bc

The Lost Soul

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
arrogant
brave
tragedy
ghost
phantom
small town
friendship
supernatural
brutal
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Ang masayang outing ng limang magkakaibigan na nauwi sa isang malagim na trahedya. Sa kabutihang palad ay isa sa kanila ang nakaligtas si Miley Delos Santos. Ngunit isang araw ay nagising siyang hindi alam kung nasaang lupalop siya ng mundo napadpad. Hindi pamilyar sa kaniya ang lahat ng bagay sa paligid at lalong hindi kilala ang mga "taong" nakakasalamuha. Ano ang kaniyang gagawin kung isang araw ay matuklasan niya na isa na pala siyang kaluluwang ligaw?

Sa panahon na naliligaw si Miley sa gitna ng kagubatan ay hindi inaasahan na makikilala niya si Night na nagtataglay ng kakaibang kakayahan bilang isang "Spirit Medium".

Matutulungan kaya siya ng binata na ubod ng suplado at yabang? Magawa pa kaya ni Miley makabalik sa pisikal niyang katawan? O mauuwi sila sa kakaibang pag-iibigan? Is a lost soul like her even allowed to fall in love with a living handsome and a hot guy like him?

-Ongoing-

TRIGGER WARNING:

The following scene may contain strong and potentially offensive language, highly explicit and excessive s****l activity, many scenes of intense violence, trauma, death and murder which may be offensive or disturbing to some readers.

chap-preview
Free preview
Prologue
All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval system, without permission in writing from the author, except by the reviewers, who may quote brief passages in a review. Some events and characters in this book are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the author. TRIGGER WARNING: The following scene may contain strong and potentially offensive language, highly explicit and excessive s****l activity, many scenes of intense violence, trauma, death and murder which may be offensive or disturbing to some readers. READ AT YOUR OWN RISK Tumatakbo ako nang mabilis sa gitna ng madilim at masukal na kagubatan. Tanging liwanag na nagmumula sa buwan ang tanging gabay ko sa bawat hakbang. Hindi ko rin alam kung saan at paano ko nabitawan ang hawak kong flashlight. Kailangan kong bilisan sa pagtakbo dahil naririnig at nararamdaman ko ang bawat hakbang ng lalakeng sumusunod sa akin. Impit akong napasigaw nang makarinig ng isang putok ng baril. Sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko at kahit nararamdaman kong nasusugatan ang mga hita ko sa mga talahib na dinadaanan ay hindi ko na alintana. Napahinto ako sa pagtakbo at napalingon sa pinanggalingan nang makarinig ng isang malakas na sigaw ng babae. Nagtatalo ang isip at katawan ko kung ano ang dapat kong gawin. Babalik ba ako sa pinanggalingan? o ipagpapatuloy ang pagtakbo? God! Please help me! "Malapit na ako! Mahuhuli rin kita miss byutipol!" Napaigtad ako nang marinig ang isang nakakakilabot na boses ng lalake. Muli akong tumakbo nang mabilis kahit na unti-unting dumidilim ang kapaligiran dahil sa bahagyang natatakpan nang makapal na ulap ang liwanag ng buwan. "Ricel, Anne, Sheena, Jenny... Don't worry I'll be back. I'll be back! I promise. I had to get away and need ask for help.” I cried hard as I murmured my best friends names. Nakarinig ulit ako ng putok ng baril at sa pagkakataong iyon ay naramdaman kong may tumagos sa aking kanang hita. "Aahh!" I screamed because of the extreme pain I felt. "Wala ka na ngayon kawala sa akin miss Byutipol! pinapahirapan mo ako ngayon sa paghabol sa iyo ha?! puwes! Papahirapan din kita mamaya bago ko basagin ang bungo mo!" Umalingawngaw sa gitna ng kagubatan ang nakakakilabot na boses at halakhak ng lalake na humahabol sa akin. I never stopped running and continued to endure the ache and pain I felt from being hit by a gunshot. Hindi ako puwede mahuli ng demonyong iyon! Kailangan kong makalayo at makahingi ng tulong. Pasikot-sikot ako sa gitna ng gubat at hinahawi ang mga makapal na talahib na nakaharang sa aking dinaraanan. Nanginginig ang katawan ko sa sakit at hapdi dahil sa tama ng baril sa aking hita. Tumingala ako sa buwan dahil pakiramdam ko parang mas lalong dumilim ang paligid. Ang kaninang maliwanag at maaliwalas na kalangitan ngayon ay naglaho na. Tila ba'y nagbabadya ang isang malakas na ulan. I quickly stooped down when I heard gunshots again and a sharply cursed. "Putang-ina mong babae ka! Ginagalit mo talaga ako ha! Humanda ka kapag nahuli kita. Puta ka! Papatayin kita sa sarap at romansa miss Byutipol!" Dinig kong sigaw ng lalakeng humahabol sa akin. Galit at excitement ang nababanag ko sa boses nito. "No! no! God please. help me!" Hindi ko na mapigilan sumigaw at pumalahaw nang malakas na iyak. Naiisip ko pa lang ang gagawin sa akin ng lalakeng iyon ay parang bumabaligtad na ang aking sikmura. Bumalik sa aking isipan ang mga eksenang nasaksihan ko kanina. Mayroon limang kalalakihan na nakapalibot sa mga itinayo naming malaking tent. They were all wearing black jackets and faded jeans. Nakilala ko ang isang lalake na hawak nang mahigpit si Ricel sa buhok at paulit-ulit nito sinusuntok sa sikmura ang kaibigan ko. Pagkatapos nang ginawa nitong pananakit ay walang alinlangan na kinubabawan ang kaibigan ko at walang awang pinagsamantalahan. Ang lalakeng iyon! Siya ang lalakeng namataan ko sa paanan ng bundok. Nakatambay sa isang waiting shed at kausap ang ibang turista. Ang lalakeng iyon ay isa sa mga tour guide at kasama namin na umakyat sa bundok. Hindi ko na napigilan ang maduwal nang bumalik sa isip ko ang ginawa nila kay Sheena. Hinubaran at binaboy ng dalawang lalake. Kahit sumisigaw na sa sakit at pagmamakaawa ang kaibigan ko ay wala parin tigil ang dalawang lalake sa pagbayo sa hubad na katawan ni Sheena. Nagsalitan ang mga ito kumubabaw sa katawan ng kaibigan ko. Mga hayop sila! Mga demonyo! Pagbabayaran nila ang ginawa nila! I abruptly looked up at the night sky when the heavy rain suddenly fell. Sa sobrang lakas at malalaking patak ng tubig ulan ay hindi ko na maaninag ang lupang tinatapakan ko. Tumakbo ako nang walang direksiyon. Ang tanging nasa isip ko lang ay makalayo at makahingi ng tulong. Halos tumalon ang puso ko sa sobrang gulat at takot nang may humablot sa aking braso at marahas ako hinigit. s**t! Naabutan ako ng lalakeng humahabol sa akin! Para akong mawawalan ng malay ngunit mas nilakasan ko ang aking loob at kinagat nang mariin ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa aking braso. "Aray! Putang-ina mong babae ka! Palaban ka talaga ha!" Galit na sigaw nito at marahas akong sinuntok sa sikmura. Napaluhod ako sa sakit at nahirapan huminga dahil sa lakas nang suntok niya. Hindi pa siya nakontento at sinipa ako nang malakas sa ulo. Bumaligtad ako at napahawak sa ulo. Pakiramdam ko ay para akong lumutang sa kawalan dahil sa hilo at sakit na naramdaman. Malakas akong napahiyaw nang punitin ng lalake ang suot kong t-shirt. Nanginig ako sa lamig ng hangin at tubig ulan. Dagdagan pa ng sakit at hapdi ng sugat ko. "Sa wakas! Matitikman na kita miss Byutipol! Ikaw talaga ang gusto kong tikman eh. Ang puti-puti mo at ang ganda-ganda mo!" Tila nahihibang na saad ng lalake at marahas nito hinawakan at pinisil nang mariin ang dalawang dibdib ko. Sa kabila nang panghihina ng katawan ay nanlaban pa rin ako at pilit siya tinutulak palayo mula sa akin. Ngunit malakas siya at mabigat ang katawan na ngayon ay nakadagan na sa akin. "Help! Help me!" I scream even though my voice was hoarse yet I let out a high-pitched scream even more. Paulit-ulit ako sinampal ng lalake at nararamdaman ko na ang pangangapal ng aking magkabilang pisngi. Halos manhid na ang aking mukha sa sobrang lakas nang sampal at suntok niya. He kissed me violently on my lips, neck and on my breasts. Nakakadiri ang amoy ng hininga nito pinagsamang amoy ng alak, sigarilyo at isa pang kakaibang bagay na amoy mula sa bibig ng lalake. Namumula ang mga mata niya. Nanglilisik din sa galit at excitement. I knew he was under drugs! Sipa at kalmot ang panlaban ko sa kaniya. Pilit ako lumalaban upang hindi matuloy ang masamang balak niya sa akin. Kailangan ko mailigtas ang aking mga kaibigan. Nangako ako na babalikan ko sila. Kailangan ko sila balikan at tulungan. Hindi ako maaaring mamatay sa kamay ng lalakeng ito! Hindi alintana ng lalake ang sipa, kalmot at sampal na pinapakawalan ko at patuloy pa rin ito sa pagpisil at paghipo sa iba't-ibang parte ng aking katawan. Natigilan ako sa pagpupumiglas nang mayroon akong makapa na matigas na bagay mula sa aking tagiliran. Isang malaking bato! Mabilis ko itong inabot at malakas na ipinukpok sa ulo ng lalake. Apat na beses ko siya hinampas ng malaking bato sa ulo hanggang sa gumulong siya palayo sa akin habang sapo ang ulo na nagdurugo. "Aray! Ahh! Lintik kang babae ka! Papatayin na lang kita ngayon na!" Nanglilisik ang mga mata nito na nakatingala sa akin. Kahit hirap sa pagkilos ay pilit akong tumayo. Buhat-buhat ko ang malaking bato gamit ang dalawang kamay at ibinagsak ko iyon nang malakas sa paa ng lalake. Napahiyaw ito sa sakit at marahas na nagmura. Kitang-kita ko ang mga dugo niyang umagos mula sa loob ng sapatos. Tumalikod ako at kahit hirap sa paghakbang ay pinilit akong tumakbo. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay nakarinig ulit ako ng isang putok ng baril. Napahawak ako sa aking balikat nang may sumirit na hapdi at nakakasulasok na sakit doon. Nanlabo ang aking paningin nahirapan din akong huminga at sa paghakbang. Nawalan ako ng balanse at natumba ako sa basang lupa at putik ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagdausdos ng aking katawan patungo sa malalim na parte ng lupa. Nasa gilid ako ng bangin at napakatarik na bangin iyon! Bahagya ko rin naririnig ang malakas na alon na nagmumula sa kung saan. Pakiramdam ko ay lumilipad ako sa kawalan. Umiikot ang aking paningin at namamanhid na ang aking buong katawan sa samo't saring sanga ng puno, matatalas na batong maliliit at mga malalaking balag na tumatama sa aking buong katawan. Namataan ko mula sa ilalim ng bangin ang aking babagsakan. Puting buhangin at bahagyang hinahampas ng tubig dagat. Katapusan ko na ba? Mamamatay na ba ako? Tumulo nang sunod-sunod ang aking mga luha. Ricel, Sheena, Anne, Jenny. Ang mga kaibigan ko. Kailangan ko silang iligtas! Kailangan ko silang balikan! Hindi pa ako maaaring mamatay ngayon. Kailangan kong mabuhay para sa kanila. "God, please! Don't do this to me! Help me. Please somebody help me." My tears continue to flow as I mumbled my prayer in my mind. Hanggang sa bumagsak ang katawan ko sa buhangin na may malalaking bato. Sa lakas ng impact nang pagbagsak ko ay literal kong narinig ang mga buto sa aking katawan na nagkadurog-durog. Mahina akong napaungol sa sobrang sakit ultimo pagsigaw ay hindi ko na magawa. Tanging pagluha lamang ang aking nagawa. Ultimo ang malakas na bagsak ng tubig ulan ay hindi ko na alintana. Kahit ang hampas nang malakas na alon sa aking katawan ay walang nagawa upang pawiin ang sakit at hapdi na aking nararamdaman. Sunod-sunod na malalim na paghinga ang ginawa ko at hindi ko alam kung gaano ba ako katagal na nakatingin sa kawalan. Hanggang sa unti-unti ay wala na akong marinig at maramdaman. Kahit na anong ingay mula sa aking paligid ay hindi ko na naririnig. Wala na akong maramdaman. All I can see was the full moon and the night sky. Hindi nagtagal ay unti-unting lumalabo ang aking paningin. Ngunit bago ako tuluyan sakupin ng dilim ay mga mukha ng aking mga kaibigan ang aking nasilayan. Mga masasayang alaala at ang tunay naming pagkakaibigan sa loob ng maraming taon. Mga tawanan, kulitan at kantahan habang nasa loob kami ng isang sasakyan. Ang mga kaibigan ko. . . Ito na nga ba ang katapusan ng aking buhay? Ito na nga ba ang huli? Ako si Miley Delos Santos at ito ang aking kuwento.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.7K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.5K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.2K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.9K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
27.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook