Chapter 21

3558 Words

Pagkaalis ng eroplano ay umuwi na rin agad kami. Plano ko pa sanang dumaan kanila Joahn pero kailangan ko na rin ng pahinga. Hindi pa ako nakabawi ng lakas ko at kailangan ko ito para mabuo ang bond na gagawin ko bukas. Pagdating sa bahay, nakita agad namin sina ina at Craselda na nakaupo sa balkonahe. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng kapatid ko pero si ina ay nakangiti lang. Nang makita nila kami, tumakbo agad si Craselda papalapit sa amin. Pero ang mas malala, kay Aurora agad lumapit at kumunyapit. Ano ba ang pinakain nito sa kapatid ko at bakit parang naging tuko na ito sa kan'ya? Hindi sa ayaw ko kay Aurora, pero kasi baka magkasakitan sila pag nakita na ni Craselda ang totoo niyang kabiyak. "Bakit niyo ko iniwan sa mansyon?" Tanong nito na nakanguso. "Sumunod lang ako kay Lian

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD