PRELUDE
"A true friend isn't sought. It's just like the love that spontaneously comes at a time and time you don't expect."
This thought that Grandma Emma always reminds me of since I was a kid. Simula noon pa man, walang ng may gusto na maging kaibigan ako. Sa palagay ko nga, ang tingin lamang nila sa akin ay parang hangin na kanila lamang nadaraanan.
Hanggang sa lumipas ang limang buwan kong pagtatrabaho sa BCA GLOBAL, isang manufacturing company. At sa wakas, may nakapansin na rin sa existence ko. Iyon ay si Johnson. Isinali niya ako sa kanilang grupo na kinabibilangan nina Addison, Mark, Laurenz and Alex.
Masasabi kong masaya ako dahil sa unang pagkakataon ay mayroon na akong matatawag na kaibigan. Pero minsan, hindi ko pa rin ma-imagine na ginagawa ko ang isang bagay na hindi naman ako sanay. They taught me to drink alcohol, escape during office hours, getting into troubles, pero ang mas nakakabahala sa akin ay lalo silang lumalala as days go by. Ang kuryosidad nila na pumunta sa Qari ay ang pinaka maling desisyon na naganap sa tanang buhay namin.
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ilang beses na silang nagpunta sa amin para kulitin si lola na sumama ako. Pero kung ilang beses man silang pumunta ay iisa lang din ang sagot ni lola. “Hindi”.
"Lola? Pwede ba akong sumama kina Addison? Isang araw lang naman iyon-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang kinuha ni lola ang remote na nakapatong sa mesa at mabilis na pinatay ang TV.
"Ilang beses mo na bang tinanong 'yan, Melissa?" May diin sa pagsabi niyang iyon. "Ilang beses na rin bang nagpunta rito ang makukulit mong mga kaibigan para kumbinsihin ako para makasama ka sa kanila? Pero anong sagot ko?"
Napayuko na lamang ako dahil nagsisimula nang magngitngit ang mga ngipin ni lola. "Hindi po. Pero, ito na po kasi ang oras para i-grab ko ang opportunity na matagal ko nang hinihintay," nahihiya kong sabi.
"Melissa, alam mo naman siguro kung ano ang kwento ng bundok na iyon 'di ba? Alam mo kung gaano kadelikado kapag nagpunta kayo roon. Isa pa, sabihin mo na lang sa mga kaibigan mo na humanap ng mas safe na lugar. Doon, mas may tyansa pang payagan kita. Pero rito, hindi talaga."
I could no longer answer as Grandma picked up her stick leaning against the wall. She slowly stood up, so I supported her.
"Matutulog na ako, Melissa. Pakisara na lang ang pinto, at pakiusap, huwag mo nang itanong muli 'yon, kung ayaw mo na mag-away tayo. Hindi mo na mababago ang pasiya ko," wika niya bago tuluyang pumasok sa kanyang kwarto.
Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pagbagsak ng balikat ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Kung maiinis ba ako o mae-excite. Pero mas okay na rin siguro ito. Kaming dalawa na lang ni lola ang magbo-bonding.
Pagsara ng pinto, dumiretso na ako kaagad sa aking kwarto na katabi lamang ng kwarto ni Lola. Nang pinihit ko na ang seradura ng pinto, binagsak ko na lang ang katawan ko sa malambot na higaan. Pakiramdam ko kasi ay drain na drain na ako ngayon.
Huminga muna ako ng malalim bago dukutin ang cellphone sa unahan kong bulsa. Tinext ko kaagad si Addison na hindi ako makakasama. Sinabi ko rin na mag-iingat siya roon at huwag uminom ng maraming alak, dahil wala ako sa tabi niya para alalayan siya. Baka kasi kung ano na namang trip ang gawin sa kanya nina Johnson at Mark. Kapag lasing pa naman 'yun, ginagawa lahat kung ano ang iutos sa kanya.
Nang pinatay ko na ang cellphone, pinatong ko ito sa side table. Pinikit ko ang mga mata ko habang iniisip kung ano na nga ba ang ginagawa nila sa condo ngayon. Ilang minuto lang ang lumipas, kinapa ko muli ang cellphone sa side table upang tingnan kung mayroon na bang reply si Addison, pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Napagdesisyon ko na lang na ayusin ang higaan at isara ang bintana dahil nararamdaman ko na ring bumibigat ang talukap ng mga mata ko.
Nagising na lamang ako nang patuloy sa pag-ring ang cellphone ko. Kahit hirap na hirap akong imulat ang mga mata ko ay tiningnan ko pa rin kung sino ang tumatawag. Laking gulat ko naman na si Alex iyon. Ang masungit na girlfriend ni Johnson.
"Alex, bakit?" tanong ko habang humihikab pa ako.
"Why?" She sarcastically said. "Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay ninyo for almost two hours, tapos sasabihin mo, bakit?!" She growled, so my narrowed eyes suddenly opened up wide.
I quickly stood up and peeked out the window. I scrubed my eyes, at oo nga! Nandito sila at silang lima ay nakasandal sa itim na kotse ni Johnson. Habang sinusuri ko ang itsura nila, parang kanina pa naghihintay na magbukas ang bintana ko. I immediately opened it, kaya naman bigla silang nabuhayan.
"Bilis!" Sigaw ni Johnson.
Hindi na ‘ko nagpatumpik-tumpik pa, kinuha ko ang itim kong bagpack sa loob ng cabinet saka nilagyan ito ng damit. Pinalitan ko rin ang suot ko ng puting t-shirt at pinarisan ng itim na jeans. Tinali ko rin ang mahaba kong buhok dahil alam ko makakasagabal ito mamaya sa akin.
Hindi ko maiwasang kabahan habang ginagawa ko iyon.
Bago ko ibato sa kanila ang bag ko ay tumingin muna ako sa pader ng kwarto ni lola. Nakokonsensya ako na iwan siyang mag-isa rito pero hindi ko na matatakasan sina Johnson, lalo na nasa tapat pa sila ng bahay namin ngayon. Isa pa, hindi ako maaaring dumaan sa pinto dahil kaunting kaluskos lang ay magigising na si lola. Kaya no choice ako kundi dumaan dito sa bintana. Mabuti na lamang at sliding window ito, pagkatapos ay petite pa ang katawan ko, kaya makakaalis ako rito ng walang kahirap-hirap.
Lumabas muna ako ng kwarto para silipin muli si lola. "I love you, lola," bulong ko saka pumasok ulit ng kwarto.
Dumiretso ako sa bintana at dumungaw doon. Binato ko ang bag ko kay Johnson at mabuti naman ay nasalo niya ito. Paglabas ko ng binatana, umakyat naman ako sa limang talampakan naming pader. Pagtalon ko, nakaantabay naman si Laurenz kaya nasalo niya ako. Tumawa naman sina Johnson at Alex, habang tinutulungan akong tumayo ni Laurenz.
"Ano ba yan, Melissa! Ang tanda mo na pero tumatakas ka pa rin," naiinis na tugon ni Johnson.
"Kung hindi pa kami nagpunta rito, hindi ka pa lalabas. Ang arte talaga," inis na sabi ni Alex. Hinablot niya ang sigarilyo na hinihithit ni Johnson, saka niya ito hinithit.
"Tama na nga ‘yan! Basta ang mahalaga, kumpleto tayong magpupunta sa Shibuya!" sigaw ni Johnson at mabilis na pumasok sa loob ng kotse. Sumunod naman kaming dalawa ni Laurenz.
The four of us: Addison, Mark, Laurenz, and I, were in the backseat. Alex, as usual, nasa passenger seat siya katabi ang boyfriend niya na si Johnson. Pagkaupo ko sa tabi ng passage, napansin ko naman na nauntog sa windshield si Addison. Parang lasing na lasing na siya kaya hindi na niya mapigilan ang antok.
Kinalabit ko naman si Mark na nasa gitna namin at tinuro si Addison. "Mark, puwede ba tayong magpalit muna?"
"Sure," anas niya.
Pagkatapos naming magpalit ng pwesto, hinubad ko ang black kong jacket at pinatong ko iyon sa nilalamig na katawan ni Adisson. Naaamoy ko na rin kasi ang matapang na alak na ininom niya. Pakiramdam ko nga, mamaya sa byahe ay masukahan pa niya ako.
"Ano bang nangyari sa'yo? Sabi ko naman ‘wag kang iinom ng marami 'di ba?" panenermon ko habang inaalalayan ko ang kanyang ulo na isinandal ko sa balikat ko.
Habang papalayo na kami sa bahay, muli kong sinilayan ang bintana sa kwarto ni lola. I could feel the guilt began rising inside me as I think of leaving my lola alone.
Upang mawala ang dull moments sa aming byahe, in-on ni Johnson ang radyo at sakto naman tumapat pa ito sa paborito kong kanta. Habang sinasabayan ko ito, hindi ko na rin mapigilan ang antok, kaya sinabayan ko na si Addison.
Gradually, my eyes widened when the car suddenly rumbled. Nang pagkalingat ko ay nakita ko na naman si Adisson na nakasandal sa may windshiled habang masarap pa rin ang tulog. Ang mga lalaki naman ay binuksan ang kanilang bintana at sumisigaw. Bahagya naman akong natawa.
Nabigla kami nang biglang sinuntok ni Johnson ang steel wheel out of excitement. "Finally! After five hours, malapit na rin tayo, guys!" sigaw niya.
Pag-liko namin sa baku-bakong daan, dumaan naman kami sa isang zigzag road. I enjoyed looking at the view because I can see the gigantic trees, the birds that are freely flying in the sky, and of course the famous and well-known mountain in Qari–The Shibuya.
"Welcome to the Mysterious Mountain," basa ko sa signboard na nakadikit sa puno bago pumasok ang aming sasakyan sa masikip na daan.
When our car hit an intersection, Johnson immediately stopped the vehicle. They happily went down. Addison also woke up when she heard the men shouting. I took my black jacket before going with them. I don't know, but I feel emotions I can’t name, maybe because it's my first time in here together with my new friends. But things aside, I don't know why I'm being nervous. Pag-labas ko ng sasakyan, ang kaninang masayang mukha namin ay napalitan ng pagkabahala.
We were greeted coldly by black people who were called “Ita”. It was a woman on my left side, carrying her child with a diaper while slung over her shoulders. Some of them were holding their child's hand.
Johnson stopped shouting when he saw their faces as if they were disappointed. As I examined them, I saw an old man and a kid who seemed to be only five years old. He looked at me for a moment before he leaned toward his grandson and said, "May bago na namang biktima ang Shibuya."
The smile quickly disappeared from my lips. Johnson, on the other hand, laughed so hard and then took off his sunglasses.
"Huwag na nga natin silang pansinin." Lumingon siya sa amin. "Baka ngayon pa lang sila nakakita ng totoong tao," bulong niya saka muling tumawa.
"Halina kayo!" Sabay inayos ni Johnson ang kanyang salamin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
I don’t know but when we got inside the car, the people's gaze worsened as they heard what Johnson had stated. I let Addison walk in first, and I bowed to them as a sign of respect.