Tinawagan ko si Ate Mimi pero ring lang nang ring ‘yung cellphone niya. Pati sina Kakai at Tasha tinawagan ko na rin, pero pareho rin silang hindi sumasagot. Hindi na ako mapakali. Paikot-ikot ako sa loob ng kwarto namin ni Ate Mimi habang salitan ko silang tinatawagan na tatlo. Umiiyak na ako habang nag-aabang sa pagsagot ng isa sa kanila, pero wala talaga. Nanlalamig at nanginginig na ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako habang ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko. Dahil wala talagang sumasagot sa kanila, tinawagan ko na si SPO3 Salvador para humingi sa kanya ng tulong. Wala pa naman daw silang natatanggap na tawag na may nangyaring aksidente sa kalsada. Kung meron man daw ay ipapaalam niya sa ‘kin agad. Ang hirap maghintay. Isang oras pa lang ang lumilipas mula nang makausap k

