“You know her?” tanong ni Kelly habang nakataas ang isang kilay. “Yeah,” sagot ni Gavin habang nilalaro ang daliri sa kamay kong hawak niya. Kapag sinusubukan kong bumitaw, hinihigpitan niya ‘yung pagkakahawak sa ‘kin. “How?! When?!” “We met sa party.” “What party? ‘Yung kay Don Santillan? I was there pero bakit hindi ko siya nakita? I knew almost everyone at that party.“ “Kasambahay kasi ako do’n.” “What?!” Hindi lang si Kelly ang nagulat sa sinabi ko, pati mga kaibigan niya. Nakakagulat naman talaga. Paano ba kasi makakapag-aral sa mamahalang eskwelahang ito ang isang kasambahay na katulad ko? “Nakita ko kayo sa party.” Maliban kay Aica dahil wala ata siya do’n. “Magkatabi lang ‘yung table natin pero hindi n’yo siguro ako napansin. Umalis kasi ako sa party kaya nagkakilala kami ni

