bc

The Island of lust

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
billionaire
one-night stand
friends to lovers
arrogant
heir/heiress
blue collar
drama
mystery
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Alana got an offer to join a game with a cash prize of $1 billion if she won. Despite not knowing what game she'd be joining, she still decided to join the game because the cash prize would be a great help in her life. But little did she know, the little she'll be joining is a love game. She'll need to make the hot billionaire man, who doesn't care about love, fall in love with her. Will she be able to make him fall in love with her? or fail to do so?

chap-preview
Free preview
1
Isang ordinaryong tao lang naman ako na naninirahan sa isang probinsya. Patay na ang mga magulang ko kaya ako nalang mag-isa sa buhay, ang mas malala panga ron ay hindi ko pa sila nakikita. Lola ko lang ang kasama ko lumaki na ngayon ay wala na. Sa madaling salita, mag-isa nalang ako sa buhay ngayon. Kakagulat hindi ba? Pero ang masaklap, miserable nanga ang buhay ko mas lalo pang naging miserable.. “Beshy, sali ka na rito sa game na ito oh. Samahan mo ako mag-apply. Maganda itong game na ’to maraming fafa!” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. “Wala akong pakialam sa fafa na 'yan. At tsaka, ano bang klaseng game 'yan?” “Ah basta beshy! Mananalo ka nang 1 billion kapag nahulog ang loob sa’yo—" Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya sapagkat biglang sumulpot sa harapan namin ang isang lalaki. “Follow me,” Hinila naman ako ni Karina pasunod sakanya. Nakita ko ang isang babae nakaupo sa table. Sobrang ganda niya at halatang mayaman, siya siguro ang nag hahandle ng game na 'to. Tinignan niya pataas pababa ang kaibigan ko, "Matangkad, ekis. Maganda check pwede na, may boobs ekis, sexy? ekis” Siraulo ba ang babaeng ito? Ano ba itong sinasalihan namin? Punyeta, mag hohostess ba kami rito? Akmang aalis na ako nang bigla akong hinarang ng dalawang nakablack na lalaki. “Ah hehe, bawal ba umalis?” Tanong ko ngunit hindi manlang sila sumagot at nakaharang pa rin sa daan. “You failed. Next,” Aniya ng babae at malungkot naman si Karina na umalis sa harap ng babae. "Beshy, ikaw na! Fighting!! Ipanalo mo ha? Balatuan mo na lang ako," Masayang sabi niya at umalis na sa harapan ko. Ano ba itong pinasok ko? Tinignan ako pataas pababa ng babae at bahagya ko namang inikot ang mata ko. Kung makatingin naman ay kala mo hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. “Congratulations you passed, proceed to the next room.” “Our contestants are already complete. I'll tell you the instructions of this game so you better listen well.” “The point of this game is you need to make our bachelors fall inlove with you. Our bachelors is handsome and hot billionaires so it will not be a problem to you girls.” Tang— Ano raw? Prank ba 'to o ano? Nasa reality show ba’ko? Anong klaseng game ’to? “First instruction is you'll need to make them fall inlove to you, but the rule is you must not fall inlove with the partner that will be given to you. The first person to make their partner fall inlove with them will be going home with a 1 billion in their hands. Again, I'll repeat myself. If you starts to catch feelings with one of them, I'm sorry but you'll be eliminated. That's all, thank you.” Nag taas naman ako ng kamay para sana mag tanong kung pwede mag backout ngunit parang nabasa ng babae ang nasa utak ko kaya muli itong nagsalita. “You can’t leave the game unless you're eliminated, that's all thank you.” Habang ang mga kasama kong babae ay sayang-saya dismayado naman ako sapagkat hindi ko alam kung anong klaseng kalokohan ang pinasok ko. Mga manyak ba ang lalaking nandirito? Bakit kailangan nila ng babaeng magpapakilig sila? Halatang mga tigang letche. Wala silang magawa sa pera nila kaya ginagastos nalang sa kung ano ano. Pinasakay kami sa isang airplane, hindi ko na naitanong kung saan kami pupunta. Hindi ko alam pero labag pa rin sa loob ko ito, pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Andito na'ko e. Tsaka sige, dapat iconsider ko na rin. 1 billion na 'yon e, hindi naman ako mamamatay kung susubukan ko. Bukod pa ron ay malabong-malabo na maiinlove ako sa isang lalaki. “We’re here,” Bumaba na kami at nanlaki ang mata ko sa nakita. Isang private resort ito na sobrang ganda at laki. Sa totoo lang ay first time ko lang makakapunta sa ganito at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha. Parang nalimot ko tuloy bigla kung ano nga ba ang dahilan kung bakit ako nandirito. Nilibot nila kami sa aming mga kuwarto at sinabi rin na ang mga bachelor daw ang mga mamimili ng kanilang partner na babae na gusto nilang magpakilig sakanila. Parang tanga lang e ’no? Hindi ko alam kung anong klaseng trip ito pero bahala sila, para sa pera titiisin ko. Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang mga lalaking nakaupo sa isang lamesa. Puro gwapo.. at halatang mayayaman, kung ganito na sila kagwagwapo bakit pa nila naisipan ang kalokohan na ito? Halos lahat ay guwapo ngunit dumapo ang paningin ko sa isang lalaking moreno na may pagkasingkit ang mata, hapit na hapit ang tshirt na suot niya sakanya dahil sa magandang build ng kamay. Kitang-kita ko ang perfect define jawline niya at ang matangkad na ilong. Sa lahat ng lalaking nandirito kakaiba ang appeal niya sa’kin at siya lang ang mukhang hindi interesado. “This is our bachelorettes. Meet our contestants, you can choose your partners now. But first, let's start with Mr. Yvanéz.” Nakita kong dumapo ang kanyang paningin sa’kin. At hindi na iyon nawala. “I'll choose this girl. She's the most unattractive of all the girls and she looks normal. So I'm already certain that I won't fall in love with someone like her," Turo niya sa’kin habang naglalaro ang nakakalokong ngisi sa labi. Tumingin ako sakanya nang hindi makapaniwala. Most unattractive?! Seryoso ba siya? Alam ko namang simple lang ako at ako ang pinaka walang ayos ngayon sa mga babaeng narito ngunit kailangan niya talagang sabihin iyon? Nakakainsulto siya ah! Patago ko nalang siyang sinamaan ng tingin. Isa kang malaking pakyu. “Miss Alana Dayagdal you may sit now beside Mr. Yvañez, " Siya pa naman pinaka pogi sa mga nandirito sa paningin ko ngunit sa paningin niya ay ako ang pinakapangit sa lahat ng contestants nakakabwisit. Tinignan ko ang mga babaeng nasa harapan pa rin at kitang-kita ko ang inggit sa mga mata nila. “Long time no see Alana. It's been a while huh?” Nanlaki ang mata ko nang binanggit niya ang pangalan ko. Bakit kilala niya ako?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

All For You, Daddy

read
48.9K
bc

The Mafia’s Princess

read
68.6K
bc

The Forgotten Luna

read
2.8K
bc

Betrayed By Her Fiance

read
5.8K
bc

S*x With The Virgin Maid 18+

read
224.5K
bc

Steamy S*x Stories

read
121.4K
bc

Mated In Chaos

read
2.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook