SEVENTEEN
DAHAN-DAHAN kong minulat ang mata ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Johnson sa loob ng tent.
"Alex! Gumising ka, Alex!" sigaw niya, kaya napabalikwas ako. Pati pala si Laurenz ay nakatulog din kaya wala kaming kamalay-malay sa nangyayari. Kinakabahan akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nila at si Johnson ay inilabas si Alex mula sa tent na walang malay. Dire-diretso ang luha sa mata ni Johnson nang inihiga niya ito sa damuhan.
"W—wala na...si Alex!" Napaluhod siya habang hawak ang kamay ni Alex.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa nangyari ngayon, dahil sa totoo lang ay blangko pa rin ako. Nanlaki ang mata konat napanganga nang magtiningnan kami ni Laurenz. Parang hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Johnson na wala na si Alex. Anong wala? Paano nangyari iyon?"
"H..ha? Anong wala? Paano nangyari? Ngayon pa lang ako nagkaroon bg lakas ng loob na magtanong. Dahan-dahan din akong lumapit kay Alex at hinawakan ang kanyang leeg upang tingnan ang kanyang pulso. Lalo akong nanlambot nang wala na nga talaga ito. Hindi na rin siya humihinga. Ang akala mong mahimbing lang natutulog ay wala palang buhay.
"Hindi...hindi ko alam. Wala akong alam. Paggising ko, nakabukas ang pinto ng tent. Ginigising ko si Alex, tapos...tapos wala na!" wala sa sariling sabi ni Johnson. Pinisil pa niya ang kamay ni Alex, bago siya tumayo.
Matalim siyang tumingin sa paligid. "Ano! Duwag ka naman!" sigaw niya. "Bakit hindi mo kami harapin?! Bakit kapag wala kaming kamalay-malay, bakit doon mo kami sinusugod!" Hindi na niya mapigilang humagulgol sa pag-iyak, kaya siya ay napaluhod. Kaagad naman namin siyang sinalo ni Laurenz.
"Bakit? Bakit hindi ko napansin kagabi? Nasa tapat ako ng pinto e! Bakit hindi ako ang inuna? Bakit? Paano? Anong ginawa?" sunod-sunod na tanong sa sarili ni Johnson.
Tumingin naman sa akin si Laurenz at tumayo. Naglakad siya tungo sa kinaroroonan ni Alex at may kung anong tiningnan doon. Ilang minuto din niyang ineksamin ang katawan ni Alex at muling bumalik sa pwesto namin. Sinenyasan niya ako na na dalhin muna namin sa kubo si Johnson. Sa inaakto niya ngayon, mukhang may nakuha siyang sagot mula roon.
"Mamamatay na ba tayong lahat? Kuhanin niyo na ako! Bakit inuna niyo pa si Alex?" hindi pa rin tumitigil sa kakasigaw si Johnson.
"Namatay sa sakal si Alex." panimula ni Laurenz, kaya napatingin kami sa kanya. Natigil din sa pag-iyak si Johnson at seryosong nakinig sa kanya. "Base sa nakita kong sugat sa leeg niya, sigat iyon galing sa kuko ng isang tao."
"Ibig sabihin, tao nga ang kalaban natin dito?" tanong ko.
Tumango si Laurenz. "Hindi lang tao, Mellisa. Isang halimaw. Bukod kasi sa pananakal, parang mayroon pa itong ginamit na kung ano, kaya wala tayong narinig o hindi nating naramdaman na nagpupumiglas si Alex habang ginagawa ang pagpatay. Mukhang pinag-isipab talaga nito ang kanyang plano." pagpapaliwanag niya.
"Pero nandoon ako kagabi, Laurenz! Paano nangyari iyon? Hindi maaaring hindi ko marinig ang sigaw ni Alex!" pag-aalma ni Johnson.
"Maaaring gumamit din ito ng pampatulog. Mayroon kasi akong naamoy na hindi pamilyar kay Alex sa mga ginagamit niya. Habang tinitingnan ko kanina ang katawan niya pati ang pagkakasakal, ang sugat nito ay nakatapat sa mga numero. Hindi ko alam kung sinasadya ba iyon o hindi pero parang may mali talaga rito," aniya.
Napapaisip pa rin ako. Imposible kasi talaga na hindi man lang marinig ni Johnson kahit pagpipiglas ni Alex? Ilang dangkal lang ang layo nila! Kung pumasok ang mamamatay tayo sa loob ng tent, siguro naman magugulo ang tent, dahil sa ginagawa ng mamamatay tao?
"Masyadong magulo." sabat ko. "Pero siguro kailangan na talaga nating umalis dito."
"Umalis?!" Tiningnan ako nang direkta ni Johnson. "Kung kailan namatay na ang mga kasamahan natin Mellisa? Doon mo pa talaga naisip 'yan?" tumawa siya nang sarkastiko. S amga oras na ito ay gusto ko na kaagad bawiin ang sinabi ko. "Mellisa, kapag umalis tayo rito, para na rin nating tinalikuran ang lahat! Ang p*****n pati na ang pagkawala ng mga kaibigan natin! Sige, umuwi ka na sa iyo! Umuwi ka na! Iwan niyo na ako rito!" pagtataboy niya.
"Johnson hindi naman sa ganon—" Hindi na pinatapos ni Laurenz ang pagpapaliwanag ko at kinalabit niya ang braso ko saka tumango.
"Yes, you're right Johnson. Pero bago tayo makapaghanda, kailangan muna nating alamin muna kung sino ang mamamatay tao na iyon. Kailangan nating bumaba sa bundok at pagtanong. Aasa tayo sa mga tao na matatagal nang naririto. Kasi kung tayo lang, talagang paglalaruan tayo mamamatay tao na iyon."
Tama si Laurenz. Hindi namin maaaring asahan lang ang aming sarili dito sa taas ng bundok. Masyadong delikado, kung kami lang ang gagawa ng hakbang lalo na kung hindi namin alam kung sino iyon at kung ano ang intensyon nito sa amin. Hindi naman sa pag-iisip-isip, pero pakiramdam ko ay mga tao rin sa baba ang may gawa nito, dahil sa ginawang pambabastos ni Johnson. Pero hindi ba sapat na iyon? Sapat na ang isang buhay, pero bakit inuunti-unti nila ang grupo namin.
Maaga-aga pa, kaya nagpasya kaming bumaba nang bundok. Ingat na ingat kami sa paglalakad. Inaalalayan naman namin si Johnson. Siya ang nauuna, pangalawa ako at pang huli si Laurenz, maige rin kaming nagmamatiyag sa gilid-gilid dahil hindi namin alam kung saan at anong oras sasalakay ang aming kalaban.
"Dito tayo!" Turo ko sa puno na palatandaan ko kung saan kami umakyat noon. Dalawa kasi ang daan at talaga ngang nakakalito rito. Sa kaliwa ay ang daang pabalik sa taas ng bundok, habang ang kanan naman ay ang daan pababa. "Minsan na tayong naligaw ng daang ito, kaya tinandaan ko na," pagpapatuloy ko.
Habang naglalakad kami pababa, nasisilayan ko na ang mga bahay-bahay sa ilalim ng bundok. Ngayon ko lang din nakita na mayroon din palang bahay sa gilid nito. Mga tatlong bahay lang naman. Iniisip ko kung paano ay gumuho ang bundok, pagtapos bigla silang matabunan katulad ng napapanuod ko sa TV, pero huwag naman sana.
"Nakikita ko na ang daan pababa," ani Laurenz nang masilayan ang mga matutulis na bato sa ibaba. Ito na nga iyon, malapit na kami. Bago pa kami makababa ay may nakasalubonv na kaming isang pamilya ng Ita. Lima sila, ang tingin kong kanilang tatay ay may dalang basket sa kaniyang likuran, habang ang taglong anak naman ay tag-iisanv mga bote ng mineral at ang asawang babae ay mga labahan. Napahinto sila nang makita kami.
Napayuko na lang si Johnson at Laurenz habang ako ay pinagmamasdan ang pagtataka sa kanilang mata.
"Hindi bat marami silang unakyat diyan?" bulong ng babae. "Mukhang patay na yata ang iba."
Huminga ako nang malalim ay tumingin nang direkta sa babae. "Pwede po ba kaming magtanong?" nilakasan ko na ang loob ko. Kahit hindi pa sila pumapayag ay sinu od ko na ang tanong.
"Alam ho ba ninyo kung saan dito nakatira si Lola Elena?"
Kaagad naman silang umiling lahat. Wala ni isa ang lumabas sa kanilang bibig at kaagad na umalis. Nagtutulakan pa sila upang makauna sa paglalakad.
"Anong nangyari sa mga 'yun?" kuryos kong tanong.
"Baka hindi nila kilala si Lola Elena," tanong ni Laurenz.
"Imposible!" padaskol kong sabi. Sa bait ni Lola Elena at sa tagal niyanh caretaker dito, hindi malabo na hindi pa siya kilala ng mga tao rito!
"Hayaan niyo na sila. Bumaba ba tayo at maghanap ng makakausap! Hindi na ako makapaghimtay na patayin ang gago na iyon kung sino man ang nanti-ttip sa atin," galit na sabi ni Johnson, kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Nang makababa na kami, nagpalakad-lakad muna kami upang sana ay kumausap ng kung sino, ngunit mukhang wala naman silang balak, dahil katulad nang una naming baba dito ay nilalayuan nila kami.
Hindi ko tuloy maiwasang mailang at paulit-ulit na yumuyumo upang humingi nang sorry. Napunta din kami sa isang maliit na tindahan. Mabuti na lang at may natira pa akong pera dito, kaya naman bumili ako ng pagkain namin. Habang namimili, naririnig na naman namin ang pagbubulungan ng mga tao sa aming paligid.
Napansin siguro ng tindera na hindi ako kumportable, kaya pagkaabot ng sukli ay hinawakan niya ang kamay ko. Nabigla naman ako at tumingin sa kanya. Tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak niya pero bigla siyang nagsalita.
"Umuwi na kayo habang maaga pa, bago kayo maubos na magkakaibigan."
"P—po?" kahit takot ay naglakas-loob pa rin akong nagtanong.
"Hindi mo alam kung sino ang pagkakagtiwalaan mo sa lugar na ito. Mag-ingat ka, sarili mo lang ang maisasalba mo. Kung mayroon mang nagbuwis ng buhay, sigurado ay inalay na iyon."
"Inalay saan?" tanong ko muli. Halos hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi nito.
Bigla namang siyang napatingin sa labas, kaya hindi na muling nagsalita at binitawan ang kamay ko. Pagtingin ko naman, nakatingin din pala sa akin ang tatlongbmatandang babae na mukhang susunod na ring bibili.
"Sorry po," paumanhin ko, saka inaya na sina Johnson na abala sa pagsimsim ng tubig mula sa plastik.
Nang makalayo na kami sa mga nagkukumpulang tao, sinimulan konna ang pagkukwento ng nalaman ko tungkol sa kanila. Kahit sila ay walang kaide-ideya sa sinasabi ko, kaya tanong sila nang tanong kung mayroon pa bang ibang sinabi maliban doon.
"Wala na. Naputol ang pag-uusap namin ng tindera, dahil nakabantay na sa atin iyong tatlong matanda. Kahit nga ako ay nagular din, dshil matalim ang tingin sa akin," paliwanag ko.
"Paano kaya kung hintayin natin silang makaalis? Kausapin natin iyong tindera mamaya pagkaalis nila? Mukhang saglit lang naman ang mga iyan," ani Laurenz habang tinitingnan namin ang tindahan kung saan namimili na sa ngayon ang tatlong matanda na nakasuot ng mga saya.
Habang hinihingay naming umalis ang tatlong matandang babae ay humanap muna kami ng aming pagsisilungan at doon muna mamamalago hanggang sa matapos ang kanilang pag-uusap. Habang abala sila sa oagkukwentuhan, kami rin ay nag-usap na kung ano ang magiging balak namin para mamaya. Habang nagpapaliwanag na si Johnson, napatigil naman siya nang may lumipad sa aming pwesto na isang plastik ng mga niyuping tansan. Pagtingin namin ay palapit naman sa amin ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad lima hanggang pito. Nakausot ito ng marumi at sira-sirang damit. Madumi din ang kanyang mukha, dahil sa alikabok sa kalsada.
"Bata oh." Abot ni Laurenz nang plastik at kaagad naman iyong sinamsam ng bata at mabilis na tumakbo. Napansin ko namang napatigil sa pag-uusap ang tatlong matandang babae at napatingin sa direksyon namin.
Hindi ko alam kung nag-overthink lang ba ako, pero pagkatingin nila sa amin ay nagsimula na naman ang kanilang pagbubulungan. Hinayaan ko na lamang iyon at tinuon ang atensyon sa oras na gugugulin namin sa paghihintay.
Hindi namin namamalayan na dalawang oras na pala kaming nakatambay sa ilalim ng puno ng kawayan, habang pinapanuod namin ang mga bata. Sa tingin ko rin sa mga matatanda ay ayaw pa nilang umalis sa tapat ng tindahan. Magtatanghalian na ah? Hindi pa ba sila gutom?
"Mukhang nagsasayang lang tayo ng oras dito," singhal ni Laurenz nang maoansin din na hindi pa rin sila umaalis hanggang ngayon.
"Ano sa tingin ninyo? Babalik na lang ba tayo?" tanong naman ni Johnson.
Hindi ako sumagot. Si Laurenz lang kasi ang makakaalam niyan, kaya pinaubaya ko na sa kanya ang tanong ni Johnson.
"Oo. Maghanap muna tayo ng ibang mapagtatanungan. Saka na lang din tayo bunalik dito, medyo hindi maganda ang pakiramdam ko," aniya.
Nagsimula naman kaming tumayo at maglalakad na upang mag-ikot-ikot sa baryo, ngunit bago kami tumuloy, napansin ko pa sa gilid nang mata ko ang matatalas na tingin sa amin ng tatlong matanda.
Ano kaya ang mayroon sa kanila?
NANG makalayo na kami sa lugar na iyon, doon ko lamang napagtanto ang lahat! Kaya pala pamilyar ang mukha ng isang matanda na hindi pa gaanong putinang buhok at nakaipit iyon paitaas ay dahil isa iyon sa sumalubong sa amin dito at nakita ang pagbastos na ginawa noon ni Johnson sa kanilang ninuno. Pero teka...
Ninuno? Nasaan nga pala iyon?
"Johnson, Laurenz?" tawag ko sa kanila habang naglalakad, kaya natigilan sila sa pag-uusap. "Naalala niyo pa ba iyong ninuno nila rito na sumalubong sa atin noon? Si Ka...K—ka..."
"Ka Marsing." pagpapatuloy ng hindi kilalang tao sa aming harapan, kaya naman natigilan kami. Unti-unti ko nang natatandaan kung sino ito.