Bullet 9

1358 Words
ERNALINE'S POV: "Ano pa ba? Edi magu-audition." aniya bago naupo sa tabi ko. "You know how much I hate to be with Barney kaya tumakas ako mula sa anino niya and trip kong manggulo kay Senri at Calvin kaya ako nandito." "Hindi ba sila magagalit sa'yo?" nag-aalalang tanong ko since parang importanteng tao siya. Iwinasiwas ni Saviel ang kamay niya sa harapan ko at nagsalita. "Nah! They won't get angry in a simple way like this. Sanay sila sa kalokohan ko si I am not bothered. Anyway, anong binabasa mo?" Kinuha ni Sav ang ipad ko at tinignan ang laman nito. "Harmony of Bullets?" patanong na wika niya nang mabasa ang title nito. "Its one of my favorite best selling novel. Binabasa ko siya kapag nasa ganito akong lugar." sagot ko. "Ang weird ng taste mo. Instead of practising your piece, you choose to read. Unbelievable!" "I am a songwriter so I don't need to practice my song. I can create them in just a blink of an eye if I wanted to." Saviel scoffed on her chair as she crossed her arms in front of her chest. "Bakit ko nga ba nakalimutang composer ka? Sana lahat pinagpapala no? Ako kasi ganda lang ang ambag ko at pambubwisit araw-araw kay Barney ang peg ko." Natawa ako. "At least may role ka pa rin sa mundo?" Natawa na lang kaming dalawa ni Saviel sa pinag-uusapan namin. Hanggang sa biglang magtilian ang mga babaeng kasama namin nang dumating ang grupo ng kalalakihan - ang BlackHand. Halos dumugin ng tao sina Kuya Senri ng pumasok ang mga ito sa Function Hall. Agad namang bumalandra ang security ng CDC para proteksyonan sila Kuya from the crowd. Kaliwa't-kanang tilian ng mga babae habang kumakaway kila Kuya Senri at sa iba pang myembro nito. Kuya Senri's usual face greets the crowd na parang labag sa loob niya na mapunta sa ganitong lugar. "Mukhang masama ang gising ni Kuruzaki." komento ni Saviel kaya naman napatingin ako dito. "Paano mo naman nasabi? He looks normal naman." usisa ko. "Its his usual face, poker face, in short pasan ang mundo dahil kulang na naman ang tulog niya. Kauuwi lang niyan galing Egypt." ani ni Saviel. Muling bumaling ang paningin ko kila Kuya Senri nang umakyat ang mga ito sa mini stage. Nagulat ako nang makitang naka-set up ang gagamitin ng banda. Isa-isa silang pumwesto doon - si Kuya Senri as lead guitarist, Kaizen as the drummer, Jasper as keyboardist and Kyle as bass guitarist. "Hi guys!?" bati nilang lahat nang mapunta sila sa kani-kanilang posisyon dahilan para lalong magkagulo ang mga tao. "As you all know, BlackHand will be having an audition for our main vocalist. Since hindi niyo inexpect na nandito kami, we decided to be part of your journey as a singer. Hindi man kayo mapili atleast nakasama niyo kami, tama?" wika ni Kaizen. "Tama!" "I love you Kaizen!" "Akin ka na lang Jasper!" "Uwi ka na Kyle, hindi na ako galit!" "Senri asawahin mo ako!" Iba't-ibang sigawan ang naririnig ko sa paligid at nagmukhang mini concert ang supposed to be audition na pinuntahan ko dahil sa dami ng tao. "So, hindi na natin patatagalin pa? Simpleng musika muna ang ihahatid namin sa inyo para naman ganahan kayo sa pag-audition. Ready ka ba Pareng Senri?" baling ni Kaizen kay Kuya Senri na tulala lang. "Mukhang tulog pa si Senri, Kai." banat naman ni Jasper dahilan para magtawanan ang mga nanunuod. "Mukha nga? No choice, kami na lang ang kakanta para sa inyo." Umalingawngaw ang instrumento nilang lahat sa buong function hall kasabay ng sigawan ng lahat ng tao. Meron talaga silang dugong performer dahil kahit sa simpleng pagsasalita lang ay nahahatak nila ang tao. Nagsimulang tumugtog ang banda at pumailanlang ang pamilyar na musika. 'Sa wari ko'y Lumipas na ang kadiliman ng araw Dahan-dahan pang gumigising At ngayo'y babawi na Muntik na Nasanay ako sa 'king pag-iisa Kaya nang iwanan ang Bakas ng kahapon ko' Napangiti ako. It was a song made by Neocolors na humakot ng awards at best selling album noong 1990's. Neocolors' second album Tuloy Pa Rin came out in 1999 and made hit singles for the band. It similarly reached platinum status and paved several tracks as classic OPM songs to this day. 'Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko Nagbago man ang hugis ng puso mo Handa na 'kong hamunin ang aking mundo 'Pagkat tuloy pa rin' Narinig ko rin ang pagkanta ni Saviel at tuwang-tuwa itong nakikisabay sa crowd. Hanggang sa matapos ang performance ng banda, hindi pa rin magkamayaw ang sigawan ng tao. "More! More! More!" "Come on guys, we need to prioritize the audition, not the mini-concert," Jasper said. "No! More!" Hindi pinakinggan nina Kuya Senri ang nais ng crowd nang ibigay ng staff ang listahan ng mga auditionees at ang kantang nais nitong iperform para makapasok sa banda. Sa isang iglap, nagsimula na ang audition at halos karamihan sa kanila ay magagaling kumanta. "Shet! Sa tingin ko hindi ako mapipili." bulalas ni Saviel nang matapos ang isang auditionee at tinawag ang pangalan niya. "Bakit naman hindi? Hindi ka pupunta dito kung hindi maganda ang boses mo?" pampalubag loob ko dito. Ngumisi sa akin si Saviel at saka siya tumayo. Bago pa man siya lumapit sa mini stage ay nagsalita ito. "I am not a good singer." Parang gusto kong maglaho sa kinauupuan ko nang magsimulang kumanta si Saviel ng hit song na pinamagatang Luha na sinulat at kinanta ng bandang Aegis. I love the song but I can't take how Saviel sang it. Masyadong off tune at kulang na lang ay mabasag ang lalamunan niya but since Kuya Senri knows her, they decided to take her part as the auditionee. Akala ko kay Saviel lang pumalya ang tenga ko pero yong mga sumunod sa kaniya, mas sintunado pa. "Oh god! Don't tell me you did that on purpose?" sambit ko kay Saviel nang makabalik ito sa kinauupuan namin. Binati siya ng mga tao na kesyo ang galing niya at good job daw habang si Saviel naman ay proud pa sa ginawa niya. "Ang saya kaya." aniya matapos maupo sa tabi ko. 'Yong mga sumunod na auditionee ay puro katarantudhan ang ginawa since previlege nga naman na makasama sa entablado ang bandang BlackHand. At dahil nga sa lakas ng loob at confidence na pinakita ni Saviel, pati ang mga hindi talaga kumakanta ay sumalang sa audition para lang makapagpa-picture sa Idol nila. "Grabe, hindi ko alam kung magiging maayos pa ba ang eardrums ko pagkatapos nito?" natatawang wika ni Kaizen. "Iba talaga ang talentong Pilipino! Palakpakan niyo naman ang sarili niyo guys." dugtong pa nito na agad namang sinunod ng mga manunuod. "Dito na tayo sa next entry natin?" saad naman ni Jasper na siyang may hawak na papel. "Oy mukhang interesting 'tu pre. Nandito ba si Miss Ernaline Montenegro?" Dinamba ako nang kaba ng tawagin nila ang pangalan ko. "Nandito siya!" sigaw ni Saviel at itinuro pa ako kaya naman napunta sa amin ang atensyon nila. "There you are Miss Montenegro. Pwede mo ba kaming samahan dito sa entablado?" anyaya sa akin ni Kaizen kaya naman ngumiti ako dito ng alanganin bago tumango. Kinuha ko muna sa kaha ang dala kong gitara bago umakyat sa mini stage. Bawat hakbang ko ay dinadagundong ng kaba ang dibdib ko at pakiramdam ko napakalayo ng mini stage gayong ilang hakbang lamang ang layo nito mula sa kinauupuan namin ni Saviel. "You look so nervous Ashleigh. Calm down." bungad sa akin ni Kuya Senri nang alalayan niya ako paakyat ng stage. Sa lahat ng nag-audition, sa akin lang nagsalita si Kuya Senri dahilan para lapitan pa ako 'nong tatlo. "Relax Miss Montenegro, hindi kami nangangagat." pampalubag loob pa ni Jasper. "Wala kang sinulat na kakantahin mo dito? Gusto mo bang kami na lang ang magbigay ng kanta para sayo?" dugtong naman ni Kaizen habang ina-assemble ang drums nito. "I-I can sing my song. You don't have to worry about the music." nauutal na sagot ko. "Ay english!?" pabirong saad ni Jasper na agad nakatanggap ng batok mula kay Kyle na kanina pa hindi umiimik. "Pwede ka naman naming sabayan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD