Nakangiting pinagmamasdan ni Claire ang pamilyang Hayes at McCain na abala sa paghahanda para sugudin ang kuta ng Iromary mula sa cctv habang umiinom ng wine. Ang lahat ay naaayon sa kanyang plano ang pag-awayin ang ang dalawa sa pinakamalakas na organisasyon sa mundo ng mafia. Zinoom niya ang kuha sa isa sa monitor kung saan nakikita niyang maigi si Travis. Mababatid sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa asawang si Stephany at kay Trigan. "Ako lang sana ang pinili mo mahal ko masaya na sana tayo ngayon kasama si Trigan." anya habang hinahaplos ang mukha ni Travis sa monitor. "Madam-" Hindi natapos ng tauhan ang sinasabi nang marinig ang pagpulahaw ng iyak ni Trigan. Sandaling iniwan ni Claire ang ginagawa para daluhan ang anak sa kabilang kwarto. "Ssh. Tahan na baby, mommy's here.

