PEAK FORTY NINE Elena's POV Mabuti na lang kahit na papaano'y mayroon na akong bihag. Iisang dugo na lang at ang matagal ko nang hinihintay na pagkabuhay na mag-uli ng aking anak ay magaganap na. "Isang dugo ng mahal sa buhay ng taong nagsanhi ng pagkawakas ng buhay." Mga talatang nabasa ko sa aklat na akda ni lola na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin. Wala ng ibang mahalaga sa akin kundi ang makamit ko ang pinakaasam-asam kong tagumpay. Ilang taon ko rin itong hinintay kaya't hindi ko pababayaan na maging isa pa itong kabiguan. Habang buhat namin ang matandang si Emma kasama ang anak kong si Lance, pilit siyang pumapalag kaya't wala akong ibang mapagpipilian kundi gawin sa kaniya ang ginawa ko noon kay Mario nang mahuli niya akong ginagamot ang anak naming si Miriam. Mahu

