Bullet 32

1365 Words
ERNALINE'S POV: Hindi maipinta ang mukha ko habang inaayusan ako ni Saviel. Tinutoo nga ni Perth ang sinabi nito na hindi ito sasama sa amin at sa malayo lang ito magbabantay at hindi na rin ito natulog sa condo kung saan kami naroon. "Bakit parang byernes santo ang mukha mo?" puna sa akin ni Saviel habang hawak nito ang make-up brush na kinukuskos sa mukha ko. "Paanong hindi magiging byernes santo ang mukha ko kung ilang beses nang gumawa ng kasalanan sa akin ang Fynrell na 'yon?" naiinis na sagot ko kay Saviel at saka ako humalukipkip sa upuan ko. Kasalukuyan kaming nasa dressing room dito sa loob ng CDC dahil magkakaroon kami ng mall show sa De'Rail Mall na pinakahihintay ng fans nang BlackHand. Halos hindi magkamayaw ang tao sa mall at mukhang kaninang umaga pa naghinintay ang mga ito sa pagdating namin. Kuya Senri is sleeping on Kyle's lap and Kyle is silently reading a book, while Kaizen and Jasper are both busy on their phone. They are playing some mobile games at ang ingay nilang dalawa. Bihis na rin ang apat at ako na lang ang hinihintay nila though nakabihis na rin ako ng fitted jeans na itim, high heeled boots, crop top and branded jacket galing sa sponsors namin. "Ang init ng ulo mo kay Perth gayong pinalayas mo na nga sa condo natin." Napatanga ako kay Sav. "Ako? Pinalayas ko siya?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Sav habang tinuturo ko pa ang sarili ko. "Yon ang sabi niya sa akin at isa pa okay na daw 'yon at ayaw niyang magkaroon ng kargo de konsensya pagdating sa trabaho niya at baka maging pabigat ka lang daw." Napapikit ako sa sobrang inis. Oras na makita ko ang Perth Dezrail na 'yon, kakalbuhin ko siya nang bongga! Hindi na lang ako umimik sa sinabi ni Sav at hinayaan ito sa gusto niyang isipin sa naging desisyon ng bodyguard ko dahil hindi ko naman kasalanan kung ayaw niyang makisama sa amin gayong mababait naman ang kabanda ko. "Ayan, okay na. Pull yourself together guys, we will go to the mall na. Asap!" sigaw ni Sav nang matapos ako nitong ayusan. Nagising si Kuya Senri at tumayo mula sa kinahihigaan na magulo ang buhok at mukhang inaantok pa. Si Kyle naman, iniwan ang librong binabasa nito sa couch habang si Kaizen at Jasper naman ay hindi maawat sa laro nila. Sabay-sabay kaming lumabas ng dressing room at may nakakasalubong kaming artista. Nakikipag-ngitian sila sa amin pero tanging tango lang ang natanggap ng mga ito sa lalaking kasama namin habang si Sav naman ay panay ang kaway na akala mo tatakbong konsehal. Pagdating namin sa parking lot, agad kaming sumakay sa van na pagmamay-ari ng BlackHand. Umupo ako sa bandang likuran ng driver at tumabi sa akin si Sav. Sina Kuya Senri naman at Kyle ay naupo sa likuran namin ni Saviel at sina Kaizen at Jasper ay naupo sa pinakadulo. Nang maayos na ang lahat, umandar na ang van at pinaharurot na 'yon paalis ng CDC. Habang tinatahak namin ang kalsada, biglang nagsalita ang driver. "Maam Ashleigh, may nagpapabigay po nito." saad ng driver at may kinuha ito sa tabing upuan at iniabot sa akin ang isang bungkos ng bulaklak. "Kanino galing ito?" kunot-noong tanong ko habang inuusisa ang bulaklak kung may letter galing sa sender kaso wala. "Sa fans niyo po." aniya. Kuya Calvin decided to hired us a personal driver at ngayon ko lang siya nakita. He's wearing a bull cap while wearing a uniform with a CDC name imprint on his polo. "Nakikilala ka na talaga ng mundo girl, o baka galing 'yan sa admirer mo?" panunukso naman ni Saviel sa akin. "Wala ngang sender kung kanino galing ito." wika ko. "Ito po yung card Ma'am." napalingon ako sa driver at hawak-hawak nito ang maliit na card na agad ko namang kinuha. Binuksan ko ang papel at binasa ang nakasulat doon. 'Quit frowning, you look ugly when you do that. Smile for me, baby.- PDF' Napangiti ako nang mabasa ang sulat. Akala ko ba magbabantay siya sa malayo? Bakit may pabulaklak ang loo mo? Sumandal ako sa upuan habang nasa hita ko ang bulaklak at ngingiti-ngiting napatingin sa labas ng bintana. This is the first time I recieve a flower from a stranger, I mean from another person. Though binibigyan ako ni Kuya tuwing birthday ko or any occations pero iba pala sa pakiramdam na may magbigay ng bulaklak sayo na galing sa ibang tao. Meaning naa-appreciate niya ang existence mo. 'In short lumalandi ka lang?' "Ay sus! Ngiting-ngiti ang bruha, akala mo nanalo sa lotto?" pang-aasar pa sa akin ni Saviel. "Tigilan mo 'ko Sav ah, mahahampas kita!?" "Alululu! In love nga!?" Hindi ko pinansin ang panunukso ni Sav at hinayaan lang ito sa tabi ko na parang siraulong nagtatawag ng masamang espiritu. DUMAAN kami sa likurang bahagi ng mall kung saan hindi kami mapapansin ng tao. Halos mapuno ang entrance at hindi na rin makapasok ang ibang tao nang dumating kami kaya naman sa employee's entrance kami pinadaan para hindi mabulabog ang tao at baka magkaroon ng stampede. "Hindi ba magiging delikado ang mall sa dami ng tao?" nag-aalalang tanong ko habang nakasilip mula sa entrance ng employee. "Nah! It can accomodate thousands of people kaya nga dito pinili ni Calvin na magkaroon kayo ng mall show." sagot sa akin ni Sav na nakikisilip din sa dami ng tao. May mga special guest din na artista ang pinapunta si Calvin at isa na doon si Celyn Bautista to promote her movie with Calvin. Mautak ding talaga si Kuya Calvin dahil kinokonekta niya ang business sa amin pati ang promotions ng kanyang movie dahil masyadong mahatak ang banda namin dahil na rin sa apat na tukmol na kasama ko. Balita ko nga, ang BlackHand mismo ang kakanta sa theme song ng movie nina Kuya Calvin pero hindi pa namin nagpag-uusapan ang tungkol doon. "What's up guys!?" umakyat ang isang lalaki at mukhang ito ang magsisilbing taga aliw sa mga tao habang wala pa kami. "Kamusta naman ang mga vocal chords ninyo? Kaya pa ba para ipagsigawan ang pangalan ni Senri?.... Sigawan sa pangalan ni Kyle?...... Sa Kaizen babies?.... Jasper's Knight?..... at higit sa lahat, sa ating fresh and beautiful female vocalist na si Ashleigh!?...." Nagtilian ang mga kababaihan nang sambitin ang pangalan ni Kuya Senri at halos ramdam ko ang pagdagundong ng mga boses nila. At nang sunod-sunod na tawagin ang pangalan namin. "Kyaaahh! Senri iuuwi na kita!" "Kyle akin ka na lang!" "Kaizen pakasalan mo ako now na!" "Jasper, sa'yo pa rin kakalampag!" "Ashleigh ang ganda mo!" Ipinangpapanalangin ko na lang na sana huwag gumuho ang mall na ito at sana hindi kami dumugin ng fans though marami namang security guards ang nagkalat sa baba ng stage. Parang isang malaking function hall ang first floor ng mall at halos mapuno ito ng tao, isama pa ang mga nakadungaw sa 2nd floor at 3rd floor. Halos malula ako sa sigawan ng mga fans nang tawagin ang pangalan ni Senri. "So, huwag na nating patatagalin. Please all welcome, Senri Daeyl Kuruzaki!" Napatakip ako sa sarili kong tenga nang pati si Saviel ay nakasigaw kaya hinampas ko ang balikat nito dahilan para mapalingon ito sa akin. "Ay, bakit nananakit?" tanong nito sa akin at kunot noong napatingin pa sa kamay ko. "Manahimik ka kung ayaw mong dumugin tayo ng fans." saway ko rito. "Ow! Sareh naman." tinakpan ni Sav ang kanyang bibig bago muling ibinaling ang atensyon sa harapan kung na saan si Senri na ngayon ay nakatayo na gitna ng entablado, sukbit ang kanyang gitara. "Kamusta Handlers?" Halos magtulakan ang mga fans nang magsalita si Senri sa mikropono. "As you can see, we have an individual performance... and I would like to take this opportunity to dedicate this song... I wrote to the person who abandoned me... I know you are watching right now or if ever you are here disguising yourself... I'm begging you... to show up in front of me... Please wife, I'm begging you..." Bakas sa boses ni Senri at hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyang asawa gayong hindi naman napabalita na ikinasal si Kuya Senri.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD