KURT'S POV Sobrang takot na takot ako ng malaman kong babangga ang sasakyan namin ni Aubrey sa Four wheeler track. Agad kong iniliko ang manibela. Salamat sa Diyos at walang masamang nangyare. Tanging gasgas lang sa harapan ng kotse ang natamo ng sasakyan. Nakita ko si Aubrey na duguan ang braso dahil sa pag kakagitgit ko sa kanya para lang makuha ang manibela. Niyakap ko siya ng sobrang higpit wala siyang malay. Tinanggal ko ang pagka kakabit ng seatbelt ko at niyakap siyang muli. "Napaka tigas kasi ng ulo mo." bulong ko sakanya sabay halik sa noo niya. Agad akong pumunit ng kapirasong tela sa damit ko at itinali iyon sa dumudugong sugat niya. Nagulat ako ng bigla siyang gumalaw at yumakap sakin. "Kurt I'm so sorry! Mahal na mahal kita! Please gumising ka! Huwag mo kong iwan. Pangako

