“Simang! Simang! Simang! Hoy! kanina pa ako tawag ng tawag ano ba bingi ka na din ngayon.” bungad ng amo na pumasok ng kusina. Nagulat naman si Amara na napalingon sa amo na pumasok sa kusina na nakasimangot. Lumilipad kasi ang isip n'ya dahil kay Zian. 'Di n'ya sigurado kung tama ba ang ginagawa n'yang pag tanggap rito ng unti-unti. Nag aalangan s'ya pero magaan na ang pakiramdam n'yang papasukin itong muli sa buhay n'ya 'di tulad noon na kinakabahan s'ya sa tuwing makikita n'ya ito. Lagi n'yang iniisip kung s'ya ba talaga ang nakikita nito o si Tamara. Kagabi na napatunayan n'ya mismo sa sarili n'ya na s'ya talaga ang mahal ni Zian mula pa noon at nag kamali at na linlang lang ito ng kakambal n'ya. Magkatabi silang natulog sa maliit n'yang kama, sa una kinakabahan s'ya pero ng yakapin a

