kong bahagya nang nanginginig. He's trying to calm me ngunit tila ba wala iyong epekto.
"Shekhaina Eve, you know you can tell us anything, right?"
Tumango ako kay Mommy saka napababa ng tingin habang kagat pa rin ang pang-ibabang labi.
They already have an idea, I knew it. Siguro ay mayroon ngang nabanggit itong si Charley nang kausapin si Daddy.
"Ahm, I-I," hindi ko magawang ituloy ang nais na sabihin.
I can't even start, hindi ko alam kung saan at kung paano magsasalita.
"Does your parents knew about this, Charley?"
Napalingon ako kay Charley dahil sa tanong na iyon ni Daddy. Ilang beses akong napakurap at ganon din ang katabi ko na napahinto pa sa pag-inom mula sa baso ng tubig na hawak.
"Po?"
Muling bumalik kay Daddy ang paningin ko nang sumagot si Charley. Pinanood ko lamang itong tumango saka bahagyang gumalaw ang panga.
Then he glanced at Mom who just shrugged before she smiled at my Dad. Muli namang bumaling si Daddy sa aming dalawa bago iyon napunta sa gawi lamang ni Charley na kasalukuyang umiinom ng red wine.
"We actually have a clue before coming here,"panimula ni Daddy saka tumingin sa akin at tipid na ngumiti,"You're still young, Eve things might gone hard. Kung tama man ang hinala namin ng Mommy mo ay huwag kang matakot na magsabi sa amin, we love you at nandito lang kami lagi para sayo."
"Dad," namungay ang mga mata ko, ramdam na ang pagtulo ng mga luha dahil sa sinabi nito.
Ngumiti ito sa akin at ganon din si Mommy bago siya bumaling sa katabi ko. "And Charley,"
"Tito," umayos ng upo si Charley.
"You're like a son to me and Selena, nakita ka naming lumaki kasama ng anak namin at naiintindihan ko kung bakit niyo iyon nagawa. Just, take care of my daughter,"
"We're giving you our blessings, Charley." nakangiting sabi ni Mommy.
Nagpapalit palit ang tingin ko sa dalawang ito saka bumaling kay Charley na nasa mukha din ang labis na pagtataka at bahagya pang napatigil sa pagsimsim ng red wine sa basong hawak.
"What do you mean, Tito? Tita Anais?"
"You got my daughter pregnant, didn't you?"
Nanlaki ang mga mata ko habang si Charley ay napaubo na para bang nasamid sa iniinom na wine, bigla niya iyong nailapag sa mesa at ngayon ay maluha luha na ang mga mata nito dahil doon.
Dali dali ko siya inabutan ng tissue saka lukot ang mukhang bumaling kay Daddy na nakamasid lamang sa amin.
"Dad!"
"What? There's no reason for you two to be present in a serious matter than that. You two even silent, kung hindi nag-aaway ay nagsasagutan kayo at hindi ganito."
Nagtataas baba ang balikat ko at napaawang pa ang labi habang nakikinig sa Daddy ko.
"Charley even said it's a serious matter at kailangan mo kaming dalawa ng Mommy mo para doon. Nothing can be more serious than pregnancy and marriage when it comes to family talk, Shekhaina Eve."
"It's not like that, Daddy!"
Lukot na ang mukha ko, bahagyang magkasalubong ang nakataas na mga kilay at hindi maipinta ang simangot na gumuhit sa mga labi.
"Really?"Si Daddy na humawak pa sa baba saka binasa ang pang-ibabang labi, "Charley said you're at the hospital, nawalan ka daw ng malay and pregnancy is the only thing I can come up with. Malay ba namin kung may relasyon talaga kayong dalawa at isinisikreto niyo lamang."
"That was absurd, Dad. He's not my type!"
Hindi maipinta ang mukha na sabi ko saka napaikot pa ang mata kay Charley na nagpipigil ng tawa dahil sa sinabi ni Daddy.
Bahagya nitong iniangat ang kamay, "Shekhaina Eve isn't my type either, Tito masakit sa ulo ang isang 'yan."
Napakamot ng ulo si Daddy saka mahinang napahalakhak, "Akala ko ay iyon ang dahilan."
Now it's Mommy's turn to laugh. Lalong nalukot ang mukha ko nang mapahawak pa ito sa tiyan habang tumatawa at bahagya pang nahahampas si Daddy na bahagyang napapangiwi.
I don't know if it's about Mommy's reaction o dahil sa nagkamali siya ng konklusyon.
"I told you you're just getting old, Damon. Jumping into conclusions like an old man."
Naiikot ko na lamang ang mga mata nang mag-umpisang magtalo ang mga magulang ko. Then Charley handed me a glass of water, tinanggap ko iyon saka ininom upang kumalma.
It was shocking and absurd alright, how dare Dad say that? At sa lahat ng maaaring ideya ay iyon pa talaga ang napili ng mga ito.
"Just tell them, Ma'am iyon naman ang ipinunta nating lahat dito." mababang bulong ni Charley.
I glanced at him before turning to my parents, mukhang ayos na ang mga ito dahil tumigil na sila at ngayon ay kapwa nag-uusap na lamang sa mababang boses.
I still don't know if I can do this ngunit kailangan kong sabihin. Narito na din ako at wala na din naman akong tatakbo, tama si Charley, hindi na solusyon ang pagtakbo ngayon dahil nang gawin ko iyon ay bumaling lamang ako sa kung saan ko iniwan ang problema ko.
It was hard, mahirap, hindi ko alam kung saan at kung paano magsisimula pero kakayanin.
I took a very deep breath and calmed myself down.
"Mom, Dad,"kinuha ko ang atensyon ng mga ito, "The truth is mayroon pong nangyari kaya't nawalan ako ng malay at dinala ni Charley sa hospital,"
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at madiin ang pagkakabaon ng mga kuko sa kabilang kamay na nasa ilalim ng mesa. Then, I felt my best friend's hand on mine, calming me down.
"Remember Kaizen?"
Tumango si Daddy habang si Mommy naman ay nanatili lamang na nasa akin ang atensyon at naghihintay ng susunod ko pang sasabihin.
"I went on a clubhouse alone last Friday night,"
"Hindi ba't ang paalam mo ay kasama mo ang mga kaibigan mo?"
Tumango ako habang nasa ibaba ang mga mata, "I'm sorry, Dad I lied."
Hindi ito nagsalita at bumuntong hininga lamang habang ako ay nagpatuloy. "I-I ran into Kaizen there at the clubhouse and then he asked for a closure, a—and,"
"Eve,"
Mariin akong napapikit saka tumango. Mul akong nagmulat, I smiled at Charley to reassure him that I'm alright.
Hindi ko lamang magawang ituloy ang nais na sabihin dahil muling bumabalik sa akin ang takot na naramdaman ko nang gabing iyon.
"A-At the r—rooftop, h-he,"
"Hey, it's alright,"Charley whispered.
Ibinaling ko ang mga naluluhang mata kay Charley, para akong batang nagsusumbong dahil sa uri ng pagkakatingin ko dito.
"H-he t—touched m-me, s—sexually,"
Ang nagbabadyang mga luha ay sunod sunod na pumatak matapos kong banggitin ang mga salitang iyon na siyang nagpabalik ng mga alaala nang mga gabing iyon.
The fear I felt, the disgust over myself, the pity and helplessness, ang lahat ng iyon ay bumalik sa akin. My emotions are flooding that I can feel my heart in a verge of exploding.
It was scary, hindi ko kayang bumalik doon
"Hey, it's alright. Just breathe, Eve let it out,"
I worked with Charley, pilit ako nitong pinapakalma habang hinahaplos ang likod ko at pinipisil ang kamay na hawak. I tried my best to calm down.
"Took a deep breath and let it out, I'm here, everything's gonna be fine."
Inhaled, exhaled. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ko na iyong ginagawa hanggang sa tuluyan akong kumalma at nagpatuloy sa pagkukwento ng lahat nang nangyari nang gabing iyon sa rooftop.
"He did it again,"
Natigilan ako at kaagad na napalingon sa gawi ni Daddy nang marinig ang sinabi nito sa mababa ngunit may talim na boses.
Napalitan ng tensyon ang nakabibinging katahimikan na namayani sa amin kanina. But the thing that really caught my attention was my Mom.
Tahimik lamang itong lumuluha habang nakatitig sa kawalan and that made my heart skipped a beat, it breaks my heart watching my mother in this state.
"Mom?"
No response, nanatili lamang siyang ganon at tila ba nawawala sa sarili kaya't muli na namang tumulo ang mga luha ko.
"Mommy,"
Tumayo ako upang lumapit doon ngunit pinigilan ako ng paghawak ni Charley sa kamay ko. I looked at him, asking ngunig itinuro lamang nito ang mga magulang ko.
Daddy was now talking to my Mom, waking the sense up to her. Mababa ang boses nito habang may sinasabi kay Mommy at ilang sandali lamang ay kumurap si Mommy saka bumaling sa kaniya.
Ang tahimik na pagluha ni Mommy ay napalitan ng malalakas na paghikbi. She's looking at my Dad, telling him things that I can't bear to hear.
"I didn't know. I can only imagine her fear and pain, Dame. I'm a useless mother, I should have been there for her but where I am? Focusing at myself, wala akong silbing ina."
Mariin akong napapikit saka inilagay ang mga kamay sa magkabilang tainga upang hindi na marinig pa ang kahit na ano. It was painful hearing those words from her, hindi ko siya kayang makitang ganon.
This is what I am talking about when I said I don't want them to know. Alam kong masasaktan sila lalo na si Mommy.
Paano pa kaya kung malaman nila ang nangyari ilang taon na ang nakaraan. They'll breakdown for sure at ayaw kong mangyari 'yon.
"Shekhaina Eve,"
Napamulat ako nang may nagtanggal ng mga kamay kong nakatakip sa magkabila kong tainga.
"Mommy,"
Sinapo niya ang magkabila ko pisngi saka tinuyo ang mga luha ko. She rested her forehead on mind and whispered.
"I'm sorry, baby. I'm so sorry."
Muli akong napapikit ng mariin habang umiilin saka mabilis na yumakap sa kaniya at ibinaon ang mukha ko sa pagitan ng leeg niya.
"I'm a useless mother, I can only imagine your pain, you fear. I'm so sorry for being a bad Mom, Shekhaina Eve."
"No, don't say that. Huwag mo 'yong sasabihin, Mommy."
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto kaming ganon basta ang alam ko lamang ay walang tigil ang mga luha ko sa pagtulo.
I wanted to stop but my eyes won't get tired. Humiwalay lamang ako kay Mommy nang maramdaman ko ang paghaplos nito sa likuran ko na para bang pinatatahan ako.
"We will get you justice, I promised you that, Eve."Tumango lang ako kay Mommy saka ngumiti.
Tumigil na din ang mga luha ko at si Mommy ang tumuyo ng mga naiwang bakas sa magkabila kong pisngi. Then my eyes went on Dad whose now talking to someone on the phone.
"You took care of it?"tanong ni Daddy kay Charley nang maibaba nito ang tawag.
Nakita kong umiling si Charley mula sa gilid ng mga mata ko.
"We had Tito Abraham take care of it through Attorney Eleazar, Tito. Minors like us can't do anything in this case."
Tumango si Daddy saka bumaling sa akin. Pinagdikit ko ang pang-ibabang labi, naghihintay na pagalitan ako nito dahil sa ginawa ko at dahil pinili ko pa itong ilihim.
"You did great all these years and now, Shekhaina Eve. I'm proud of you for standing on your own feet again."
"Dad,"
Tumakbo ako palapit dito saka yumakap sa kaniya. I even heard him chuckled and hugged me back as he messed my hair.
While holding me in his arms, my Dad was talking to Charley about the case. Hindi ko alam kung paano nagkaroon doon ng kaalaman si Sir ngunit nasasagot nito ang lahat ng katanungan ni Daddy gayon din ang mga sinasabi ni Mommy.
"Take Eve with you, Charley kami na ang bahala sa lahat dito."
I left Twin Line Hotel with Charley while my parents stayed. May meeting daw ang mga ito doon. I bet they're discussing about the case at ayaw ng mga itong naroon ako habang ginagawa iyon.
"His parents are kind people, matagal na nila itong gustong mangyari,"
Napabuntong hininga lamang ako habang idinuduyan ang sarili sa swing gamit ang mga paa.
After the hotel with my parents, Charley took me home to change at ngayon ay narito kami sa park ng subdivision kung nasaan ang playground na madalas naming puntahan.
"Titignan naman daw nila after ng discussion sa both side kung pwedeng minsan ka na lamang humarap sa korte o kung pwedeng kahit hindi na kung magagawan naman ng paraan."
Muli akong napabuntong hininga saka nagpatuloy na lamang sa pag-ubos sa ice cream ko na ngayon ay natutunaw na.
I'm still worried about the case my parents are currently discussing with Attorney Eleazar. Ang sabi ay kung maaaprobahan kaagad ang appeal sa korte ay maaaring this week lang din or maybe the next ang hearing.
"Charley?"
"Hmm?"
Nag-ngat ako ng tingin saka bumaling kay Charley na ngayon ay nakatayo sa katabing swing ng akin. Mukhang naglalaro na naman ito ng video games habang nakaduyan doon.
"Can't we just file a restraining order? Ayaw ko nang gawing big deal 'to, I'm afraid na baka ay may lumabas tungkol sa kaso at malaman ng ibang tao. At ayaw ko ding maungkat ang nangyari noon."
Nanatili ang mga mata ko habang parang batang nakatingala sa kaniya. Tumaas ang magkabilang kilay nito saka bumaling sa akin.
"Ginawa na namin iyon ngunit nangyari pa rin ito, Eve."
"What?"
Bumuntong hininga ito saka umayos sa duyan at umupo na lamang doon.
"Bago kayo lumipat sa Canada ay alam ni Tito Damon ang lahat ng nangyari nang gabing iyon. Si Kaizen mismo ang lumapit upang humingi ng tawad,"
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi nito, "W-what?"
Nagkibit balikat ito saka bumuntong hininga. "Your Dad respected your decisions, alam niyang mahihirapan ka kaya ay hindi na ito nagsalita at hinayaan ka lang."
"Y-you gotta be k-kidding me,"
Nanatili ang mga mata ko kay Charley, naghihintay na bawiin nito iyon ngunit umiling lamang ito.
"It was Kaizen who requested the restraining order you know, pumayag si Tito doon pero ang sabi niya ay huwag ipaalam sayo."
Ilang beses akong mapakurap, ilang mabibigat na hininga ang pinapakawalan dahil sa nalaman.
Daddy knew? All this time?
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, should I be happy dahil wala naman pa la akong kailangang itago, or should I be sad because he's suffering all this years more than I do, dahil siguradong mas nasaktan at nahirapan ito para sa akin.
"I was with Tito Dame when Kaizen begged for it, gusto niyang pagsisihan ang lahat ng nagawa ngunit ayaw mong harapin ang lahat."
Ang buong akala ko ay naitago ko ang lahat gaya ng kagustuhan ko. I succeed on running away but I failed on suffering alone, hindi ko alam na sa panahong lumipas ay hindi lamang pa la ako ang nagdurusa.
I took Kaizen's chance to atone for his sins back then because I chose to ran away and turned my back to everything.
Daddy respected my decisions, I can only imagine his frustration dahil wala siyang magawa bilang magulang ko. Everyone who wanted to comfort me and to help me, those people who cares for me, especially Charley, hiningi ko sa kaniyang itago iyon sa kabila ng pagmamakaawa, galit at prustrasyon niyang bigyan ng hustisya ang nangyari.
Hindi ko lamang pa la tinakbuhan ang problema ko kung hindi ay tinalikuran ko rin sila.
I should have been more considerate of the people around me, my Mom and Dad. Ang sabi ko ay ayaw ko silang masaktan at magdusa gaya ko ngunit hindi ko naisip na mas masakit kapag nalaman nila at huli na ang lahat dahil napakahaba na ng pahanon na lumipas sa amin.
I regretted everything, from my decisions and everything. I should have been braver, I should have faced it instead of turning my back and running away from it.
I can only imagine the guilt I left on Kaizen's family because of my cowardice, the helplessness and frustration my best friend felt because he can't do anything, and the frustration of my Dad.
And my Mom,
"How about M-Mommy? May a—alam ba s–siya?"mabilis ang magkasunod na tanong ko sa kabila ng mga tahimik na paghikbi.
I can't see Charley vividly because of my tears pooling in my eyes, ngunit napanatag ako nang maaninag ang pag-iling nito sa kabila ng mga luha.
Pinahid ko ang luha sa gilid ng mga mata saka mayroong tipid na ngiting nakaguhit sa labi na tumango dito.
"That's great,"
I only managed to say those two words without stammering, dahil ilang sandali lamang ay muli na namang sunod sunod na pumatak ang mga luha ko.
"Eve,"
Umiling ako saka dinala ang mga palata sa mukha upang takpan iyon at itago ang mga luha ko.
Kung naisip ko lamang ang lahat ng ito noon ay wala sana kaming lahat sa sitwasyong ito. Kung hindi lang ako naging makasarili, kung hindi ko lang inuna ang sarili ko, kung hindi lang ako duwag at tanging pagtakbo lamang ang alam ay wala sanang nangyaring ganito.
I buried everyone who cares for me in guilt, frustration, helplessness and pain. Ang akala kong pagdurusa ng mag-isa ay hindi lamang pa la ako nag-iisa.
"I'm sorry," I whispered.
I cried my eyes out, nilabas ko ang lahat ng bigat na nararamdaman ko, lahat ng guilt at sakit ay iniiyak ko hanggang sa wala nang mailabas na luha ang mga mata ko habang hinahabol ang hininga.
Time heals even the deepest wound but the scar will remain and it cannot be erased. Time carries even the heaviest baggage but it will left a mark in the land that stays even how many rain and sandstorms might pass.
"You should stop that, so annoying."
Umikot ang namumugto kong mga mata at hindi na pinansin ang sinabi ni Charley. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad habang sumisinga sa panyong inagaw ko mula dito.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak doon, basta ay pababa na ang araw nang tumigil ako at ngayong pauwi na kami ay magdidilim na din.
"Stop sniffing already, para kang aso."
Tumigil ang mga paa ko sa paghakbang saka tumiim ang bagang bagong ito pinukol ng matalim na tingin.
"Gago!" Ihinampas ko sa kaniya ang hawak kong panyo na mayroong sipon.
"What was that for? Nakakadiri, Eve doon ka suminga."
Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Masama ang tingin sa kaniya habang nagtataas baba ang mga balikat.
"Gago ka talaga, it's all your fault! You didn't even comforted me, tapos ay lalaitin mo pa ako? Jerk!"
"Hindi ko naman alam na kailangan ko iyong gawin."
Napaawang ang mga labi ko dahil sa sinabi nito, mapakla akong natawa saka nagtangis ang bagang.
"Anyway, if you need someone to comfort you, maghanap ka ng boyfriend hindi iyong lagi mo akong iniistorbo."
Humakbang ako saka huminto sa harapan nito at humalukipkip habang nakataas ang magkabilang kilay.
"At kailan kita inistorbo?"tanonv ko, "Ikaw itong bobo na laging tumatawag sa tuwing may report at activities para sa literature."
I watched his chinky eyes got even more chinkier, inayos nito ang salamin saka humalukipkip din gaya ko.
"Kung makapagsalita ka parang hindi ka maya't mayang tumatawag sa tuwing magpapasundo at magpapahatid ka. At sinong gumagawa ng math at physics mo? You even order me to drive whenever you're going on a date,"he hissed, "Makikipag-date doon pa kasi sa walang sasakyan, hindi talaga marunong pumili."
Nalaglag ang panga ko saka lumalim ang gatla sa noo.
"You liar, hindi pa nga ako nakikipag-date sa kahit na sino mula nang dumating ako."
"Halos gabi gabi mong kinikita iyong intsik na hindi naman singkit tapos ay sasabihin mong hindi iyon date?"naningkit ang dati nang singkit na mga mata nito, "Are you that dumb, Shekhaina Eve?"
"W-Wh-what, y-you!"mabilis na dumapos ang isang malakas na hampas sa braso nito na ikinangiwi niya, "Gago ka talaga!"
"I'm not dating Alistair yet! Hindi pa nga siya umaamin," the last part came out as a whisper.
Totoo naman iyon, I'm not dating Alistair yet. He haven't even asked me on a date, basta ay nagpaparamdam lamang ito ngunit wala namang ginagawa kaya't wala ding nangyayari.
"Isn't it obvious? Hindi ka niya gusto, hanap ka na lang ng iba."
Muling tumaling ang mga mata ko saka ito kinurot sa tagiliran na nagpakawala ng daing ito. Kinurot ko iyon ng madiin hanggang sa siya na mismo ang pilit na nagpatigil sa mga kamay ko.
"You don't even know that! Gago ka talaga, nakakaasar. Tumanda ka sanang mag-isa!"
"Yeah and it's your fault. Istorbo ka kasi lagi sa buhay ko."
Napaikot lang ako ng mga mata dito saka hinawi ang buhok na humaharang sa mukha.
"That's your obligation there, alright. You're my utusan after all, proxy habang wala pa ulit akong boyfriend."
Sumama ang mukha nito. "Just get a boyfriend already at tigilan mo ang kakautos sa akin, you even make me buy you that, t-that s–sanitary p—pad! Mas matindi pa ang ginagawa ko kaysa sa mga dapat gawin sana ng boyfriend mo."
"Should I be your wife then?" I teased him with a big smile on my face.
"No thanks, you're not my type. Ayaw ko sa baboy."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito, I gritted my teeth. "Hindi ako baboy, I'm not even fat!"
"Haven't you seen your baby fats? Nakita ko noong nagsuot ka ng damit na kinulang sa tela. You're getting fat, Eve maging ang mga pisngi mo ay tumatalbog sa tuwing tumatakbo ka."
Nanlaki ang mga mata ko saka mabilis na sinapo ang pisngi upang siguraduhin kung totoo ang sinabi nito.
"I don't have baby fats, you jerk! At natural na ganyan ang mga pisngi ko."pinukol ko siya ng masamang tingin, "Hindi din kita type 'no. Ayaw ko sa pangit at bobo ka pa, hinding hindi kita papatulan!"
He just shrugged at me and I just rolled my eyes on him. Sinimangutan ko ito saka bumaba ang tingin sa mga paa. Kumunot ang noo ko nang makitang nakakalag ang isang sintas doon.
"Ano?" nasa boses ni Charley ang pagkairita nang iangat ko ang isang paa upang ipakita sa kaniya ang sintas ko na nakalag.
"Tie it for me, loose ang shirt ko kaya't ayaw kong yumuko."utos ko dito.
Tinaasan ko pa ito ng kilay habang inginunguso ang sapatos ko.
Naglubong ang kilay nito saka nagtatangis ang bagang na lumuhod upang itali ang sintas ng sapatos ko. I smiled triumphantly while watching him.
"Matinding pang-aalipin na 'to, Ma'am namumuro ka na."
Inikutan ko siya ng mga mata saka matamis na ngumiti habang pinalilibot ang tingin sa paligid ng daang tinatahak namin patungo sa kanila.
"Whatever you say, Sir."
"Wala namang makikita kahit na yumuko siya, bakit kailangang ako pa." Napaawang ang mga labi ko sa ibinulong nito.
Ang sinasabi ba nito ay maliit ang hinaharap ko?
"B–bastos!"
Inambahan ko ito ng hampas nang makatayo ngunit mabilis niya iyong nailagan saka tumakbo palayo sa akin.
"Come back here, you jerk!"
Tumakbo na din ako upang habulin siya. Malakas lamang ang tawa nito habang tumatakbo habang ako ay nakasimangot habang hinahabol siya.
Nakikita ko na ang palikong kanto patungo sa kung nasaan ang bahay nila kaya't binilisan ko pa ang takbo ngunit sa tuwing bibilis ako ay mas bibilis din ito.
"Charley!"
Malayo ang pagitan namin, lumingon ito sa akin saka namimikon na nagtaas ng kilay habang isinasayaw ang mga iyon.
We kept on running hanggang sa huminto din nang makarating sa tapat ng gate nila.
Hingal na hingal ako habang nakayuko at ang mga kamay ay kapwa sa mga tuhod bilang suporta.
"Anyway, want to go to the prom?"
Hinihingal pa rin, nag-angat ako ng tingin kay Charley na nakatayo sa harapan ko habang may dalang bottled water na isinasara na ang takip.
Nauna itong nakarating sa akin kaya siguro ay pumasok na ito upang kumuha ng maiinom.
"Prom?" tanong ko saka inagaw ang hawak niyang bottled water.
Muli ko iyong binuksan saka uminom mula doon at hinayaan si Charley na magsalita.
"They planned on crashing, wanna come?"
Napaisip ako doon habang ibinabalik ang takip ng bottled water. Come to think of it, hindi ko naranasan ang promenade last year.
I smiled before looking at Charley. "I'm in."
He just wiggled his brows then winked at me before chuckling. "It'll be one hell of gate crashing."
Ngumisi ko dito. "That's why I'm in."
Nilabanan niya ang ngisi ko. "That's why I asked you in."
Sabay lang kaming natawa sa bawat isa bago nagdesisyong pumasok sa loob ng bahay. Padilim na din sa labas at grabe ang pawis ko dahil sa pagtakbo kaya't gusto kong magshower.
"I wanna take a shower, hiraman mo ako ng clothes kay Zera."
Tumango lamang ito sa utos ko na lihim kong ikinangisi.
"And oh, I'll be sleeping in your room tonight."
Malaki ang ngisi ko habang pinapalibot ang tingin sa loob ng bahay nila na wala talagang ipinagbago mula noon.
"Do whatever you want, para namang mapipigilan kita kahit na gustuhin ko man."
Mahina akong natawa sa sinabi nito. "Good thinking, Sir. You're not so bobo after all."
"Yeah right, Ma'am."
I just winked at him saka patakbong pumanhik sa hagdan at nagtungo sa silid niya. This reminds me of the old days.