AUBREY'S POV When I'm about to stand naramdaman ko ang sobrang sakit ng ulo ko. Na para bang pinukpok ng sampung beses ng martilyo. Huli kong natatandaan ng may dumating na sulat sa bahay at noong buksan ko ito may scent na kung ano akong naamoy para mawalan ako ng malay. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko rin alam kung kaninong kwarto ito. Ano bang nangyayari? Wala akong matandaan. Iba na rin ang damit na suot ko. Tumayo ako para hanapin ang daan palabas. Ngunit naagaw ng atensyon ko ang mga ilaw sa labas. At kung hindi ako nag kakamali nasa mataas akong bahagi ng gusali. Madilim na ang paligid. Kitang kita ko ang pag kinang ng ilaw ng iba't ibang klase ng sasakyan sa daan. At mga ilaw sa kabahayan. Bakit ako nandito? Wala namang ka

