Tumaas ang kilay ni Amara ng mapag buksan n'ya ng pinto si Zian akala n'ya kung sino ang kumakatok alas 11 na ng gabi. Gising pa s'ya at balak sana n'yang mag kape katatapos lang nilang mag usap ni Daniel thru Vcall dahil nakapasok na din ito tauhan ni Joseph tulad n'ya naka disguise din ito kaya madalas na silang mag kikitang dalawa. “Iba ka talaga wala kang inaaksayang oras.” iling ni Amara ngumiti naman si Zian na pumasok sa loob ng bahay n'ya ng buksan n'ya ng malaki ang pinto. “Saan burol ka ba galing.” tanong ni Amara ng maisara n'ya ang pinto. Itim na itim kasi lahat ng suot nito mula itim na sapatos hanggang sa itim na sumbrero. “What the hell is this?” kunot noong tanong ni Zian na nabura ang ngiti sa labi na nilapitan ang lock ng pinto n'ya na kahoy lang na maliit na nakabal

