Kabanata 13

2533 Words
With you "It's alright, Ali wala namang dapat na ihingi ng paumanhin. Ayaw ko lang sana talagang lumabas 'yong nangyari but its alright, I understand." And deep inside me was glad because he's here, despite of the truth he found out, he still came running to me. Napunta ang aming atensyon sa pinto nang may kumatok doon, magsasalita na sana ako nang sundan ng isang boses ang mga katok na iyon. "Aina, you awake?" It was Primo. "Yes,"lumapit ako sa pintuan saka iyon binuksan, "may problema ba?" "They let Yap in,"tumaas ang kilay nito saka ngumisi nang makita si Alistair na nasa bandang likuran ko, "So the creep in front of our gate was already here." Nagtataka akong napalingon kay Ali saka bumaling muli kang Primo. "Natiyempuhan ko si Zeraphine nang umuwi, bet she's throwing a feet." natatawang sabi ni Ali na ikinailing naman ng nakangising si Primo. "Even my twin was grumpy, inaway kasi ni Aina tapos ay trinaydor pa ng iba." Napaikot ako ng mga mata dahil sa sinabing iyon ni Primo. Hindi ko naman inaway ang gagong Charley na 'yon, it's the other way around, inaway niya ako. "Bakit ka nga ulit nandito?" Sumingit na ako sa usapan ng mga ito nang mag-umpisa na silang mag-usap at mukhang nakalimutan na narito ako. "Oh, I almost forgot about that,"napakamot ng ulo si Primo habang natatawa, "Charley brought Clev with him, gusto ka daw makita." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat saka bahagyang sumilip bandang likuran ni Primo ngunit wala akong nakitang Clev doon kaya't muli akong bumaling sa kaniya. "What about Dad? Did he told him?" Nagkibit balikat si Primo. "Basta ang sabi niya lang ay dadalhin niya si Clev dito tonight, pupunta daw ng Tarlac si Tito at bukas pa ang dating." "Tarlac?" Tumango si Primo habang ako naman ay naiwang napapaisip hanggang sa makaalis siya kasama si Alistair, nagpaalam ang mga itong bibili lamang ng kape. Daddy went to Tarlac and Tarlac is where Mommy live. Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto. Sa tingin ko ay pupuntahan ni Daddy si Mommy doon and the fact that Charley just went to our house, ibigsabihin ay may sinabi ito kay Dad at may alam na si Daddy. "I really need to talk to Charley." Tumayo ako sa kama saka lumabas ng silid upang hanapin si Charley. Kailangan kong malaman ang nangyayari upang mapanatag. Baka naman kasi ay nag-o-overthink lang ako. He told me na bukas ko haharapin si Dad to tell him everything kaya't siguradong wala pa siyang sinabi tungkol sa nangyari. Ngunit bakit pupunta si Dad sa Tarlac without even contacting me? At iniwan pa talaga si Clev kay Charley. "Hintayin mo na lang sa silid mo, Aina lumabas lang sila ni Clev upang magtungo diyan sa malapit na coffee shop, bibili yata ng cake at kape dahil ayaw ni Clev iyong mga tinda sa cafeteria." Inilingan ko ang sinabi nang nakasalubong kong si Harper na palabas ng elevator. May dala itong bottled water, siguro ay kagagaling lang sa cafeteria. "It's alright, Harper diyan lang naman din ako sa lobby, doon ko na hihintayin." "I'll go with you then, kung kakausapin mo ay ako na ang kukuha kay Clev dahil baka mag-away na naman kayo." Napaikot ako ng mga mata na ikinahalakhak lamang nito. Pumasok kami sa elevator saka nagtungo sa ground floor. "Stop it, Harper nakakadiri." I grimaced when I saw him winking at the nurse, mukhang estudyante pa lang iyon. She's sexy and pretty, hapit ang blouse at jeans na uniform nito na talagang humuhubog sa katawan kaya siguro nakuha ang atensyon ng babaerong kasama ko. "I'm just being friendly, Aina. She smiled at me kaya ay nginitian ko lang din." Nalukot ang mukha ko sa dahilang sinabi nito. Not very convincing coming from a liar as Harper. "You're obviously flirting with your smile, talagang hinagod mo pa ng tingin. Asshole." Tinawanan lang ako nito at hindi na nakipagtalo. Hindi naman talaga niya itinatanggi ang pagiging babaero at ang pagiging gago niya. I saw him eyed the girl from head to toe at umulit pa ang mga mata sa mga hita noong nurse. Ipinalibot ko ang tingin doon dahil baka ay nakapasok na sina Charley at Clev. There are some patient walking, iyong iba ay mukhang mga dumalaw at paalis na din. Sobrang gabi na kaya siguro ay hindi na madami ang pakalat kalat na pasyente. "Bakit nandito kayo? Gabi na." Napunta ang mga mata ko sa kadarating lamang na si Reid, nasa likod nito sina Seven, Parker at KL. "Hinahanap nitong Aina si boss Charley," binuntutan pa iyon ng mababang halakhak ni Harper. Nagtatakang bumaling sa akin si Reid matapos kong ikutan ng mga mata si Harper. "Hindi ba't magkaaway lang kayo?" "Inaway away tapos ay hahanapin." Si Seven. I grimaced and pouted. "I have my reason, alright." Nagsalubong ang kilay ko nang mapako ang paningin sa entrance ng hospital. "What is he doing with that fake innocent b***h anyway? Ang akala ko ba ay bumili lang sila ni Clev ng makakain," Cleviene's hand was holding Vana's while walking, kapwa nakangiti ang mga ito habang nag-uusap at ganon din si Charley. They look like a one big happy family, may Mommy, may Daddy at may anak na mukhang maagang ipinagbuntis ng ina. "Fake innocent b***h?" Tumango ako sa tanong ni Reid saka itinuro ang tinititigan. They are talking happily at hindi pa napapansin ng mga ito na narito kami. "Hindi ba't ikaw ang nagreto dyan?" Napalingon ako sa boses ni Primo sa aking tabi saka nagtatakang tumingin dito. "Kanina ka pa?" Tumango siya saka ngumisi. "Masyadong tutok ang atensyon mo doon kaya't hindi mo napansin ang paglapit ko." Tumingin ako sa likuran niya, may pilit na hinahanap ngunit wala doon si Alistair. "Umuwi na si Ali, may emergency yata sa bahay nila. Tatawag na lang daw mamaya." Tumango lang ako saka muling bumaling sa kaninang pinagmamasdan, malapit na ang mga ito sa kung nasaan kami ngunit tila hindi pa din napapansin ang aming presensya. "Why are they together?"tanong ko saka saglit bumaling kay Primo, "At bakit siya narito?" "Nakita ko silang magkausap doon sa coffee shop kanina." Ibinalik ko ang atensyon sa tatlo at sakto namang nag-angat ng tingin ang gagong si Charley at nakasalubong ng mga mata ko ang kaniya. I tilted my head and gave him an annoyed look. He mouthed 'what' and I just turned my gaze away from him remembering our fight. "Ate, I missed you!" Bumaba ang tingin ko sa kapatid ko na tumakbo palapit sa akin. I kneeled in front of him and let him hug me as I hugged him back. "Sick ka pa ba, Ate?"sinapo nito ang magkabilang pisngi ko saka nagsalubong ang kilay, "Aren't you eating at all? You look different." Mahina akong natawa saka bahagyang ginulo ang buhok niya. "You're just imagining things, Clev I look just the same." He started talking, telling me how his day went and how he waited for me last night because he wanted to paint together. Kung alam ko lang na iyon ang gusto ng kapatid ko ay sana hindi na ako lumabas kagabi at nanatili na lamang sa bahay. "Let's paint later in my room then, hiram tayo ng materials sa pediatric section. Is that all right with you?" Mabilis na tumango si Clev habang malaki ang ngiti habang sina Primo at Reid naman ay nagpresintang kukunin ang mga materials. Now we are left with Primo and Harper, si Charley naman ay lumabas upang ipara ng taxi si Vana na nagpaalam na aalis na din. I don't really get it, why is she here at bakit siya kasama nina Charley at Clev? "Clev, sama ka muna kina Kuya Harper at Kuya Primo."sabi ko sa kapatid nang makitang nakapasok na si Charley. "I just need to talk to Charley, susunod din ako." "Okay." Umalis na ang tatlo at nagtungo sa hospital room ko habang ako ay naiwan doon at hinintay na makalapit si Charley. "May kailangan ka ba?"tanong nito nang makalapit sa akin. "Bakit nagpunta si Daddy sa Tarlac?" I asked without blinking and without any intention of having an unwanted conversation with him. "Upang sunduin ang Mommy mo, bukas ng umaga ay baka narito na rin na sila. You need to tell your Mom as well." "You haven't told him yet?" Paninigurado ko. Umiling siya. "Ang sinabi ko lang ay importante at kailangan mo silang dalawa." Dahan dahan akong napatango saka nag-iwas din ng tingin at huminga ng malalim. Silence fell and no one talked in between us. Napakatahimik na kahit ang iilang mga tao doon ay hindi ko maramdaman ang presensya. "Bakit siya nandito?" mahina ang boses na tanong ko saka nag-angat ng tingin upang salubungin ang mga mata niya. Nakakunot ang noo nito. "Sino?" Bahagya kong inginuso ang pinto ng hospital kung daan sila dumaan kanina. "Vana,"lumunok ako, "Does she knew? Sinabi mo ba?" Hindi ito nagsalita at pinakatitigan lamang ako, malalim pa rin ang gatla sa noo at para bang binabasa ako. Nang hindi ko matagalan ang mga titig nitong tila ba nanunuri ay nagbaba ako ng tingin saka huminga ng malalim at lihim na napasimangot. This is really awkward, parang mayroong gap between the two of us at hindi ko iyon gusto. "Sa tingin mo ba talaga ay ipagsasabi ko sa ibang tao iyong ganon? It was private, Eve." Napanguso ako saka dahan dahang napatango. "I'm just asking, walang masama doon." Narinig ko ang pagbuntonghininga nito. "Alright," Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, nagtatanong ang mga mata. "Magpahinga ka na." Napakagat ako sa pang-ibabang labi saka dahan dahang tumango. Nagbaba ako ng tingin saka tumalikod na at mabilis na naglakad patungo sa elevator habang mahaba ang nguso. Ako: Thank you, I really appreciate it I sent the message to Alistair after getting my phone and read his previous messages. Ihinatid ni Primo ang cellphone ko kanikanina lamang. Naroon lang siya sa labas kasama ang mga pinsan at kapatid, maya't mayang pumapasok ang mga ito sa silid ko upang tanungin kung may kailangan ba ako. I said I'll be fine alone since iniuwi na ni Charley si Clev sa bahay ng mga ito at iniwan muna sa mga magulang niya. I told them na hindi na nila ako kailangan pang bantayan ngunit mapilit ang mga ito kaya't hinayaan ko na lang. Alistair: Don't mind it, I was just really worried Nagtipa lamang ako ng mensaheng tugon para kay Alistair bago inilapag ang cellphone sa katabing mesa ng kinahihigaang kama. Malalim na ang gabi at hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok. My mind won't stop thinking. I was worried of everything. Sa maaaring mangyari kapag hinarap ko na sina Mommy at Daddy, kapag nagsampa ng kaso at humarap sa korte, at paano kung lumabas ito at makarating pa sa iba. Bumuntong hinga ako habang nakatitig lamang sa kisame. Wide awake in the middle of the night have never been great for me, kung saan saan lumilipad at nakakarating ang isip ko but thankfully before my mind goes even farther, sleep finally fell into me. "Ate Aina, you alright there?" Tinapos ko lang ang pagbo-blow dry ng buhok matapos maligo bago sumagot sa tanong ni Zera saka lumabas ng banyo suot ang bathrobe. Zeraphine picked me up at the hospital late in the morning, nagpa-discharge lang saka ipinagmaneho kami ni Reid patungo sa hotel nina Zera. "Kuya Charley brought you some clothes, baba ka na lang daw doon sa lobby after mo dito." Kinuha ko ang may kalakihang paper bag na iniabot ni Zera saka tinignan ang laman nito. May box doon na ang sa tingin kong laman ay sapin sa paa, naroon din ang kulay rosas na bestida. Hindi din nagtagal doon si Zera at nagpaalam na aalis na dahil kikitain din nito ang kaibigang si Aya. "I hate it when he do this," Napaikot ang mga mata habang nakatingin sa malaking salamin at sinusuri ang sarili sa suot na damit. My best friend bought a dress according to my kinds of clothes. The pastel pink color ruffle hem slip dress went well with my skin complexion and I really like the cross wrap tie in front of it. Hindi ko mapigilan ang mapanguso dahil nag-away na nga kami ngunit nagawa niya pa rin itong gawin. Now I feel guilty and I hate it, especially towards Charley. Nakakapanibago at hindi ako sanay. "Even the shoes," The white flat sandals complements the dress that I am wearing. Hinayaan ko lamang na nakalugay ang mahabang buhok saka isinabit iyon sa likod ng tainga. I didn't dare putting some make up, tangin powder lamang at lip tint upang hindi pale tignan ang mukha ko. I took a deep breath, calming myself. Hindi ko alam kung ilang paghinga na ng malalim ang ginawa ko ngunit ramdam ko pa rin ang panlalamig ng mga kamay ko. "You can do this, Eve." I forced a smile while looking at myself in the mirror. Muli pa akong nagpakawala ng malalim na hininga bago tumayo at inabot ang purse ko bago lumabas ng silid. "Masyado bang masikip iyang suot mong damit at hindi ka komportable?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita pagliko ko patungo sa elevator. "You scared the hell out of me!"singhal ko dito. He was leaning at the wall near the elevator, kapwa nakasuot sa bulsa ang magkabilang kamay at mukhang may hinihintay. Umalis siya sa pwesto saka lumapit sa akin, inayos nito ang suot na salamin, "Ang tagal mo." "Bakit ka nandito?" Nagkibit balikat lamang ito saka ako iginiya papasok sa elevator. He pressed the button for the 3rd floor while I started taking deep breaths again. Ngayong narito na ako sa elevator ay mas tumindi pa ang panlalamig ng mga kamay ko at ramdam ko na din ang pagpapawis ng mga ito. I was nervous and scared. Haharapin ko sila ng mag-isa at hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam kong may ideya na ang mga ito at iyon ang mas ikinakatakot ko. "I can't do this!"gulat kong naibulalas ang mga salitang iyon nang bigla na lamang kunin ni Charley ang kamay ko. "Hey," I can feel the worry in his voice. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, I can feel my eyes watering while looking at him, begging not to do this anymore. Bumuntong hininga lamang ito saka pinisil ang kamay ko bago hinila palapit sa kaniya upang ikinulong sa mga bisig. "I'm with you, alright." he reassured while caressing my hair down my back. Dahan dahan akong tumango saka napasinghot habang nakapatong ang baba sa balikat niya. "I'll be there like the old days, Eve you're not alone." Muling tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Those are the words that I wanted to hear from him. Like the old days, the assurance that my best friend is here was all I wanted to hear. "Together like the old days?" I asked silently. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang bahagyang paghalakhak nito habang pinakakalma pa rin ako. "Just don't drag me to jail with you again." Napanguso ako nang maalala ang nangyaring iyon noon kaya naman ay nahampas ko siya sa braso na ikinahalakhak nito kaya't napangiti na din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD