CHAPTER 4

1697 Words
Finally, we’re moving out. Ngayon na kami aalis ni Tiffany ngayon papunta sa bago naming apartment. Mabuti nalang dahil may malaking savings naman ako para hindi na mahirapan sina Mama at Papa na magbayad ng apartment ko every month. “Mag-iingat ka Jewel, ha? Wala pa naman kami ng papa mo roon.” Napangiti naman ako kay Mama. “Don’t worry, Ma. Good girl ako ro’n and besides, nandiyan naman si Tiff para alagaan ako at isumbong sa inyo antytime.” “Nagpapasalamat nga ako riyan sa bestfriend mo at hindi ka kinukunsinte.” Si papa naman ay lumapit na rin sa akin. “H’wag mo kaming alalahanin dito anak, ha? Mag-focus ka lang doon sa trabaho mo at ayos lang kami rito ng Mama at Ate mo.” Napatingin naman na agad ako kay Ate Jen. Bihira lang kaming magka-usap ni Ate, pagkatapos ay kung magkaroon man kami ng pagkakataon na mag-usap ay palaging nauuwi sa bangayan. “Ate…aalis na ako.” “Ge.” Agad naman itong tumayo at pumasok na ulit sa kwarto niya kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ang hayaan siya. Mukhang hindi pa nga talaga ‘to ang panahon para magka-ayos kaming dalawa ni Ate. “Sige Ma, Pa, aalis na po ako.” “Sige na. Naghihintay na ang taxi sa’yo sa labas,” ani naman ni Papa. Ngumiti na ako at niyakap silang dalawa. Pinipilit naman ng mga magulang ko na hindi maging emotional at siguradong gano’n din ako kaya ngumiti nalang din ako. “Pwede bang umiyak ako kahit ngayon lang? May gamot pa naman ako rito, eh.” Biro ko pa sa kanila. “Ala, baka hindi ka namin paalisin mamaya.” Natawa naman ako at lumabas na. “Hindi na po. Kanina pa siguro ako hinihintay ni Tiffany sa terminal. Bye, Ma, Pa! Love you!” “Love you too, nak! Ingat kayo, ha?” Tumango na ako sa kanilang dalawa at tuluyan nang pumasok sa taxi. Halos ilang beses na rin ang ganitong pangyayari kaya nasanay na rin ako na hindi na umiyak. I’ve been suffering from excessive tear allergy since ipinanganak ako, pero ang sabi nila Mama ay lalo raw itong lumala habang lumalaki ako kaya wala na akong magawa kung hindi ang iwasan talagang umiyak. Mabuti na nga lang at pumayag si Mama at Papa na magtrabaho ako after I graduated. “Dito nalang po ako, Kuya.” Kumuha na ako ng pambayad dahil natanaw ko na si Tiffany galing sa labas. Kanina pa kasi siya nag-missed call sa akin na nandito na raw siya sa terminal kaya for sure ay naiinip na ‘yon kakahintay sa akin. “Jewel Magsaysay, bakit ngayon ka lang?” I pouted at her. “Sorry na, bestie. Alam mo namang nahirapan akong umalis sa bahay kanina at ngayon lang mangyayari sa’kin ‘to.” “Okay, apology accepted. Sina Mommy nga ay parang tinatakwil na ako sa bahay, sayang-sayang pa yata silang aalis na ako at pinagmamadaling umalis na.” Napatawa nalang ako sa sagot ni Tiffany at agad na rin kaming sumakay sa bus. Dalawang oras ang magiging byahe namin papuntang capital city. Agad naman itong naunang umupo sa bintanang bahagi ng bus dahil palagi siyang nagsusula. “Pasalamat ka at bestfriend kita, fave spot ko rin naman ‘yan diyan,” ani ko. Napa-belat naman ito sa akin. “Labyo, bestie. Sige, sleep muna ako para hindi ako makaramdam ng sakit sa ulo mamaya.” “Good night, bestie.” Inayos ko na ang pag-upo ko at napatingin nalang sa mga pictures sa phone ko. Marami rin akong mamimiss sa dating workplace namin pati na rin ang ibang mga patients ko na for sure ay magtataka na iba na ang child psychologist na madadatnan nila ro’n. Masyado rin kasing mabilis ang naging proseso nito kaya kailangan din agad naming mag-decide. “Hoy, bestie! Bestie!” Marahan ko namang iminulat ang mga mata ko nang mapansin kong kinukuyog na ako ni Tiffany. Hindi ko naman akalain na makaka-idlip din pala ako sa haba ng byahe namin. “Akala ko ba babantayan mo ako, bestie? Bakit ikaw pa yata ang mahaba ang tulog sa atin? Anyway, tada! We’re in the Capital City!” I like how Tiffany’s mood evolve afterwards kaya naman napangiti nalang ako at napa-inat na. Nandito na nga talaga kami ngayon sa Capital City. Halos tatlong beses na rin siguro naming pinuntahan ang magiging apartment namin, pero excited pa rin talaga akong makita ‘to ngayon. Agad na rin kaming bumaba ni Tiffany para kunin ang mga maleta namin at para sumakay na rin sa taxi papuntang apartment. It was only a ten minutes ride from the terminal kaya hindi na gano’n kapagod papunta ro’n. “Oh my gosh! There’s no turning back, we are finally here!” bulyaw naman ni Tiffany nang makababa na kami sa taxi. “Nandito na nga talaga tayo, bestie,” sagot ko pa habang nakatitig lang sa buong lugar. Napapatingin nalang ako sa mataas na building na nasa harapan namin ngayon na punong-puno ng mga halaman at bulaklak. This is the exact environment that I want for work, cozy and refreshing. Pumasok na kami ni Tiffany dala-dala ang mga maleta namin. Naihatid na rin kasi rito dati pa ang ibang mga gamit namin, kaya ngayon ay puro nalang talaga damit at maliliit na bagay ang dala naming dalawa. “I’ve always dreames living alone, pero much better naman ngayon na kasama kita bestie kasi alam kong mabo-bored lang din naman ako rito kapag mag-isa ako.” Hindi talaga tumitigil ‘tong bunganga ni Tiffany sa kakasalita kaya alam ko talagang kapag kasama ko siya ay hindi ako maboboringan. “Magpahinga muna tayo. Nanakit na ang likod ko sa sobrang sakit, eh.” Tumungo na ako sa kwarto ko. Dati pa man kasi ay napagpasyahan na namin ni Tiffany na magiging kwarto ko ang nakatapat sa harap, sa may daan. Gusto niya kasi ng madilim at halos closed-type room kaya naman ay ang malapit sa kitchen ang pinili niya at nagkakasundo rin naman kaming dalawa dahil ito rin talaga ang gusto kong maging room ko for the rest of the time. “Order nalang ba muna ako for lunch?” Napalingon naman muna kay sa kaniya bago tuluyang pumasok sa kwarto. “Sige, umorder ka nalang muna. Wala pa ako sa wisyo magluto, mamayang gabi nalang.” “Okay. Got it covered.” Tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko para ayusin ang mga damit ko. Sakto lang ang laki ng closet sa mga dala ko kaya hindi na ako mahihirapan kung saan ko ilalagay ang mga ‘to. “Anong plano natin this afternoon, bestie? Gagala ba tayo sa buong siyudad o kaya naman ay magtingin ng mga magagandang affordable coffee shops?” Napatigil naman ako sa pagkain sa mga tanungan ni Tiffany sa akin ngayon. May nakalimutan yata siyang mas importanteng bagay. “Alam mo, kung mayroon man tayong gagawin ngayong hapon, iyon ay ang kunin ang bagong uniform natin sa Chia.” “Ay oo nga pala! Okay fine, saka na ang gala.” Napasimangot naman ako nang may maalala na naman ako. “Alam mo, kinakabahan pa rin talaga ako kapag nagkita man kami ni Andrei bukas o kaya naman ni Jessica.” “Bakit naman?” “Syempre, hind ko na siya maiiwasan pa sa trabaho.” “Anong iiwasan? Sino ang may sabi na iiwasan mo ang siraulo na ‘yon at ang ahas na babae na ‘yon. Don’t be like that, bestie. Ipakita mo na wala kang pakealam sa kanila kahit na mag landian man ang dalawang ‘yan sa harap mo!” Napatawa naman ako sa mga sinabi niya. “If only it’s that easy, bestie.” “Kinaya mo ngang hindi umiyak noong nag-break kayo, ito pa kayang ipakita lang sa kanila na hindi ka affected?” “Oo na, sige! I’ll do it. Bilisan mo na riyan, ang sabi sa akin ng tailor doon ay pumunta agad rayo before two in the afternoon. Weekend kasi ngayon kaya they’ll be closing the shop earlier than the normal working hours.” Pagkatapos naming kumain ni Tiffany ay umalis na ulit kami sa apartment para kunin ang mga bagong uniform namin. Kahit na kami ay parehong pagod, hindi rin naman naming ipagpabukas ang pagkuha ng uniform since may trabaho na ulit kami. “Ang sakit pa rin talaga ng likod ko…” panay reklamo ako habang naglalakad na kami papunta sa shop. “But salon pass later, bestie.” “Kay nga. Thanks for reminding me,” sagot ko. “Oh! What a small world!” Napatigil naman kami sa paglalakad nang makita namin sina Jessica at kasama niyang babae na palapit sa amin. Mukhang minamalas ata kami ni Tiffany ngayong araw, ah. “How come na dito rin pala kayo kukuha ng mga uniforms n’yo?” Bigla namang pumagitna si Tiffany. “If you have nothing relevant to say, get away from out sight, Jessica.” “Wow! You really did bring someone to protect you, Jewel?” she uttered. “Dahil ba…wala na kayo ngayon ni Andrei, and the fact that he’s mine?” I greeted my teeth out of anger pero I’m still controlling myself not to say something bad to her. I know she will tell everything to Andrei kaya ayoko na rin talaga ng gulo. It’s better not to tolerare ignorance. “Tara na, bestie. They’re not worth of our time.” Akma na sana kaming dadaan ni Tiffany sa harapan nila, pero agad ulit nila kaming hinarangan. Naghahanap siguro talaga ng away ‘tong si Jessica. “Ano ba’ng kailangan mo sa akin, ha?” Hindi na ako nakatiis at ako na mismo ang nagtanong sa kaniya. She motioned herself palapit sa akin. “Simple. I want you to stay away from Andrei as much as possible.” “Oh? That’s it? Your wish it granted.” I pulled Tiffany’s arms at dali-dali nang naglakad palayo sa kanila. Masaya naman sana nag araw ko ngayon maliban lang sa sakit ng likod ko, pero lahat ng ‘yon ay nawala dahil sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD