Sa kapilya sa baranggay namin ibinurol si Ate Mimi. Puti ang kabaong niya at napakaraming bulaklak ang nasa paligid nito. May dalawang sisiw rin ang palakad-lakad sa ibabaw ng salamin ng kabaong niya. Ang kapatid niyang si Ate Aida ang naglagay nito para daw makunsensya ‘yung nakabangga at sumuko na. Nakahawak ako sa gilid ng kabaong ni Ate Mimi at nakatingin ako sa mukha niya habang iyak ako nang iyak, kaya hinila ako ni Ate Aida at pinagalitan. Huwag ko raw tuluan ng luha ang kabaong dahil mahihirapan daw ang kaluluwa ni Ate Mimi na maglakbay sa kabilang buhay. “Sorry po,” sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng luha. Lumayo ako sa kabaong at naglakad na lang ako papunta sa mesa sa nasa gilid kung saan nakalagay ang mga pagkain para sa mga taong pumupunta para makiramay. Habang nagtit

