Nagkasalubong si Amara at Zian sa hallway ng headquarters nila. Kalalabas lang n'ya galing restroom at mukhang kadarating lang ni Zian, It’s been 2 weeks ng huli silang mag kita. “Amara.” abot tenga ang ngiti nito na ikinagulat n'ya ng bigla s'ya nitong yakapin na 'di man lang inalintana ang ibang agent na napa ungol at nag kantiyawan. Mabilis n'yang itinulak si Zian ng makarinig ng tikhim galing sa chief nila kasama nito ang mismong founder ng underground na lolo naman ni Zian na si Thomas McBright. Agad s'yang sumaludo sa mga ito na tinanggap naman ng mga head nila. “Mabuti dumating ka na tara na sa meeting room meron tayong bagong i didiscuss.” anas ng chief nila na nauna ng nag lakad at nilampasan na sila. “You must be Amara.” “Sir Yes sir.” “Hindi ba masakit sa mukha yan.” turo

