Elena's POV (from the diary) Ngayon, dumating sa aking buhay ang pinakamagandang regalo na hindi ko hiniling, pero natanggap ko. Iniluwal ko ang pangalawang supling namin ni Mario. Bakas sa mga mata niya ang kasiyahan dahil matagal na nang ipanganak ko ang una naming anak. Sa totoo lang ay gusto niyang magkaroon ng lalaking anak, pero hindi nagdulot sa kaniya ng pagkadismaya ang pagbibigay-buhay ko sa isang babaeng sanggol. Napakasaya ng araw na ito. Hindi ako gaanong makatayo nang maayos pero sulit, sulit ang sakit, and hirap at pagod. Sapagkat isang anghel ang aking isinilang. Habang ginagawan ko ng gatas ang mahal kong anak, iniwan ko muna siya sa kaniyang higaan nang tulog. Habang gumagawa ng gatas ay dinig ko ang napakalakas na iyak niya. Tila mabubunot ang kaniyang baga sa so

