ERNALINE'S POV: KUMALAT sa buong social media platforms at tv broadcasting ang video footage kung saan nag-uusap si Lolo, Perth at ang lalaking pakakasalan ko sana. Tulala lang ako sa tv kung saan pinapalabas ang video footage ng tatlong lalaki, maging ang mukha ko ay nakabalandra sa buong Pilipinas. Hindi nila nirecord yung mismong usapan at talagang pinalabas nila na isa ito sa inaabangan ng Montenegró Empire na maikasal ako sa lalaking itatakda ni Lolo para sa akin. "People these days are monsters." Napalingon ako kay Kuya na pasalampak na umupo sa tabi ko habang ang mga mata nito ay nakatutok sa tv. After that incident, my brother, Mom and Dad decided to bring me back home because they want me to take some rest from everything happened in my life. Ni hindi ko na rin kinausap si Lol

