Pigil ang tawa namin ni Gavin nang makapasok na kami sa kwarto. Kasabay kasi namin si Dorothy kanina sa elevator at muntik pa niya kaming mahuli na magka-holding hands. Ito kasing si Gavin ang kulit. Nang bumukas ‘yung pintuan ng elevator, pinauna niya kami ni Dorothy na lumabas at pinauna ko naman si Dorothy na pumasok sa kwarto kung saan kasama niya sina Manang. Sa ‘min na mga kasambahay ako lang ang may sariling kwarto dahil sabi ni Don Santillan, ako naman daw ang birthday celebrant. Sabi nga ni Manang sa akin kanina, kung ituring daw ako ni Don Santillan ay parang tunay na anak na. Kulang na nga lang ay huwag na niya akong pagtrabahuhin sa mansyon para makapag-focus na lang ako sa pag-aaral. Magkahawak ang mga kamay namin ni Gavin habang tatawa-tawa kaming dalawa. Ni-lock niya ‘yun

