LAURENZ POV MINSAN mas mabuti na ang mapag-isa sa buhay, kaysa makisama sa mga alam mo namang makakasama sa iyo. Bata pa lamang ako, hindi na ako pinagkalooban ng Dios na magkaroon ng marmaing kaibigan. Bukod kasi sa weirdo kong personalidad, hindi rin ako palakaibigan tulad ng ibang kabataan. Nasanay ako na libro ang aking hawak at sa malawak kong imahinasyon, nakakagawa ako ng sariling mundo, gamit ang pluma at papel. Kahit namang madalas wala sina mommy at daddy okay lang sa akin. Mas mabuti nga iyon, dahil kapag nasa bahay sila palagi na lamang silang nag-aaway tungkol sa pera. Noon, ang sabi ko sa sarili ko, okay na kahit hindi na ako magkakaroon ng kapatid, dahil masaya na akos a mga librong nakolekta ko. Pero mali pala ako. Dumating sa buhay namin si Luke. Madalas wala sina mam

