CHAPTER 3

1708 Words
Nang makalapit na ako sa kaniya ay hindi na ako nag-hesitate para hawakan ang magkabilang kamay niya at ipinasok na sa loob ng storage room. “Do you really think you can get away away from me? For all the months na pinaghirapan nating dalawa, mostly by be, pagkatapos ikaw ang lang kukuha ng recognition and get that higher promotion? Ang kapal-kapal ng mukha mo!” I started pulling his tuxedo since he’s leaning at the back from me kaya hindi niya makikita ang ginagawa ko sa kaniya ngayon. “Ouch!” “Ouch? Kulang pa ‘to sa lahat ng mga ginawa mo sa aking loko ka. You didn’t just betray me, you also stole my work, walang-hiya ka!” “Stop it!” I flinched when I heard a different voice in front of me. “Wait…” Marahan kong iniharap ang mukha niya sa akin only to find out that it wasn’t Andrei. I just realized that this guy is way taller than Andrei kaya naman dali-dali ko na siyang binitawan at inayos ang sarili ko. “Uhhh…” “What?” Marahan naman akong ngumiti sa kaniya. “Uhmm…sorry, akala ko kasi ikaw si Andrei.” “I’ll sue you for harassment.” “Hala! H’wag po!” Dali-dali naman na akong lumapit sa kaniya at napasimangot. I know he’s a high profile person kaya naman kinakabahan talaga ako ngayon sa puwede niyang gawin. “Who gave you permission to harass me?” He asked firmly. Hindi naman ako makatingin nang deritso sa mga mata niya dahil nakapa-intimidating niya rin talagang tingnan. “Uhm…sorry talaga. It wasn’t my intention to hurt you at napagkamalan lang talaga kitang ex-boyfriend ko kaya sorry po talaga.” “No wonder you’ve been pulling my dress that hard. You wronged me for your ex-boyfriend.” “I’m sorry.” Inayos na niya ang damit niya at tinaasan ako ng kilay. Kahit lalaking tao ay mas malala pa talaga magtaray sa mga babae ngayon. “I need to go. I hope you won’t be this stupid again next time.” “Stu—what?” Tuluyan na siyan lumabas ng room kaya naman hindi ko na naituloy ang pagsasalita ko. Akala mo naman kung sino siya para tawagin akong stupid. Alam ko namang kasalanan ko pero wala naman siyang karapatan para tawagin ako nang gano’n. “Aah, I think this is a bad idea…I’ll just let Andrei get that award. Nakakapagod naman kung makikipag-away pa ako para lang sa ganito.” I was actually thinking about that guy just now. Baka kasi kapag pinilit ko pa ang gusto kong makaganti kay Andrei ay hindi lang gano’n ang matanggap ko. Ayoko pa namang makulong and be sued for harassment. Napahinga nalang ako nang malalim at inayos na rin ang sarili ko at ngayon ko nalang ulit naramdaman na parang iihi ako kaya dali-dali na rin akong lumabas para hanapin na ulit ang restroom. “Aah! Success!” sambit ko nang makalabas ako ng cubicle. Hindi ko naman napansin na mayroon palang mga babae na nasa-sink ngayon kaya napangiti nalang ako sa ginagawa ko. Lumapit na rin ako ro’n para maghugas ng kamay at mag-retouch. After getting it done, lumabas na ako para bumalik sa kinaroroonan ng banquet pero I didn’t imagine I would see him in this corridor. It was Andrei and and her girlfriend, Jessica and they were also walking towards my direcrion. Hindi ko alam kung titigil ba ako para pansinin siya o maglakad nalang na parang hindi ko sila nakasalubong. “Kaya mo ‘to, Jewel.” Pinilit ko ang sarili ko para hindi sila tingnan. Napansin ko naman na habang naglalakad kami ay panay ang tingin sa akin ni Andrei pero hindi talaga ako umimik o napasulyap manlang. Abort mission nalang at wala rin naman talaga akong mapapala sa pagpunta ko rito. I just texted Martin about the thing at lumabas na rin sa venue. Habang naglalakad ako ay panay din naman ang text ko kay Tiffany para puntahan na siya at nang maka-uwi na rin kami. “Aaaah!” Napatingin naman ako sa paligid nang biglang may sumigaw na bata. Ever since kasi noong naging psychologist ako, my instincts towards children grew faster. May nakita naman akong bata na pinalilibutan ng ilang staff kaya agad na akong lumapit. “What happened here?” “Nakita po kasi namin siyang pagala-gala rito, pagkatapos ay nilapitan namin siya para kausapin pero bigla nalang siyang sumigaw.” Napatango naman ako. “Let me handle this.” Marahan na akong lumapit sa bata at lumuhod na para maka-usap ko siya. Nagulat naman ako nang marahan siyang umatras sa akin kaya naman ngumiti ako sa kaniya. Bigla na naman sana siyang sisigaw pero dali-dali ko naman itong niyakap at hinimas ang likuran niya. “Sssh! I’m here, don’t worry.” Hindi ko ‘to tinigilan hanggang sa hindi siya tumahan at kumalma. Mabuti nalang dahil mabilis kang din siya kumalma at napatingin na sa akin. “Hi! What’s your name?” Hindi naman ‘to sumagot at may kinuha na sa kaniyang bulsa at ibinigay sa akin. It was a card with his name on it. Xyron Belejardo. “Xyron is your name.” Tumango naman ang bata sa akin. Unti-unti na ring nagsi-alisan ang ibang mga staff at guwardiya kaya nakahinga na rin ako nang maluwag lalo na at hindi naman talaga okay para sa ganitong mga bata ang palibutan ng ganoon karaming tao. “Nasaan ang Mommy mo?” He shook his head at may kinuha ulit na mga card sa kaniyang bulsa. Halos lima rin ito at ibinigay niya sa akin. Nagulat naman ako nang makita ang mga word kagaya ng “sorry”, “don’t talk to me”, “thank you”, “i’m busy right now”, at “i’m hungry.” Hindi ko naman alam kung ano ang mararamdaman ko pa sa batang ‘to dahil for sure ay alam kong hindi siya nakakapagsalita. Ngumiti nalang ako sa kaniya at napahinga nang malalim. “Ginagamit mo ang ba cards na ‘to tuwing kinaka-usap ka nila?” He nodded. I wonder kung sino ang mga magulang ng batang ‘to. Nakapa-cute niya kasi at napakapogi. I think he’s around five years old dahil na rin sa physiques niya, and I guess he’s still having a hard time to speak for some unknown reasons. “Hinahanap mo ba ang parents mo? Were you lost somewhere here?” He nodded again. Nagpapasalamat din naman ako na nakita ko ang batang ‘to dahil kahit papaano ay nakalimutan kong nakasalubong ko kanina sina Andrei at Jessica kaya hindi ko na naisipan pang umiyak. “Gusto mo ba hanapin ko ang mga parents—” “Thank goodness you’re here, Xyron!” Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil may lumapit na sa aming babae. I then stood up at tinitigan siya. She’s in a corporate attire, but I still couldn’t give in the child since baka this is only a scheme of kidnapping. “Let’s go, Xyron. You father is dead worried about you.” “Uh, wait!” anas ko. The woman staredat me for a while. “And who are you?” “I’m Jewel, a child psychologist,” I replied. “Uhm, how about you? How are you connected to this child?” I should always make sure na kilala ng batang ‘to ang kasama niya. “I’m the secretary of this child’s father, is that enough? We really need to go.” “Uh, wait! There’s more…” sambit ko. Hindi pa rin kasi ako sigurado na totoo ang sinasabi ng babaeng ‘to eh. “Show me something as a proof…yes, like identification card or badge.” Akala niya siguro ha. I’ll just let her go kapag na-confirm ko na ito. “Here. Satisfied?” Ipinakita na niya sa akin ang identification card nito. She’s working on Axon Corporation, the company who will give Andrei the award. Napangiti na ako sa babae. “Okay, go ahead. Bye Xyron!” “How about you?” Napatigil naman ako sa tanong nito. “Why? What about me?” “Are you really a child psychologist?” “Of course. Why?” “Can you show me a proof?” Napataas naman ang kilay ko sa babaeng ‘to. Ibinalik pa talaga sa akin ang mga tanong ko. Ginawa ko lang naman ‘yon kanina to confirm her identity lalo na at kukunin niya na ang bata sa akin. “I don’t have my identification card with me…” deritsong sagot ko sa kaniya. “Okay. From the way you dress right now is reasonable, and also about the banquet for the staffs of Wade Medical Hospital.” “Yup.” Tumigil naman muna ang bata at napatitig sa akin nang ilang segundo, pero maya-maya naman ay umalis na rin sila. Ako naman ay napa-iling na at umalis na rin para hanapin si Tiffany. “Hoy bestie! Akala ko kung na-flush ka na sa restroom. Kanina pa kita hinihintay dito, eh. So, how was it?” “Abort mission ako bestie. May muntikan na akong masaktan na tao kanina being so eager to find that jerk. Na-realize ko rin na kahit na ingudngud ko pa ‘yang si Andrei sa putek ay wala rin namang mangyayari.” Marahan namang hinimas ni Tiffany ang buhok ko dahilan para titigan ko siya nang masama. “It’s okay, bestie. I’ve got an idea! Pumunta nalang kaya muna tayo sa plaza bago umuwi? Sultin na natin ang nalalabing araw natin dito bago lumuwas ng capital city sa susunod na araw.” “That’s not a bad idea.” Napatingin naman ako sa phone ko. “Pasado alas-otso palang naman ng gabi. Tara!” “Yehey! Bumili tayo ng isaw at betamax. Miss na miss ko ba rin kumain no’n, tapos ano, barbeque tsaka chicken skin. Aargh! Ngayon palang natatakam na ako bestie!” “H’wag ka ngang ganyan, pati ako naglalaway na sa’yo eh.” Napatawa nalang kaming dalawa ni Tiffany habang palabas na ng Axon hotel. I’m really grateful to have a bestfriend like her at nababawasan ang pagiging malungkot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD