ERNALINE'S POV: Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lolo at napatingin sa gawi ni Kuya Reiden na nasa kabilang mesa lamang kasama ang mga kaibigan nito na nakilala niya rito sa Montemegró. Sinensyasan ako ni Kuya na lumapit kay Lolo kaya naman sumunod ako sa sinabi ni Kuya Reiden. Bawat hakbang na ginagawa ko ay tila isang hukay para sa paglilibingan ng katawan ko. Nang marating ko ang pwesto ni Lolo, magkasalikop ang aking mga kamay at tahimik lamang sa tabi ni Lolo at naghihintay sa susunod nitong sasabihin. "Let me present to you, Perth Dezrail Fynrell." wika ni Lolo. Napatingin ang lahat sa main entrance ng bahay at lalong nalaglag ang panga ko nang makita ang isang lalaki na nakasuot ng gray na tuxedo, white long sleeve bilang pang-ilalim nito, black slacks at pantalon na bumaga

