Hindi mapalagay si Travis sa kanyang kinauupuan. Dalawa sa mahalagang tao sa kanyang buhay ay kinidnap ng mga masasamang tao. Hindi niya alam kung sino ang uunahin sa dalawa. Ang asawa ba niya na kinidnap ng dating empleyado na hindi niya kilala ang buong pagtao nito o ang anak niyang nasa kamay ng mortal niyang kaaway. "Travis, ibalik mo sa akin si Trigan. Hindi ko kakayaning mawala siya sa akin. Kilala mo si Mori, halang ang kaluluwa non kahit bata ay kaya nong patayin." ani ni Claire. Gulong-gulong na ang isip niya. Hindi niya inaasahan sa tanang buhay na mangyayari ang ganito, para siyang pinapapili kung sino ang ililigtas sa dalawa. "Carl, did you track her?" Alalang-alala na siya sa asawa. Hindi niya lubusang kilala si Macario baka mas halang pa ang kaluluwa non kaysa kay Mori.

