Nagising si Stephany nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril. Agad siyang napabalikwas nang bumukas ang pinto ng kwarto na tinutulugan niya. Iniluwa rito si Bruno na may bitbit na baril. "Stephany, kailangan na nating makaalis bago pa nila tayo maaabutan dito." ani ni Bruno. Dali-daling bumangon si Stephany at lumapit kay Bruno. "Nasa'n si Mori?" Nag-aalalang anya. Sa maikling panahon na nakilala niya ito tinuring na rin niya itong kaibigan at alam niyang mabait itong tao. "'Wag mo na siyang alalahanin kaya na niya ang sarili niya ang mahalaga makaalis ka rito dahil ikaw ang pakay nila." "Anong ibig mong sabihin? Hindi ba sila Travis ang lumulusob sa atin?" Naguguluhang anya. Akala niya nagkakaintindihan na sila ni Mori. Bakit hindi na lang siya ibigay nito kay Travis nang wal

