Timing
"Anong hindi? You almost got r***d!"
Pigil ko ang bahagyang mapatalon mula sa kinauupuan dahil sa pagtataas ng boses ni Charley.
We've been into this argument for countless time, hihinto upang magpalamig ngunit dito lang din naman ang uwi sa tuwing mag-uumpisang muli.
I don't want to involve anyone in this, especially my family. Gusto ni Charley ang magsampa ng kaso ngunit hindi iyon mangyayari kung hindi ako haharap sa korte at lalo na kung walang pahintulot ni Daddy na siyang guardian ko.
My family was oblivious to this matter, the incident years ago involving my ex-boyfriend, Kaizen, stayed between me and Charley. Iilan lamang ang nakakaalam ng nangyari nang gabing iyon at lahat sila ay nirespeto ang desisyon ko na manatili iyong tago dahil ayaw ko ng kahit na anong g**o.
Ang pamilya ni Kaizen na nalaman ang tungkol sa nangyari ay nais na isuko ang anak na wala sa sarili ngunit wala din namang nagawa ang mga ito sa desisyon ko. My ex-boyfriend's family was heartbroken that time, malapit din kasi ako sa mga ito dahil nanliligaw pa lamang ay nagawa na akong ilegal ni Kaizen sa mga ito.
If they were that heartbroken because of what their son did to me, paano pa kaya sina Mommy at Daddy? They all trusted Kaizen, kung gaano kalaki ang tiwala ko dito ay ganon din ang pamilya ko. Masasaktan si Mommy at alam kong sobrang magagalit si Daddy, ayaw ko ding maapektuhan ang kapatid ko kung sakali man.
And above all, I was scared. Natatakot ako sa lahat, sa mga posibilidad na maaaring mangyari, sa iisipin ng mga tao at higit sa lahat, natatakot akong makaharap si Kaizen. I loved him, I trusted him with my all, akala ko ay hindi ako nagkamali sa napili ko ngunit huwad pa la ang paraisong kinalalagyan ko.
Broken, betrayed and ruined I ran away and escape from all of that mess. Time heals even the deepest wound, time carries even the heaviest baggage, that's what I believed.
And now, the same incident happened with the same person because of the same foolish reason. Kung ano man ang naging desisyon ko sa nakaraan ay buo ang loob ko na iyon din ang ngayon.
But there's Charley,
My best friend respected my decisions back then, ngunit tila ba mas matigas itong Charley sa harapan ko ngayon. I keep on saying na hindi pwede dahil ayaw ko ng g**o ngunit tila ba sarili lamang ang pinakakikinggan nito.
"Nagtiwala ka, naniwala ka na naman sa gagong iyon. Hindi ba't sinabi kong huwag kang lalapit sa gago mong ex ngunit anong ginawa mo? Hindi ka kasi nakikinig!"
Mariing akong napapikit nang muli niya iyong ibalik sa akin, ilang beses ba naming kailangang bumalik dito?
"Kailan ka ba matututo? Kapag natuluyan ka nang napagsamantalahan? Paano kung hindi ako dumating? That bastard could have molested you if I'm any minute later!"
"Alam ko,"
Nagbaba ako ng tingin saka bumulong, humigpit pa lalo ang pagkakakapit sa kumot na nakapatong sa mga hita ko.
"You should have listened to me, napakatigas kasi ng ulo, Shekhaina Eve."
I pressed my lips even harder, gritting my teeth and doing my best not to anger him even more. Wala din namang patutunguhan ito at mas gugulo lamang kung sasagot nanaman ako.
"You almost got r***d! Naiintindihan mo ba?"
"Stop,"
Ilang beses akong huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili.
"No, hindi ako titigil hangga't hindi ka nagigising. You could have r***d right there kung hindi ako dumating! r**e, Shekhaina Eve r**e–"
"Alam ko!" I cut him off.
"Hindi mo kailangang ulit ulitin dahil alam ko. I almost got r***d and it's all my fault, kasalanan ko kasi matigas ang ulo at hindi ako nakikinig."sinalubong ko ang mga mata nito, "Alam ko at naiintindihan ko, just stop, alright? Stop."
Namuo ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. I turned my gaze away from him and tried to get my breathing even again to calm myself.
"I won't do it, Charley natatakot ako." my last words came out as a whisper ngunit alam kong narinig nito iyon.
It was a silent yet honest plead.
He's forcing me and asking for my decision ngunit alam kong gagawin din nito ang gusto pumayag man ako o hindi.
"Takot?"sinundan nito iyon ng mapaklang pagtawa na nagdala ng mga mata ko sa kaniya.
"Natakot ka rin noon kaya't tumakbo ka, hindi ba? At saan ka dinala ng takot mo?"
Dinala din ako pabalik sa tinakbuhan ko.
Gusto ko iyong isagot sa kaniya ngunit patutunayan lamang nito na tama siya.
Alam ko kung ano ang tamang gawin, alam ko na mali ang desisyon ko, ang nais ko, pero pinangungunahan parin ako ng takot ko.
Pinagdikit ko ang mga labi na nanunuyo na saka iyon binasa. Kung mananatili akong tahimik ay walang mangyayari. He won't listen even if I said it out loud, maybe I need to scream it for him just to hear.
Hindi ako papayag na umabot ito sa pamilya ko at hindi ko kayang harapin ang halimaw na iyon sa korte.
Humiga ako ng malalim at iniwang blangko ang mukha. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niya.
"Bakit mo ba ginagawa 'to, ha?"
"What?"
"None of this concerns you, Charley kaya't tinatanong kita kung bakit mo ginagawa 'to? Para saan? What will you gain from all of these?"
Ang prustrasyon sa mukha nito na pilit na itinatago ay unti unti nang napalitan ng kung anong emosyon. Nagsalubong ang kilay niya at lumalim ang noo habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Alam mo kung bakit ko 'to ginagawa. I'm doing this for you,"
Umiling ako saka mapaklang ngumiti.
"If you're really thinking about me sana ay wala ka ngayon sa harapan ko upang makipag-argumento, you should be here beside me, sinusuportahan at nirerespeto ang desisyon ko, ang gusto ko."
Nagpakawala ito ng mapaklang tawa habang nakatingin sa akin, umigting ang panga at binasa ang pang-ibabang labi.
Bumukas ang mga labi nito upang magsalita ngunit naputol iyon ng katok mula sa pinto.
Kapwa kami napatingin doon nang bumukas ito at iniluwa ang bahagyang nakasilip na si Zeraphine.
"Kuya,"
"Not now, Zera hindi pa kami tapos."
Hindi manlang nito binigyan ang kapatid na sabihin ang nais nito.
"Pero,"
"Later, Zeraphine."
Pinanood ko si Zera na bahagyang ngumuso at nag-ikot ng mata bago muling isinara ang pinto.
Muling namuo ang katahimikan sa paligid namin, I was waiting for him to talk ngunit tila ba ganon din ito sa akin kaya naman ay ako na ang bumasag ng katahimikang iyon.
"Just keep your mouth shut and respect my decision, ayaw ko ng g**o at huwag mo nang idamay ang sarili mo dito. My problem doesn't concern you, Charley just go and let me deal with this alone."
I don't want to say that to him, of course he'll concern his self, he's my best friend after all. Ayaw ko lang ng ganito, it feels like I'm losing him at every words we're exchanging with each other.
It's not only that he's my best friend, he's a partner, alright. I don't want to lose him.
"Tatakbo ka na naman, tatalikuran ang lahat ng problema mo at hahayaan ang panahon na umayos ng lahat. Tama ako, hindi ba?"
Nagbaba ako ng tingin saka tumango. Running away have been my way, iyon lagi ang sa tingin kong tama at kahit na mali ay iyon pa rin ang gagawin ko.
"Stop running away, Eve dahil sa pagkakataong ito ay hindi na kita sasamahan sa pagtakbo."
Natigilan ako sa narinig at pilit na pinigilan ang nga luhang namuo sa gilid ng mga mata ko.
"I never asked you to run away with me, Charley."
I heard him let out a long heavy breath, ubos na ang pasensya nito. I won't even be shock if he will walk out on me right now.
"Hindi na malulutas ng pagtakas ang problema mo sa pagkakataong ito, Eve." His every word was piercing deep in me, "You can't run away forever, kailangan mo ding harapin ang ayusin ang mga problema mo,.
I didn't say a word, nanatili lamang ang mariin ang pagkakakagat sa pang-ibabang labi.
"You rest while I deal with it. Sa ayaw at sa gusto mo ay haharapin mo ang mga magulang mo upang sabihin ang lahat ng nangyari. Haharap ka sa korte at mabubulok ang gagong 'yon sa kulungan."
Nasa boses nito ang pinalidad na nagpahigpit ng kapit ko sa kumot na nakapatong sa akin.
"Wala nang lugar ang pagtakbo dito, Shekhaina Eve you're not a little girl anymore. Keep your head high and face your problems like a big girl you are."
I squeezed my eyes shot while biting my lower lip, suppressing my tears and my sobs from escaping. Nasasaktan ako sa lahat ng mga salitang sinasabi niya. Nasasaktan ako dahil alam kong tama siya.
Tama siya, ngunit mali bang protektahan ko ang sarili ko?
"Kuya, tapos na ba kayo?" rinig ko ang boses ni Zera sa pinto ngunit hindi ako bumaling doon at nanatili lamang na nakatungo.
I heard Charley saying something to his sister ngunit wala doon ang atensyon ko. My nightmares are becoming reality.
"Magpahinga ka na."
Nanghihina akong napasandal sa kama habang nakatitig sa pintong nilabasan ni Charley. Ilang sandali pa ay sunod sunod na pumatak ang mga luha ko hanggang sa umagos iyon mula sa pisngi ko at tumuno sa nakakuyom kong kamao.
Niyakap ko ang sarili habang tahimik na lumuluha sa isang tabi. I feel cold, so cold.
The night feels cold, the feeling of sadness and loneliness are eating me. Pakiramdam ko ay wala akong kakampi sa mga oras na ito. I want to hear Charley's soothing and comforting words, even his annoyance will do but we just argued at hindi ito kampi sa akin, tutol siya sa gusto ko.
Back then, I only have Charley but now, I feel like I just lost him. Pakiramdam ko ay pagkatapos ng kasong gusto niya ay mawawala din siya. He even said that he won't run away with me anymore. Hahayaan niya na ako, even my best friend had gotten tired of me.
Anyone, just anyone
I sighed and hugged my knees, sitting on my bed. Ibinaon ko ang mukha sa mga tuhod at nag-umpisang magbilang.
"One, two, three,"
I started counting from one until it reaches one hundred, it's my way of calming and comforting myself. And above all, I was hoping he might hear and come despite of everything.
"..., eighty five, eighty six, eighty seven,"
Lalong humigpit ang yakap ko sa tuhod, unti unting gumuguho dahil mararating ko na ang dulo at alam kong walang kahit na sino ang darating upang samahan ako.
"..., ninety seven, ninety eight, ninety nine,"
I took a deep breath and my eyes started to water again, ibinuka ko ang mga labi upang banggitin ang huling numero ngunit naputol iyon nang pagbukas ng pintuan ng silid na kinalalagyan ko.
Napunta doon ang mga mata ko at lalong bumuhos ang mga luha nang makita ang iniluwa ng pinto.
It can't be!
He's panting heavily, crouching and looking down at the floor. Then his gaze met mine, ngumiti ito na nagdala din ng ngiti sa aking mga labi habang patuloy pa rin ang mga luha sa pagtulo.
"Good Evening, Ma'am. Forgive me?"
Pinahid ko ang mga luha at saka walang ingay na natawa. I tilted my head and smiled at him.
"Good evening, din." I crinkled my nose and sniffed , "What's there to forgive, Alistair?"
Lumaki ang ngiti nito saka humakbang palapit sa kamang kinalalagyan ko at huminti sa gilid.
"Dahil nahuli ako?" pumungay ang mga mata nito. "I'm sorry, I didn't know."
I shook my head and let out a heavy sigh.
"You came just on time, Ali. Ang galing nga ng timing mo." I joked.
He chuckled and shook his head. Umayos naman ako sa kama at umupo sa gilid nito.
I tapped the space beside me, telling him to come and sit. Nakuha naman nito iyon at upo sa tabi ko.
He actually came in a great timing, hindi ko alam kung saan at paano niya nalaman kung nasaan ako ngunit ang importante lang ay narito siya at hindi ako mag-isa.
"Umh, you're here," I stated obviously.
Nanatili ang mga mata ko sa mga kamay, pinapanood ang mga daliri na bahagyang pinagdidikit.
"Hindi ka nagre-reply sa mga text messages ko at hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko,"
Pinagdikit ko ang pang-ibabang labi, malinaw ang bilin ko na huwag sagutin o kahit pansinin lamang ang mga mensaheng darating mula kay Alistair.
Si Charley kasi ang may hawak ng cellphone ko. Natatakot din ako na baka magbago ang tingin sa akin ni Ali sa oras na malaman niya ang nangyari.
At ngayon ay narito siya, may alam na ba ito sa nangyari?
"Okay ka lang ba?"
Bumaling ako ito saka tipid na ngumiti dito ng may tamis, I nodded to reassure him.
"Okay na."
Tumango ito ngunit hindi ako nilingon. Bahagya akong napanguso bago ibinalik ang paningin sa ibaba.
Nanatili akong tahimik, pinapakiramdaman si Alistair na nakaupo ngayon sa tabi ko. I can hear his heavy breathing because of the silence that engulfed the two of us, tila ba may nais itong sabihin ngunit nagdadalawang isip.
I wonder if he already knew about last nights incident. Ang sabi nina Zera ay wala naman daw kahit na anong lumabas na usapin tungkol doon kaya kahit papaano ay napapanatag ako.
Besides my parents, it's Alistair who I am thinking about. Ayaw kong malaman niya dahil natatakot akong magbago ang tingin nito sa akin.
His thoughts and opinions matters to me, I always feel conscious whenever he's around. I always wanted to be at my best when I'm with him.
It's crazy because I don't know why but I started feeling it again.
"Won't you asked why I'm here?"
Napabaling ako sa kaniya dahil sa tanong na iyon. I tilted my head slightly.
"You tell me,"
Tumango ito. "I heard about last nights incident,"
My lips slightly parted in shock and eyes widened. So he knew! Ngunit bakit narito siya? At paano niya nalaman?
Ang akala ko ay walang lumabas na kahit na anong issue tungkol doon.
"Zeraphine Montefalcon was talking to my sister about the incident, aksidente ko iyong narinig ngunit hindi lahat kaya naman hindi kaagad ako nakapunta dito kung nasaan ka."
"Your sister?"
Naninigurado ang tanong ko na tinanguan naman nito. Lumingon siya sa akin,
"It's my little sister, Aya, best friend niya si Zeraphine."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Hindi ko alam na iyong laging nababanggit ni Zera na best friend niya ay kapatid pa la ni Alistair.
"Hindi ko narinig ang lahat at ayaw namang magsalita ng kapatid ko kaya't pumunta ako kay Charley ngunit wala ito sa bahay nila at ang mga magulang lang nito ang naroon. Si Lee naman ay ayaw magsalita tungkol doon, ganon din ang iba," huminto siya saka binasa ang pang-ibabang labi gamit ang dila, "that's why I left with an only choice with Zeraphine, I blackmailed her at wala siyang nagawa kung hindi ang magsalita."
"Nablackmail mo si Zeraphine?" I can't helped but to slightly get amazed with it.
Unlike the other girls, iyong apat na babaeng Montefalcon ay mahirap hanapan ng ipangbablackmail, they're proud of everything they do. Lalo na sina Zeraphine at Zebby.
"I'm sorry if I'm digging too much into it kahit na wala namang kinalaman sa akin, I'm just really worried." Napahawak ito sa batok, "So, forgive me?"
I crinkled my nose at him and slightly chuckled. "It's alright, Ali wala namang dapat na ihingi ng paumanhin. Ayaw ko lang sana talagang lumabas 'yong nangyari but its alright, I understand."