Bullet 30

1352 Words
ERNALINE'S POV: "Why should he hire you a bodyguard if we can protect you?" usisa pa ni Kuya Senri. "Eh sabi po ni Kuya Reiden ayaw niya na pong dagdagan ang burden niyo sa akin ni Kuya Calvin kaya he hired me a bodyguard po." Napahilot sa sariling sintido si Kuya Senri at walang salitang bumalik ito sa kusina at mukhang nagluluto ito para sa hapunan namin mamaya. "Maiwan ko muna kayo and Perth, kausapin mo na lang si Kuya Senri kung saan ka matutulog." paalam ko bago ako pumanhik sa itaas at iniwan sila kasama ni Perth. Sa sobrang pagod na nararamdaman ko, nagpasya akong maligo at magbihis bago ako matulog. Ayoko sanang magkaroon ng bodyguard pero hindi ko naman aakalain na si Perth ang iha-hire ni Kuya Reiden para sa akin. 'Lumalandi ka na Ashleigh!' Pagkatapos kong maligo, agad akong nagbihis ng pantulog at tinuyo ko muna ang buhok ko bago ako humiga sa kama ko. Masyado akong napagod ngayong araw na ito at hindi ko alam kung ano ang gagawin kong hakbang para makalayo sa deal na napag-usapan namin ni Ocampo. Renal Ocampo is the leader of Boys of Creation and he's the heir of Ocampo Enterprises. Akala ko yung meeting na pinapa-schedule niya sa Kuya ko ay puro tungkol sa business at hindi ko naman aakalain na siya pala 'yun kaya todo decline si Kuya pagdating sa usapin ng Ocampo Enterprises. I did a little research about him. He's a good man and also successful pero hindi alam ng karamihan kung gaano kasama ang pag-uugali ng lalaking iniidolo nila. As far as I remember, nakadaupang palad ko si Mr. and Mrs. Ocampo sa isang party ng Montenegro Empire pero hindi si Renal mismo. Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sa aming dalawa ni Kuya Reiden para umabot sa puntong dudukutin niya ako at takutin na may gagawin siyang masama sa Kuya ko oras na hindi ako sumunod sa kanyang gusto. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip kung paano ko makakausap si Renal tungkol sa deal na 'yun. Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may mabigat na nakadagan sa akin. Dahan-dahan kong imunulat ang aking mata at tumambad sa akin ang isang maputing braso. Kunot-noong tinignan ko kung sino ang may-ari nun at ganun na lang ang pagtataka ko na makita ang mukha ni Perth na natutulog sa tabi ko. Inalis ko ang braso nitong nakapatong sa tyan ko dahilan para magising ito. "What is it?" aniya na parang inaantok pa. Umupo ako sa kama. "Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko at paano ka nakapasok?" sita ko dito. Lagi akong nagla-lock ng pinto sa kwarto ko kaya paanong nakapasok ang lalaking ito? "Sleeping? Come on, get back here and let me sleep." tamad na sagot nito. Perth extends his arms as if he's reaching me. "Siraulo ka ba? Hindi ka lang bantay-salakay, nanunugod ka pa." Napatingin si Perth sa akin at tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig. "Your room will also be my room, whatever you possess are all mine also. Let me tell you that I already put my marks on you even if I am not your bodyguard. I will fulfill my duty towards you but please don't be stubborn, okay?" Pinagkrus ko ang dalawa kong braso sa ibabaw ng dibdib ko. "Hindi ko alam na possessive masyado ang nakuhang bodyguard ni Kuya Reiden? Should I request him for another bodyguard so that you won't invade my room even my privacy?" Umupo si Perth sa kama at sumandal sa headboard bago tumitig sa akin. "Fine. I'm sorry. It's just that, Senri told me I can sleep wherever I want so I choose where you are." Napabuntong-hininga na lang ako. Tinatamad na akong kausap siya kaya bukas ko na lang ito kakausapin tungkol sa sitwasyon namin. Napapailing na humiga na lang ako sa kama at hinayaan ko si Perth. Akmang hihiga na ako sa kama ko pero agad na sinalo ni Perth ng kanyang braso ang katawan ko dahilan para pumaibabaw ako sa kanya. "You're mad at me aren't you?" usisa nito. Umawang ang bibig ko habang nakatitig sa gwapong mukha ni Perth. Tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw ng kwarto ko kaya kitang-kita ko ang mukha niyang saksakan ng kinis, kaputian at walang kapintasan. "Palalagpasin ko ang ginawa mong ito pero bukas sa sahig ka matutulog ko." sagot ko dito. "I prefer to sleep beside you." humigpit ang pagkakayakap ni Perth sa bewang ko at halos maipit ang ugat ko sa loob ng katawan. "Bitawan mo ako Perth Dezrail Fynrell!" pagbabanta ko rito. "Fine. Just let me sleep." Ibinaba ako ni Perth at pinahiga sa kanyang tabi at ginamit niya ang kanyang braso bilang unan ko habang nakayakap ang kanyang braso sa bewang ko at ang paa nitong nakadantay sa aking hita. Tumalikod ako kay Perth pero lalo lang humigpit ang yakap nito sa akin. Hinayaan ko na lang ang lalaki at baka kung ano pa ang gawin niya sa akin, isusumbong ko talaga siya sa Kuya ko. 'Pero aminin mo, kinikilig ka sa ginagawa ni Perth? Ang landi niyo!' Hindi ko pinansin ang sinasabi ng isip ko, bagkus ipinikit ko ang mga mata at hinayaang gapiin ako ng antok. Bukas na bukas din ay magtutuos kami ng lalaking ito. Wala akong sinabi na girlfriend niya na ako at isa pa hindi naman siya nanliligaw sa akin. Ninakawan niya lang ako ng halik, tapos ang usapan! "Wala ka bang balak na sabihin sa kanya ang totoo?" Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng mga boses na nag-uusap. "I'll tell her when the time is right." Sinong kausap ni Perth? Tuluyan na akong nagising at bumulaga sa akin ang sikat ng araw. Nagpalinga-linga ako sa kwarto ko at ganun na lang ang pagtataka ko na ako na lang ang naiwan sa loob. Inalis ko ang kumot na nakapatong sa katawan ko bago ako bumangon at dumiretso ako sa banya para magsepilyo at maghilamos. Nang makita kong ayos na ang mukha ko, agad akong lumabas ng kwarto ko at narinig ko ang ingay na nagmumula sa sala kaya naman sumilip ako sa balkonahe. Nagkukumpulan sina Kuya Senri, Kaizen, Jasper, Saviel at Perth habang si Kyle naman ay nakaupo lang sa single couch at mukhang may pinag-uusapan sila. Tahimik na bumaba ako ng hagdan at lumapit sa kanila. Kumunot ang noo ko nang makita kung ano ang pinagkukumpulan nila. Isang pirasong papel na may nakasulat na 'dead or alive'. "Ano 'yan?" usisa ko. Sabay-sabay na napatingin sa akin ang lima maging si Kyle ay biglang napatayo mula sa kanyang kinauupuan. Namutla si Kaizen, Jasper at Saviel habang nakatingin sa akin at pasimpleng inalis ang papel na tinitignan nila. "G..good morning Ernababe, gising ka na pala. Kanina ka pa?" nauutal na tanong ni Saviel at tinago nito sa likuran ang papel na nakita ko. "Kagigising ko lang. Anong ginagawa ninyo dito sa sala ng ganito kaaga?" "Uhm. Naglalaro kami." sabat ni Kaizen. "Tama! Naglalaro kami ng spirit of the glass." saad naman ni Jasper na hindi makatingin sa akin ng diretso. Humalukipkip ako. "Ang aga-aga naglalaro kayo niyan? Tyaka diba matatakutin kayo, paano niyo naaatim maglaro ng ganyan?" "N..nagbabagong-buhay. Tama, nagbabagong-buhay na kami. Nakakasawa na kasi ang computer games." sagot ni Jasper sa akin. Napapailing na tinalikuran ko na lang sila at dumiretso ako sa kusina dahil nakakaramdam ako ng gutom. Nakita kong may nakahain na sa mesa at nagulat ako nang magsisunuran sila sa akin. "Kumain na tayo." anyaya ni Saviel na hanggang ngayon ay namumutla pa rin. Umupo si Kuya Senri sa pinakacentro ng mesa katapat si Perth, naupo naman ako sa kanang bahagi ni Kuya Senri at nasa harap ko naman si Saviel katabi si Kaizen at Jasper habang si Kyle naman ay naupo sa tabi ko. "May praktis ba tayo ngayon?" usisa ko habang kumukuha ng kanin. "Meron pero mamayang 3pm pa. May photoshoot si Kaizen." sagot ni Jasper. "Kailan ang schedule natin para sa mall show?" "Sa ikalawa na. Medyo hassle nga lang dahil may pupuntang media kahit na public place 'yon." sagor naman ni Saviel sa tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD