CHAPTER 18

1647 Words

Ang tagal kong nakatitig sa malaking batya na may lamang tubig. Pinagmamasdan ko ‘yung repleksyon ko rito at parang kinukurot ang puso ko habang inaalala ko ang panahon na magkasama kami ni Nanay na naglalaba sa mismong batya ring ito. Noon, repleksyon naming dalawa ni Nanay ang kita ko sa tubig, kaya ang lungkot na ngayon ay mag-isa na lang ako. Mabilis kong pinigilan ang pag-iyak ko at pinunasan ang gilid ng mata ko. Ang laki ng utang na loob ko kay Don Santillan, kaya dapat kong ayusin ang trabaho ko. Walang oras para mag-isip ng malulungkot na bagay. Mamaya ko na lang haharapin ang pangungulila ko sa pamilya ko kapag ako na lang mag-isa sa kwarto. Ngayon, itong mga labahin ko muna ang haharapin ko. Maganda ang sikat ng araw kaya dapat matapos agad ako para makapagsampay at matuyo aga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD