Halos wala na akong tulog buong araw pero ayos lang naman ako. Hindi naman ako nakaramdam ng panghihina, lalo't hindi ko naman talaga kailangan iyon. Ang pagtulog ay ginagawa ko lang para makakuha ng enerhiya sa palihid o para gumaling ang kung ano mang sugat na mayroon ako, o kaya naman ay pahingahin ang katawan ko at mawala ang pagod. Hindi ibigsabihin na bampira ka ay hindi ka na napapagod. Kapag na sobrahan ay maari ring makasama sa katawan at mas hindi mo na makokontrol ang pagkauhaw mo. Palagi ka na lang uhaw sa dugo. Pag-uwi ko kanina, nagluto na lang ako kaysa matulog pa na alanganin na rin. Mamaya aalis na naman kami papuntang eskwelahan. Pagkatapos kong magluto, pumunta na rin muna ako sa maliit kong opisina at ginawa ang dapat gawin para sa negosyo ko. May binigay din sa aki

