Sobrang alangan ng ayos ko sa kotseng sinasakyan ko at kay Don Santillan na katabi ko. Nakaupo kaming dalawa sa likod ng kotse at si Kuya Dado na driver niya ang nagmamaneho. ‘Yung pinakamagandang blouse ko ang sinuot ko na tinernohan ko ng hindi masyadong kupas na pantalon at ng sandals na suot ko kagabi para hindi naman mahiya si Don Santillan na kasama niya ako.. Mula ulo hanggang paa ‘yung sandals lang ang mamahalin sa suot ko na bagay sa mamahaling kotse niya na ang bango ng loob. Nakatanaw ako sa may bintana habang papasok ang kotse na sinasakyan namin sa loob ng school ko, nang makita kong naglalakad sa labas ‘yung nanay ng lalaking tumulong sa akin kahapon. Lumapit ako sa may bintana at tiningnan kung kasama niya ‘yung anak niya pero siya lang mag-isa. Bumuntong-hininga ako at uma

