CHAPTER 2

1672 Words
Umigting naman ang tenga ko nang marinig ko ang sinabi sa akin ngayon ni Tiffany. It’s been a month since we broke up and after two days ay nalaman kong sila na ni Jessica, pero itong research project na halos ako naman mismo ang gumawa pagkatapos he’ll get the recognition alone ay hindi ko mapapatawad. “Where’s the venue of that awarding ceremony?” “Bakit, Bestie?” “Basta.” “Axon corporation, on tuesday next week at seven in the evening, but there will be a banquet dinner tomorrow evening at the Axon Hall.” Napatingin naman ako kay Tiffany at napangiti na rin. “Hindi puwedeng wala tayo ro’n bukas. After work ay doon agad tayo pumunta.” “Hoy, ano na naman ‘yang plano mo. H’wag mo nalang kasing pansinin ‘yang ex-boyfriend mo at wala naman siyang kwenta.” “Hindi naman ako pupunta ro’n para sa kaniya. Kukunin ko lang talaga kung ano ang para sa akin at alam kong alam n’yong lahat na 80% of the project was made solely by me!” Nakakaloka! Iniwan na nga niya ako pagkatapos ay ito pa ang gagawin niya sa akin ngayon. I won’t let it slip away this time. “Tara na.” Lumabas na kami ni Tiffany sa clinic para umuwi na rin. Our shift is from seven in the morning until six in the evening kaya namn hindi ganoon kasakit sa ulo. Nang makauwi ako sa bahay ay nadatnan ko sina Mama at Papa na nagpapahinga sa salas samantalang si Ate Jen naman ay hindi ko mahagilap. “Ma, Pa.” Nagbeso na ako sa kanila nang makarating ako at napa-upo na rin sa couch. “Nandito ka na pala, nak. Kumusta naman ang trabaho mo?” Napangiti naman ako nang magtanong sa akin si Papa. “Ayos lang, pa. Nakakapagod pero mas matimbang pa rin naman ang saya ko kapag nakikita ang mga batang natutulungan ko sa clinic.” “Kanina ka pa niyan hinihintay ng papa mo, Jewel. Nagtataka kasi kung bakit pasado alas-syete raw ay hindi ka pa rin umuuwi. Bakit nga ba?” Napahinga naman ako nang malalim at lumapit na sa kanilang dalawa. “Alam mo ba, Ma, Pa, si Andrei, bibigyan lang naman ng award para ro’n sa ginawa naming research magkasama the past few months!” “Aba! Sinasabi ko na nga ba, eh. Wala talagang mabuting idudulot ‘yang Andrei na ‘yan sa’yo. Sana pala ay hindi ko na ‘yan pinapasok pa dito sa bahay at ipinagluto ng specialty kong adobo kung ganoon—” “Kumalma lang kayong dalawa.” Pumagitna naman na sa amin si Papa at napatingin na sa akin. “H’wag mo nalang pagtuunan ng pansin lang lalaking ‘yan at sa susunod na araw ay magkasama na kayo sa trabaho. Nahirapan din kami ng Mama mo na h’wag kang paiyakin noong nag-break kayo kaya sino nalang ang gagawa no’n kapag nasa siyudad ka na sa susunod na araw?” “Pa, as if namang iiyakan ko pa ‘yang lalaki na ‘yan, no. Muntikan n’yo na nga akong dalhin dati sa hospital noong pumatak ang mga luha ko kaya sinabi ko sa sarili ko na hindi talaga ako magpapakamatay sa kahit sino mang lalaki riyan na makikilala ko.” Ginulo naman na ni Papa ang buhok. “Aba, dapat lang! Subukan lang nila saktan ang nag-iisa kong prinsesa at susugod agad ako ro’n.” “Nako! Tama na ‘yan at kakain na tayo.” Napatawa nalang kami ni Papa at tumungo na sa hapag-kainan. Napansin ko namang hindi ko maaninag si Ate Jen kaya napatingin na ako sa kanilang dalawa. “Si Ate Jen hindi pa rin ba nakakauwi?” “Nagpaalam ‘yon sa akin kanina na sa kaibigan niya raw siya matutulog ngayon gabi kaya hinayaan ko nalang. May job interview din kasi raw siya bukas kaya okay na rin ‘yon at malapit lang siya sa siyudad.” Marahan naman akong napa-upo. “Ma, naman. Alam n’yo namang halos isang taon na ang job interview na ‘yan ni Ate pero wala namang nangyayari, hindi ba?” “Sige na, kumain na muna tayo at hayaan mo nalang ang Ate mo Jewel kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay.” Hindi ko nalang pinansin at kumain nalang kami nila Mama. Pagkatapos kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko para pag-aralan ang cases ng ibang patients ko at nang makaramdam ako ng antok ay doon na ako humiga. I really hope things will get better soon at sana ay maging maayos pa rin ang trabaho ko kapag magkasama na kami nila Andrei at ng bagong girlfriend niya sa iisang hospital. “How do I look?” “Grabe Bestie! Pinaghandaan mo talaga ang pag-alis ha. Akala ko kahapon nagbibiro ka lang, pero ano ‘yang suot mo ngayon?” I wore some bloody red dress kasi and stilettos. Ayoko namang magmukha akong yaya ro’n sa venue kaya kailangan ay presentable akong tingnan. “Doc?” Napalingon naman ako nang may tumawag sa amin at nanlaki naman ang mga mata ko nang makita si Doc Tan, ang head ng department namin. “Uhmm, Doc Tan, bakit po kayo nandito?” He halted for a while para pagmasdan ako. “Are you going to the dinner banquet?” “Uhm, yes po Doc.” “Then, good luck. I was just passing by and when I saw you wearing like this, alam ko na kung saan ka pupunta. Break a leg!” “Kaninong leg po, Doc?” biro pa ni Tiffany kaya agad ko siyang kinalabit. “Hindi, kidding aside lang po,” she added. “Yoy know what to do, Doc Jewel. I know the story behind it kaya kung ano man ang mangyari ay alam kong you have the right to do it.” Agad na ring lumabas si Doc Tan kaya napangiti naman kaming dalawa ni Tiffany. Noong naisipan kasi namin ni Andrei ang sa collabor ng research project ay si Doc Tan ang nag-guide sa amin. We won’t be able to finish it without him. “That’s why I love Doc Tan so much, Bestie,” sambit naman ni Tiffany. “Sinabi mo pa.” After all of our chitchats, agad na rin kaming umalis ni Tiffany sa hospital at nagtaxi papunta sa isa sa mga hotel ng Axon Corporation. It’s a famous company hindi lang dahil sa mga products nila but because of it’s current president, James Belejardo. He is said to be a perfect and domineering guy and said to have a son. Dahil hindi ako ipinanganak na chismosa, wala akong alam sa mga nangyayari sa kanila and I only care about my job and career and this allergy ko sa luha which is consistent since day one ng buhay ko. “We’re here!” Bumaba na kaming dalawa ni Tiffany nang makarating kami sa tapat ng hotel. I’ve never been this tense nang makababa na ako pero kinalma ko lang ang sarili ko. “Lagot ka sa akin kapag nakita kita mamaya, Andrei,” saad ko naman habang naglalakad kaming dalawa ni Tiffany papasok sa loob. “Bestie!” Nagulat naman ako sa biglang pagsalita niya nang makapasok na kami. “Alam mo, kapag ikaw ang kasama ko ay kailangan ko na yatang magdala ng headphones, ano? What is it?” “There an art gallery here! Oh my gosh! Go ahead na Bestie at dito nalang pala kita hihintayin. I won’t miss this one.” “Ha? Akala ko ba sasamahan mo ako—” “Love you, Bestie! Enjoy!” Dali-dali na siyang umalis at iniwan na ako rito kaya wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan siya. Pumunta na ako sa venue at napatingin sa paligid. Iilan palang sa mga medical practitioners ang nandito sa loob na pamilyar sa akin dahil na rin sa mga seminars and conventions na kasama namin ilang ilang mga doktor sa main branch ng Wade Hospital. “Doc Jewel?” I motioned myself to the person who called me. “Doc Martin, you’re also here.” It was Martin. Siya ‘yung naging kaibigan ko noong nagkaroon kami ng three-day seminar sa isang beach resort kaya naman until then, we became good friends. “Yup. I had my team here and the whole staff of the main branch so we’re told to join the banquet.” Bigla naman akong nahiya dahil supposedly ay hindi naman talaga kami invited dito. Makapal lang talaga ang mukha ko at nag-iinit ang dugo ko kay Andrei kaya wala nang atrasan ‘to. “Uhmm…” “It’s okay, we still have a free seat on our team so you can join us. I also think that I know why you’re here. Still into him?” “Hell no!” Medyo napataas naman ang boses ko kaya napatingin sila sa amin. “Sorry.” Martin chuckled a bit. “It’s okay, go ahead.” “I’m just here to congratulate him. Nothing more, nothing else…” “So, come with me nang maka-settle na rin tayo sa table natin.” “Ah wait!” I mumbled. “I’ll go to the restroom first, then babalik agad ako.” “Go ahead, I’ll wait for you.” Ngumiti na ako at agad na ring naglakad para hanapin ang rest room. Napakalaki ng convention hall na ito kaya naman ay medyo nahirapan akong maghanap ng restroom. “Nasaan na ba ang restroom. Ihing-ihi na ‘ko…” Panay naman ang hanap ko ng restroom nang bigla naman akong may nakitang pamilyar na lalaki na nakatalikod habang papasok sa isang room. “Manhattan Richelieu…kung sinusuwerte ka nga naman ano…” Nakita ko lang naman kasi ang sapatos na suot ni Andrei noong nakipag-break siya sa akin and for sure siya palang ang may ganitong klaseng sapatos. Hinding-hindi ako magkakamali na siya ang lalaking ‘yon dahil kilalang-kilala ko rin ang katawan niya. “Andrei Villaramaaaa!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD